Legend of Divine God [Vol 1:...

By GinoongOso

556K 32.3K 1.6K

Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohan... More

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
NOTE

Chapter XI

11.8K 768 33
By GinoongOso

Chapter XI: Competition(2)

"Ika-apat na laban, Matt Marren mula sa Black Tiger Family laban kay Finn Doria mula sa Azure Wood Family!"

Nang muling i-anunsyo ng Outer Elder ang susunod na laban, mayroong walang pakielam ngunit mayroon din namang nagagalak sa paglalaban na ito. Alam naman ng lahat na mayroong nangyayaring gulo sa pagitan ng angkan ng mga Azure Wood at angkan ng mga Black Tiger.

Pero noong napatingin at nalaman nila ang antas ng lakas ni Finn Doria, napangiwi sila.

'7th Level Bronze Rank lang?' sa isip ng karamihan.

"Finn ang lakas ni Matt ay maikukumpara kay Lance. Sa kasalukuyang ikaw, sa tingin ko hindi mo siya kakayanin. Isa pa, ang dalawang yan ay alalay ni Seve kaya naman sigurado akong pahihirapan ka nila." nag-aalalang wika ni Isake sa kaniyang kaibigan. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kakayahan ni Finn ngunit ang lakas sa pagitan ng 7th Level at 8th Level ay hindi basta-basta.

Lahat naman ay nasaksihan kung ano ang nangyari sa laban sa pagitan nina Lance na isang 8th Level at Troy na isang 7th Level. Hindi man lang nagawang sugatan o masaktan ni Troy si Lance, sa halip ay nagtamo pa ito nang malubhang sugat. Habang iniisip ang mga bagay na ito, ang kaninang nagagalak sa paglalaban sa pagitan ng Azure Wood at Black Tiger ay nawalan na ng interes.

Ngumiti naman si Finn kay Isake at nagwika, "'Wag kang mag-alala. Hindi niya ako kaya."

Kung ito ay ang dating Finn Doria, maaaring katakutan niya ang isang 'to o ang kahit sino. Pero hindi na siya ang dating Finn. Malaki na ang pinagbago niya simula noong isalin ni Kurt Bautista lahat ng enerhiyang nasa loob ng kaluluwa niya. Sa ngayon hindi niya kinakatakutan ang kahit sinong nasa Training Field na 'to. Maging ang mga Outer Elder na nasa 8th Level Silver Rank at 9th Level Silver Rank.

Hindi naman alam ni Isake kung maiinis ba siya o matatawa sa sinabi ni Finn. Iniisip niyang malaking kalokohan ang mga salitang binitawan ng binatilyo ngunit napatango na lang siya bilang tugon at pinagmasdan ang kaibigan habang umaakyat sa entablado.

"Miyembro ng Azure Wood Family, ang malas mo naman at ako pa ang nakaharap mo. Sabi ni Boss Seve, kung sino man sa aming tatlo na alagad niya ang makaharap sa'yo ay bibiyayaan niya ng Body Strengthening Potion. At alam mo ba kung ano 'yon?" wika ng matabang binatilyo.

"Malamang hindi kasi nagmula ka lang sa isang ordinaryong angkan HAHAHA." nang-iinis na tawa ng mataba. Para siyang isang baboy na umuungol habang patuloy na inaasar si Finn.

"Hindi ka pa ba tapos? Andito tayo upang maglaban hindi ang makinig sa mga walang kwenta mong sinasabi." kalmado namang sabi ni Finn.

"Hmph." singhal ni Matt at mayabang na nagwika, "Matalas na dila. Mn. Dahil gusto mo nang maghirap, tutuparin ko ang gusto mo. Tatapusin kita sa tatlong atake lang."

"Matt, masyadong mataas ang tingin mo sa kaniya. 'Wag mong kalimutan na tinapos ko ang kalaban ko sa dalawang atake lang." sigaw naman ni Lance mula sa manonood. Katabi nito si Seve at isa pang miyembro ng Black Tiger Family.

Sa kabuuan, apat ang nakapasok sa institusyon na miyembro Black Tiger Family gayon din sa Golden Lion Family. Sila ang mayroong pinakamaraming bilang na nakapasa at nakapasok sa institusyon ngayong taon na hindi na naman bago sa karamihan.

"Hindi ka pa ba susugod? O hindi mo kayang sumugod dahil sa katawan mo?" nang-iinis na wika ni Finn.

Napangiwi naman si Matt dahil sa pang-iinis ni Finn. Agad siyang sumugod papunta sa lugar ni Finn at iniabante niya ang kaniyang kanang kamay at aakmaing hablutin ang braso ni Finn. Hindi pa rin gumagalaw si Finn sa kaniyang kinatatayuan habang kalmadong inaantay ang matabang binatilyo.

"Finn!" nag-aalalang sigaw ni Isake.

Nagtagumpay naman si Matt sa paghablot ng braso ni Finn kaya napangiti ito pero nang papaganahin niya na sana ang kaniyang soulforce para umatake, itinaas ni Finn ang braso niya na hawak ni Matt at parang wala lang na tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak ng matabang binatilyo.

Ngumiti si Finn kay Matt.

PAK!

"Unang atake." malumanay na saad ni Finn.

Nanlaki ang mata ng lahat ng manonood, maging ang mga lumang Outer Student at Outer Elders ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.

Tinanggal ni Finn ang mahigpit na pagkakahawak ng isang 8th Level Bronze Rank at matunog na sinampal ito.

"Paanong...nasa 7th Level lang siya kaya paanong madali niyang natanggal ang pagkakahawak ni Matt?!" tanong ng mga manonood sa kanilang sarili.

"Matt anong ginagawa mo?! Tapusin mo na ang laban!" sigaw ni Seve mula sa manonood.

Agad namang natauhan si Matt at mabilis na umatras patalikod. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawang makawala ni Finn sa kaniyang pagkakahawak. Malinaw siya sa kaniyang sarili na ginamit niya ang kaniyang buong lakas sa pagkakahawak na iyon ngunit madali lang itong natanggal.

"Hmph. Anong nginingiti-ngiti mo?! 'Wag kang masyadong tiwala sa sarili mo. Hinayaan lang kitang atakihin ako dahil baka isipin ng iba na masyado akong marahas at mapang-api." pagsisinungaling ni Matt.

Napabuntong hininga naman ang mga bagong estudyante dahil akala nila ay ibinigay na ni Matt ang buong lakas niya. Pero kung nauuto ni Matt ang ibang adventurers sa Training Field, hindi niya mauuto ang mga lumang Outer Students at mga Outer Elders. Malinaw sa kanila kung gaanong lakas ng ginamit ni Matt.

Sa mga sinabi ni Matt, ngumiti lang si Finn at nagwika, "Oh? Hinayaan mo lang ako na atakihin ka? Salamat kung ganoon nga pero mag-ingat ka dahil ipapantay ko yang pagmumukha mo."

Naglaho naman si Finn sa kintatayuan niya at bigla siyang lumitaw sa harap ni Matt. Muli niyang itinaas ang kaniyang kamay.

PAK!

Muling umalingawngaw ang malutong at matunog na sampal sa entablado. Sa pangalawang sampal na 'yon, pagang-paga na ang mukha ni Matt at tuluyan na siyang maihahalintulad sa baboy. Hindi naman alam ng mga manonood ang kanilang magiging reaksiyon dahil masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nila nakita ang katawan ni Finn na pasugod kay Matt kaya paanong napunta agad ito sa harap ng matabang binatilyo?!

"Pangalawang atake." nakangiting bigkas ni Finn.

"Finn Doria! Anong karapatan mo para saktan at ipahiya ang miyembro ng aming Black Tiger Family?!" sigaw ni Seve.

"Mayroon bang panuntunan ang kompetisyon na bawal kong saktan at ipahiya ang miyembro na nagmula sa iyong angkan?" nagmamaang-maangan na tanong ni Finn kay Seve, "Mga Elder, mayroon po ba?"

"Wala." marahan namang umiling ang mga Elders.

"Kung gayon sino ka para pigilan ako? Hangga't hindi ako pumapatay sa kompetisyong ito, walang masama sa ginagawa ko. Tsaka isa pa, isa sa mga miyembro niyo ay malubhang sinugatan ang isang miyembro ng ordinaryong angkan 'di ba? May narinig ba kayong umangal? Kung gusto niyong matapos na ang laban, pasukuin niyo na ang matabang ito. Tingnan niyo mukhang kaya niya pang lumaban oh." kalmado pa ring saad ni Finn na lalong nagpa-inis sa mga miyembro ng Black Tiger Family.

Totoo namang malubhang sinugatan ni Lance si Troy pero wala namang mali roon dahil parte ito ng kompetisyon.

"Tatandaan ko ito Finn Doria! Walang kwentang Matt, sumuko ka na dahil ipinapahiya mo lang ang buong angkan natin!" sigaw ni Seve.

Nang marinig ito ni Matt magsasalita na sana siya ngunit isang mapuwersang suntok ang tumama sa kaniyang sikmura na nagpatalsik sa kaniya sa labas ng entablado.

"Pangatlong atake." tumingin si Finn kay Seve Marren habang mabagal na sinasabi ang mga salitang ito.

Ito ay malinaw na panghahamon!

"Finn Doria! Susuko na si Matt ngunit bakit mo pa siya inatake?!" galit na galit na sigaw ni Seve.

"Elders, narinig niyo bang sumuko si Matt?" inosenteng tanong ni Finn.

Muling umiling ang mga Outer Elders.

"Akala ko ba ay tatapusin ako ng matabang yun sa tatlong atake lang? Nakakadismaya." dahan-dahang bumababa si Finn sa entablado habang pailing-iling pa.

Napangiwi naman ang mga manonood dahil sa asta ni Finn.

Matapos ianunsyo ng Outer Elder ang pagkapanalo ni Finn. Muli nang nagsimula ang ika-limang laban.

Namangha rin ang lahat dahil nanalo ang miyembrong nagmula sa ordinaryong angkan na si Nyssa Ventus ng Blue Wind Family. Ito ay laban rin sa pagitan ng 7th Level at 8th Level Bronze Rank ngunit nagwagi ang 7th Level na si Nyssa.

Pero hindi katulad ng sa laban ni Finn, hindi ito isang madaling laban dahil nagtamo si Nyssa ng ilang mga galos at sugat sa katawan.

Nagpatuloy naman ang paglalaban hanggang sa matapos ang unang kompetisyon. Nang si Seve na sana ang lalaban ay agad namang sumuko ang kaniyang koponan dahil natakot ito kay Seve Marren na mababakas pa rin ang galit sa kaniyang mukha.

"Finn hindi ako makapaniwalang nanalo sa ganoong paraan! Kaibigan talaga kita HAHAHAHA." masayang tumatawa naman si Isake habang katabi si Finn. Tinapik-tapik pa nito ang balikat ng binatilyo.

"Sinabi ko na sa'yo, hindi niya ako kaya." Nakangiting saad naman ni Finn.

Lahat ay masayang nagkukuwentuhan ng muling umakyat ang Outer Elder sa entablado.

"Makinig kayong lahat. Lahat ng labimpitong nakapasok sa susunod na kompetisyon ay humakbang pauna." utos ng Outer Elder na ginawa naman ng mga nakapasok sa susunod na kompetisyon.

Hinawakan naman ng Outer Elder ang kaniyang singsing at ilang sandali lang ay may limang upuan ang lumantad sa harap ng labimpitong bagong Outer Students.

Ang mga upuang ito ay magkakaiba, may diyamante, ginto, pilak, tanso at kahoy.

"Bawat upuan ay iba't iba ang nirerepresenta. Lahat kayo ay labimpito pero tanging lima lang ang pwedeng umupo sa limang upuan na 'yan. Kailangang ninyong paglabanan ang upuan na 'yan kung gusto niyong makatanggap ng pabuya at kilalaning limang pinakamalalakas na bagong Outer Students!" malakas na paliwanag ng Outer Elder.

Hindi naman agad na umibo ang labimpito dahil nagpapakiramdaman pa sila. Alam nilang kahit na paglabanan nila ang isang upuan, mayroon at mayroon ding hahamon sa kanila upang agawin ng upuang napili nila. Naniniwala sila sa kasabihang, 'Kung gusto mong makuha o makamit ang isang bagay kailangan mayroon kang sapat na lakas upang protektahan ito.'

"Lance, pumunta ka sa gintong upuan at pilitin mong protektahan ito. Gusto kong makita kung sino ang mangangahas na labanan ang ating Black Tiger Family! Shaun, sa'yo naman ang pilak na upuan." saad ni Seve sa 'di kalayuan.

Umabante silang tatlo at umupo sa kani-kanilang napiling upuan. Umupo si Seve sa diyamanteng upuan at nakangiting pinagmasdan ang mga kapwa niya estudyante.

Aabante na sana si Isake upang hamunin si Seve ngunit pinigilan siya ni Finn.

"Ipaubaya mo nalang siya sa akin." kalmadong saad ni Finn.

"Pero--"

"Tatanawin ko itong malaking utang na loob kung ipapaubaya mo siya sa akin. Maaari bang pigilan mo ang lahat ng nagmula sa Black Tiger Family na makakuha ng puwesto?"

Tumango lang si Isake bilang tugon.

Umabante na si Finn at lumapit sa nakaupong si Seve Marren.

"Sa tingin mo ba kwalipikado kang kuhanin ang puwestong 'yan?" nakangiting tanong ni Finn.

"HAHAHAHA. Hinahamon mo ba ako?" natatawang balik na tanong ni Seve.

"Ano sa tingin mo?"

--

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 479K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
705K 48.9K 62
June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
684 228 17
Urban Legends Series | Paperink Imprints A tail in a tale. Mermaids were known as the guardian of the ocean, they were famous by their beautiful face...