SAYEH

By Margarita29

70.5K 1.7K 137

Sayeh... ang aking pangalan at ako, ang titikim sayo! More

Una
Pangalawa
Pangatlo
Pang-apat
Panglima
Pang-anim
Pang-pito
Pang-walo
Pang-siyam
Pang-sampu - Ang Alay
Pang labing isa - Ang mga Busaw
Pang labing-dalawa
Pang-labing tatlo
Pang-labing apat
Pang-labing lima
Pang labing pito
Panglabing walo
Ang huling pagtikim
Ang ngiti sa kanyang mga labi
Pasasalamat

Pang-labing anim

2K 64 3
By Margarita29

Lunok..

Lunok...

at isa pang lunok..

Kanina pa niya pinipigilan ang kanyang sarili upang hindi titigan ang bangkay ng ina ni Sayeh na si Alma. Natatakam siya sa itsura ng katawan nito na nakahain sa kanyang harapan. Ilang taon ba siyang nagpigil upang hindi kumain ng bangkay ng tao? Isang daang taon? Napakahaba.

"Natatakam ka ba Salem?" Nakangiting sabi ni Jacinta. Hinawakan nito ang leeg ni Alma saka pinilit ihiwalay sa katawan nito. Nang magtagumpay ay mabilis nitong inilapit sa kanya ang ulo ng kahabag habag na si Alma. "Alam kong natatakam ka na Salem. Sige na tumikim ka na. Hahaha!"

Pilit nitong nilalapit ang bagay na iyon sa kanya. Halos mahalikan na niya ang bibig niyon ngunit hindi pa rin inaalis ni Jacinta ang ulo. Naiinis na siya hindi lang dahil dito kundi dahil na rin sa kanyang sarili. Ayaw na niyang tumikim pa ng ganon ngunit gusto na niyang sakmalin ang ulo ni Alma, dilaan, lasapin saka kakainin ng dahan-dahan.

"Isang daang taon kang nagtiis Salem. Pagkakataon mo na para tumikim ult. Hahaha" Isinara niya ng mahigpit ang kanyang bibig at iniwas ang kanyang tingin. Marahil sa kanyang ginawa ay nainis sa kanya si Jacinta."Ayaw mo huh!" Ibinagsak nito ang ulo at kumuha ng mahabang piraso ng bituka sa katawan ni Alma saka pilit na pinakain sa kanya iyon.

Sumpain ka Jacinta.

Bahagya niyang nalasahan ang pait na dulot ng bituka na iyon ngunit hindi pa rin niya nilulunok ang kabuuan niyon.

Sumpain kang tunay Jacinta!

Sinasabi niya ang mga salitang iyon hindi dahil sa galit kundi dahil nasarapan siya!

Sumpain! Nasarapan siya ng tunay

Pero hindi pwede.. HINDI MAAARI!

Nagbagong buhay na siya. Tiniis niya ang bangkay ng iba't ibang hayop, dahilan upang bahagyang humina ang kanyang kapangyarihan. Sa kabila niyon ay hindi pa rin siya kumain.

Tuluyang nagalit sa kanya si Jacinta.

Itinapon nito ang bitukang hawak saka siya binuhat at inihagis sa pader.

Napapikit siya sa sobrang sakit. Hindi sa pisikal kundi sa kalooban. Masakit mahagis ng isang busaw lalo na sa busaw na dating alipin niya lang. Masakit sa pag-iisip. Nakakababa ng pagkatao.

"Jacinta" Dahan dahan niyang sinipat kung sino ang nagsalita na iyon. Si Rodrigo. May dala-dalang isang malaking bao. Ngunit hindi iyon ang ipinagtataka niya. Mula sa bao ay may tumutulo. Malagkit ang pagkakabagsak niyon sa sahig.

Ano ang likidong iyon?

Mabilis na kinuha iyon ni Jacinta saka inilapag sa harap ng kaawang awang bangkay ni Alma. Saka ito umawit. Isang kahindik hindik na awit na may kakaibang liriko.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

Oh hindi! Ang ritwal na iyon. Hindi maari ito.

Sinusubukan nitong gawin ang ritwal upang dumami ang kanilang lahi. Ang ritwal na matagal nang hindi ginagawa ng makabagong busaw.

"Huwag mong gawin iyan Jacinta." mahina niyang paki-usap rito. Saglit itong tumigil at dahan dahang humarap sa kanya.

"Huwag mong tangkaing salungatin ang aking gagawin Salem. Tandaan mo, hindi na ikaw ang punong busaw. Ako na ang pumalit sa iyo, pagkatapos mong gawin ang kasumpa-sumpang ritwal sa batang si Sayeh!"Asik nito sa kanya at itinuloy ang maitim na balak.

Tama ito. Siya nga ang dating punong busaw. Dati siyang malupit, walang kinatatakutan at handang pumatay para lang mabuhay. Ang tangi lamang niyang iniisip noon ay ang kanyang sarili. Wala nang iba. Wala siyang paki-alam sa gagawin o mangyayari sa mga kapwa busaw niya, kaya ang naging resulta'y kamatayan para sa kanyang mga kalahi.

Sandali lang.. May kakaiba sa ginagawa ni Jacinta.

Napansin niya ang tila kakaibang paraan nito ng pagriritwal. Kadalasang paraan ng pagpaparami ng lahi ay ang pagpapalit ng katawan ng isang yumaong tao para maging isang uri ng hayop. Pagkatapos ay ipapakain sa mga tao. Ngunit hindi iyon ginawa ni Jacinta. Kinuha nito ang laman ng bao saka ipinahid sa katawan ni Alma, pagkatapos ay...

Sinunog nito iyon hanggang sa maging abo. Saka isinilid sa isang bote at ibinigay kay Rodrigo. Nang lumabas ang huli ay muli siyang nagtanong rito.

"Anong.. bin..binabalak mo Jacinta?"

Hindi siya sinagot nito ngunit maya maya'y nakita niyang pumasok si Rodrigo hawak ang isang malaking sako.

"Ibuhos mo na"

Ibinuhos nito ang laman ng sako.

Mga buto.

Katulad sa buto ng isang tao ngunit iba ang mga iyon.

Kakaibang mga buto.

Hindi maaring..

"Buto ni Sayeh.. Hahahaha!" malakas na sigaw ni Jacinta saka ipinagpatuloy ang ritwal.

Hindi maari.. Hindi! Hindi! Ang ritwal na gagawin niya.. Nasisiraan na ba siya ng bait?

"Jacinta! Itigil mo yan. Maaaring ikamatay ng isang tao ang gagawin mo"

"Wala akong paki-alam sa taong iyon Salem.. Si Sayeh lang ang mahalaga. Siya lang at wala ng iba pa"

Tinunaw ni Jacinta ang mga buto ng totoong sayeh saka isinilid kasama ng abo ni Alma, saka ibinigay kay Rodrigo. Nang abutin iyon ng huli ay tumingin sa kanya ng masama saka sinabi ang mga salitang nagpakilabot sa kanya.

Bubuhayin kong muli si Sayeh. Kapag naki alam ka, ako mismo ang papatay sayo at hindi ka na makakabalik pa kahit kelan.

Narinig niyang tumawa si Jacinta. Tiningnan niya ito ng masama saka nagtanong. "Sino ang gagamitin niyo? Si Misty o si Olivia?"

Nakangiting sumagot si Jacinta. "Hulaan mo. Hahahaha"

Sumpain kang Jacinta ka. Sino kaya..

Sino kaya ang gagamitin nila para ipanganak ang bagong Sayeh...

Sino??

Continue Reading

You'll Also Like

56.2K 529 8
You can't win against me,so be mine.=KL Del Fero A GANGSTER/ROMANCE story. Cover by: Agaphita Franco @Soldier- What if your enemy turns into a hero...
Two Girls By soju

Mystery / Thriller

57.3K 1.8K 11
Magkasintahan sina Lauren at Sarah. Hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ang pagkakaparehas nila ng kasarian. Isang lugar na malayo sa pangh...
12.3K 593 58
The Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains...
232K 8.8K 33
#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living in a world where he's completely invisibl...