You + Me = LOVE

By Rae_Jin

993 104 0

This is a story about a girl who fell in love with her childhood friend, enemy, and her secret boyfriend in d... More

PROLOGUE :)
CHAPTER 2 :)
CHAPTER 3 :)
CHAPTER 4 :)
CHAPTER 5 :)
CHAPTER 6 :)
CHAPTER 7 :)
CHAPTER 8 :)
CHAPTER 9 :)
CHAPTER 10 :)
CHAPTER 11 :)
CHAPTER 12 :)
CHAPTER 13 :)
CHAPTER 14 :)
CHAPTER 15 :)
CHAPTER 16 :)
CHAPTER 17 :)
CHAPTER 18 :)
CHAPTER 19 :)
CHAPTER 20 :)
EPILOGUE :)

CHAPTER 1 :)

80 4 0
By Rae_Jin

"The ESSENCE of being you is not your RANK or GREATNESS but being who GOD made you to be."
--------------------

-10 years ago-

"I-I w-wanna m-make y-you s-smile w-whenever y-your s-sad c-carry y-you around when your .." Napatigil ako sa pagkanta dahil minsan ay hindi pala lagi akong sinusumpong ng sakit ko "memory gap". Ang bata-bata ko pa pero may memory gap na kaagad ako lagi naman akong nainom ng gatas nung bata pa ako. Ngayon kasi pag hindi kape ay juice na ang iniinom ko. Sa tingin niyo yon kaya ang dahilan kung bakit ako nagkaka-memory gap? Hahaha - pero ano naman ang connect nun diba? Napaka-nonsense ko talagang mag-isip pero kasi curious lang kasi ako, kayo ba hindi?

"HAHAHAHA .... " Naputol ako sa pag-iisip ko at hinanap ko sa paligid ko kung sino yong tumatawang halimaw, at tama nga ang hula ko HALIMAW nga yong tumatawa -  kasi nakita ko na na naman ang anak ng ninang ko. Ninang namin ng kapatid ko.

Parang bahay na rin nila itong bahay namin. Halos araw-araw silang andito at laging kasama ni Ninang ang anak niyang halimaw. Ang anak niyang sobrang kulit. Kung minsan nalalaman ko lang na padating sila dahil lagi itong sinasabi sa amin ni Mommy. At kapag nasa bahay na namin ito ay umaalis na ako at pumupunta sa garden kung saan tahimik lugar kung saan walang nakakita sa akin. Pero di ko alam kong sinasadya ito ng tadhana dahil ang makulit na anak ng Ninang ko ay laging andito para inisin at sirain ang araw at gabi at heto siya ngayon tawang-tawa sa nakikita niya. Alam niyo yong tipong inis na inis ka na at ano mang oras ay sasabog ka! Pero di mo masabi kasi pag sinabi mo at narinig ka ng Nanay mo ay sure na sure 100% pagagalitan ka. At mukhang hindi siya aware sa pwedeng mangyari kaya heto siya dahil hindi makukumpleto ang araw ng hindi ako binabadtrip. Masaya siya pag nakikita niya akong namumula na sa inis ng dahil sa kanya.

Kaya katulad na lang ng lagi kong ginagawa hindi ko na lang siya pinapansin. Tumayo  ako at tinalikuran ko na lang siya. Aalis na lang ako kaysa hayaan ko na lang ang sarili ko na pagtawanan na lamang nitong taong ito.

"I-I w-wanna m-make y-you s-smile w-whenever y-your s-sad c-carry y-you around when your .." panggagaya naman sa akin ni Kenneth para asarin ako. Umalis na ako sa kinauupuan ko kanina ng hawakan niya ng mahigpit yong kamay ko at hinigit ako.Tiningnan ko la mang siya ng masama.

"Bakit ba?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Woahh !! Dapat pala lagi kang galit para di ka nauutal at ng di ka dinaraanan ng memory gap mo." Pang-aasar naman niya sa akin.

Yumuko na lang ako dahil sa inis at hiya. Nahihiya ako kasi lagi na lamang niya akong nakikita sa mga nakakahiyang bagay. Naiinis ako kasi sa t'wing nakikita niya ako sa mga nakakahiyang bagay na nangyayari sa akin ay nang-iinis lagi ito. Kaya minsan o madalas ay lagi akong high blood pagnakikita ko siya.

Hinawakan ni Kenneth yong mukha ko at iniangat - napatitig ako sa mga mata niya. Para akong nahipnotismo dahil sa mga titig ng mga mata ni Kenneth sa akin dahil mata palang ni Kenneth talagang magugustuhan mo na siya. Gwapo naman kasi si Kenneth pero nawawala yon sa tuwing ilalabas niya ang nakatagong pagkatao niya. Dahil sa tuwing nilalabas niya ito para na siyang pokemon na nag-evolve.

"P-pwede ba wag m-mo akong hawakan." Nanginginig at nauutal na sabi ko sabay alis ko sa kamay niyang nakahawak sa baba ko. at nagkaroon ako ng pagkakataon na makaalis sa isang sitwasyong alam kong mahihirapan ako kapag sumama ako sa agos nito.

KENNETH's POV

Natatawa na lang ako sa mga ipinakikitang reaksyon ni Juniel sa tuwing nakikita ko ito. Lagi kasi kaming napunta dito sa bahay nila at madalas ay nakikita ko na lagi siyang mag-isa. At lagi kong napapansin na kapag andito kami sa bahay nila lagi siyang nawawala. Kaya pag nawawala ito ay sa garden o kaya ay sa kwarto niya lang ito makikita. Kahit wierd siya - natutuwa ako sa kanya kaya naman lagi ko siyang iniinis para mapansin niya ako.

Minsan nang pumunta kami dito nakita kong kinuha ni Andy yong cellphone ni Juniel at tinapon sa pool. Nakita ko kung paano umiiyak na pilit kinukuha ni Juniel yong cellphone niya sa pool. Siguro kung di ako nakita ni Andy nun na parating siguro tinulak na niya si Juniel sa pool. Ang di ko lang malaman kay Juniel ay kung bakit pumapayag siyang tratuhin na lamang siya ng di maganda ng kapatid niya. Hindi ko alam kung natatakot ba siyang mapagalitan ni Tita kaya nagsasawalang kibo na lamang siya sa mga ginagawa ni Andy sa kanya o sadyang ayaw niya lang ng gulo.

Basta ang alam ko ay Daddy's girl si Juniel kaya naman napakalapit nito kay Tito at si Andy naman ay Mommy's girl. Di katulad ni Juniel, sunod sa luho si Andy kina Tita at Tito pero si Juniel ay yong tipo ng taong masaya na sa bagay kung anong meron siya. Basta ang di ko lang maintindihan ay bakit ganun ang trato nila kay Juniel. Mabait naman ito, tahimik at maganda rin siya. Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Pero don't get me wrong wala akong gusto kay Juniel I'm just admiring her yon lang at wala ng iba pa akong nararamdaman sa kanya.

THIRD PERSON'S POV

Kabababa palang ni Juniel galing sa kwarto niya para pumunta sa library ng bahay nila ng makasalubong niya si Andy na nakatayo sa pinto ng library at nakatingin ito sa hawak-hawak niyang libro na binasa niya nung nakaraang gabi.

Lumapit ito sa kanya at kinuha sa kanya yong libro pero sa hindi inaasang pagkakataon ay nabasag ni Andy yong mamahaling vase na naka-display malapit sa pinto ng library. Pagbagsak nito sa sahig ay nagpira-piraso ito. Nakita ni Kenneth ang mga nangyari dahil kapapasok lamang nito galing sa garden dahil hinahanap nito si Juniel at ng makita niya itong pababa ng hagdan ay nagdali-dali siyang pumasok ng bahay at nabigla rin ito sa mga nakita.

Takbong lumabas galing sa sala ang magkaibigan. Lumapit si Mrs. Fernandez kina Juniel at Andy na namumula na galit dahil nakita nitong pira-piraso ang pinakapaborito nitong vase sa sahig.

"ANONG NANGYARI DITO??" Galit na tanong nito sa dalawa.

"M-Mom -" Juniel

"S-si Juniel kasi hinihiram ko lang yong libro pero ayaw niyang ibigay sa akin. Kaya..." Tiningnan ng ni Mrs. Fernandez si Juniel at hinawakan nito ito sa braso saka pinagkukurot ng pinong-pino. Walang imik si Juniel sa ginagawa ng Nanay nito sa kanya. Nakatungo lang ito habang pinipigil ang pagtulo ng mga luha sa mga mata nito.

"Tita!!" Hindi na nakapag-pigil pa si Kenneth kaya tinawag na nito ang attention ni Mrs. Fernandez. Dahil hindi na niya kayang makita pang nasasaktan si Juniel.

"Hindi po si Juniel ang may gawa kumbakit nabasag yong vase. Natabig po ito ni Andy ng agawin nito yong librong hawak-hawak ni Juniel." Parang napahiya ito sa ginawa nito kay Juniel kaya binitawan nalang nito ang isa at dahil sa malakas na pagkakatulak nito kay Juniel ay napa-upo ito sa sahig habang pigil na pigil parin ang mga luha nito sa mga mata.

"I-I was about to tell you Mommy, pero naunahan ako ni Ken." Sabi ni Andy sa ina na naka-puppy eyes pa.

"It's all right. Just forget about what happen." Tiningnan naman nito si Juniel na nakaupo parin sa sahig. "You can't blame me for what just happened. Ilang beses ka ng nakakabasag ng vase ko. Hindi ko alam kong sinasadya mo ba o sadyang tanga ka lang." Katwiran nito sabay alis nito kasama si Andy na nakangiti pa nang nakitang umiiyak na si Juniel dahil sa ginawa ng Nanay nila.

Kahit na dalaga na sina Juniel ay ganun parin ang ginagawa ng Nanay nila sa kanya kaya naman sanay na sanay na ito sa pagpapahiya at pagpalo nito sa maraming tao. Parang sa gamot immune na ang katawan, isipan at nararamdaman niya. Because she can endure anything because she loves her Mom so much.

At nang inaakala ni Juniel na wala ng tao sa paligid ay tumayo na ito pero pagtayo nito ay nakita niya si Kenneth na nakatayo malapit sa kanya. Nakatingin lang ito sa kanya habang pinupulot niya ang mga piraso ng vase na nakakalat sa sahig. She stood up and was about to say "thank you" pero biglang sumama ang tingin nito sa kay Juniel kaya nag-iwas na lamang siya ng tingin para di nito makita ang mga tingin ni Kenneth.

"Juniel, dalaga ka na pero hanggang ngayon di mo parin kayang ipagtanggol yang sarili mo. Hanggang kailan ka aasa sa ibang tao para ipagtanggol ka?" Galit na galit na sabi nito kay Juniel. Nangingilid na naman sa mga mata ni Juniel ang mga luhang akala niyang hindi na tutulo pa.

"Sabagay kasalanan mo rin naman kung bakit ka napagalitan ni Tita Veronica. You are too scared to reason out. Will you please grow up!" Pagkasabi nito ni Kenneth ay iniwan na siya nito.

Tumakbo pabalik sa kwarto niya si Juniel at doon niya binuhos ang luhang kanina pa niya gustong ibuhos. Totoo ang mga sinabi ni Kenneth sa kanya. Totoong duwag siya. At aminado siya sa sarili niyang ganun siya.
....

Pagkagaling ni Juniel sa school ay dumiretso na siya kaagad sa kwarto niya para magpalit ng damit niya. Pagkapalit niya ng damit ay umupo siya sa kama niya at kinuha yong picture ng taong pinakamamahal niya. Sa tuwing malungkot siya ay tinitingnan lamang niya ito at parang magic nawawala na lamng bigla ang lungkot niya.

Kasing edad lamang niya ito pero ibang-iba ito sa kanya. Matalino, laging pinagmamalaki ng pamilya niya. Hindi niya katulad na kahit na may achievement siyang nangyayari sa kanya ay baliwala lang ito sa Mommy at wala itong pakialam kung anuman ang nakuha niya. Buti na lamang at andyan ang Daddy niya na handang suportahan siya ng abot ng makakaya nito. Di kasi siya matalino katulad ni Kenneth sapat lang ang nalalaman niya. Kaya mahirap makipag-kaibigan sa kanya. "Masyado siyang mataas para sa akin hindi ko siya kayang abutin", yon na lang ang lagi niyang sinasabi sa sarili niya sa t'wing nakikita niya si Kenneth sa kanilang bahay.

"I knew it! May crush ka nga kay Kenneth." Automatic na naibalik niya yong picture ni Kenneth sa ilalim ng unan niya. Tiningnan nito si Andy na nakaupo sa upuan sa kwarto niya at nakangiti sa kanya.

"Wag mo ng itago nakita ko na. Isusumbong kita kay Mommy you little wrench. Lagot ka na naman kay Mommy siguradong may show na naman kapag nalaman ito ni Mommy."

"Wala akong gusto kay Kenneth." Pagtanggi naman ni Juniel sa kapatid.

"Talaga? Ano yang picture na hawak-hawak mo? Too late for your feelings Juniel iiwan ka na ni Kenneth. Alam mo ba na pupunta na siya sa US dahil dun na siya mag-aaral. At hindi ang katulad mo ang babagay kay Kenneth." Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ni Andy sa kanya. Wala naman siyang naririnig na ganun sa mga pinag-uusapan ng Nanay at Ninang niya.

"Ayaw mo paring maniwala? Bakit kaya di ka sumama sa party mamaya para malaman mo ang sinasabi ko sa'yo ay totoo." Bago pa ito umalis ng kwarto niya ay kinuha nito ang picture ni Kenneth at pinunit ito. Kaya naman wala ng nagawa pa si Juniel ng kunin ni Andy yong picture ni Kenneth sa ilalim ng unan niya at pinunit pa nito sa harapan niya. Ito lamang ang kaisa-isang picture na meron siya ni Kenneth at nasira pa ito. Umiiyak na kinuha ni Juniel yong napunit na picture ni Kenneth at dali-daling kumuha siya ng tape sa drawer niya at sinubukang idikit parin ito. Kahit na nanlalabo ang mga mata niya dahil sa mga luhang tumutulo sa mga mata ay ginawa niya ang makakaya upang maibalik sa dati ang picture ni Kenneth na nasira.

Nang kinagabihan ay nagsakit-sakitan siya para di siya makasama sa party sa bahay ng mga Alonso.  Nung una ay ayaw ng Daddy niyang maiiwan siya pero nakumbinsi naman niyang magpa-iwan na lamang siya dahil may kasama naman siya sa bahay. Hindi naman umangal ang Mommy niya ng malamang hindi kasama sa party. Mas okay pa nga na hindi siya kasama nito sa party na pupuntaha  nito dahil naiinis ito kapag may nagtatanong kung anak niya ako. Dahil sa lahat ng mga kaibiga  nito ay tanging ang Ninang lamang nila ang nakakaalam na bukod may Andy ay may anak pa itong isa.

Nakatingin lamang si Juniel sa kotseng sinasakyan ng mga parents niya at ni Andy haggang sa makalabas ito ng bahay. Tiningnan niya ang picture na hawak-hawak niya at tumingin sa langit at kinausap ito na parang matalik silang magkaibigan.

"Mag-iingat ka sa ibang bansa Kenneth. Palagi kong ipagdadasal na sana ay nasa mabuting kalagayan ka." At hinalikan niya ang picture nito na pinagdikit-dikit lamang niya gamit ang tape.

.......

Sa party naman ng mga Alonso ay masayang nakangiti si Kenneth sa mga taong bumabati sa kanya. Naagaw ang atensyon niya sa mga pumasok sa venue ng party na niregalo ng mga magulang niya. Excited na lumapit siya sa mga ito at binati ang mga bagong dating.

"Good evening Tito Vin, Tita Veronica, Andy" Pilit niyang tinitingnan kung may kasunod pa sila pero tatatlo lang silang pumasok.

"Good evening Ken." Nakangiting bati ni Andy kay Kenneth. At nginitian lamang ito ni Kenneth bilang tugon niya sa bati ni Andy. Lumapit sa kanila ang mga magulang ni Kenneth at pinaupo sila sa isa sa mga table dun.

Ngayon ay nagdadalawang isip na umalis papuntang US si Kenneth dahil may gusto siyang makita pero wala ito ngayon. Iisang tao lamang ang gusto niyang makita at walang kundi si Juniel pero wala ito at wala na siyang magagawa. Lumabas siya ng venue at pumunta sa garden. Umupo siya sa isa sa mga upuan dun at tumingin sa langit at pilit hinanap ang buwan na natatakpan ng mga ulap.

"Please take good care of Juniel while I'm away. I promise I won't be long." He whispered under the bright light of the moon.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...