Legend of Divine God [Vol 1:...

By GinoongOso

555K 32.3K 1.6K

Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohan... More

Legend of Divine God [Vol 1: Struggle]
Chapter I
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
NOTE

Chapter II

18K 929 132
By GinoongOso

Chapter II: Adventurer's Training Ground

Aurora Town, Azure Wood Family.

Ang teritoryo ng Azure Wood Family ay puno ng ingay at kasiyahan. Mayroong nakahaing masarap na pagkain, iba't ibang uri ng masasarap na putahe na niluto gamit ang iba't ibang karne ng Vicious Beast.

Umuugong ang halakhakan at kwentuhan sa bahaging iyon ng Azure Wood Family. Lahat ay masaya at mayroong ngiti sa kanilang labi.

"Third Elder ngayon na nasa Sacred Dragon Institute na po si Finn, hindi po kaya manganib ang buhay niya gaya ng nangyari noon kay Altair sampung taon na ang nakalilipas..?" bigla nalang natanong ni Sig kay Third Elder.

Nang marinig ito ng bawat miyembro, lahat sila ay nagdilim ang ekspresyon. Sampung taon na ngunit sariwa pa rin sa kanila ang pagkamatay ng tinaguriang pinaka-talentadong Adventurer na ipinanganak sa buong angkan ng Azure Wood Family. Noong mga oras na makapasa ang binatilyong nagngangalang Altair, lahat ay umaasa na makakaalis na sila sa pagiging ordinaryong angkan. Pero nawala ang pag-asang iyon nang mabalitaan nilang namatay si Altair dahil sa isang lason sa kaniyang inumin.

Si Altair, ang nakababatang kapatid ng Third Elder kaya naman labis ang paghihinagpis niya nang malaman niyang may pumatay sa kaniyang kapatid. Winasak ng pagkamatay ni Altair ang pangarap ng buong Azure Wood Family. Marami ang nawalan ng pag-asa dahil sa biglaan niyang pagkamatay. At hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam kung sino ang nasa likod ng kanyang pagkamatay.

Gayunpaman, lahat ng mga Elders ng Azure Wood Family ay may hinala. Naghihinala sila na ang Black Tiger Family ang nasa likod ng lahat ng iyon. Wala silang maisip na mayroon pangahas na gagawa noon bukod sa isang Aristocrat Family. Ang hinala nila, natatakot ang Black Tiger Family sa talentong mayroon si Altair. Pero tanging hinala lang ang kaya nilang gawin dahil walang mailabas na pruweba ang Azure Wood Family.

Ilang araw palang matapos makapasok ang binatilyo sa institusyon kaya naman hindi nag-abala pa ang mga nakatataas ng Sacred Dragon Institute na pahabain at mag imbestiga pa. Hindi sila gaanong nagbigay ng pahayag ukol dito, tikom ang kanilang bibig at ayaw nilang magsalita tungkol sa totoong nangyari.

Kahit na hindi sang-ayon ang Azure Wood Family, wala silang magagawa dahil ang salita ng mga nakatataas sa intitusyon ang batas. Isa lang silang Ordinaryong Angkan at ang kanilang kabuuang pwersa ay hindi maikukumpara sa institusyong binuo ng Royal Clan.

Rebelyon? Kung magsisimula sila ng rebelyon, ipapahiya lang nila ang kanilang mga ninuno. Hindi rin sila magtatagal dahil kahit isang miyembro ng Royal Clan ay kaya na silang wasakin.

Tumingin lang si Third Elder sa kalangitan. Bumuntong hininga siya at pabulong na nagsalita, "Kung sakaling may mangyaring masama sa anak ko, yun na ang katapusan ng Black Tiger Family. Kahit ang Royal Clan ay walang magagawa para iligtas sila."

Nagkatinginan si Sig at Damian. Hindi nila maintindihan ang mga sinabi ng Third Elder. Naguguluhan sila pero nanatili na lang silang tahimik dahil maging ang ibang mga Elder ay tahimik at taimtim din ang ekspresyon.

Hindi nila kayang labanan ang Black Tiger Family. Kung gayon, sino ang uubos sa mga tigreng 'yon kung sakaling may mangyaring masama kay Finn Doria? At isa pa, mayroon ba talagang nilalang sa kahariang ito na kayang labanan ang awtoridad ng Royal Clan?

--

Sacred Dragon Institute, Contribution Hall

"Tama ba ang narinig ko? Gusto mong lumakas at gusto mong tulungan kita?" kunot noong tanong ni Kiden sa binatilyong nasa harap niya.

Kababalik lang ni Kiden sa Contribution Hall nang biglang mayroong isang binatang naghahanap sa kanya. At ang binatang ito ay walang iba kundi si Finn Doria.

Makikita sa mukha ng binata ang matinding determinasyon. Makikita sa kanyang pares ng ginintuang mga mata ang labis na pagka-uhaw sa lakas. Determinado na ang binata na lumakas, at sa ngayon, kinapalan niya na ang kanyang mukha para tumulong sa taong kakikilala pa lang niya.

Kung nais niya agad magsanay at lumakas, kailangan niya muna ang payo at tulong ng isang nakatatanda at may karanasan ng adventurer. Wala siyang pagpipilian kundi ang hingin ang tulong ni Kiden na isang Outer Elder sa institusyon.

"Opo, Elder! Gusto ko pong maging malakas upang maprotektahan ko ang mga taong malapit sa akin!" determinadong tugon ni Finn Doria kay Kiden.

Napahawak naman si Elder Kiden sa kaniyang baba na para bang nag-iisip. Tumingin ito sa mga mata ng binata at bumuntong hininga, "Iniisip mo bang maililigtas mo ang iyong angkan mula sa Black Tiger Family? Masyadong mataas ang iyong pangarap, kung gano'n... pero gusto ko 'yan!"

Totoo ang sayang at paghangang nararamdaman ni Kiden kay Finn Doria. Minsan lang siya magkaroon ng ganitong estudyante na ang kagustuhan ay protektahan ang kanyang angkan na kinabibilangan. Kahanga-hanga ang kaugaliang ito para sa isang batang adventurer na nasa labing-anim na taong gulang pa lamang.

"Mayroon akong alam na isang lugar sa institusyon na maaari kang magsanay. Magkakaroon ka rin ng karanasan sa pakikipaglaban kapag dito ka sa lugar na ito magsasanay pero..." huminto si Kiden at direktang tumingin sa binata. Nang makita niyang naghihintay ang binata sa sunod niyang sasabihin, bumuntong hininga siya at nagpatuloy, "Masyadong mapanganib ang lugar na ito para sa gaya mong 5th Level Bronze Rank. Maaari kang mamatay sa loob ng lugar na ito kung magiging pabaya ka."

Kinuyom ni Finn Doria ang kaniyang kamao at agad na tumugon, "Pero Elder, kung wala akong lakas ng loob at kung hindi ako haharap sa panganib, hindi ako kailanman magiging malakas! Bilang isang adventurer nakatadhana na na humarap ako sa maraming pagsubok at panganib. Sana po ay matulungan niyo ako!"

Nagulat si Kiden sa sinabi ni Finn Doria, mula ngayon hindi niya na puwedeng ituring bilang isang bata ang binatang ito. Totoo naman ang lahat ng sinabi niya. Pero noong nasa ganitong edad pa lamang siya, kailan man ay hindi siya naging ganito mag-isip. Noong kaedaran niya ang binatang ito, ignorante pa siya at walang alam sa mundong kinagagalawan niya.

"Hmm. Nakakapanghinayang na sa maling angkan ka ipinanganak. Pero syempre maswerte ang angkan mo dahil kabilang ka sa kanila," hinawakan ni Kiden ang kaniyang singsing sa daliri at isang naka-rolyong papel ang biglang lumitaw sa kaniyang kamay. Inihagis niya ito kay Finn Doria at marahang nagwika, "Kunin mo ito. Iyan ang kabuuang mapa ng Adventurers Training Ground, makikita mo riyan kung saan ka makahahanap ng mahihinang Vicious Beast. Pero kailangan mong mag-triple ingat dahil mayroong malalakas na Vicious Beast ang gumagala para maghanap ng kanilang makakain. Isa ka lang hamak na 5th Level Bronze Rank kaya siguro naman ay kaya mong makipaglaban sa mga mahihinang First Grade Vicous Beast."

Habang nagpapaliwanag si Kiden, ang tingin naman ng binata ay nasa singsing nito. Hindi maitago ng binata ang kanyang sabik at paghanga habang nakatingin sa singsing.

'Ang singsing na 'yon! Isa 'yong Interspatial Ring!' sa isip ni Finn Doria.

Ang interspatial ring ay isang uri ng mahiwagang bagay na maaaring pag-imbakan ng kahit anong uri ng bagay, hangga't wala itong buhay. Sa loob ng mga ganitong bagay ay mabagal ang takbo ng oras kaya naman maaari itong paglagyan ng pagkain, tubig at iba pa.

Mayroon din si Finn Doria na kagaya ng mahiwagang bagay na ito. Pero, ang kaniya ay isang interspatial sack na bigay pa sa kanya ng kanyang ama. Kumpara sa interspatial ring ang espasyo sa loob ng interspatial sack ay mas maliit ng sampung beses. Kung ang interspatial ring ay mayroong limampung metrong kuwadrado, ang interspatial sack naman ay mayroon lamang na limang metrong kuwadrado.

Inalis ng binata ang tingin niya sa singsing ni Kiden. Agad niyang inisip ang payo nito. Masayang ngumiti ang binata at agad na nanabik.

"Adventurers Training Ground... Maraming salamat po Elder Kiden!" tinanggap ni Finn Doria ang nakarolyong papel at magalang na yumuko.

"Ha ha ha. Maliit na tulong lang iyan. Hanga ako sa pag-uugali mo bata kaya ipagpatuloy mo lang iyan," nakangiti naman na giit ni Kiden.

Nagpasalamat muli ang binata bago ito tumalikod at nagsimula nang maglakad palabas ng Contribution Hall.

Tinitigan ni Elder Kiden ang unti-unting lumalayong pigura ng binatilyo at pabulong na nagsalita, "Nakakapanghinayang talaga."

Napailing si Kiden bago siya magpatuloy, "Sana ay makamit mo ang iyong minimithi at sana, hindi ka makasagupa ng malakas na Vicious Beast."

--

Ang Adventurers Training Ground ay matatagpuan sa loob ng Sacred Dragon Institute. Ang Training Ground na ito ay pawang isang kagubatan na naglalaman ng iba't ibang Vicious Beast. Ang mga halimaw na ito ay maikukumpara sa karaniwang hayop. Ang pinagkaiba nga lang ay mayroon ang bawat isa rito ng pambihirang lakas at kakaibang abilidad.

Kagaya ng mga Adventurers, ang mga Vicious Beast ay iniraranggo rin ayon sa kanilang lakas. Pero sa ngayon, First Grade Vicious Beast lang ang kaya ni Finn Doria na maikukumpara sa 4th Level Bronze Rank. Kung makakatagpo siya ng isang First Grade Vicious Beast na maikukumpara sa 6th Level Bronze Rank pataas, siguradong malalagay sa panganib ang kaniyang buhay.

Kahit na sobrang mapanganib ang mga Vicious Beast, mayroon pa rin namang naitutulong ang mga ito sa ordinaryong adventurers.

Mayroong mahahalagang bahagi ng katawan ang Vicious Beast na pwedeng ibenta sa mga negosyante na nasa labas ng institusyon. Halimbaw na sa mahahalagang bahagi ng katawan ay ang mga balat, balahibo, sungay, ngipin, dugo at ang pinaka mahalaga, ang Magic Crystal.

Ang magic crystal ay maihahalintulad sa Soulforce Coil ng isang Adventurer. Nakapaloob dito ang enerhiya ng Vicious Beast. Gaya ng mga Adventurers, ang mga Vicious Beast ay nag-aabsorb din ng natural na enerhiya sa kapaligiran upang gawin nilang sarili nilang enerhiya. Para ring adventurer ang mga Vicious Beast. Ang pinagkaiba nga lang, mababa ang kanilang pag-iisip at masyadong mapanganib ang mga ito.

Ang mga Vicious Beast na nasa loob ng Training Ground ay hinuhuli ng mga Elders. Hinuhuli ng mga nakatatandang Adventurers ang mga halimaw para sa mga estudyante na nais magsanay. Taon-taon na ginagawa ng mga nakatatandang Adventurers ang paghuli sa mahihinang Vicious Beast upang hindi mawalan ng supply ng Vicious Beast sa loob ng Training Ground

--

Sacred Dragon Institute, Adventurers Training Ground.

Samantala, sa harap ng isang mataas na pader at pintuan, isang guwardya at binata ang mapapansing nag-uusap. Nakakunot ang noo ng guwardya habang ang binata naman ay seryosong nakatingin sa guwardya.

"Hmm? Sigurado ka bang gusto mong pumasok sa Training Ground ito?" nakasimangot na tanong ng guwardya sa binata. "Kung sakaling may mangyaring masama sa'yo, labas ang institusyon diyan. Wala ka ring masisisi kundi ang sarili mo lang."

Tumango si Finn Doria sa guwardya bilang tugon. Gusto niyang sumugal sa pagkakataong ito hindi para sa kanya, kundi para sa kanyang kinabibilangang angkan at pamilya.

Nang makita naman ng guwardya pursigido talaga ang binata sa pagpasok sa Training Ground, napailing nalang ito at binuksan ang pinto.

"Maaari ka nang pumasok," taimtim na giit ng guwardiya.

Nagpasalamat ang binata. Agad rin siyang pumasok sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ng binata, agad rin na isinara ng guwardya ang pinto. Napalingon lang siya sandali pero hindi rin nagtagal ay nagsimula na rin siyang maglakad.

Nagpatuloy sa paglalakad ang binata. Kinuha niya ang mapa na ibinigay ni Kiden sa kaniya. Ang lugar ng mga First Grade Vicious Beast ay malapit lang sa pasukan kaya naman hindi siya nahirapan sa paghahanap.

Sa loob ng kaniyang interspatial sack, makikita ang ilang tinapay na kanyang puwedeng kainin pag siya ay nagutom, isang sisidlan na naglalaman ng malinis na tubig at sagisag na sumisimbolong isa siyang estudyante ng institusyon. Mayroon din siyang maliit na patalim na panlaban naman sa mga Vicious Beast. Ang patalim na ito ay bigay pa ng kaniyang ina, para raw sa kaniyang sariling kaligtasan.

Habang patuloy na naglalakad si Finn Doria, bigla nalang siyang nakasalubong ng isang puting kuneho. Ang pares ng mga mata nito ay sobrang pula na animo'y maihahalintulad sa kulay ng dugo. Napakaputi rin ng balahibo nito. Nagkatitigan ang kuneho at ang binata.

Lalapit na sana si Finn Doria ngunit napaatras siya nang biglang magbago ang anyo ng puting kuneho. Bigla itong lumaki na kasing laki ng binata. Tinubuan din ito ng sungay sa gitna ng ulo at nagsihabaan din ang kuko at mga ngipin nito.

Sa kasalukuyan, malayong-malayo na ang hitsura nito sa hitsura ng maamong kuneho kanina.

"Horned Tricking Hare!" nanlaki ang mata ni Finn Doria.

Muntik na siya roon! Mayroon siyang kaunting alam tungkol sa halimaw na ito. Ito ang abilidad ng isang Horned Tricking Hare, ang magpanggap na ordinaryong kuneho upang manloko ng kaniyang mabibiktima.

Kung hindi siya naging maingat, siguradong siya ang magiging tanghalian ng kunehong ito. Kahit na isa ang Horned Tricking Hare sa pinakamahihinang Vicious beast dito, hindi pa rin ito pupuwedeng baliwalain. Mapanganib ito dahil sa mga kuko nitong sobrang talim.

Agad-agad na kinuha ni Finn Doria ang kaniyang patalim mula sa interspatial sack at hinawakan ito sa kaliwang kamay.

ROAR!

Mabilis na sumugod ang halimaw at akmang kakalmutin ang binata pero agad na nakatalon ang binata patalikod. Pagkatapak niya sa lupa, agad siyang sumugod sa halimaw at hiniwa ito gamit ang kutsilyo.

WHOOSH!!

Nagawang iharang ng halimaw ang kaniyang braso kaya naman ang braso lang nito ang nasugatan.

ROAR!!!

Dahil sa ginawa ni Finn Doria nagalit ang halimaw ng sobra at naging agresibo. Sumugod ang halimaw kay Finn at walang pakundangang sinubukang kalmutin ang binata pero dahil wala na ito sa kaniyang sarili, madali lang itong naiilagan ng binata.

'Nawalan siya ng kontrol sa sarili! Kailangan ko nalang maghintay ng tamang pagkakataon!' sa isip ni Finn Doria.

Habang patuloy na umiilag si Finn Doria, kinuyom niya ng kaniyang kamao at mayroong kakarampot na enerhiyan ang naiipon dito. Nang makahanap siya ng tyempo, sinipa ng binata ang brasong ipinangkakalmot ng halimaw at sinuntok ito sa sikmura.

Azure Wood Fist!

"HAA!"

Ginamit ng binata ang isa sa mga skill ng angkan niya!

Ang Azure Wood Fist ay isang skill na ginawa pa mismo ng kanilang mga ninuno. Isa lang itong Tier 1 Adventurer skill kaya naman hindi ito ganoon kalakas. Gayunpaman, sapat na ito para talunin ang isang mahinang First Grade Vicious Beast gaya ng Horned Tricking Hare.

BAM!!

Tumilapon ang halimaw. Nagpagulong-gulong ito sa lupa bago tuluyang tumama ang katawan nito sa isang malapad na puno.

Maingat na lumapit si Finn Doria sa halimaw. Alerto pa rin siya at mahigpit pa rin ang kanyang hawak sa kanyang patalim. Dahan-dahan, sinuri niya ang halimaw at napangiti siya ng mapagtantong patay na ito.

Napaupo na lang ang binata. Makikita ang galak sa kanyang mukha kahit na medyo nahirapan siya sa pag-iwas sa mga walang pakundangang atake ng halimaw. Dahil sa isang laban na ito, halos kalahati ng kanyang soulforce at pisikal na lakas ang naubos ng binata.

Sa Azure Wood Family tanging mga puno lang ang puwede niyang pagsanayan ng kaniyang pisikal na lakas dahil hindi siya pinapayagan ng kaniyang ama na sumama sa pangangaso ng mga Vicious Beast sa mga kagubatan.

Ang mga kagubatan ay mapanganib. Hindi ito kagaya ng Training Ground na pili at mahihina lang ang mga halimaw na makikita. Para lang sa mga estudyante ang training ground habang ang mga kagubatan ay para sa nakatatanda at may karanasang mga adventurers.

"Masuwerte ako dahil isang mahinang Vicious Beast ang nakasagupa ko," nakangiting giit ng binata habang hawak ang kanyang patalim.

Gamit ang kanyang patalim, kinuha ni Finn Doria ang mahahalagang bahagi ng Horned Tricking Hare. Maging ang karne nito ay kinuha rin niya dahil ayon sa kaniyang ama, ang karne ng halimaw na ito ay masarap. Isa-isa niya itong itinabi sa kaniyang interspatial sack.

Pagkatapos makuha ang mga mahahalagang bahagi, nagpahinga muna si Finn Doria ng ilang oras. Muli lang siyang nagpatuloy sa paglalakad noong manumbalik na muli sa dati ang kaniyang lakas.

--

Sa isang iglap lang, mabilis na lumipas ang tatlong araw. Ang hitsura ngayon ni Finn Doria ay hindi na maikukumpara sa dati niyang hitsura noong una siyang pumasok sa Training Ground.

Ang kaniyang buong katawan ay punong-puno na ng mga galos at at sugat. Ang kaniyang suot na puting uniporme rin ay nagkulay dugo na at puro na sira.

Gabi na noon at ang liwanag bilog na buwan ay bumabalot sa buong Training Ground.

Nag-iihaw si Finn ng karne ng isang Raging Wild Boar nang bigla siyang makarinig ng kaluskos mula sa likod ng isang puno.

Isang maliit at kulay berde na lobo ang lumabas mula rito. Agad-agad itong lumapit kay Finn Doria at titig na titig ito sa kinakain na karne ng binata. Ilang sandali pa ay mayroon pang dalawang lobo na lumabas sa puno. Maingat na nakatingin ang dalawa kay Finn Doria at sa kanilang anak.

"Green Lone Wolf at isang buong pamilya sila! H'wag kayong mag-alala hindi ko kayo sasaktan," nakangiting giit ni Finn sa mga Vicious Beast pero malinaw naman na hindi nito naiintindihan ang mga sinasabi ng binata kaya maingat pa rin ang mga ito.

Ang mga Green Lone Wolves ay karaniwang hindi sumasama sa ibang grupo hindi gaya ng ibang uri ng lobo. Madalas ay nag-iisa lamang sila o kaya naman ay kasama lang nila ang kanilang pamilya.

Sa totoo lang, kahit na mga lobo ang Green Lone Wolves, hindi sila gano'n kapanganib. Hindi sila basta-basta umaatake. Umaatake lang sila kung nauna kang umatake sa kanila.

Marahang iniling ni Finn Doria ang kaniyang ulo at hinagisang ang mga lobo ng malalaking gayat ng karne. Noong una ay inaamoy-amoy pa ng mga ito ang karne. Maingat silang tumingin sa binata at nang mapansin nilang para talaga sa kanila ang mga karne, agad silang nagsimulang kumain.

Agad-agad namang naubos ng maliit na lobo ang kaniyang kinakain kaya naman lumapit ang kaniyang magulang upang ibigay ang kanila.

Nang makita ito ni Finn Doria, nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam. Bigla niyang naisip ang kaniyang pamilya.

"Kahit ang mga halimaw ay sobra rin ang pagpapahalaga sa kanilang mahal sa buhay..." buntong hiningang sabi ng binata.

Habang pinanonood ang pagkain ng mga lobo, isang malalim na tinig ang kumuha sa atensyon ng binata.

"Finn Doria. Himalang buhay ka pa hanggang ngayon, maabilidad ka talaga ha ha ha," isang malalim na tinig ang nagpatigil sa tibok ng puso ni Finn Doria.

Nakaramdam siya ng panganib. Maging ang mga lobo ay nagtakbuhan nang maramdaman nila na mayroong presensya ng isang adventurer sa paligid.

"Sinong nandiyan?!" sigaw ni Finn.

Hindi siya natatakot pero nakakaramdam siya ng matinding panganib. Nanlaming ang kaniyang katawan nang maramdaman na papalapit na ng palapit ang nakakatakot na aura na nagmumula sa likod ng isang puno.

'Isang malakas na adventurer!'

"H'wag kang mag-alala, bata. Mabilis lang ito," biglang lumabas ang isang pigura na nakasuot ng purong itim at sumugod kay Finn Doria.

Sinubukan ng binata na tumalon paatras upang umilag ngunit masyadong mabilis ang pigura. Naramdaman niya nalang na may isang matulis na bagay ang sumaksak sa kanyang dibdib.

Buong lakas niyang hinanggit ang mukha ng nakapurong itim na pigura at tinanggal ang nakatakip sa mukha nito. Sa pagtanggal niya ng nakatakip sa mukha ng misteryosong pigura, hindi sinasadya ng binata na makuha ang hikaw ng lalaki. Nang mawala ang takip ng mukha nito, bumungad ang isang matandang mukha sa mga mata ng binata.

"Ikaw..."

"Hmph. Ano naman kung makita mo ang mukha ko? Dahil mamamatay kana, may sasabihin ako sa'yong sikreto. Sa kamay ko rin namatay si Altair," nakakatakot na ngiting sabi ng lalaki. "Maging karangalan ito sa'yo dahil isang Gold Rank Adventurer ang pumatay sa'yo."

"P...ero bakit?" hinihingal na tanong ni Finn.

"Itinatanong mo pa? Pag napunta ka na sa impyerno doon mo lang malalaman. Paalam. HAHAHA." sagot nito at hinugot na ang patalim na isinaksak nito sa binata.

Ilang sandali pa, umatras ang matandang lalaki. Sa madilim na paligid, mabilis itong nawala na para bang bula. Bumagsak sa lupa ang nanghihinang katawan ni Finn Doria. Mabilis na umagos ang dugo mula sa kaniyang dibdib. Dahil sa pag-agos ng dugo, bumuo ito ng maliit na sanaw sa kanyang hinihigaan.

Bago pa man mawalan ng malay si Finn, nasaksihan niya ang biglaang paglitaw ng dalawang lagusan sa espasyo sa ibabaw niya. Ang dalawang lagusan na ito ay naglalabas ng makapal na puti at itim na usok na sa loob nito ay may kung anong pulang bagay na kumikinang-kinang. Binalutan ng dalawang usok si Finn Doria at unti-unting pumasok ang dalawang usok sa katawan ng binata.

Nang mawalan ng malay si Finn Doria, muling nagsara ang dalawang lagusan at isang kakaibang boses ang umalingawngaw sa kanyangutak.

[The System is now linked to host's mentality.]

[Merging the System to host's soul successful.]

[Transferring Alchemist profession successful.]

[Transferring Blacksmith profession successful.]

[Transferring Inscription Master profession successful.]

[Transferring Formation Master profession successful.]

[..]

[Transferring all the informations succesful.]

--

Continue Reading

You'll Also Like

820K 146K 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga...
286K 39.6K 42
Pagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at...
684 228 17
Urban Legends Series | Paperink Imprints A tail in a tale. Mermaids were known as the guardian of the ocean, they were famous by their beautiful face...
32.8K 4.1K 45
January 10, 2035. The first-ever virtual reality game in the Philippines; Crescent Online developed by AstroGame Corporation. Miracle Salvador is a...