First Love
Nang tuluyan nang lumubog ang araw ay agad na akong pumasok nang bahay..
Hindi ko na rin kasi kayang maka usap si Ethan..Dahil sa sinabi niya , parang hindi ko na alam kung paano isipin ang lahat..
"Bawat mga salitang binibitawan ko gamit ang ibang lengguahe ay paraan ko lang para maitago yung totoong nararamdaman ko..Nung isinumbat mo nga sakin na hindi ko kayang sabihin sayo ang tatlong salitang gusto mong marinig mula sakin , gusto kong magalit sa sarili ko..Kasi bakit hindi ko magawang sabihin sayo nang diretso..Bakit kailangan ko pang manahimik at palihim sa sabihin na mahal kita..Bakit ako natatakot na mahulog lalo sayo?"
Nag uunahang tumulo ang mga luha ko habang nakikinig sa kanya..
"Siguro nga tama si daddy , nagmana talaga ang pag uugali ko kay mommy..Ang hilig kong magtago..Ang hilig kong magsinungaling tungkol sa totoong nararamdaman ko.Paano bah kasi , takot din akong mag mahal nang sobra , kahit nung nakilala ko si Eliza , hindi ko parin naramdaman ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo..Ibang iba ka sa mga nakilala ko..Pero masyado akong gago kasi pinakawalan ko ang babaeng minsan ko nang ginawang mundo.."
Habang nakatitig ako sa kanya ang napansin ko parin ang lungkot sa mata niya..Kahit nakangiti niya , alam kong gusto niya nang umiyak sa harapan ko..
Habang nasa kwarto ako ay may narinig akong kung ano sa sala..
Agad akong bumangon at tiningnan kung saan nanggaling ang tunog na iyon..
Nasa hagdanan palang ako ay kitang kita ko na si Ethan na nag pa-piano sa baba..
Nanigas ako dahil pamiliar sakin ang tunog na yan..
Wala sa sarili akong bumaba habang nakatitig sa kanya..
Hindi naman siya nakatingin sakin dahil alam ko namang naka focus siya sa pag tugtog..
Nang makababa na talaga ako ay agad akong lumapit sa kanya..
"Alam mo pala ang tugtog na yan?" tanong ko
"Syempre , ito yung paborito nang mahal ko eh.." aniya habang tumutogtog pa rin
Nanigas nalang ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat..
Hindi naman sa assuming ako pero kasi yan ang paborito ko eh..
Japanese song yan pero may english version..
Alam ko din namang hindi lang ako ang mahal niya na paborito nag kantang yan..
Eh kasi..
Ah basta!Akin nalang yun..
"Sinong tinutukoy mo?" tanong ko at tumabi sa kanya
Baka naman kasi yung mommy niya diba..
O 'di kaya yung kapatid niya , si Xandra..
"Sino pa nga bah..Edi ikaw.." aniya at tiningnan ako
Napakurap kurap nalang ako dahil sa sinabi niya..
"P-Paano mo naman n-nalaman na p-paborito ko yan?" hindi ko na maayos ang pananalita ko
Kathlyn naman!.Umayos ka! >.<
"I have my ways.." aniya at ngumisi habang tumutugtog pa rin
"First love..Alam mo bah kung bakit ko paborito yan?"
Hindi siya nagsalita pero sigurado naman akong nakikinig siya..
"Paborito ko yan kasi noon , hindi pa ako nakakaramdam nang kakaibang love..Nung unang beses ko yang napakinggan , sabi ko sa sarili ko na sa oras na makilala ko yung taong magpapatibok nang puso ko , siya na yung mamahalin ko hanggang sa huli..Pero mukhang hindi ko magagawa yun kasi hindi naman ikaw ang huli ko eh."
Nakita ko ang pagbabago nang reaksyon niya..
Kaya agad nama nakong ngumiti..
"Pero okay lang yun..May iba pa naman sigurong naghihintay na makilala ako..At may iba naman sigurong nakatadhana sakin para mahalin ako nang totoo..Diba?"
Tipid lang siyang ngumiti sakin..
Hindi na ako nagsalita at tumingin nalang sa bawat galaw nang kamay niya sa piano..
Parang ang dali lang para sa kanya niyan ah..
"Ethan.." tawag ko sa kanya
Sumulyap siya saglit sakin at ibinalik lang din ang atensyon sa piano..
"Bakit?" tanong niya
"K-Kapag bah s-sinabi kong mahal pa k-kita , m-maniniwala ka?Kahit kasinungalingan lang?" pigil hininga kong sabi
Bigla nalang siyang tumigil sa pag tugtog at tumingin sakin..
Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya dahil iba na ang tingin niya sakin.
"Maniniwala ako kahit hindi totoo.." aniya
Napabalik naman ang tingin ko sa kanya...
Ano daw?
Maniniwala siya kahit hindi totoo?
Baliw bah siya?
"At bakit mo naman gagawin yun?.Hindi nga totoo diba , kaya dapat hindi ka na maniwala pa.." sambit ko
Ngumisi siya sakin pero baliktad naman ang nakikita ko sa mata niya..
"Maniniwala ako kasi kahit hindi totoo , aasa akong babalik yung dating tayo..Hindi ko rin naman mapipigilan ang sarili kong wag maniwala eh , dahil kahit isipin kong masasaktan ako ipaglalaban ka pa rin ng puso ko.."
Napalunok nalang ako dahil sa sinabi niya..
Kainis naman oh..Akala ko sasabihin niyang hindi siya maniniwala..
Hindi naman kasi siya ganyan noon eh..
Ma-pride kaya siya..
"Alam mo , nabibigla na ako sa mga pagbabago nang ugali mo.." sambit ko at nakangiting tumingin sa kanya
"Nabibigla ka?.Bakit?"
"Kasi habang tumatagal , hindi ko na nakikita ang dating Ethan sayo..Hindi na ikaw yung masungit minsan..Hindi na din ikaw yung mapang asar..Kasi ngayon , nakikita ko na yung totoong ikaw..Yung Ethan na pinapakita na sa iba ang puso niya.Hindi ka na natatakot na malaman nang iba ang sakit na nararamdaman mo...Alam kong ako lang naman ang tinatrato mo nang ganito , pero alam mo?.Mas nagugustuhan ko yung Ethan na nagpapakatotoo sa sarili niya..Walang tinatagong sekreto.." sambit ko at niyakap siya
Hindi naman siya gumalaw kaya mas hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya..
Nang bumitaw ako ay agad akong ngumiti sa kanya pero siya , parang nag aalinlanan pa..
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya
"A-Ah..O-Okay lang a-ako.." aniya at pilit na ngumiti
"Alam mo , wag ka nang mag alala sakin..Kasi simula ngayon hindi na kita sisisihin sa sakit na nararamdaman ko..Kakalimutan ko na ang nakaraan at bubuksan ko na yung puso at isip ko para sa panibagong alaala na na gagawin natin na magkasama.."
Napatitig naman siya sakin..
Kumunot ang noo ko dahil kanina pa siya tahimik.
"Alam mo , matutunaw na talaga ako dahil panay ang titig mo sakin.." nakangusong sabi ko
Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko..
"Okay lang kung matunaw ka , basta ako ang dahilan.." aniya
Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya..
Siguro ito na talaga ang simula nang lahat..
Ito yung resulta nang second chance..
Pinalaya ko na ang sarili ko sa sakit na kinimkim ko..Kaya ito ako ngayon..
Masaya na ulit ako at kinalimutan ko na yung mga paghihirap na naranasan ko..
Kaya ang dating bitter kong puso , naging better dahil sa panibagong love..