Grims Do Fall In Love (Publis...

By JoeBeniza

671K 23.6K 9.7K

Grim Reaper Series #1 (Story Completed) Si Van Kyle Chua ay isang lalaking "happy-go-lucky" at kung magpalit... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
Extra

Chapter 20

13.1K 543 745
By JoeBeniza

Saydie


SUMAPIT ang sunod na araw at dumating ang gabi. Pumunta kami ni Van sa tinatawag niyang salon bago ang party. Nakaupo ako sa harap ng salamin at may dalawang babae na nag-aasikaso sa akin. Ang isa ay inaayos ang buhok ko at ang isa naman, nilalagyan ako sa mukha ng tila war paint pero hindi kulay-itim. Sa halip ay pinagmumukha ninyong bahagyang mapula ang aking mga pisngi. Suot ko na ang costume na binili ni Van para sa akin kagabi. Isang kulay-puting damit na makintab. Hapit na hapit ito sa katawan ko at tatlong pulgada ang ikli mula sa mga tuhod ko.

"Girls, ano na? Hindi pa ba kayo tapos? Naghihintay na si Sir sa labas." Lumapit sa amin ang isang lalaki na babae kung kumilos.

"Malapit na po, Madam," sagot naman ng babaeng nag-aayos ng buhok ko.

"Okay, chop-chop! Hurry up!"

Kumekembot na umalis ang lalaki. Nagpatuloy ang dalawang babaeng sa pag-aayos sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas... "Charan!"

Nanlaki ang mga mata ko nang iharap nila ako sa salamin. Mahaba na ang buhok ko na hanggang dibdib. At may kakaibang kintab ang mukha ko.

"Wow! Ma'am, sobrang ganda ninyo po talaga. Ang sarap ninyong ayusan," sabi ng isa sa mga babae.

"Oo nga, Ma'am. Sobrang bumagay sa inyo ang outfit ninyo, saka ang makeup na ginawa ko," dagdag pa ninyong isang babae.

Napangiti naman ako at bahagyang nag-init ang mga pisngi. Hindi ako sanay sa hitsura ko pero kung para sa mga tao okay ito, then I like it too. "P-paano humaba ang buhok ko?" tanong ko.

"Naglagay po kami ng hair extension, Ma'am. Basta huwag ninyo po siyang suklayin masyado para hindi matanggal."

"Tayo ka na po, Ma'am, para mailagay na natin 'yong wings mo."

"Wings?" ulit ko pero tumayo naman ako.

Isinabit nila sa likod ko ang isang matulis na pakpak na katulad ng sa insekto. Pero hindi ko naman naigagalaw. What is it for anyway? Humans are really weird.

"Tapos na po, Ma'am. Mukha na po talaga kayong fairy," sabi ng babae. "Punta na po kayo sa lobby nandoon na po si Sir."

Pagdating ko sa lobby, may nakita akong isang malaking ice cream pero mukhang hindi totoo at tila isang malambot na kasuotan lang dahil may nakalitaw na mga binti at braso. Nang humarap ito sa akin, nakita ko ang mukha ni Van.

"S-Saydie?" Natulala siya habang nakatitig sa akin. Bahagya pang umawang ang kanyang bibig.

"What?"

"You look... gorgeous."

Nag-init ang mga pisngi ko at tila hindi ko siya matingnan nang deretso. Anong klaseng pakiramdam ito? Bakit parang natataranta ako habang tinititigan niya ako at nagugustuhan ko iyon?

"Wow," dinig kong bulong pa niya.

Napangiti ako nang bahagya. Parang gusto kong ngumiti nang mas maluwang pero gusto ko rin iyong pigilan. This feeling... it's really weird.

"Um... how about me? How do I look?" tanong niya.

Napatingin ako sa kanya. "You look like an idiot."

Nasapo niya ang mukha. "Jeez! Sabi ko na mukha akong ewan."

Hindi ko na napigilang ngumiti nang maluwang. Tiningnan kong mabuti ang suot niya at na-curious akong hawakan ito. Lumapit ako at hinimas ang ice cream sa itaas ng ulo niya. "Don't worry. You look delicious," sabi ko.

Natawa siya at umiling-iling. "Ibang klase ka talaga, Saydie! Pero thank you! But don't tell anyone that they're delicious, okay? Baka iba ang isipin nila."

"Bakit naman?"

"Believe me. Just don't."

"Fine."

"Let's go?"

Tumango ako at lumabas na kami ng salon. Sumakay kami sa isang sasakyan na inupahan daw niya dahil hindi niya kayang magmaneho sa suot. Tama siya. Sa laki nga ng suot niya, halos hindi siya nagkasya sa sasakyan. Nakakatawa ang hitsura niyang hirap na hirap sumakay sa kotse.


MALAKAS na tugtugin, maraming tao na iba-iba ang kasuotan para magmukha silang nakakatakot. Pero para sa akin, nakakatawa sila. The party was held in a mansion. Isang babae ang sumalubong sa amin sa pinto. Pula ang kanyang mga mata, may pangil siya, at may mga bakas ng dugo ang kasuotan niyang puti.

"Hello, Van! Good to see you again!"

"Roanne! It's nice to see you," sagot ni Van. Pinagdikit nila ang mga pisngi at nagyakap pero hindi naman nagdikit ang mga katawan nila.

"What the hell? Of all the costumes... I never expected na ice cream ang pipiliin ng legendary Van Kyle Chua," sabi ninyong Roanne, saka tumawa.

"Ha-ha-ha. Mahabang kuwento. By the way... this is Saydie," pakilala ni Van sa akin.

Bumaling sa akin si Roanne at kumaway nang marahan. "Hi, Saydie!"

"Saydie, this is Roanne. Childhood friend ko," sabi pa ni Van.

Tiningnan ko lang si Roanne pero bigla akong binulungan ni Van. "Mag-smile ka naman."

Ngumiti naman ako at ngumiti rin pabalik si Roanne.

"Pasok na kayo. We're about to start the party," sabi niya at pumasok na kami sa loob.

The place was filled with fake spider webs, skulls, bones, bats, and pumpkin with faces. May mga ilaw na iba't iba ang kulay na tila galaw nang galaw. Ang ibang mga tao ay galaw rin nang galaw na tila sumasabay sa tugtog. Ang iba naman, may mga bitbit na inumin at nakikipag-usap sa kapwa.

"Chua boy?"

Napalingon si Van at ganoon din ako. Tumambad sa amin si Kobe. Kulay-berde ang kanyang balat at may tainga siya na parang isang maliit na torotot.

"What the hell?" Itinuro ni Kobe si Van at tumawa nang malakas. "Bakit ice cream? Mukhang kang kengkoy!" Patuloy siya sa pagtawa at napahawak pa sa tiyan.

"Ah, gano'n, ha?" Mukhang nainis si Van na niyuko ang sarili kaya tumama sa mukha ni Kobe ang ice cream sa ulo niya.

Natawa naman ako sa kanila. "You look ugly, Kobe."

"Wow! Oo alam ko, Saydie! Huwag mo nang ipagdiinan," sagot ni Kobe pero bigla siyang natigilan nang mapatingin sa akin. "Wow, Saydie. Ikaw ba talaga si Saydie? Where's the gothic look?" tanong niya na tinitigan ako pababa at paitaas.

"Hoy, kalbo! Iyong mga mata mo baka kung saan na tumitingin, ah,"singit ni Van at tinapik si Kobe sa balikat.

"You can't blame me, Van. Ang ganda kaya ni Saydie, lalo na ngayon. Bagay na bagay sa kanya 'yong costume niya. Are you a fairy tonight?"

Napangiti ako sa sinabi ni Kobe. Ang dami nang pumupuri sa akin at ang sarap sa pakiramdam.

"Sa 'yo din naman bagay, ah," singit ni Van at tumawa siya. "Bakit kasi Shrek ang napili mong costume?"

"Ikaw kaya nag-suggest nito," giit ni Kobe.

"Anong ako? Binibiro lang kaya kita. Sineryoso mo naman," katwiran naman ni Van.

"Eh, ikaw? Bakit mo naman naisip na ice cream ang costume mo? Pinagtatawanan ka kaya ng mga tao," tanong ni Kobe kay Van.

"It's Saydie's idea so I don't care about them."

Nagpatuloy ang kuwentuhan at biruan nila. Iginala ko ang tingin sa paligid. Nakangiti ang lahat ng tao at mukhang nagkakasiyahan. Pero napansin ko na halos lahat sila ay may hawak na kulay-pulang inumin.

"Van..." Kinalabit ko siya at itinuro ang inumin. "What are they drinking? Can you get one for me?"

"Wait... I think that's liquor," sagot niya at bumaling kay Kobe. "Kobe, what's the drink for tonight?"

"Mixed vodka, bro. I think clear soda, saka strawberry juice ang halo."

Muling bumaling sa akin si Van. "Um... Saydie, that's liquor. It's tasty but too much of it might make you feel dizzy and do things out of control."

"C'mon, Van. Patikimin mo si Saydie kahit isang baso lang. Hindi naman siya malalasing agad," singit ni Kobe.

Napatingin sila sa akin. "Gusto mo ba, Saydie?" tanong ni Van.

Tumango ako. Humans were very fond of it. I needed to see why.

"Okay. Pero isang baso lang, ah," sabi ni Van. "Wait here." At iniwan niya kami ni Kobe.

"Wow! Puwede naman niya akong utusan pero siya ang kumuha. Saydie, mukhang napatino mo talaga ang kaibigan ko, ah," sabi ni Kobe. "How did you make him wear an ice cream costume?"

"I told him that I love ice cream," sagot ko.

Mukhang hindi makapaniwala si Kobe. "T-talaga? Dahil doon? Tell me, Saydie... may sinabi na ba si Van sa 'yo na parang hindi pa niya nasasabi sa iba? Like you know, the three words."

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya pero inalala ko nang mabuti ang mga sinabi ni Van sa akin. Then I came up with something as I remembered the time when he said he accepted his fate. "He said he's willing to die."

Pumalakpak si Kobe nang dalawang beses na may kasamang pag-iling. "Anak ng! Iba na 'to! Grabe! Mayro'ng he's willing to die for you drama na. Mukhang nasabi na nga ng kaibigan ko finally ang salitang—"

"Good evening, ladies and gentlemen!"

Nabaling ang atensiyon namin sa maliit na entablado kung saan hawak ni Roanne ang mikropono. Humina ang musika sa paligid. Tumapat sa kanya ang karamihan ng mga ilaw.

"Or should I say spooky people?"

Naghiyawan ang mga tao at ang iba, itinaas pa ang kanilang mga baso.

"Tonight, we're gonna celebrate Halloween with a wild, wild party! To start, let's all hit the dance floor together with the music from.... DJ Frankenstein!!"

Muling naghiyawan ang mga tao at nagtipon-tipon ang karamihan sa gitna kasabay ng muling paglakas ng musika. Mabilis at kakatwa ang tunog. Sakto naman na kababalik lang ni Van at iniabot niya sa akin ang isang baso.

"Here's your drink, Saydie."

"Van! I'm so proud of you, bro," singit ni Kobe at bigla niyang niyakap si Van at tinapik-tapik sa likod. Kumunot ang noo ni Van pero agad bumitaw si Kobe. "Maiwan ko muna kayong dalawa dito. Mamimingwit muna ako ng chicks sa dance floor."

Ngumiti naman si Van at pinalo niya si Kobe sa balikat. "Wow, pogi mo, ah. Sige doon ka na. Mamingwit ka na ng tilapia."

Inangat ni Kobe ang gitnang daliri kay Van at inilabas ang dila habang naglalakad palayo. Tumalikod siya at pumunta sa mga tao na galaw nang galaw.

"Ano'ng sinabi sa 'yo ng monkey na 'yon?"

"Nonsense stuff," sagot ko, saka tiningnan ang basong may laman na kulay-pulang likido.

"Teka, Saydie. Kaunti lang ang inumin mo, ah. Tikman mo lang muna. Baka kasi hindi mo gusto ang lasa," payo ni Van.

Ginawa ko naman ang payo niya. Iniangat ko ang baso at inilapit sa bibig ko. Dahan-dahan kong itinagilid ang baso at nang maramdaman ang likido sa mga labi ko, mabilis kong inilayo ang baso. Tinikman ko ang lasa ng likido. Matamis iyon pero matapang ang amoy. At nang lagukin ko na, gumuhit ang init sa lalamunan ko at hindi kaaya-aya ang lasa. Inilabas ko ang dila ko at agad na inilayo ang baso. "Ang pangit ng lasa!"

Tumawa si Van. "Sabi sa 'yo, eh. Sa una lang 'yan ganyan at magugustuhan mo rin sa bawat inom. Pero mas mabuti nang hindi mo 'yan kahiligan dahil masama nga ang epekto."

"Then why do humans drink this?"

"Um... kasi nakakawala ng hiya para sa pagpa-party?" kibit-balikat niyang sagot. "I used to be addicted with that, too, pero parang ayoko na simula ngayon."

"That doesn't make any sense," sagot ko at initsa sa likuran ang hindi kanais-nais na inumin.

"What the—"

Biglang nag-panic si Van. Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at itinapat ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw. Naramdaman ko pang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at bumilis ang tibok ng puso ko.

"W-what are you doing?" nauutal kong tanong.

"Just stay still," bulong niya habang nakatingin sa mga mata ko. Tila iyon ang dahilan kung bakit parang ayaw kong gumalaw.

"Puta naman, o! Sino'ng nambato ng baso?!" dinig kong galit na sigaw ng isang lalaki sa likod.

Oh... I think I did that. Is that why Van is holding me like this? To hide me?

"Mukhang ang basagulerong si Bruno pa 'yong tinamaan ng baso mo, Saydie. Bakit mo kasi itinapon?" bulong ni Van. "Magwawala 'yon 'pag nakita niyang ikaw 'yon."

Nagkibit-balikat lang ako. I thought I saw a movie where it was done and everyone laughed. But it seemed that it was bad doing it in real life.

"Just stay still, okay? Malaking gulo 'pag nabisto tayo," bulong uli ni Van.

Sinunod ko siya at hindi kami gumalaw. Nanatili siyang nakatitig sa akin at ganoon din ako sa kanya. At sa tagal niyon, parang naglaho na ang mga nakapaligid sa amin at kami lang ang natira. Higit pa doon, parang sa lakas ng pagtibok ng puso ko, dinig na dinig ko ito. Ano'ng nangyayari? Bakit parang naging kaaya-aya sa paningin ko ang mukha niya? At bakit parang nawawala ako sa sarili?

Bigla akong natauhan nang may tumunog sa paligid na para bang busina ng sasakyan pero nanatili si Van na hawak ang mga pisngi ko at nakatingin sa akin.

"Hey, ya'll, party people! Let's give more groove and bust a move to this next song... 'One Kiss' by Calvin Harris and Dua Lipa!" Umalingawngaw ang boses ng isang lalaki sa buong paligid.

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Ang mga tao sa likuran ni Van ay tila ba nagkagulo at nagkatulakan. Hanggang sa...

Biglang napabitaw si Van sa pagkakahawak sa pisngi ko kaya biglang lumapit ang mukha niya sa akin. Sa isang iglap, dumikit sa akin ang ilong niya at ang mga labi ko ay dumampi sa kanyang mga labi.

Sa puntong iyon, tila lalo akong hindi nakagalaw at nanlaki ang mga mata ko. Ang lambot ng mga labi niya at dama ko ang init na nagmumula doon. Para bang pumunta ang lahat ng pakiramdam ko sa mga labi ko. What's going on? I saw this in one of the movies I watched but I never knew it felt like this. What sorcery was this?

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 25.6K 53
Si Ryle Sofia Harris, para sa lahat ay siya ang tipo na nakukuha ang lahat. Mayaman, maganda, maraming kaibigan at matalino pero para sa mga taong na...
16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...
7.5M 109K 36
[Completed] One True Love Series #2 P2 The Nerdy Rebound Girl Book 2 Matapos ang apat na taong pamamalagi sa ibang bansa ay babalik si Jacky sa Pilip...
2.9M 90.2K 86
C O M P L E T E D --- Falling for the Billionairess Book 2. --- Siya si Meredith Balajadia, ang executive vice president ng Balajadia Industries, my...