BARAKO SERIES: #6 You and Me...

By coalchamber13

259K 8.6K 490

BARAKO SERIES: #6 Sa mura nilang edad isang pangako ang binitawan nila sa isa't isa. Mapapatunayan ba nito a... More

YOU AND ME
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
WAKAS

Chapter 7

11.5K 404 30
By coalchamber13

HEAVEN

"Ate Dria, ako na magbubuhat kay Jack." Sabi ko. Nagpasya na akong umuwi dito sa Pilipinas pagkatapos ng anim na taon. Kasama sila ate Dria at mga anak nito. Nag-stay muna ako sa bahay nila ate Dria ng ilang linggo. 

Masaya ako para sa kanila ng asawa niyang si Kuya Jacob. Matagal din bago sila nagkita. Ngayon okay na ang lahat.

Nagpasya akong magturo na lamang dito sa sariling bansa kay ibang lahi ang tinuturuan ko. Mas kailangan ng Pinas ang guro.

Gusto kong magturo sa liblib na lugar. Mas kailangan ang serbisyo ko doon. Naawa ako sa mga batang gustong matuto at gustong makapag-aral.

"Mimi. . ." sabi sa akin ni Jack. Itinuro nito ang Daddy nito. Palapit sa amin si Kuya Jacob. Kinuha nito si Jack sa akin. Ang suwerte ni ate Dria kay Kuya Jacob bukod sa napakaguwapo. Iisang babae lang ang minahal nito.

Pinuntahan ko si ate Dria para magpaalam. Mag-stay muna ako sa bahay ng kaibigan ko. Na-miss ko ang bestfriend ko. Nagpaalam na ako sa kanila. Buti na lamang pumayag sila doon ako mag-stay sa kaibigan ko.

Habang palabas ako ng gate hindi ko napansin ang kasalubong kong tao. Dahil mabigat ang dala kong mga gamit na out balance ako. Kaya napadapa ako. Naramdaman ko na lamang sa beywang ko ang braso na sumalo sa akin.

Nang makaget-over sa muntikang pagkakadapa ko. Napatayo at humarap ako sa taong sumalo sa akin.

"Thank you sa pagsalo sa. . ." napatigil ako sa pagsasalita nang matitigan ang taong nasa harapan ko.

Nagsirkuhan ang tambol ng puso ko. Napalunok ako. Bakit ba sa lahat ng taong makikita ko siya pa na ayaw ko ng makita.

"Aven?" tumayo ang balahibo ko sa batok dahil sa boses niya. 

Malaya kong napagmasdan ang mukha ni Noah. Naging matured na ang mukha nito at mas lalo itong naging guwapo. Nagkaroon na ng muscle ang kanyang mga braso at pati na ang katawan. Tumangkad na din ito. Natulala ako. Matagal bago ko na-realized na dapat ko palang iwasan ang lalaking ito.

Kinuha ko ang mga gamit at tinalikuran ko siya.

"Wait! Aven! Please, let's talk." Anito at saka hinawakan niya ang braso ko para patigilin sa pag-alis.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Noah." Matigas na sabi ko.

I already moved on. Bakit kailangan pang mag-usap pa kami?

Nanigas ang katawan ko nang yakapin niya ako.

"Aven, please let's talk. " Pakiusap niya muli.

"Okay. . ." Pagsukong sabi ko.

Gusto ko na ding matahimik na ang buhay ko ng wala siya. Tanggap ko ng hindi kami para sa isa't isa. Marami ng nangyari. 

Lumayo ako ng kaunti para naman makapag-usap ng mabuti. Nakakailang naman nag-uusap na magkayakap.

"Thank you." Sabi nito.

Tumingin ako sa kanya at hinintay itong magsalita. Pero nakatitig lang ito na parang natulala ng magkaharap na kami.

"Akala ko ba mag-uusap tayo? Nakatulala ka lang diyan." Naiinis na sabi ko.

"Puwede ba kitang ligawan?" Bigla ay sabi niya.

Ang kapal din ng apog nito. Akala ko naman mag-uusap kami tungkol sa amin.  Gusto ko lang  Kung ano man ang gusot naming dati kalimutan na lamang at umakto kami na hindi na magkakilala. Hindi ko ine-expect na ganito ang sasabihin niya.

"Pumayag akong mag-usap tayo para sabihing magkalimutan na tayo! Hindi para ligawan mo pa ako." Siraulo din ito kainis. Parang balewala lang ang sinabi ko.

"Naiintindiahan mo ba ang sinabi ko sa iyo?!"inis na sabi ko.

Nginitian lang ako ng walanghiya.

"Ngayon na nakita na kita liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo." Final na sabi nito.

Kinuha niya sa akin ang gamit na dala ko. Inagaw ko ito pero hindi niya ibinigay.

"Ihahatid na kita, Aven." Sabi nito sa akin. Wala akong nagawa kung hindi sumunod. Hindi ko maiwasang tingnan ang katawan ni Noah. Ang laki ng ipinagbago ng katawan nito. Naging matured na din ito kaya mas lalong naging guwapo.

Nagpahatid ako sa bahay ng bestfriend ko.

"Salamat sa paghatid puwede ka ng umalis!" sabi ko.

Kinuha ko na ang gamit ko at nagmadaling pumasok sa loob. Hindi na dapat kami magkita pa. Hindi na ito sumunod sa akin. Kaya napahinga ako ng maluwag.

KINABUKASAN hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Pinuntahan ko na ang taong tutulong sa akin para makapagturo sa isang liblib na barrio sa Mindanao. Alam kong malayo iyon, ngunit gusto kong matulungan ang mga bata doon.

Pagkakaalam ko malapit sa tabing dagat ang lugar na pagtuturuan namin. Isang Non Government Office ang tutulong sa akin at magbibigay ng suweldo. Maliit lang ang bayad sa akin, pero okay lang basta makatulong ako sa mga batang gustong mag-aral.

Nagpasya akong dalawin ang mga magulang ko. It's been 6 years mula ng lumayas ako sa amin. Wala na akong natanggap na balita sa kanila. Kumusta na kaya si Angel? Sana hindi na galit ito sa akin. Kahit ganoon ang ginawa niya, mahal ko ang kapatid ko.

Pagkababa ng taxi nakita kong muli ang bahay namin. Malaki ang ipinagbago nito. Parang ni-renovate ang bahay. Iba na din ang pintura nito.

Pinindot ko ang doorbell. May katulong na lumabas at ito ang nagbukas ng pinto. Parang nakakita ng multo ang taong nakatayo sa harapan ko. Ang yaya ko. Tumanda na ang hitsura niya.

"Heaven, anak!"yumakap ito sa akin at umiyak. Siya ang tanging tao na nagmahal sa akin ng lubos.

"Ya, kumusta na po kayo?" sabi ko sa kanya ng maghiwalay kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

"Mabuti naman ako, anak. Saan ka ba nagpunta ang tagal mong nawala? Tinanong ko ang kakambal mo noon pero wala naman itong sinabi kung saan ka nagpunta. "

"Nag-aral po ako sa ibang bansa, yaya. Nag-apply po ako ng scholarship doon at pinalad naman po na makapasa ako." Sabi ko.

"Nandiyan sa loob ang Mommy at Daddy mo. Siguradong matutuwa sila sa pagbabalik mo." Tumango ako. Pumasok na ako sa loob.

Nakita ko si Mommy na nakaupo sa living room habang may binabasa. Samantalang si Daddy ay nakaupo sa wheelchair nito. Parang gusto kong maiyak sa hitsura ni Daddy. Malaki ang inihulog ng katawan nito at hindi na kagaya noon na matipuno at malakas pa. Si Mommy naman ay tumanda na din ang mukha. Hindi na kagaya dati na may kolorete sa mukha kahit nasa bahay lang. Simple lamang ang damit niyang suot.

"Mommy, Daddy. . ." tawag ko sa kanila. Napatingin sila pareho sa akin.

"Anak!"tumayo si Mommy at lumapit sa akin. Nabigla ako ng yumakap ito. Hindi ko expected na ganito ang magiging trato niya. Akala ko sisigawan or papagalitan ako.  "Anak patawarin mo kami "sabi ni Mommy habang umiiyak. Yinakap ko ng mahigpit si Mommy. Pinahid ko ang luha nito sa pisngi.

Lumapit ako kay Daddy at niyakap ko siya.

"Anak"sambit ni Daddy sa akin.

"Patawarin niyo po ako"umiiyak na sabi ko habang nakaluhod at nakayakap sa kandungan ni Daddy.

"Kami ang dapat na humingi ng tawad sa iyo anak. Dahil hindi kami naging patas sa inyo ng kakambal mo. Mas naniwala kami sa kasinungalingan niya. Pero kahit ganoon napatawad na din namin ang kakambal mo. Hinanap ka namin noon anak pero bigo kami."malungkot na sabi ni Daddy.

"Babawi kami sa iyo anak," sabi ni Mommy at saka hinaplos ang buhok ko.

"Nandito na ako Mommy, Daddy. Hindi na ako aalis. Dito na po ako magtatrabaho pero sa bandang Mindanao po ako nakadestino para magturo." Sabi ko. Nalungkot ako. Kung kailan na okay na kami pero malalayo naman ako. Pero kung may pagkakataon babawi ako sa kanila. Babawiin ko ang mga taon na hindi ko sia nakasama.

"Hindi ka namin pipigilan kung ano ang gusto mo anak. May tiwala kami sa iyo."sabi ni Daddy sa akin. Hinagkan ko ang kanyang noo.

Masaya ako dahil okay na kami ng mga magulang ko. Ang sa amin na lamang ni Angel ang hindi na naayos.

Nabanggit ni Mommy na bumukod na daw ito at mula ng nalaman nila ang totoo hindi na ito nagpakita pa kaya inatake sa puso si Daddy. Kahit naman daw nagkasala sa kanila si Angel ay napatawad na nila ang ginawa nitong kasinungalingan sa kanila.

❤❤❤

MABUTI hindi na nagparamdam si Noah mula ng magkita kami na pinagpasalamat ko ng malaki. Ngayon ang flight ko papunta doon sa Lanao Del Sur. Mahaba habang biyahe ang tatahakin ko. Sabi ng kakilala ko na sasakay pa kami ng bangka bago marating ang isla. Good luck sa akin.

Halos pagod ang naramdaman ko sa buong biyahe ko. Ilang sakay ang ginawa namin bago marating ang isla na pagtuturuan ko. May iba pa akong kasama na hawak din ng mga Non Government Organization. 

Namangha ako sa lugar dahil napakaganda ng kapaligiran. Medyo malayo kami sa city ng Marawi kaya safe naman daw sa mga terorista. Payapa daw ang lugar na ito. Puro Muslim ang mga nakatira dito. Mayroon daw mga kristiyano dito, pero nagpa-convert na sila sa pagka-mulism dahil ang ilan nakapangasawa na dito.

"Ma'am, dito po iyong tutuluyan niyo."sabi ng isang lalaki na nagguide sa amin papunta dito.

"Salamat po," sabi ko sa medyo matanda ng lalaki. Nakasuot ito ng pangmuslim na kasuotan.

"Kami nga po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil sa pagtulong niyo sa amin para magkaroon ng mga guro dito. Madami po kasing takot na pumunta dito dahil madami daw mga bandido. Pero ligtas po ang lugar namin. Dahil may kampo po ng mga sundalo sa may di kalayuam po dito."pagkukuwento ng lalaki.

"Umasa po kayong hindi po kami aalis. Sinumpaan po namin ang propesyon naming ito para makatulong sa mga batang gustong makapag-aral."ngumiti ako. yumukod ito sa akin. 

Nagpunta na kami sa tutuluyan naming bahay. Maganda naman ito isang bungalow at may mga halaman at puno na nasa paligid.

Napansin kong may mga sundalong dumadaan sa kalsada. Baka siguro papunta sa kampo na malapit dito.

"Aven!" nagulat ako ng may tumawag sa akin. Tumambol ng mabilis ang puso ko.

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Walang iba kung hindi si Noah nakasuot ito ng pangsundalo at may hawak na armalite na nasa gilid nito. Nakangiti itong lumapit sa akin. Nangunot ang noo ko dahil paano niya nalaman na nandito ako.

"Ikaw pala Noah" seryoso kong sabi . Ayaw ko ng magtanong kung anong ginagawa niya dito. Baka mag-isip pa ito ng kung ano ano.  

"I'm glad you're here too. Don't worry this place is safe. And i will protect you sweetheart. " napairap ako sa sinabi niyang sweetheart.

"Sige mauuna na ako sa iyo. Aayusin ko pa kasi ang mga gamit ko." walang gana kong sabi.

Napatingin ako sa babaeng papalapit sa amin ni Noah. Mukhang hindi ito Muslim dahil wala itong abaya. Kaya malamang katoliko ito. Nakasuot ito ng hapit na bestida na kita ang tuhod. Maganda naman ang babae may pagka morena. Napansin kong may dala itong basket.

"Hi, Commander Noah. May dala akong meryenda. Hinanap kita sa kampo niyo sabi nila nandito ka" napatingin sa akin ang babae. Bigla niya akong inirapan. Hindi ko na lamang pinansin. Bakit ko naman papatulan ang babaeng ito. Hindi kami magkalevel at hindi ko siya kilala.

"I have to go Commander Dela Costa" patalikod na ako ng higitin niya ang braso ko.

"Sweetheart, may nakalimutan kang gawin?" nagsalubong ang kilay ko. Ano naman nakalimutan kong gawin?

"Anong nakalimutan ko?" nagtatakang tanong ko. Napangisi ito sa akin. Hindi ko inaasahang hagkan niya ang labi ko.

"Iyan ang nakalimutan mong gawin." Nakangising sabi nito tapos nilick pa ang labi nito. Naglakad na ito palayo at ang babae ay natulala din katulad ko.

"Mag-ano kayo ni Noah?" tanong bigla ng babae sa akin. Mukha itong galit sa ginawang paghalik sa akin ni Noah. Tiningnan ko ito na bakit mo tinatanong look. Hindi ko na sinagot ang babae tinalikuran ko na ito at pumasok na sa bahay na tutuluyan namin. Walanghiyang iyon. Humanda ang lalaking iyon sa pagkikita namin. Sa susunod makakatikim siya sa akin ng sapak!

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13






Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 38.6K 53
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
279K 5.2K 29
Duke & Izza
112K 7.2K 33
A Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising arts major, crosses paths with her med st...
259K 8.8K 24
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...