Unwavering Love (Major Revisi...

By IamYoungLady

4.4M 16.9K 1.2K

-Formerly known as "A Cruel Husband" *El Sajano Series #1 Charmaine Serenity Salanueva is not an innocent wo... More

Unwavering Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16

Kabanata 13

65.8K 677 29
By IamYoungLady

Kabanata 13

Lips

Hindi parin ako makapaniwala na ang kababatang matagal ko ng hindi nakikita ay nasa harap ko. Maayos ang pustura at parang nakaka-angat na sa buhay. He's driving a car now. He looks more mature than ever. He's wearing a suit and specs now. Ang huling kita ko sa kanya ay 'yong buhay pa si papa. Now, he looks different. I mean... nakilala ko parin siya ngunit ibang-iba na siya ngayon kaysa sa dati.

"I can't believe you!" Hindi makapaniwalang sinabi ko. We were on his car as he drive away to my college.

Who wouldn't?! Ang tagal na wala akong balita sa kanya because I know he's busy. At nasa El Sajano siya which is too far away from here! Ang lugar na matagal ko ng gustong puntahan.

"Nagulat ka ba Chacha? Ako din, eh! Hindi ko alam na kila senyora ka na nakatira." Sagot nito sa akin.

"That's a long story Genard. Baka saan pa tayo mapunta kapag naumpisahan ko. But by the way... paano kayo nagkakilala ni lola?"

Nakakabigla kasi wala akong ideya sa lahat, na ang alam ko ay nasa El Sajano lamang siya dahil doon siya nagtatrabaho.

"Pinapunta ako dito ni Sir Marcus tapos pinatawag niya ako kay senyora na may ihahatid daw ako. Pumayag naman ako."

"Magkakilala kayo ni Silver?!" Nanlalaking mata kong tanong.

"Marcus, Chacha hindi Silver. Sino 'yun?" Aniya at napakamot pa ng ulo.

"Pareho niyang name 'yun." Sinabi ko na lang para di na siya magtanong tungkol doon. Nagkibit balikat lang ang kababata ko.

Napag-kwentuhan namin ni Genara na sa kompanya nila si Silver siya nagtatrabaho noon bilang kargador hanggang sa nilipat siya ng pwesto dahil masipag siya. Nakitaan siya ng potensyal ng mga magulang ni Silver kaya naman inalok siyang na maging scholar nito, na tinanggap niya naman.

Kakagraduate niya lang last year at ngayon nagtatrabaho under sa company nila Silver bilang isa sa mga secretary nito.

"Masaya ako para sa'yo Genard."

"Salamat, Chacha. Matutulungan ko na ang mga magulang ko! Malaki kasi magpasahod ang mga Rividiego saka mababait silang tao." Magiliw nitong sinabi sa akin.

Halata sa kababata ko ang tuwa sa mukha niya. Di ko maisip na sa ganitong paraan pa kami magkikita. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay nagtagpo kami ulit.

"Anong course pala ang tinetake mo ngayon?"

"Business. Para kay lola." Tipid kong sinabi.

Kumunot ang noo ng kababata.

"Lola? Magkadugo kayo ni senyora?"

"Baliw! Inampon niya ako!"

Mabilis na tumigil ang sasakyan kaya muntik akong masubsob sa dashboard. Mabuti na lang ay nakahawak ako kaagad.

"Gusto mo bang mamatay tayong dalawa?!"

Tinaas niya ang dalawang kamay na akala mo ay sumuko tapos nag-peace siya bago buhayin muli ang makina.

"Pa-paano?" Usisa niyang muli, Nanlalaking mata tinanong ako.

Pumikit ako ng mariin. Mahabang explanation ito kapag nagkataon at hindi ako handa para doon.

"Saka ko na ikukwento kaya ayos na ang lahat. Itabi mo na lang dyan sa gilid dito na lang ako baba." Sabi ko ng kumaliwa na siya sa kanto papasok ng college.

Sinunod niya ang sinabi ko pagkadating namin. Bumaba ako para kuhanin ang aking bag sa likod ng driver's seat.

"Nice to meet you again, Genard. Thank you sa paghatid. Ingat ka!" Sigaw ko habang papalayo sa kanya, kumakaway pa.

"May utang ka pa sa akin, ah!" Sigaw ng kaibigan pabalik. Hindi ko na narinig ang huli nitong sinabi dahil malayo na ako sa kanya.

"Good Morning!" Bati ko kay Lodia at Lia na parehong matamlay. Nilagay ko ang aking bag sa ilalim pagkatapos ay humarap sa kanilang dalawa. Si Lia ay nasa harap ko habang si Lodia ay nasa kanan ko. "Problem guys?"

Bumuntong hininga si Lodia na sinegundahan naman ni Lia.

"Nagtext sa akin si Neil. Hindi na daw siya makakasali sa project natin." Lodia replied.

"Bakit daw?"

"His lola passed away yesterday. Kailangan daw siya ng pamilya niya. Neil is the breadwinner of his family, Chacha."

"B-but... what about his school?"

"I guess he'll dropout soon? Ang lola niya ang nagpapa-aral sa kanya now his lola's gone, he needs to work to support his family."

"Ang parents niya?" Usisa ko pang muli.

"Ang alam ko ay wala na siyang mga magulang. Mayroon siyang mga tito at tita doon pero di niya naman siya nito tinutulungan dahil may sarili din silang pamilya na kailangan buhayin. It's now or never for Neil this time."

Bahagya ako nakaramdaman ng kalungkutan dahil sa hindi siya makakasama sa aming project kundi malaki ang posibilidad na mahihinto ang pag-aaral niya. Mas lalo din akong naghinayang na makita si Lia, na sobra ang lungkot ngayon. Nakatungo siya at hindi pa nagpapakita ng mukha sila ng dumating ako.

Bumangon si Lia sa pagkakayuko. Inayos nito ang ang nagulong buhok. Binigyan ko siya ng tissue para punasan ang mukha niyang nabasa ng luha.

"I will do everything to get him back. Hindi siya pwede mahinto!" Lia response, crying out loud.

Nilapitan ko si Lia at niyakap ng mahigpit. Nagtitinginan na ang iba naming kaklase sa amin, ang iba ay tinatawanan pa siya ngunit wala akong pakialam. Even though I don't know how much this pain her, I want to be there for her. I want her to know that she have me—comforting her.

A shallow tears isn't different from a real tears. Walang pagkakaiba ang pagluha. A tears is the only way you can express what you felt and the words you cannot speak. You cry because you felt the need to cry. No what's if and all.

Sumama si Lodia sa pagyayakapan naming dalawa.

"Mahigpit na yakap to all of us!"

Tinulungan ni Lodia si Lia na punasan ang luha nito pagkatapos mahismasan.

"You're such a crybaby!" Lodia joked. Sinungitan lamang siya ni Lia, which is I think the very first time she did.

"We will talk to ma'am Ayda after our class okay? Hush now, Lia! Everything will be alright."

I am thankful that I have met these people. They bring joy in my life. We may have different personality but I am always amaze how we instantly clicked for each other.

Do really opposites attract then?

Katulad na lang ng niyakap ko si Lia, I don't know the reason why I did it but I felt the need to hug her. She's very quiet and hard to read. Kaya nakakatakot minsan siyang kausapin. But the more I get close to her, the more I get to know her. Same as Lodia na pakiramdam ko ay mataray noong umpisa. But now, I eventually understand her. She's simple and bright person. Madali para sa kanya na umintindin ng kapwa.

"Nahirapan ako kanina sa quiz sa finance. Pucha! bagsak na naman ako nito!" Reklamo ni Lodia habang nilalaro ang maliit na bato.

Nasa garden kami ngayon dahil katatapos lang ng isang subject namin. Next subject will be management. Terror pa naman ang professor namin. Kaya kailangan makinig mabuti.

Balisa parin si Lia hanggang ngayon. Ngumingiti naman siya kapag nagbibiro kami ngunit halata ang lungkot sa mga mata nila.

Pagkatapos ng klase ay pumunta kami sa staff room para kausapin si ma'am Ayda. Nasa unahan si Lodia at nasa likod kami pareho ni Lia. Nakadantay ang kamay nito sa aking braso.

Bumati kaming lahat pagkatapos ng staff room. Nagbalingan sa amin ang mga professor kasama na doon si Ma'am Ayda.

"Good Afternoon ma'am." Pangunguna ni Lodia.

Umupo si ma'am sa kanyang swivel chair at inikot 'yon paharap sa amin.

"Good Afternoon. Miss Salanueva, Miss Ragaza and Miss Cantinero. Anong sadya niyo sa akin?" Tiningnan kami nito bawat isa at aakalain mong hindi niya nagustuhang nandito kami.

"Totoo po ba na mada-drop si Neil kapag hindi na siya pumasok?" Umpisang tanong ko.

Tumaas ang kilay ni ma'am. At inaaamin kong hindi ko 'yon nagustuhan. Bilang ganti ay hindi muna ako umimik. Binabalanse ang

"Natural Miss Salanueva, I don't need an irresponsible student in my class. I want my student to pay attention at all times. Unfortunately Mr. Lociero isn't applicable to that." 

"But ma'am I do believe that Mr. Lociero didn't want to dropout. Her grandmother had just passed away but that doesn't mean he will stop."

"Miss Salanueva, It is not my problem his problem. Hindi ko 'yon kontrolado. Ang akin lang kung gusto niyang mag-aral ay pumasok siya at magsubmit ng requirements, which he didn't. Nagpaalam siya sa akin ng maayos at pumayag ako ngayon ay gusto niyang mag-drop out. Then go. Hindi ko siya pipilitin Miss Salanueva. You may want to talk to Miss President in case of this because I am only a staff here Miss Salanueva."

Napasandal ko ang aking ulo sa pader habang nag-iisip kung paano mababalik si Neil sa pag-aaral. Iniisip ko kung ano pa ang maitutulong ko. Ilang taon na lang ay ga-gagraduate na kami at nasasayangan ako kung hihinto siya.

"I'm sorry. Hindi ako nakatulong." Malungkot kong sinabi. Malungkot ako dahil ang expectations ko ay maibabalik si Neil ngunit naging mataas agad ang tingin ko. Hindi pala ganun kadali 'yon.

"Ginawa mo naman ang best mo, e. Kapag nalaman ni Neil na tinulungan mo siya, I'm sure magiging happy 'yon kaya 'wag ka ng mag-aalala, Chacha. Babalik si Neil. Hindi man ngayon pero alam kong babalik siya."

I hold unto Lodia's words by then. Maliit man ang porsyentong makikita namin siyang muli, alam ko sa pagdating ng tamang panahon, mangyayari 'yon.

"I'll wait for him, where he left me. I'll wait for him..."

Iyong ang huling sinabi ni Lia ng pagkakataon na 'yon. Alam kong hindi magiging madali para sa kanya ito. He maybe her first crush or first love at kahit hindi ko pa 'yon naranasan ay napahanga ako kung gaano ito makapangyarihan. That a crush will inspire you but first love will teach you. Dahil ang unang pag-ibig ay maalab, mapusok at nakakatakot.

Then again, I realized something bigger. The image of a man go through on my mind. For the past few days pilit kong tinatanggi sa sarili ko na ayoko. He would be engaged to Celine Vergara sooner or later. Ayokong masaktan kapag nangyari 'yon. That's why I tried to stay on my lane. Ngunit di ko napansin na kung gaano ako lumalayo ay ganoon din ang paglapit niya sa akin.

Why would he do that? Didn't she love Celine Vergara?

I maybe stupid sometimes but my realizations hit me different this time.

Naunang umuwi si Lodia sa amin dahil kailangan niya na ulit mag-part time. Abala ang kaibigan kong 'yon dahil nag-tatrabaho siya bilang cashier sa gas station na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. I have limited knowledge about her family. I just knew she is a Ragaza and is a one of the prominent family name in the Philippines.

Nanatili kami ni Lia sa college garden, both staring at the pink sky infront of us.

"Paano mo malalaman kung tunay ang pag-ibig?"

"If you can't control what your heart speaks. If the beat of your heart is constantly yearning for someone you can't convey." She told me as if it she knows every single thing about it.

Ganoon ba kalalim ang kayang ibigay ng pag-ibig na tunay? If her love for Neil is intense then why she let him go?

Kung bakit kasi kailangan nating palayain ang taong nagpapasaya sa atin. Why can't people both agree to stay with each other.

I was reluctant to tell her what's on my mind when she told me her belief about love. All I know, love is powerful and it manifest throught our actions.

Actions. A picture of a man flashbacks. His words. Bakit ang tanga mo Chacha? Akala ko ba maalam ka sa ganitong bagay? I remember his worried eyes, his soft and gentle touch. Mga pagkakataon na binaliwala ko dahil napupuno ng galit at selos ang aking utak.

I was excited to go home to tell Silver about what I have felt. Pauwi palang ay iniisip ko na ang mga salitang sasabihin ko.

Kasi, bakit ako matatakot kung tunay ang pag-ibig? Bakit ako mahihiya kung sasabihin ko ang totoo.

Nawala ang mga iniisip ko ng tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko 'yon at isang hindi nakaregister na number ang nabasa ko.

Unknown number:

Papunta na ako dyan.

Confused a little bit but I figured it out who had texted me.

Ako:

Okay. Dito lang ako sa college garden.

I replied.

Pinasok ko na ulit ang cellphone sa bag ko. Lia was still quiet until she starting singing, it was just a whisper. Hindi pamilyar sa akin 'yon pero nakakagaan dahil sa kalma ng boses niya.

"Magaling ka palang kumanta, e. Why don't you join a contest?" I encouraged her.

Nagkakaroon din kasi ng taunang piyesta ang Dumarao at ang mananalo ay mag-uuwi lang naman ng one hundred thoudand pesos. Ito ay bilang pagsuporta ng mayor sa mga may talento sa pag-awit.

"Impossible. My parents was against to it ever since. They want me to pursue business because I am the the only heiress." She answered. I sensed disappointment in her voice.

Siguro ay gustong-gusto niya talaga ang pagkanta ngunit pinagkakaitan siya ng mga magulang niya.

"Then proof them that you can be something they will be proud of," I said trying to encouraged her more. I was hoping that my words will lift her up.

"Disappointments have no space in my parents mind, Chacha. Kung ipagpapatuloy ko ang kagustuhan na ito malamang ay palayasin pa nila ako."

Umawang ang aking labi, nabigla sa kaibigan.

"Why would they do that?!"

"Because they can do that..." She smiled fakely. "I am an only child so the pressure is on me. Maraming taong nakatingin sa'yo at hihintayin na lang nila ang pagbasak mo. Kapag nalaman nilang tuluyan ka ng bumagsak gagawa sila ng paraan para manatili ka doon. And you can't expect them to be still nice. In fact, they can do worse, "

People are so cruel sometimes huh? I've always see the beauty of the mind of the human being but her telling me these, alarmed me.

A flashback came across, my encountered, the man trying to kill me. Nanindig ang aking balahibo. I was fortunate that time. Pero paano kung walang dumating na tutulong sa akin?

I was about to speak to tell her that time will come when she can freely do what she want when a sound of engine started roaring, lumalakas ito habang papalapit sa amin.

"I'll go now Lia. I hope you can be free." I told her leaving her with a sweet smile.

Tinakbo ko ang daan palabas at nakita si Genard na nasa ng sasakyan at kumakaway.

"Na-late ako may pinagawa pa kasi si senyora." He explained.

Pareho na kaming sumakay sa car niya. Nilagay ko sa likod ang bag bago nag-seatbelt.

"Naku, di naman nagtagal paghihintay ko saka nag-uusap lang kami ng kaibigan ko kaya hindi ko na namalayan." Sabi ko. Nilakasan ko ang buga ng hangin ng aircon dahil pinawisan ako.

Genard handed me a tissue. I gladly accepted it, pinunas ko 'to ng marahan sa aking mukha.

"Thank you. Ang init sa labas, e."

Nag-scroll lang ako sa cellphone ko habang tinatahak namin ang daan pauwi. Nila-like ko 'yong mga pictures na pinost ni Lodia. Kaunti lang din naman ang mga friends ko, karamihan ay di ko pa nakakachat. Patuloy ko 'yon ginawa hanggang makita ang profile ng isang pamilyar na babae. C-in-lick ko 'yon. May isang post doon na nakaagaw sa akin ng pansin.

I believed in your words

Binasa ko ang comments dahil na-curious ako kung sino ang tinutukoy niya.

I love you gurl.

Laban lang Lyn!

Support namin kayong dalawa.

Mas bagay kayo.

Nakutubugan ko na kung sino ang tinutukoy niya kaya sinara ko na lang ang aking phone. Mahina akong bumuntong hininga para pigilan ang namumuong iritasyon.

Nakarating kami ni Genard ng maayos sa mansyon. Sa pagbaba ay nakita ko si Silver at Celine na nag-uusap sa labas. Nakaparada doon ang pareho nilang sasakyan.

"Thank you ulit sa paghatid, Genard. Sa uulitin!" Sabi ko, sinadya kong maging malakas 'yon.

"You're always welcome Chacha. Malakas ka sa akin." Sagot ng kaibigan. Ngumiti ako sa kanya.

Mariin ang paraan ng pagkakatingin sa akin ni Silver bago 'yon nilipat sa lalaking nasa likod ko. Nagtagal 'yon sa kasama bago muling nalipat sa akin at pumungay ang mga mata.

Hindi rin nakaligtas ang maloko ngunit may halong pang-aasar na tingin sa akin ni Celine. Umayos ito ng tayo. Nilapit ang bibig sa tenga ni Silver at may binulong.

"Excuse me." Sabi ko. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti bago sila nilagpasan.

Hinanap ko si lola sa buong mansyon at ng hindi ko makita ay aakyat na sana sa hagdanan ng may mabilis na humigit sa aking braso.

"Oh my God!" Singhal ko ng muntik ng malaglag.

"What happened?" Tanong nito sa akin sa malalim na boses.

"What?! I'm okay, duh!"

"I was just asking how do you know Genard then?"

"He is my childhood friend. Dito siya dati nakatira sa Dumarao but eventually, he left for El Sajano because he needs to work." Paliwanag ko.

Tumaas ang gilid ng kanyang labi, tila nakumpirma ang mga tanong na di masagot.

"So... he is the friend you're talking about few years ago, huh."

Naguluhan ako. Sinabi ko ba sa kanya kung sino si Genard noon? Anyway, whatever!

"Okay na ba? Pwede na ba akong umakyat?"

"I was with Celine to work for the construction of the supermarket. That'all."

And so? Hindi ko tinatanong.

Tumaas ang kilay ko. Not expecting what he had said.

"I have no feelings with her."

"Oh really?" I said, amused by his words.

"I don't like her."

"You don't like her because you love her. I know don't worry."

"Yeah, right Charity. You're acting again as if it's you know everything." He said with full of conviction. Hindi man siya sumigaw ngunit tila dumagundong 'yon sa buong mansyon.

"Bakit? Tama naman ako, e. You've got engaged pa nga sa kanya, e. Siguro kung hindi ka kinailangan ni lola ay nagpakasal na kayo. 'Wag kang mag-alala sasabihin ko kay lola na madaliin ang lahat para makasal na kayo!"

"Papaano kita mapapaniwala na wala akong nararamdaman para sa kanya, huh? I was engaged to her. Yes! But I was force to do it for my mom but she's gone and I have to deal with the company. I cancelled it. Ako pa ang unang umayaw Charity."

"W-why you cancelled it then?" Tila napupuyos ang aking dibdib sa mga rebelasyong narinig ko.

"Because someone caught my eyes already." Aniya at hindi binibitawan ang titig sa aking mga mata.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Umaatras naman naman ako. Bawat hakbang niya ay naghuhuramentado ang aking puso.

"But Celine Vergara is beautiful."

Really Chacha?

"I know. But I wasn't interested to her." He whispered, closing the gap between us.

"Don't hold it back, baby. I got you know."

"H-huh?"

Mabilis ang naging nangyari. Next thing I knew I felt a soft thing touches my lips. Nanlalaki ang mata kong tiningnan ang lalaking nakapikit. His eyelashes are almost pressing my forehead.

Sinandal nito ako sa pader. Ang kanyang kamay ay nasa likod ng aking ulo, ginagabayan ako sa paraan ng paghalik nito. Lumalim ang halik niya sa akin. I didn't know how to kiss properly, ngunit napapadali niya ang pag-galaw, tila gamay niya ang bawat sulok nito.

He kissed me with hunger this time. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ng pinasok niya ang kanyang dila. He let his tongue played with mine.

Mariin akong napakapit sa kanyang likod. Nanghihina ako ngunit ang kamay ay nasa bewang ko, binabalensa ang aking pagtayo.

I was breathing heavily when he left my lips. Kita ko ang pulang pula niyang labi. Nag-init ang pisngi ko dahil alam ko ang rason na 'yon.

"Do you believed me now?" He ask me, carressing my lips with his thumb.

I nodded.

Binasa nito ang labi at sumilay ang mapaglaronong ngiti.

"You're fucking red right now but I like it."

Continue Reading

You'll Also Like

339K 10.5K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
61.2K 642 34
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
77.9K 1.1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...