Se7en Deadly Sins || BTS Fanf...

By kimmikkai

34.4K 2.5K 672

|| BTS Fanfiction || - Slow Update "The Devil is real. And he's not a little red man with horns and a tail. H... More

Se7en Deadly Sins
Prelude
하나: One
돌: Two
셋: Three
넷: Four
다섯: Five
여섯: Six
일곱: Seven
여덟: Eight
아홉: Nine
열: Ten
열하나: Eleven
열돌: Twelve
열셋: Thirteen
열넷:Fourteen
열다섯: Fifteen
열여섯: Sixteen
열일곱: Seventeen
열요덟: Eighteen
열아홉: Nineteen
스물: Twenty
스몰하나: Twenty One
스몰돌: Twenty Two
스몰셋: Twenty Three
스몰넷: Twenty Four
스몰 다섯: Twenty Five
스물여섯: Twenty Six
스물일곱: Twenty Seven
스물여덟: Twenty Eight
스물아홉: Twenty Nine
서른:Thirty
서른하나: Thirty One
서른돌: Thirty Two
서른넷: Thirty Four
서른다섯: Thirty Five
서른여섯: Thirty Six
서른일곱: Thirty seven
서른여덟:Thirty eight
서른아홉: Thirty nine
마흔: Forty
마흔 하나: Forty One
마흔둘: Forty Two
마흔셋:Forty Three
마흔넷: Forty Four
마흔 다섯 :Forty Five
마흔 여섯: Forty Six

서른셋:Thirty Three

403 33 9
By kimmikkai

서른셋:Thirty Three

---

be the girl
who decided
to go for it.

---

«Yoona Im's Point of View»

Hindi na ako lumabas mula sa kitchen hanggang matapos ang shift namin. Hindi na din naman ako pinuntahan nila Jess kaya mas naging okay ako sa sumunod na oras.

"Uuwi na ba tayo?" tanong ko nang pumasok sila sa kitchen.

Tumango naman silang dalawa. "Naisara na namin yung back door. Tara na para di tayo abutan ng curfew." aya sa amin ni Leesa. Inayos ko naman ang mga gamit ko at sumunod na sa kanya.

Lumabas na kami para mailock yung shop. "You should be home by now." Nagulat naman kami sa nagsalita. Bakit nandito pa sila? "Ihahatid na namin kayo." Sehun said to us.

"No need. Kaya na namin to." sagot ni Leesa sa kanya. May tension yata akong naramdaman sa kanilang dalawa ni Sehun. Naunang naglakad si Leesa kaya sumunod na kami.

Nagbow nalang kami sa kanila pero nakita ko na sumusunod sila sa amin. "Hindi ba kayo uuwi?" takang tanong ni Jess.

"Ihahatid muna namin kayo. Gabi na. Sige na, lakad na." sabi pa ni Junmyeon. Wala kaming nagawa kundi ang maglakad. Nasa likod naman namin sila.

"Gaano niyo na sila katagal kilala?" pag open ko ng topic sa dalawa kong kasama. Hindi naman kasi nila nakwento na may kaibigan pala silang ahm, parang mga gangster din. Yung mga ganoong datingan kasi parang gangster? Aish. Basta mahirap ipaliwanag.

"Matagal na. Same elem school tapos nagkaiba kami ng high school." paliwanag ni Jess. "Actually madami yang tropa namin na yan. Ewan ko kung nasaang lupalop yung iba. Mas masaya kung nandito yung mga sira ulo." Mukhang masaya ngang kasama yung mga kaibigan nila. Base pa lang sa tono ni Jess ay masasabi mong masaya na.

"Yeah. Masayang kasama yung mga yun. Pakikilala ka namin minsan." Leesa said with a grin. "Pero pano mo nakilala si Yeoli?"

"Yeoli?" ulit ko sa pangalan na sinabi niya. Sino si Yeoli? 

"Si Chanyeol Park. Yung umakbay sayo kanina." sagot naman ni Jess sa akin. Ah yun pala ang pangalan niya. "Hindi mo alam ang pangalan niya?" natatawang sabi niya.

I nodded. "Hindi ko naman kasi natanong. Halos mamatay na ako sa takot non kaya di ko na naisingit." biro ko naman. Bahagya nila akong binatukan. "Joke lang kasi. Hindi naman din kasi siya nagpakilala."

"Naramdaman mo ba yung spark nung tingnan ka niya?" asar naman ni Jess sa akin. I pointed myself. "May something.."

Agad akong umiling. "Hindi ah. Walang ganon." Mabilis kong sagot sa kanya. Wala naman kasi talaga. At isa pa, mas magiging magulo kung may ganong pangyayari.

Huminto naman kami sa building ng dorm namin. "Dito na kami." sabi ni Leesa sa kasama namin. "Salamat. Ingat kayo." paalam niya.

"Ingat." sabay na sabi namin ni Jess sa kanila.

"Daniel, gabi na. Uwi na." pagtataboy pa ni Jess sa pinsan niya. Nang makaalis sila ay ngumisi sa akin si Jess. "Anong tingin mo sa pinsan ko?"

Napaubo naman ako ng wala  sa oras. "Anong tingin?" I asked her. "Hay nako Jess. Kung anu-ano ang iniisip mo."

"Ang sarap kasing mag-isip." sagot naman niya. Pumasok na nga kami sa building namin. Mabuti nalang at hindi pa curfew dahil malalagot kami pag nahuli kami.

Nang makapag-ayos ay humiga na agad ako sa kama ko. Mukhang napagod yung dalawa dahil bagsak agad sila sa mga higaan nila. Bago ko matulog ay nagdasal muna ako na sana maging okay lahat pati yung mga bago kong tao na nakilala.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng uhaw. Bumangon naman ako para kumuha ng tubig. Hinanap ko yung phone ko. Alas tres palang ng madaling-araw. Mahaba-haba pa ang maitutulog ko.

Kailagan ko palang isoli yung phone na ito kay Kim. Paano ko naman gagawin iyon? Paano ko din kukunin yung phone ko kay Jeon? Hanep na yan.

Nang makakuha na ako ng bottled water ay nabigla ako ng may kumuha nito sa kamay ko. Sisigaw na sana ako pero agad niyang tinakpan ang bibig ko. Kinagat ko naman iyon kaya nabitawan niya ako. "S-Sino ka?" mabilis kong tanong. Ibabato ko sana yung bote pero natigilan ako. "Park Jimin?"

"Kilala mo pala ako." masungit na sabi niya. Ininom niya yung tubig na kinuha ko. "Why are you staring?" masungit na tanong niya sa akin.

I glared at him. "Excuse me? Bakit ka nandito sa kwarto namin?" sabi ko naman sa kanya.

Umiwas siya ng tingin. "None of your fcking business." He replied without looking at me. Talagang pinaninindigan niya yung ugali niya na iyon.

Pumunta naman ako sa pinto ng kwarto namin. "Yeah. Wala akong pakielam kaya makakaalis ka na." sagot ko sa kanya. I saw him sighed. Sumunod naman siya sa sinabi ko. "If you're acting up this way, pwede ba wag niyo na kaming idamay sa trip niyo."

Isasara ko na yung pinto pero pinigil niya. "You don't know anything." may diing sabi niya. He's really serious this time.

Napatawa naman ako dahil sa sagot niya. "Wala akong balak alamin kaya makakaalis ka na." I replied. Isinara ko na yung pintuan at nilock iyon.

Tsk. He's right. I don't know anything about them. Nawala na tuloy ang antok ko dahil sa lalaking iyon. Paano niya nabuksan yung kwarto namin?

Pagbalik ko sa kama ko ay parang may mali. Ginamit ko yung phone para gawing ilaw. "Bakit ka nandito?" para akong tanga na kumakausap sa pusa. Oo yung pusa na alaga ni Kim. Yung may costume na lion.

Nakahiga siya sa kama ko. Wala siyang balak umalis. Naisip ko na baka kasama siya ni Park na pumunta dito. Inayos ko naman siya para kasya kami sa kamang dalawa. "Ang cute mo. Hindi katulad ng amo mo." Hindi ko mapigilang kausapin siya. "Bipolar pa yung amo mo. Napakasungit tsk."

Yinakap ko naman siya dahil nasa teritoryo ko siya kaya wala siyang magagawa. Napakaamo naman niya. Sana ay nagmana man lang kahit 1% yung amo niya.

---

"Yoong.." rinig kong sabi sa akin. I opened my eyes when I heard Leesa's voice. "Mukhang masarap ang tulog niyo?" Lumingon naman ako sa tabi ko. I saw that the cat still sleeping at my bed.

I yawned. "Ahm, oo." sabi ko naman sa kanya. Bumaba yung tingin ko sa mga braso ko. I was really taken a back when I saw my arm. May benda na ito.

"Masakit ba yung ginawa ni Jen?" tanong ni Leesa sa akin. Chineck naman niya yung braso ko. "Mabuti at nabendahan mo yang braso mo."

"Hindi ba ikaw yung naglagay?" balik kong tanong sa kanya. She looked at me the shook her head slightly. "Baka naman si Jess."

"Susme. Mahimbing pa sa dragon kung matulog yun. Tingnan mo at tulog pa din siya." paliwanag niya sa akin. Alangan naman yung pusa yung naglagay ng benda sa akin.

Imposible naman na si Park yung gumawa nito. Tanda ko na nilock ko yung kwarto namin para walang makapasok. "Oy Yoona!" Nagulat ako sa sigaw ni Leesa. Napaharap naman ako sa kanya. "Kanina ka pa tulala dyan. Baka naman binisita ka ng guardian angel mo kagabi."

"Nagpunta si Park dito kagabi." kwento ko sa kanya. Hinintay niya yung sumunod na kwento ko kaya nagpatuloy na ako. "Ahm, nakiinom ng tubig. Talagang 3 am pa siya nagpakita."

"Pumunta siya dito?" takang tanong niya. "Wala ba silang tubig sa kanila?" pahabol pa niyang tanong.

"Sinungitan pa ako kanina. Siya na nga itong nakiinom sa atin." I pointed out. "I clearly remembered that I locked our door. Kaya imposible na siya yung gumawa nito."

"Oy anong chismis." bungad sa amin ni Jess. Mukhang kakagising lamang niya. Dala-dala pa niya yung unan niya. "Make kwento. Teka, bakit nandito yung pusa ni Taehyung?"

Nagkibit-balikat na lamang kami. Hindi ko din alam kung paano siya napunta dito sa kama ko. Naghanda na nga kami papasok. Pinakain ko na din yung pusa dahil baka isipin nitong pusa ay ang sungit ko din.

Gaya ng dati ay inilagay ko siya sa backpack ko. Nakalabas yung ulo niya. "Wow, ang cute mo." sabi ni Jess sa pusa habang palakad kami palabas ng dorm namin.

Isang meow lang ang sinagot niya. Habang naglalakad ay nakatingin yung iba sa amin. Yung iba siguro ay naweirduhan dahil may dala kaming pusa.

"Nakita mo na ba yung groupings?" pamaya-mayang tanong ni Leesa sa akin. Nakatambay kami sa room. Agad akong umiling. "Sabi na nga ba."

"Bakit, anong meron?" I asked her. She's really grinning from ear to ear. Nakaita ko na yung mga ngiti na iyon. "Magkagrupo tayong tatlo?" masayang tanong ko sa kanya.

She nodded. Napayakap pa nga ako sa kanya. Yes! Mabuti nalang at kagrupo ko siya at Jess. "Hindi lang naman tayo yung magkagroup." sabi ni Jess nang makalapit siya  sa amin. "Heto yung list." Binigay naman yung papel na hawak niya.

I looked at the paper. Halos malukot ko na iyon dahil sa inis. Of all people! Talagang kumpleto silang pito.

"Ayokong maging makasalanan." naiiling na sabi ko. Goodluck nalang talaga sa amin. I don't know if I can make it alive.

---

Author's Note:

Hello lovely readers! I hope you are doing well today. Happy new year lovelies! Let's make this year a great one.

I would like to thank you for supporting me in this story! Malayo layo na din ang narating natin.

PS. Belated HAPPY Birthday to my alien. Loving you from afar. I purple you. 보라해. 💜

Laters XX

Continue Reading

You'll Also Like

27.4K 1.8K 35
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
2M 45.8K 53
Iiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" ...
133K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
13K 98 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...