DI KITA CRUSH!!! plus THE SEQ...

By kawang_gawa

2.2M 21.9K 6.5K

no soft copies ^__^ sorry po :) More

1st shot
2nd shot
3rd shot
4th shot
5th shot
FINAL SHOT
a:n/// continuation ^__^
sa kanya.... chapter 1
sa kanya chapter 2
sa kanya.... chapter 3
sa kanya.... chapter 4
sa kanya..... chapter 5
sa kanya..... chapter 6
sa kanya.... chapter 7
sa kanya.... chapter 8
sa kanya.... chapter 9
sa kanya.... chapter 10
sa kanya.... chapter 11
sa kanya.... chapter 12
sa kanya.... chapter 13
sa kanya.... chapter 14
sa kanya.... chapter 15
sa kanya.... chapter 16
sa kanya.... chapter 17
sa kanya....chapter 18
sa kanya.... chapter 19
sa kanya.... chapter 20
sa kanya....chapter 21
sa kanya....chapter 22
sa kanya.... chapter 23
sa kanya.... chapter 24
sa kanya.... chapter 25
sa kanya....chapter 26
sa kanya.... chapter 27
sa kanya....chapter 28
sa kanya.... chapter 29
sa kanya....chapter 31
sa kanya....chapter 32
sa kanya....chapter 33
sa kanya....chapter 34
sa kanya....chapter 35
sa kanya....chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
epilogue

sa kanya....chapter 30

32.1K 290 86
By kawang_gawa

 SORRY SA MATAGL NA UPDATE!! AT SORRY NGAYON PA LANG DAHIL MUKANG WALEY TONG UPDATE KO,,, SALAMAT PO SA MGA NAG COCOMMENT AT VOTE NG STORY NA TO SALAMAT PO TALGA^__^

cHApter 30

gavin's pov

"hindi totoo yan!!! sinungaling ka!!" gustong gusto kong sampalin ung babaeng asa harapan ko dahil sa sinasabi niya samin ni lawrence, hindi ako makapaniwala, o sabihin na natin na hindi talga ako naniniwala, kilala ko si papa at alam kong hindi niya un kayang gawin

"ayun ang totoo, si glen talga ang nag nakaw ng pera, sila ni arnold my pakana lahat pero sinolo ni glen lahat ng pera" tinitigan ko ng masama ung babae sa harapan ko, na kung nakakamatay lang ung tingin malamang kanina pa siya patay, nag sisimula pa lang siyang mag kwento,

"humingi ng tulong si arnold kay glen para mag nakaw sa company dahil si glen ang asa accounting department unti unti niya un nagagawa ng hindi nalalaman ng ibang board members, inutos un ni arnold kay glen dahil matagal ng hindi mahal ng papa mo ang mama mo lawrence" 

"BAWIIN MO YANG SINSABI MO!!! BAWIIN MO YAN!" nag pupumiglas ako sa hawak ni lawrence at gusto ko ng saktan ung babae na bigla na lang dadating dito at mag sasabi samin ng kung ano ano, wala na din akong pakielam kung lahat ng mata nakatingin na sa ginawa ko ng ingay, eh ano ngayon tatay ko na ung sinasalbahe niya sa kwento niyang halata mo nman na imbento lang, kasi kung meron nman kinuha si papa na ganung kalaking halaga di sana mayaman na kami

"umalis ka na, at wag ka ng mag papakita samin" kung muka ba akong baliw ngayon oo siguro ang isasagot niyo dahil iyak ako ng iyak, samantalang ung dalawang kaharap ko normal ung itchura

paul's pov

gustong gusto kong lapitan si gavin habang umiiyak siya at akap ng taong mahal niya, hindi nman sa chismoso ako pero sa di sinasadyang pagkakataon narinig ko ung usapan nila, kahit ako naniniwala na hindi un magagawa ng papa ni gavin, kahit ba halos 3ng taon ko lang silang nakasama alam ko na mabuting tao ung mga magulang ni gavin, kita ko un sa ugali ni gavin

"swerte niya sayo paul" pinilit ko muna pakalmahin ung itchura ko bago ko hinarap si aya, classmate namin siya ni gavin dati, maganda siya, kung tutuusin mas maganda nga siya kay gavin pero kagaya nga ng sinasabi lagi ni gavin, kung nilaan mo ung puso mo sa isang taon, kahit pa makaharap mo ung MAS sa kanya, siya pa din ung makikita mo

"swerte si lawrence sa knya" mahina kong sabi sabay alis sa tinataguan kong puno, mahirap na madalas p anamn gumawa ng eksena tong aya na to at makita kami ni gavin at lawrence, okey na kasi sakin na tinitignan lang si gavin sa malayo, matagal ko nman na tong ginagawa, ayun nga lang asakin na pinamigay ko pa ulit

"bakit ba siya lang nakikita mo? masaya na siya kay rence oh, di mo b anakikita?! tanga ka ba?!" napahinto ako sa pag lalakad ko sa sinabi ni aya, sana lang alam niya na ilang milliong beses ko na yan sinabi sa sarili ko, sa puso ko pero kahit anong gawin ko si gavin pa din ung nakikita ko, pinaraya ko naman na siya bakit kailngan pang my isang epal na babae na ipapamuka sakin ung katangahan na ginagaw ako sa sarili ko ngayon?

"ako na lang paul" aaminin ko nakaramdam ako ng awa para kay aya kahit pa inis na inis ako sa kanya, kala nman kasi niya maloloko niya ako kagaya ng pangloloko niya sa mga kaibigan niya, nag papangap siya na mayaman pero ang totoo mahirap lang sila, ayun kasi ang pinakaayaw ko sa lahat nag papangap, hindi kagaya ni gavin, kahit pa mag muka siyang tang sa harap ng lahat ng tao malabas lang niya ung tunay niyang nararamdaman gagawin niya

"uulitin ko si gavin lang ung mahal ko, siya lang hanggang huli"

kahit pa mag muka akong kontrabida sa buhay ni gavin at lawrence aaminin ko, kahit alam kong sasaya ung taong mahal ko sa happy ending nila ni lawrence, gabi gabi hinhingi ko pa din sa diyos ung araw na lalapit sakin si gavin, para sabihin sakin na ako na ung mahal niya.

lahat nman ata ng nag mamahal kagaya ko mag isip, nagiging makasarili, sana nga alam ng lahat kung gano kasakit sakin ung mahal mo sumama sa iba ng ilang araw, para ako nun nabubuhay sa bangungot, gustuhin ko man gumising pero hindi magawa ng puso ko

"nakakainis ka na! bakit ka ba sunod ng sunod?" naiinis kong sabi kay aya sabay tangal ng kamay niya na nakaangkla sa braso ko, parang hindi babae, habol ng habol ilang beses ko na nga siyang pianapahiya sa mga tao sunod pa din siya ng sunod sakin

"kasi sa lahat ng tao ngayon dito ako lang nakakaintindi sayo" napasmirk ako sa sinabi ni aya, pakiramdam ko kasi kontrabida ang tingin sakin ng lahat, at wala kahit isa sa kanila ang nakakaintindi sakin

"kung ano nararamdaman mo kay gavin na sakit ngayon, ganyan din nararamdaman ko sayo, kasi paul si gavin kay lawrence nakatingin at ikaw umaasa na makita ka niya, parang ako lang nakatingin ka kay gavin, ako iniintay na maikita mo ako"

lawrence pov

gusto kong maniwala kay annie sa lahat ng sinabi niya pero kung maniniwala ako sa kanya paano na si gavin? paano na ung papa niya?, kilala ko naman si papa kahit pa hindi siya ung tunay kong tatay inalagaan niya akong mabuti, siya ung tumayong tatay ko lalo na hindi ko nakilala ung tunay kong tatay, ang alam ko lang sa kanya ung pangalan niya lawrenzo tan, pinakita nman sakin ni mama ung picture niya dati pero hindi na ako nag abala na itago pa un, bakit pa kung iniwan lang nman niya kami

hindi nman ganyan si papa dati, ang alam ko lang dating ampon ni lolo si papa at pinakasal siya kay mama, kaya daw siya nagustuhan ni lolo para kay mama dahil napakabuting tao ni papa, pero ngayon hindi ko mahagilap sa puso ko ung kabutihan na sinasabi ni lolo

"sigurado ka bang okey ka lang mahal ko?" tanong ko kay gavin nung asa tapat na kami ng bahay nila, nag aalala din kasi ako sa knya lalo na hindi magandang balita ung dinala ni annie samin

"mahal ko wag kang bibitiw nakikiusap ako wag" ramdam ko sa boses ni gavin ung pag aalala niya, akala siguro niya na kagaya pa din ako ng dati na laging bumibitiw sa knya, bakit ko nman un gagawin, kung nung mga panahon na wala sakin si gavin para akong pinapatay unti unti

"mahal na mahal kita"

ayan n alang ung sinabi ko kay gavin tapos inakap ko siya ng mahigpit, para maramdaman niya na andito lang ako, hindi ako bibitiw kahit pa anong magyari, andito lang ako sa kanya, kung meron akong bagay na natutunan kay gavin un ung ipaglaban kung ano ung alam mong tama.

nakakatawa ngang isipin na mas ipinaglalaban siya ni paul kaysa ipinaglalaban ko siya, napakswerte ko lang talga na ako ung pinili ni gavin na mahalin, dahil kung hindi? hindi ko na alam kung makakahanap pa ako ng kagaya niya.

"game ka ba?" -_- reaction yan ni gavin nung pinigilan ko siyang pumasok sa bahay nila, naisip ko kasi hindi pa kami ulit nag dadate simula nung nagkahiwalay kami dati, as in ung date talga

"ano ka si kris aquino? bitawan mo na ako at papasok na ako" 

imbis na bitawan k0 ung kmay ni gavin hinatak ko na lang siya papasok sa sasakyan ko, maaga pa nman 8pm madami pa siguro kaming pwedeng puntahan.

enchanted kingdom? >_< sarado!

star city? >_< daming tao!!!

perya? maputik!!! 

"mahal ko 10 pm na san tayo?" kahit pa nakangiti si gavin halata sa boses niya na inaantok na siya, nakakainis nman kasi bakit sa lahat na lang ng pag kakataon laging hindi pwedeng 'maging masaya' kahit simpleng bagay lang hindi ko na mabigay kay gavin? talgang hindi kami sa isat isa?? 

"ok lang ba dito muna tayo?" hindi ko alam kung magugustuhan ni gavin tong lugar na to pero para sakin kasi eto ung pinaka matahimik na lugar, eto ung madalas kong pinupuntahan pag meron akong gustong isipin, 

"baka may multo mahal ko" natawa ko ng marahan nung napahawak si gavin sa braso ko, asa libingan kasi kami ni chichi namatay kong aso, malapit lang to sa bahay, sa likod ng play gound, aaminin ko nakakatakot nga dito kasi nman madilim tapos bakanteng lote pa

"kainin mo muna to bago tayo umuwi" sabi ko sabay abot ng sandwich at tumbler kay gavin

"mahal ko bakit hindi ka nag yes nung tinanong kita kung papakasal ka sakin?" hindi ko alam kung anong nagyayari sakin ngayon pero biglang pumasok sa utak ko na, hindi pala pumayag si gavin na pakasalan ako nung inalok ko siya sa probinsya nila ni trina, inakap ko na lang siya bigala kasi nung nakita kong pumatak ung luha niya, pakiramdam ko kasi nun sa puso ko na nag yeyes na siya

"bakit ako mag yeyes kung matagal ko ng binigay sayo un" 

kahit pla napakapangit ng araw na to para samin ni gavin, bsta mag karoon lang kami ng kahit konting sandali magiging masaya pa din para samin, kaya kahit na anong bagyo ung dumaan samin, hindi pa din ako naniniwala na hindi kami para sa isat isa.

tama nga ako hindi ko na kailngan ung 'yes' na un ni gavin, alam ko nman sa puso niya na sakin lang un, mahal ko siya at alam kong mahal din niya ako, kaya lalaban kami parehas

danica's pov

natataranta akong tumatakbo papunta sa bahay nila gavin, tumwag kasi sakin ung yaya ni gavin na kanina pa nag wawala si tita amanda, kung bakit hindi ko alam, ang alam ko lang ngayon kailangan kong pumunta agad sa bahay nila, lalo na hindi ko macontact si gavin at lawrence

"tita tama na po" tinignan ko ng masama ung yaya ni gavin nung inabutan ko si tita na nag iinum ng alak mag isa, halata mo na lasing na siya pero hindi nman nag wawala, masyado lang atang o.a tong maid nila gavin na to

"di ko na kaya danica" kahit nahihirapan ako pinilit ko pa din patatagin ung paa ko para hindi kami mabuwal ni tita lalo na nakaakap siya sakin ngayon, ramdam ko ung bigat ng katawan niya pero mas nararamdaman ko ung bigat ng kalooban niya ngayon, kahit na bihira kami mag kita ni gavin, alam ko pa din ngyayari sa buhay nila, madalas ko pa din kasing katxt si gavin

"tita matatapos din po lahat" sabi ko habang hinahagod ko ung likod ni tita amanda, at sa tingin ko sa kanya ngayon mukang ilang araw na din siyang walang tulog, kaya nakaramdam ako ng awa sa kanila ni gavin, alam ko kasi na si tito glen lang ung lakas nila pero wala siya ngayon

"dan wala nman talga sa ibang lugar si glen" O_O ako yan

"ano po tita?" pagtataka kong tanong habang si tita amanda nakasubsob lang sa lamesa, pero hindi ko alam biglang bumilis ung tibok ng puso ko, parang meron akong malalaman na kailngan na naman namin itago kay gavin, 

"nakakulong si glen"

"ANONG SABI MO MAMA?!" 

sabay kaming napatingin ni tita amanda kay gavin at lawrence na asa pintuan, 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------whatcha think guys??? di na ako mag aauthors note ng bonggang bonga pls do vote and comment po kasi pag namemental block ako binabasa ko ung mga comments niyo kahit pa puro update lang T__T SALAMAT!!!

Continue Reading

You'll Also Like

2.2K 271 70
Gusto lang naman mag higanti ni ithalia para sa kakambal niya pero.... umiksena si jiel sa buhay niya - -
48.4K 2.4K 39
Obsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to...
850K 40.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
142K 221 21
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂