CHAPTER 15 :)

45 4 0
                                    

"We should not always think that we had the wrong decision because sometimes decision only gets wrong when we couldn't stand for it."

~Ronna c:

--------------------

JUNIEL's POV

Pagbaba ko - dumiretso ako kaagad sa parking lot. Nilapitan pa ako ni Gael ng makita niya akong umiiyak. Pero di ko na lang pinansin ito at binuhay ko na kaagad yong motor ko. Pinatakbo ko na ito ng mabilis palayo sa building na yon.

Nasabi ko na ang gusto kong sabihin kay Kenneth. Pagkatapos ng nangyaring ito di ko na alam kung paano ko pa siya haharapin. Sana matapos na ito. Ayaw ko ng ganito - natatakot akong umiyak. Daddy tulungan mo ako.

Dumiretso ako sa bahay ni Mommy wala pang 30 minutes ay nakarating na ako dun. Iniwan ko yong motor ko sa labas ng bahay at pumasok na ako kaagad dun. Pagpasok ko sa bahay ay parang walang tao dito.

"Baka nasa kwarto ito.." Nasabi ko na lang sa sarili ko. Pupunta na sana ako sa taas ng may narinig akong nagsasalita sa may kusina. Pumunta ako dun at nakita ko sina Mommy at Manang na nag-uusap. Di muna ako nagpakita sa kanila - nakinig muna ako sa usapan nilang dalawa.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang bumalik sa buhay namin, Manang. Masaya na kami ng mga anak ko." Galit na sabi nito, pero hinagod lang ni Manang ang likod ni Mommy.

"Ano raw ba ang kailangan ni Richard?" Tanong naman ni Manang kay Mommy.

"Gusto daw niyang makita at makilala ang kanyang anak."

"Si Juniel? Hindi naman natin maiaalis kay Richard na hilingin niyang makilala at makita ang kanyang anak. May karapatan parin siya kay Juniel, kasi siya ang Ama."

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa mga narinig ko. Ibig sabihin ampon lang ako. Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin? Una kay Kenneth tapos ngayon kay Mommy. Parang gusto ko na lang na maging manhid para di ko nararamdaman ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Sino si Richard, Mommy?" Gulat na gulat sina Mommy at Manang ng makita akong nakatayo malapit sa kanila.

"Kanina ka pa ba dyan?" Iwas na tanong naman sa akin ni Mommy.

"Long enough to hear the name 'Richard', Mommy. Tell me, inampon niyo lang ba ako. Kaya ganito kalayo ang loob niyo sa akin?"

"It's not what you think. H-hindi ka ampon . Anak kita."

"Then, sino si Richard kung anak niyo ako at kayo ni Daddy ang magulang ko. Mommy wala akong maintindihan, God. Mommy ngayon lang po ako hihiling sa inyo. Please tell me the truth." I demanded.

"A-anak kita .. anak ka namin ni Richard." Parang bombang sumabog naman sa akin ang mga sinabi ni Mommy. It means hindi ko talaga Daddy si Daddy. Yong luhang napatigil ko na kanina ay lumabas na naman.

"N-no! Hindi totoo yan Mommy. Please bawiin mo 'to Mommy." And I bend my knee para lang bawiin ni Mommy ang mga sinabi niya sa akin.

"Richard was my first love. Nakatakdang ikasal na kami nun pero pinagtaksilan niya ako at sumama siya sa ibang babae. Ang hindi niya alam ay pinagbubuntis kita nun. Hanggang sa nakilala ko ang Daddy mo. Naging magkasintahan kami at siya na ang tumayong tunay mong ama. Kahit hindi siya ang tunay mong tatay eh, siya parin ang nakagisnang tatay mo siya parin ang Daddy mo, at hindi na yon magbabago pa."

"Stop it, Mommy! Sinasabi mo lang yan dahil galit ka sa akin. You hate me! Bata palang ako lagi ka ng galit sa akin. Minsan nga pumapasok na sa isipan ko na ampon lang ako. Kasi lagi kang galit sa akin. Kahit na nga mukha ko pa lang ang nakikita niyo ay nagagalit na kayo sa akin. Ayaw niyo akong kasama. Tapos ngayon sasabihin niyo sa akin na hindi ako anak ni Daddy. He loved me like his daughter. He cared for me when nobody did, not even you. Mas nararamdaman ko pa ngang mahal ako ni Manang kaysa sa iyo. Naiinggit ako kay Andy kasi mahal mo siya eh, ako lagi mo akong pinagtatabuyan palayo. Tapos ngayon ito ang malalaman ko."

"Juniel.." Humahakbang palapit sa akin si Mommy habang tinatawag ako. But I moved backwards para di siya makalapit sa akin.

"Please don't come near me. You always wanted to see me hurt, see me crying and suffering. It wasn't my fault kung ano man ang nangyari sa inyo." At di ko na napigilang umalis sa harapan nila Mommy.

//

Nang mahimasmasan at luminaw ang pag-iisip ko ay umalis na ako kaagad sa bahay ni Mommy. Pumunta ako sa bahay ng kaibigan ng Mommy ko ang tatay ni Kenneth alam kung alam niya ang katotohan siguro naman ay di ni Tito ipagkakait ang katotohan sa akin eh.

Pagdating ako dun eh, nagtaka pa sila kong bakit ako napunta dun ng di ko kasama si Kenneth. Pero iisa lang naman ang ipinunta ko dun eh. Kaya di na ako nagpaligoy-ligoy pa ng tanungin nila ako kung bakit ako pumunta dun.

"Is it true, Tito? Anak po  ba talaga ako ni Mommy kay Richard? Totoo po bang ikakasal na sila noon ng iwan siya ni Richard?" Agad-agad na tanong ko kay Tito ng paupuin nila ako sa couch sa sala nila.

Bumuka ang bibig nito pero wala namang words na lumabas dun. Hindi parin niya kayang matawag na Daddy at Mommy ang parents ni Kenneth dahil ngayon pa na alam ko na talagang ayaw sa akin ni Kenneth na maikasal. Shete naman talaga. Para tuloy pinikot ko lang ang kanilang anak kaya napilitang magpakasal ito sa akin. D@mn this mind.

"Tito, alam kong alam mo ang tinatanong ko sa iyo. Please I want to know the truth."

"Yeah, its true Juniel."

"Alam po ba ito ni Kenneth?"

"No wala siyang alam dito."

"Thank you po. I have to go."

Tumayo na ako at naglakad palabas sa pinto ng mga Alonso ng magsalita ulit si Tito at tawagin ako. Kaya napalingon ulit ako sa kanila.

"I know hija, how hard it is for you. But I hope you'll find it in your heart to forgive your Mother. And please don't do anything that could harm you." Concerned na sabi naman sa akin ni Ninang at niyakap pa ako nito.

"I won't Ninang, promise po."

You + Me = LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon