CHAPTER 10 :)

24 3 0
                                    

"When GIRLS fall in love you can see it in thier SMILES. When BOYS fall in love you can see it in thier EYES."

~Khryss c:

--------------------

JUNIEL's POV

Gusto ko mang hindi mainis kay Kenneth pero talagang sinisiksik ng isipan ko na dapat mainis ako sa kanya. Kasi naman ilang araw na siyang di nagpaparamdam sa akin. Pagkatapos nung nakita niyang hinatid ako ni Em-Em sa bahay di ko na siya ulit nakita. At ang malala pa di rin siya pumapasok dito sa opisina. Duh? Ano yon katamaran lang? O sadyang ayaw niya akong makita? Pero bakit niya ako binigyan ng bulaklak nung gabing yon?

Argggghhhh. Nababaliw na naman ako. Nakakainis ka talaga Kenneth. I hate you. Dahil sa iyo nagugulo ang isipan ko. Nalilito na ako - naguguluhan na rin ako. Nyeta naman, ganito ba ang epekto ng umaasa lang?

//

Dahil sa minsan nga weird ako. Sumama ako dun sa tatlong LOKA-LOKA SISTERS tapos pumunta kami sa AREA - ewan ko pero nabawasan kahit papaano yong mga iniisip ko parang nakahinga ako ng maluwag dahil nabawas-bawasan yong iniisip ko.

Lahat ng taong nakakita sa amin ay nagtaka nung makita nila kaming magkakasama na namang apat. Eh, ano bang masama diba? Wala naman kaming gagawing masama, di naman kami nangangain ng tao - pero kung makatingin sila parang wala ng bukas.

Ininvite nila kaming makipag-race sa mga bagong ultimate racer daw sa AREA ngayon. Dahil nga sa bored na ako at para na rin mawala ang inis ko, di nila ako pinasali dahil baka daw mapahamak ako. Pero gusto ko talagang makipag-race, ngayon ko na lang naman ulit magagawa ito simula nung tumigil ako sa pakikipag-race. At dahil nga gusto-gusto kong makipag-race wala rin silang nagawa. Si Gael ang kateam ko. Sina Janelle at Cheryl ang nagche-cheer sa amin.

"WOOOOOHHH!! BUMALIK NA ANG ULTIMATE SISTERS."

"KYAAAHHH!! EXCITED NA AKO."

"JUNIEL, MARRRRYYY ME."

"GAEL, MEEE TOOOOO.."

Yan ang mga sinisigaw nila habang naglalakad kami papunta dun sa mga car na gagamitin namin para sa race. Dahil nga sa di naman talaga kami dapat makikipag race dahil ang balak lang talaga namin ay manuod kaya wala kaming dalang race car. Nanghiram lang kami sa isa sa mga kakilala namin sa AREA. At thanks GOD at may magandang loob na nagpahiram sa amin.

**********

-after 2 hours-

Tumagal yong race for almost 2 hours. Pang second lang kami ni Gael - siguro kung dala namin yong sarili naming sasakyan siguro kami ang mananalo. Sorry kung mapanglait ako ahh - super bagal kasi nung gamit naming sasakyan eh. Pero syempre di naman siguro kami magpapatalo ng ganun na lang diba? Hinamon kaming apat sa isang drifting challenge nung mga bagong sikat daw sa AREA kaya naman si Janelle ngayon ang kateam-mate ko. Di naman sa pagmamayabang mas gusto kong makipag-drifting kaysa sa race. Kasi sa drifting master na ako dyan pero sa race pinag-aaralan ko pa lang yan masyado.

At katulad nga ng sinabi ko kami ang panalo sa drifting challenge nila. Syempre sa bawat game dapat may kapalit pag natalo ka at swerte mo na lang kung panalo ka dahil hindi ikaw ang makakatanggap ng consequences sa pagitan mo at ng opponent mo. But in our case kami na naman ang batas.

"Katulad ng pustahan, di na kayo pwedeng bumalik dito sa AREA. Dahil pag nakita ko pang bumalik kayo dito - di na kayo sisikatan pa ng araw." Pananakot ni Cheryl sa mga nanghamon sa amin kanina. Parang pusa naman na takot na takot na umalis sila sa AREA. Hahaha. Kasi naman sinong di matatakot kay Cheryl siya lang naman ang isa sa mga anak ng may-ari ng AREA.

You + Me = LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon