The Bride's Man series: Love...

By PuryHaven

262K 4.7K 120

The Bride's Man Series (Book 2) "We never fall in love for the person we're supposed to" Mabel left behind wh... More

The Bride's Man series: Love was made for us
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16 SPG
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19 part 1
Kabanata 19 part2
Kabanata 20 Part 1 SPG
Kabanata 20 part 2
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Epilogue

Kabanata 10

5.5K 128 5
By PuryHaven

Agad akong bumaba ng silid dahil nagpasya akong mag ikot-ikot sa buong lugar. Hindi ko na isinama pa si Godfrey dahil nauna na itong lumabas at iniwan akong mag-isa.

Nakita niya si Ma’am Yalaine at Maury. Masayang nagtatampisaw ang mga ito sa tubig habang nanunuod naman si Sir Marc sa di kalayuan.

“Hi- Ma’am, hello baby Maury” bati niya sa mga ito at kapagkuwan ay hinalikan sa pisngi si Maury. Napahagikgik naman ito sa ginawa niyang paghalik. Ang cute-cute talaga ng batang ito.

 

“Hi—Tita Mabel” masiglang bati niya. Sa loob kasi ng limang taon na pagkaka coma ni Ma’am Yalaine ay naging saksi siya sa pagpapalaki ni Sir Marc kay Maury. Minsan kasi ay akay akay ito ni Ma’am Angela sa tuwing pumapasok ito sa opisina.

“Ang ganda naman ng suot mo—parang ikaw”

“Bigay po sa akin ni Tito Harold”. Ang Harold na tinutukoy nito ay ang isa sa mga business tycoon sa larangan ng mga shopping mall. Halos kasi na invade na nito ang buong bansa at ngayon ay kasalukuyan nitong hinahangad na makapagpatayo sa ibang lugar maliban sa pilipinas.

“Talaga—ang bait naman ni Tito Harold”

“Oo nga po—kasi nandyan na si Tita Oli” biglang kumunot ang noo ko. Sinong Oli?

“Maury--!” tawag ni Sir Marcus. Agad naman na tumalima ito at pinuntahan ang ama.

“Sinong Oli—Ma’am?, May bagong babae si Sir Harold” tumawa ito sa tanong ko. Ngunit sa halip na sagutin ako ay nagkibit-balikat lamang ito.

“Nasaan nga pala si Godfrey?”

“Ewan ko nga po Ma’am—Kung saan lupalop nagpunta ang hinayupak na iyon—Hindi ko po kasi maintindihan kung bakit narito ito ngayon. Ang sabi sa akin ay gusto nitong mag relax” reklamo ko dito.

“Hindi ko din alam—kung bakit dito siya nag vacation—pero noong nakita ko kayo kanina—Nalaman ko agad kung bakit” wika nito habang nakangiti.

“Bakit nga po ba Ma’am”

“Kasi---“ ngunit naputol ang sasabihin nito ng biglang sumulpot si Sir Marc at may binulong sa asawa nito. Pagkaraan ay muling bumaling sa akin si Ma’am Yalaine.

“Pasensya na, Mabel! May gagawin pa pala ako” sabi nito at umalis na. Naiwan ako roon. Umupo ako sa buhangin at hinayaan na mabasa ng tubig ang mga paa ko.

Tumungin ako sa malayo—papalubog na din ang araw. Tinitigan ko lamang ito. Nang huling beses kong pagmasdan ang paglubog ng araw ay kasama ko si Mama---. Dati noong buhay pa ang tatay ko ay tatlo kaming nanunuod sa paglubog ng araw- ngunit ng mamatay ito ay si Mama nalang. At ngayon naiwan akong nag-iisa.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mata ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon ko ipinatong ang ulo ko. Hindi ko napigilan hindi maiyak.

Ang dami kasing pangarap ni tatay at nanay sa akin. Sa sobrang dami hindi kuna matandaan—pero isa lang ang bagay na tumatak sa isipan ko at iyon ay ang paghahanap ng tao na pagkakatiwalaan ko habang-buhay. Tao na magpapasaya sa akin. At alam kong hindi ako sasaktan.

Ngayon—alam kuna kung sino iyon. For the past three years, Godfrey always stay on my side. At alam ko na siya na yung tinutukoy na tao ni tatay at nanay.

Napaangat ako ng tingin at sa gulat ko ay nakatunghay na pala si Godfrey sa akin.

“Ano na namang kalokohan yan?” tanong ko dito.

Sa halip na sagutin ako ay tumingin lamang ito sa akin at umupo sa tabi ko. Naramdaman ko ang paghawak nito sa ulo ko at ipinatong sa balikat niya. Sa pagkakataon na iyon ay hindi kuna napigilan hindi umiiyak.

Naalala ko si Mama—bakit?

Dahil sa araw na ito napagdesisyunan niyang sumama kay tatay—at iniwan ako.

“I miss them—both” wika ko sa pagitan ng aking pag-iyak.

“Hindi naman, sila matutuwa kung nakikita kang umiiyak—“

“Kaya ba? Sumunod ka sa akin dahil alam mong----“ Hindi kuna naituloy ang tanong ko ng hawakan niya ang dalawa kong balikat na naging dahilan ng pagkatitig ko dito. Ramdam na ramdam ko ang sensiridad nito.

“Kahit---iwan ka ng lahat ng tao sa mundo—Maniwala ka man o hindi.. Pangako ko sayo hindi kita iiwan” at masuyo niyang hinalikan ang noo ko. “I will always here to protect you—kahit na ipagtabuyan mo pa ako susuyuin at susuyuin kita”

“Thank you pogs” niyakap koi to ng mahigpit. Sa kabiglaan siguro ay hindi nito agad nagawang nabalanse ang upo kaya pareho kaming napahiga sa buhangin. Tatayo sana ako ngunit sabay naman ang hampas ng alon sa amin dalawa kaya muli kaming nabuwal sa isat isa.

Tawa-tawa pa ako ng mapalingon ako a kanya ngunit siya naman ay nakatitig lang sa akin. Kung anong iniisip nito ay hindi ko alam.

Nahipnotismo ata ako sa titig niya kaya hindi ko nagawang bumawi  ng tingin. Sa hindi malaman na dahilan ay kusang lumapit ang mukha ko sa mukha niya. Ganoon din naman ang ginawa nito. Napapikit na lamang ako at hinihintay ang pagdampi ng labi nito sa labi ko.

Bigla na lamang kaming napabalikwas ng bangon ng marinig ang mga nagsisigawan sa hindi kalayuan.

Napadako ang atensyon ko doon mapagsino ang mga iyon

Huh!! Anon g ginagawa nina Serge at Jupiter?

 

“Pogs, nag-aaway ata sila?” sabi ko dito. Tumingin naman ito sa gawi nina Serge at Jupiter. Nakita kong tumayo si Godfrey at patakbong dinaluhan si Jupiter na ngayon ay umupo sa buhangin ng iwanan siya si Serge.

Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng konting kirot ng makita ko ang pag-aalala ni Godfrey kay Jupiter. Sumunod ako sa kanya. Agad nitong niyakap si Jupiter.

“Hindi siya nakinig sa akin--- Nagsasabi naman ako ng totoo” wika nito habang patuloy na umiiyak.

Kung ganoon ay tama ang hinala ko na nag-away nga ang mga ito kaya umiiyak si Jupiter bago umalis kanina. Kung ano man ang pinag-awayan nila ay siguradong mabigat ito dahil hindi naman iiyak ng ganito si Jupiter.

“Shhhh---It’s okay” at marahan na pinunasan ang mga luha nito.

“He hates me—anong gagawin ko” patuloy pa rin ang pag-iyak nito. Habang si Godfrey naman ay yakap yakap si Jupiter. Nakita ko ang ginawang pagyakap ni Jupiter kay Godfrey. At naramdaman ko muli ang sakit sa dibdib. Sh*t! May sakit na ata ako sa puso. Sabagay hindi malayo na mamana ko ang sakit ni mama.

 

“Mali- ang nakita nito- Wala naman akong ibang mahal kundi siya---Bakit hindi niya maintindihan iyon” patuloy na wika niya. Si Godfrey naman ay masuyo ng hinahagkan ang buhok ni Jupiter.

Dammit! Kailangan bang halikan pa niya ito para tumahan.

 

Nakatayo lamang ako habang pinagmamasdan sila. Mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib ng buhatin niya si Jupiter at iwan akong nakatayo roon.

Akala ko ba hindi niya ako iiwan—pero nakita lamang niya si Jupiter na umiiyak ay nakalimutan na niya ako.

Lumipas ang isang oras ay walang Godfrey na bumalik. Bakit naman siya babalik pa, pagkakataon na niya ito para masolo si Jupiter?

 

Naglakad-lakad ako upang maalis sa isipan ko ang eksena sa pagitan nina Godfrey at Jupiter. Hindi kasi—Ewan!

Hindi ko din kasi mapaliwanag ang nararamdaman ko—Basta ang alam ko lang ay away kong mapalapit ang dalawa kung anong dahilan ay hindi ko maipaliwanag.

Mahihinang hikbi ang narinig ko—Dinala ako ng mga paa ko sa isang kubo. Ganoon nalang ang pagkabigla ko ng makita ko si Serge roon.

“Pwedeng umupo” tanong ko dito ngunit tumango lamang ito. “Pasensya na ah—pero ano kasi, nakita ko kayo kanina ni Jupiter. Mukha atang may pinagtatalunan kayo.” Tumingin ito sa gawi ko. Mahabang katahimikan ang pumagitna sa amin dalawa. “Pero kung ayaw---“

“I saw him with a man---“ putol nito sa sasabihin ko. “Ang sabi nito sa akin ay dadalawin lamang niya ang lolo niya—pero hindi ako mapalagay kaya sinundan koi to at doon nga nakita ko siya na may kasamang lalake. I saw them laughing. Nakahawak pa ang kamay nito sa bewang ni Jupiter—Sapalagay mo anong iisipin ko?” Narinig ko ang mahina nitong paghikbi.

Sh*t!! Mahina pa naman ang puso ko sa mga lalakeng umiiyak. Nilapitan ko ito at marahan na hinagod ang likuran. Napasubdob naman ito sa balikat ko. Doon ko napagtanto na mahal na mahal nito si Jupiter.

“Tahan na--- Hindi naman mareresolba ang problema kung mag-aaway lang kayo at magsisigawan.” Did you let her explain?” tanong ko dito. Hindi ito sumagot.

“Mahal mo siya diba—?” marahan naman ito ng tumango habang nakahilig ang ulo sa balikat ko. “So you have to trust the person you love then. You have to trust, Jupiter. She loves you at kahit anong gawin ng mga tao sa paligid niya hindi mababago na mahal ka niya—Just try to listen—para hindi kayo nasasaktan na dalawa” “

Tumingin siya sa mga mata ko “Sa isang relasyon maraming misunderstanding, kaya nasasaktan kayong dalawa because you didn’t allow her to explain and you didn’t allow yourself to listen. Never loose her just because of misunderstanding. Fight for her and hold her hands tightly until you understand everything”  Naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin

“Thank you, mabel” Ngumiti naman ako dito at tinapik ang balikat niya.

“Ano pang hinihintay mo—patahanin mo yun” Agad naman itong tumakbo papalayo sa akin

Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang bagay na iyon. Alam ko sa sarili ko na gusto ko si Serge, per--- hindi maatim ng konsensya ko na nasasaktan siya.

Tumayo ako at upang bumalik na sa silid namin ni Godfrey. Papasok ako ng lobby ng makita ko si Jupiter nag-iisa.

Huh! Nasaan si Godfrey

 

 

Agad naman nilapitan ito ni Serge at niyakap—Iniwan ko na lamang silang dalawa, ngunit pala isipan pa rin sa akin kung nasaan si Godfrey. Ang akala ko ay kasama nito si Jupiter.

Akmang papasok na ako ng silid ng may biglang humawak sa balikat ko. Napasigaw ako ng marahan ngunit tinakpan nito ang bibig ko gamit ang kamay niya. Nagpipiglas ako ngunit sadya atang malakas ito.

“Shhh—Stop” inalis nito ang kamay niya na nakahawak sa bibig ko.

“Godfrey”

“Bakit—ka narito?” tanong niya sa akin na may himig ng pagkainis “Akala ko ba magkasama kayo ng mistisong bangus na iyon” wika nito animo nagtatampo.

“Eh—bakit ikaw kasama mo si Jupiter kanina ah, tapos bigla mo nalang akong iniwan—akala ko ba hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari” Natahimik ito sandali.

“Bumalik—naman ako” malumanay niyang sagot.

“hindi ka—“

“Bumalik ako—pero iba ang nadatnan ko—“sabi niya at umiwas sa titig ko. Sigurado ako na ang nadatnan niya ay ang pagkayakap namin ni Serge.

“I just comforted—him. Yun lang. Eh ikaw bakit ka bumalik. Pagkakataon muna iyon kay Jupiter?”

“Kasi--- naisip ko na mas gusto ko na nasa tabi mo--- at mas pangit ka pag-umiiyak” Lumapit siya upang yakapin ako “ For the pass three years---iba pa rin pag ikaw yung pinapatahan ko—

“Iba pa rin pag ikaw ang umiiyak sa tabi ko—iba pa rin kapag ikaw, Mabs” tumingin ito sa mga mata ko. Gustuhin ko man na umiwas sa tingin niya ngunit hindi ko magawa.

“Mabs---“ mahina nitong usal sa pangalan ko. Naramdaman ko ang pagkabig nito sa ulo ko upang maidantay sa dibdib nito

Lub-dub-Lub-Dub

Rinig na rinig ko ang mabilis na pintig na puso nito. “ Mabs, can you promise me one thing” hindi ako makapagsalita dahil nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya “Promise me that you will never comforted any other man—except me. I don’t know why—but seeing you hugging that stupid mistisong bangus make me jealous!”

“I—I” gusto ko sanang magsalita pero mistulan akong napipi. Tama ba ang narinig ko—Nagseselos siya?

“I’m so damn jealous, Mabel—So please! Teach me not to be. Natatakot ako sa nararamdaman ko—Takot na takot ako sayo” Inilayo niya ang mukha ko sa dibdib niya. Muli kaming nagsukatan ng tingin. Marahan niyang binaon ang mukha nito sa balikat ko—“Mabs, Maniwala ka—Nagpipigil ako… Pinipigilan ko ang puso ko—pero hindi ko pala kaya” Nag-angat ito ng tingin. Tinitigan ko ang mga mata niya. Ibang Godfrey ang nakita ko—

Naramdaman ko ang hininga nito sa puno ng tenga ko. “I’m sorry, Mabs—please just let me do this—Hindi ko kaya at lalong hindi ko mapigilan” magsasalita pa sana ako ngunit sa isang iglap ay sakop na nito ang mg labi ko. Masuyo nitong hinahalikan—Halik na naghihingi ng kasagutan!

Maging ako ay hindi ko mapaliwanag ang nararmdaman ko dahil mistulan may sariling buhay ang mga labi ko na ngayon ay masuyong tumutugon sa halik ni Godfrey.

I felt my heart beating so fast and this time alam kuna kung bakit.

I don’t know what happened . Marahil ay napana ako ni Cupid ng hindi sinasadya. Mahirap man paniwalaan dahil hindi naman talaga kapanipaniwala—

My heart beats because of him.

Because of Godfrey Natividad-----

------------------------------------------

COMMENTS AND VOTES ARE SUPER APPRECIATED

--just comment for dedication

--Mas maikli ito kaysa sa TBM1:ALL OF ME

Continue Reading

You'll Also Like

268K 8.8K 36
Dominique Winter Jimenez will make sure that life will always be in favor with him. He craves challenges and Raine Montreal, the miss goody president...
80K 2.8K 32
Isang umaga, nagising nalang siya namayaman na siya at kasal sa isang napakaguwapong nilalang sa paningin n'ya. At higit sa lahat, makapagtapos na si...
22.8K 751 33
Meryl Michelle Salvador- the ignored one. Mula pagkabata hinangad niya na mahalin sya ng kanyang mga magulang. She patiently waited for their love...
55.5K 2.1K 50
Erika at Lynlie/Andrei and Adrew Villafuerte story...