Justice One: Revenge For Just...

By psywit

22.1K 359 29

J Series One Nemo debet esse judex in propria causa. More

Disclaimer
Retaliate
2nd Avenge
3rd Avenge
4th Avenge
5th Avenge
6th Avenge

1st Avenge

2.8K 97 23
By psywit

Sa araw araw na pagpasok ko sa paaralang ito, pakiramdam ko ang haba haba ng hallway papunta sa classroom namin. Alam ko sa sarili kong dapat ay masanay na ako ngunit hindi pa talaga – o kaya naman, hindi na talaga.

Mariin kong linunok ang bikig sa aking lalamunan at pilit ko ring tiniis ang tila ba pagikot ng mga organs ko sa tiyan at itinatakwil ata ang lahat ng kinain ko kanina sa agahan.

Hindi ko man tignan ang aking paligid ay alam kong nakasunod ang mata ng mga estudyante na kakarating pa lamang sa paaralang ito.

Hearing them whisper gives me cold hands and feet, and it alerts my whole senses. Pakiramdam ko kasi ay mayroon na namang susungab sa akin mula sa likuran.

The type of people that finds a self-fulfillment and power by hurting those weaker than them.

And in this school, I am aware na nasa weaker group ako ng population or "hierarchy". Sa ilang taong pamamalagi ko sa paaralang ito ay danas na danas ko na kung gaano kalupit ang tadhana at ang sistema sa mga taong walang kalaban laban o mga "charity cases" ika nga nila.

"She has the guts to still go here?" Bulong niya lamang itong sinabi ngunit hindi ko mapigilang mapakinggan dahil nasa tabi ko lamang siya habang umaakyat ako.

"Shh!" Her friend hushed, and in my peripheral vision I saw how she nudge her.

"What? I'm just telling the truth?!" Napalunok ako ng medyo lumakas ang kanyang boses kaya naman ay mas binilisan ko pa ang aking paghakbang.

"She has the audacity to go here, buong school ata ang may ayaw na andito iyan eh?"

Bago pa ako tuluyang makaakyat sa floor ng classroom namin ay naabot pa iyon ng aking pandinig. Mariin na lamang akong napalunok at malalim na lamang akong napabuntong hininga habang nasa tapat na ako ng aking classroom.

Analyzing what she said hurts me but I know she's telling the truth. It just that – truth hurts, I guess.

Pagpasok ng classroom saglit na natigil ang mga kaklase ko sa pag - iingay, pero maya- maya ay bumalik sila sa dati nilang pinaggagawa. Agad akong dumiretso sa kahuli-hulihan na pwesto ng mga upuan sapagkat iyon lamang ang lugar na maari kong upuan kung saan wala akong katabi.

Mag-isa lamang ako sa row na ito hindi dahil kulang ang estudyante ngunit dahil mas ginusto pa ng karamihan na magrequest sa school ng bagong set ng upuan at ilagay sa harap ko kesa sa tumabi sa akin.

Tahimik kong kinuha ang aking libro habang randam ko ang titig ng iba naming kaklase at maya maya pa ay naramdaman kong may tao sa gilid ko. Hindi ako agad nag-angat ng tingin bagkus ay tinignan ko muna ang sapatos na suot nito.

A Prada high-heel chocolate patent leather loafers.

Bago pa man ako mag-angat ng tingin ay naramdaman ko ang pagdaloy ng malagkit at mainit init na likido, kasabay ng pagdausdos nito mula sa aking ulo ay ang noodles – a carbonara. Narinig ko ang kanilang singhanapan ngunit maya maya pa ay narinig ko na ang kanilang pagtawa.

Pakiramdam ko ay may nalasahan akong mapait sa aking bibig habang pinipigilan ko ang pagtulo ng aking mga luha. Ang aking puso ay napakabigat na tila ba dinaganan ng napakalaking bato. Gustuhin ko mang ipagtanggol ang sarili ko ngunit sa sistema ng paaralang ito, alam kong wala akong laban.

"Oh, sayang ng carbonara. Bakit naman kayo nagsasayang ng pagkain?"

Hindi ko mapigilan ang pag-angat ko ng tingin, kasabay ng pagtaas rin ng aking pag-asa na may tutulong na sa akin. Ipinagsawalang bahala ko ang tawanan ng mga tao sa aking paligid sa isiping may tutulong na sa akin, ngunit agad rin itong nawala ng makita ko ang babaeng nasa aking harapan habang may nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

Jennie Hwang.

Mariin akong napalunok at pigil hininga ang aking ginawa ng makita kong ini-angat niya ang kanyang kamay ngunit gano'n na lamang ang panghihina ng buo kong katawan ng inayos niya lamang ang kanyang buhok.

"I don't know where the heck did you get the audacity to stay here and study for free while using our money? Like my gosh, I don't really get the concept of scholarship." She said while acting like she's having the hardest time of her life.

Mariin na lamang akong napalunok habang tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa. Kalaunan ay umingos siya sa akin at kinuha ang microwaveable container sa kaibigan niya at itinapon ito sa aking muka na nakapagpapikit sa akin.

"Why don't you clean that up? Para naman worth it ang pera ng magulang namin sa'yo. You're becoming a boring playmate you know." She said as she leaves with her deadly stare directed on my way before going out of our room.

I silently clear my throat ng marinig ko pa ang malambing niyang boses habang binabati ang aming homeroom teacher. Muli akong huminga ng malalim dahil pakiramdam ko ay nadudurog ang puso ko at tila ba lalabas na nang tuluyan ang lahat ng kinain ko kaninang umaga.

"Miss Aphrodite?"

Nag-aalangan man ay tinignan ko ang aming guro na nasa harapan at nakatingin sa akin – na tila ba normal na lamang sa lahat na makita akong ganito ang ayos.

"Sa tingin ko mas mabuti pang maligo at magpalit ka na muna ng damit." Sabi niya sa malumanay na boses.

Yumuko akong muli at doon ko napansin ang panginginig ng aking kamay kasabay ng pakiramdam na ayaw kong tumayo sa aking kina-uupuan. Tinawag akong muli ng aming guro ngunit wala akong lakas tignan ang kanyang muka na mayroong bahid ng pagkadisgusto habang nakatingin sa akin.

The feeling of being mock through stares is the most degrading thing I always experience in this school.

Muli akong huminga ng malalim ng marinig ko ang muli niyang pagtawag sa akin kaya naman ay tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at dahan dahang kinuha ang aking gamit. All eyes on the room are glued on me but no one even dares to help me in this situation.

"Humawak kayo! Lumilindol!" shouted by one of my classmates.

Hindi ko na mapigilan ang aking luha sa pagtulo ng marinig ko ang malakas na tawanan ng bawat tao sa classroom kasunod ng lintaya na iyon. Hindi ko masikmura na pati ang tawa ng aming guro ay isa sa mga nangingibabaw.

Kahit mahirap at nanlalagkit na ako – pakiramdam ko nga rin ay mayroong lapnos sa aking balat, ay tiniis ko iyon at dali dali na lamang akong pumunta sa comfort room papalayo sa mga tawanang tila ba galing impyerno para sa akin.

Pagkarating ko sa loob ng banyo ay agad akong dumiretso sa isang cubicle, hindi para alisin ang binuhos na pagkain sa akin kundi para isuka ang lahat ng laman ng aking tiyan dahil parang hinahalukay ang tiyan ko sa mga pangyayaring ito.

Habang sumusuka ay pinipilit ko ang aking walang lakas na kamay na punasan ang aking luha na humahalo na sa sauce ng carbonara na nasa aking muka. After puking, I silently sat in the cubicle floor and weep my heart out.

I feel so tired, and worn out. Hindi lang physically pero pati na rin mentally and emotionally. I pitied myself for not doing enough to protect it. I feel like it is my fault because I keep pushing myself to be here.

I just want this to end.

Huminga ako ng malalim at napatingala na lamang sa kulay asul na kalangitan habang inilalagay ang isang ice cube sa isa kong mata na nakapikit – nagbabakasakaling maibsan nito ang pamamaga nang magkaroon ako ng break down sa CR.

Nagpalit na rin ako ng damit at imbes na dumiretso ako sa aming silid-paaralan ay mas pinili ko na lamang na pumunta sa garden na hindi masyado tinatao sa loob ng campus. Buti na lamang ay dala dala ko ang aking gamit kaya naman hindi ko na talaga kailangan bumalik sa room.

Inilabas ko ang aking notebook at libro para habulin ang ididiscuss nila sa loob ng room ngayon. Hindi ko alam kung ilang beses ko ng ginawa ang ganito ngunit mas panatag ang aking loob dahil tanggap kong – the behavior of my classmates and the learning environment is not good and healthy for me.

Aware akong may choice akong lumipat na lamang ng paaralan kesa magtiis dito ngunit hindi ko magawa dahil alam kong may magandang hinaharap ang naghihintay sa akin. Isa pa, kahit lumipat ako ng ibang paaralan alam kong walang kakayahan ang magulang kong tustusan ang papangangailan ko para lamang makapagtapos. But is it worth it?

Maybe yes, or maybe not.

As someone who doesn't have the privilege to attend good school and has a low capacity to even get through the day, what I am experiencing right now is just a little payment for accepting the scholarship offered to me and for my good future.

But do I really deserve this?

Linunok ko ang malaking bikig sa aking lalamunan ng biglang pumasok sa aking isipan ang tanong na iyon. Sa bawat araw na pumapasok ako sa paaralang ito ay hindi ko mapigilang questionin kung nararapat lang ba para sa akin ang trato nila dahil lang sa pera nila ang nagpapa-aral sa akin.

Bahagya akong nagtaka ng makita kong nabasa ang aking libro, pinakiramdaman ko ang paligid kung umuulan ba ngunit hindi naman. Tinignan ko ang yelo na hawak ko ngunit hindi naman iyon ang nakabasa sapagkat nakapaloob ito sa isang maliit at manipis na plastic.

"It's your eyes."

I got startled hearing that baritone and soft voice coming from my back. Nang lumingon ako rito ay nakita ko ang isa sa mga magagandang nilalang sa campus na ito. Ang kanyang muka ay mayroong maliit na ngiti habang mayroon siyang inaabot sa aking panyo.

"You're crying, again." He said and get my free hand to give his handkerchief before walking away.

Habang tinitignan ko ang kanyang likod papalayo ay para bang mayroong mainit na kamay ang humaplos sa aking puso at sa pagkakataong ito ay naramdaman ko na ang pamumuo ng luha sa aking mata.

Maya maya pa ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahagulhol habang nakatingin sa panyo habang ang yelo ay nasa akin pa ring mata. I may be looking funny right now but that is actually in the least of my concern right now.

I'm just glad that not all of the students here have been eaten by their own system and at least one is extending a hand. 

Continue Reading

You'll Also Like

36.8K 2.9K 33
Cyrah Melendez always wants to write stories kung saan pinapatay niya ang bida ng mga iyon. One night, someone called her name and she was surprised...
1.4K 119 25
COMPLETED | UNEDITED A Collaboration Euphony Series Installment 1 of 6 Never in Tessia Hera Tuzon's life that she'll be in love with someone, and tha...
368K 10.7K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
1.6K 364 34
Short story (Epistolary) Because of curiosity, Jin De Villa create an account and enter the fake world, called RPW.