The Jerk is a Ghost

By april_avery

13.6M 607K 135K

Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay... More

The Jerk is a Ghost
The Jerk: One
The Jerk: Two
The Jerk: Four
The Jerk: Five
The Jerk: Six
The Jerk: Seven
The Jerk: Eight
The Jerk: Nine
The Jerk: Ten
The Jerk: Eleven
The Jerk: Twelve
The Jerk: Thirteen
The Jerk: Fourteen
The Jerk: Fifteen
The Jerk: Sixteen
The Jerk: Seventeen
The Jerk: Eighteen
The Jerk: Nineteen
The Jerk: Twenty
The Jerk: Twenty One
The Jerk: Twenty Two
The Jerk: Twenty Three
The Jerk: Twenty Four
The Jerk: Twenty Five
The Jerk: Twenty Six
The Jerk: Twenty Seven
The Jerk: Twenty Eight
The Jerk: Twenty Nine
The Jerk: Epilogue
The Jerk: Special Chapter

The Jerk: Three

426K 19.3K 2.4K
By april_avery



Three,

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa ibaba. Ramdam ko ang init at liwanag na pumapasok sa kwarto ko mula sa glass door ng terrace. I rolled on the surface of my bed to face my alarm clock. Almost nine thirty na ng umaga. I groaned sleepily at bumalik sa pagkakahiga.

Then it hit me. Napaupo ako sa kama. Bigla kong naalala ang mga nangyari noong madaling araw. Mabilis akong bumangon at tinali ang walang kasing gulo kong buhok sa isang bun. Nagbihis ako at lumabas ng kwarto.

Nang bumaba ako nadaanan ko ang kapatid kong si Daniel na naglalaro sa labas kasama ang aso naming si Nacho. Binati ko siya at dumerecho sa kusina. Nadatnan ko doon si Mama na naghuhugas ng pinagkainan at nandoon din si Dad?

Umupo ako sa katapat na kitchen chair at nag salin ng orange juice sa baso. "Dad? Wala ka bang work ngayon?"

He raised his head from the local newspaper he's reading. "Mamayang hapon pa ako pupunta sa office anak." sagot nito saka uminom ng kape.

"Kumain ka na, sweetie." sabi ni Mama. Tumango ako at naglagay ng ham, scrambled egg, at fried rice sa platong nasa mesa.

Kumain ako ng tahimik hangang sa nakita ko ang isang article sa newpaper na binabasa ni Dad.

"Dad." bigla kong sabi na maging si Mama natigil sa ginagawa. "Yan na ba yung nangyari kagabi?" turo ko dyaryo.

Nakalagay doon: Students from two local school involve in a drag racing accident. Nalunok ko bigla ang kinakain ko.

"Wala pang masyadong detalye, anak. Halos ilang oras lang ito nangyari. Pero nagawa nilang isama sa issue ngayong umaga." sagot niya.

"Mabuti nalang at hindi mo naisipang pumunta sa lugar na yun, sweetie. I heard there are a few casualties. Baka mamatay ako sa sama ng loob kapag nadatnan kita sa police station."

Muntik akong mabilaukan. Pati si Dad napangiti.

Alam niyang imposibleng mangyari ang bagay na yun. Pumasok nga lang sa school na hindi nakagawa ng homework pakiramdam ko magkakasakit na ako, ang manuod pa kaya sa isang illegal drag racing sa gitna ng gabi.

Matapos kong kumain sinabi ni Mama na tingnan ko si Daniel sa bakuran. Nang lumabas ako nakita ko si Daniel na kasama parin si Nacho.

"Hey, Danny." bati ko sa five year old kong kapatid na seryosong naglalaro sa sandbox sa gitna ng bakuran.

"Hey, sweetheart." bati ko sa Saint Bernard na aso na sumalubong sa akin. Iwinagayway nito ang mabalahibong buntot.

"Ate?" tanong ni Danny. Tumigil ito sa ginagawa niya at lumapit sa nakaupong aso. Halos magkasing laki lang sila. Nacho is quite a large dog.

"Sabi ni Lala, umalis kayo kagabi. Saan kayo pumunta?" Daniel's bright eyes are full of innocent curiosity.

Si Lala ay ang matandang kapitbahay namin. Mag isa siyang nakatira sa katabing bahay at kada weekend dinadalaw siya ng anak niya at apo niya. Siya ang pinag bantay namin kay Daniel kagabi.

Hindi naman naging malaking abala ito sa kanya. She is an early riser. Eksaktong alas kwatro ng umaga siya nagigising araw araw. Kaya sinuman sa malapit ay hindi na nagtataka kung may naririnig na nagwawalis ng bakuran ng ganun kaaga.

"Bumili kami ng paborito mong cereal." sabi ko. "Hindi ba sabi mo kahapon wala ka ng rainbow flakes kaya bumili kami para pagising mo meron na."

Ngumiti ako ng malapad. Paano ko ba sasabihin ang totoong nangyari sa isang five years old?

Nawala ang kunot sa maliit niyang noo at napalitan ng pout. "Sabi ni Mama pinadala yun ni Buzz Lightyear." tila nag re-reklamong sabi niya.

Binitawan niya ang mga laruang dala niya saka hinila si Nacho papasok sa bahay. "Mama." narinig kong tawag niya mula sa loob.

Bumuntong hininga ako at umupo sa lawn chair. Pinagmasdan ko ang maliwanag na paligid. Naalala ko si Mindy. Kamusta na kaya siya? Nakatulog kaya siya ng maayos?

I remembered the phone call where Mindy mentioned that someone probably died. My stomach started to churn uncomfortably. Totoo kaya yun? Sino naman kaya?





















Bandang tanghali nang dumating si Mrs. Melany at Mindy sa bahay. Nakasuot ng maayos na damit si Mrs. Melany na para bang makikipag meeting. Si Mindy naman halata mong hindi nakatulog buong gabi.

Nagsalo kami sa tanghalian. Walang ka ide-ideya si Mrs. Melany sa nangyari kagabi. That makes things really awkward. Hindi niya alam kung bakit siya nandito sa bahay. Ang akala niya isa sa amin ang may birthday. Sabi ni Mindy muntik na siyang bumili ng regalo bago sila pumunta sa bahay. Buti napigilan niya.

We are nearly finished with the dessert when Dad cleared his throat in a business like manner. Mindy played with her fingers in her lap. Hinawakan ko ang kamay niya with a reassuring smile.

"Melany." my Dad started. "Alam mo bang may nangyaring drag racing ng mga high school students kagabi."

Tumigil siya sa pagkain ng mango float. "Really?" she asked, unconcerned.

My Dad turned to Mindy then nod. That is the sign. Sasabihin na niya ang nangyari sa harap naming lahat.

"Ma, ano kasi." Mindy started nervously.

Deep inside I don't think it's necessary to be this formal but considering nadamay na rin lang kaming lahat, and Dad, being his formal and logistic self, mas mabuti na siguro ito para isang beses lang kailangang sabihin ang lahat.

Huminga ng malalim si Mindy. "Nandoon ako sa lugar na yun at nagkaroon ng aksidente, dumating ang ambulansya kasama ang mga police at hinuli kaming lahat." tuloy tuloy na sabi niya. No wonder kailangan niyang huminga ng malalim.

Tuluyan ng hindi nakapag salita si Mrs. Gonzales. "Ma, sorry." dagdag ni Mindy. "Hindi ko alam na mangyayari ang ganun, promise."

Mrs. Gonzales' mouth open, the close again. Gusto niyang magsalita pero walang lumabas na kahit ano sa bibig niya. She just stared at everyone in shock. This is not good.

"Melany, sinundo namin ang anak mo sa police station." si Mama ang nagsalita. "Though naiuwi namin siya agad meron paring records doon na kasama siya sa nangyari. We just want you know how to fix it kaya pinapunta ka namin dito."

"I-Is that so?" Tila wala sa sarili na tanong ni Mrs. Gonzales. Humigpit ang hawak sa akin ni Mindy nang mapatingin sa kanya ang Mama niya. "Tell me everything that happened."





























Halos isang oras ang discussion sa nangyari. There are times that I thought Mrs. Melany would faint. Meron naman na halos maiyak si Mindy.

Ayun sa kwento niya ala una ang usapan ng race, kaya lang hindi nakarating agad ang mga kasali. One thirty nang nag decide sila na mag trial muna habang naghihintay. Doon palang daw alam nilang may mali na sa isang kotse.

Eksaktong two o'clock nakompleto sila. Nagkaroon pa ng ilang paghahanda bago nagsimula ang race. Ilang laps din ang kailangan nilang tapusin. Tumagal ang race ng fifteen minutes bago nangyari ang accident.

Pumutok ang gulong ng isang sasakyan. Tumama ito sa dalawa pang sasakyan na kasabay niya. Bumanga sila sa poste ng ilaw. Doon na huminto ang dalawang kotse. Nawasak ang harapan ng mga ito. Ang isang kotse nagpatuloy na tumilapon hangang sa tumama ito sa concrete barrier at tumaob.

Hindi ko maiwasang mangilabot habang sinabi lahat ito ni Mindy. Naiyak na siya nang tuluyan nang ikwento ang mga sumunod na nangyari. Nagsisigaw ang mga tao. Everyone rushed to the scene. Natigil ang karera.

There were cries of horror everywhere. It was a catastrophy. May sumisigaw na tumawag sila ng ambulansya. May mga umiyak. Hindi nila alam ang gagawin. Dumating ang ambulansya makalipas ang ilang minuto. And in that moment it hit them all. Malalaman ng lahat ang nangyari.

Nagkagulo. Lalo na nang sundan ang tunog ng ambulance ng tunog ng police car. Lahat gustong umalis sa lugar. Yung mga taong pumunta ng by groups iniwan ang mga kasama nila. Pero wala ng masyadong oras para tumakas sa pangyayari. Halos lahat sila nahuli at pinunta sa police station.



























Pagkatapos mag kwento ni Mindy hindi parin naging maayos ang expression ni Mrs. Gonzales. Pinapunta kami ni Mama sa labas dahil pag usapan na nila ang mga legal actions na kailangang gawin. Mindy and I just turned eighteen three months ago. And this is one of the consequences of being an adult.

Pumunta kami sa kwarto ko. Mindy sat nervously in my bed. "Akala ko okay na kagabi. Meron palang ganito." sabi niya.

I nodded. Having a lawyer parent opens me to these kinds of things kaya halos expected ko na ito. Binuksan ko ang glass door ng terrace para papasukin ang natural na hangin mula sa labas. Bigla kaming natahimik. Mukhang hindi ko muna makikita ang masiglang si Mindy sa mga susunod na araw.

"Delia, may hindi pa ako sinasabi sayo." bigla siyang nagsalita nang maupo ako sa harap ng baby piano na nasa kwarto ko.

"A-Ano yun?" I asked nervously.

"Alam mo yung sinabi ko kagabi? Yung may namatay pero hindi ko alam kung sino?"

I nodded. A weird feeling erupted from the pits of my stomach.

"Naalala ko na." sabi niya na may halong takot at pagsisisi sa boses.

"S-Sino?"



"Si Ashton Montecillo."

***

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 73.5K 56
An angel was sent to Earth to protect Violet from evil forces. Unknown to them, it was his wings they were after. ...
874K 69.5K 76
An Epistolary Thriller ✉ | Steven is ecstatic when Celestine Elora, the dreamy new girl in town, agrees to go out with him. He thinks he's finally li...
2.2M 116K 41
POLARIS BOOK 2 Akala ni Xiang Serenity ay tapos na ang lahat simula nang matalo nila ang hari ng kasamaan ngunit ang hindi niya inaasahan ay may bago...
1.9K 166 9
PAHINUMDOM: Bisaya ray makasabot ani nga tula. Kung dili ka bisaya, palihog pahawa. Basig masunggo lang ka sa mga storya nga hastang laloma. Lawom pa...