UNITE: A CASOM AND TAOSA Stor...

By cloooudcastilo

1.2K 108 32

It's been a year since the 23rd Linus Cup, Gin and his group members are already having the time of their lif... More

UNITE
CHAPTER 1: To Those Who Remain
CHAPTER 2: Elite Squad
CHAPTER 3: Final Preparations
Chapter 4: The Arrival
Chapter 5: Infiltration
Chapter 6: The Unfolding Horror
Chapter 7: Face the Darkness
Chapter 9: Portal to VanZanth
Chapter 10: He's Back
Chapter 11: Let Darkness
Chapter 12: The Encounter
Chapter 13: Unjustifiable Death
Chapter 14: AfterLife

Chapter 8: HEADMASTER'S FINAL WORDS

58 4 2
By cloooudcastilo

Author's Note:

Hi! Sobrang ikli lang ng chapter na to, the title says it all. Biro lang! Hahaha! Anyways, how's the story so far? Feel free to message me here or send some of your insights on my other social media accounts.

Special thanks to those who help me a lot lalo na sa pag translate ng english words to tagalog. And sa lahat ng nagbabasa nito! I do really appreciate it a lot.

Till next time!
Enjoy reading.

@dalematian

***

CHAPTER 8: HEADMASTER'S FINAL WORDS

CHARM ACADEMY
MELIORN'S HALLWAY, 11:27 PM

ARIELA'S POV

I rushed my way to the Sacred Sanctorium pagkatapos kong makita na papunta sa akin ang mga lumilipad na itim na tela. Things are getting more and more creepier. Hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sa Academy as of now. Basta all I know is I'm in a big trouble.

I hurriedly looked at my back to know if sinusundan parin ako ng mga itim na tela. Pero this time, those stuffs are now out of my sight. I abruptly stopped, the moment na nawala sila. Lumingon lingon ako sa paligid para siguraduhing okay na ang lahat ng bigla nalang tumilapon ako papunta sa pader sa aking likuran.

Para bang may kumokontrol sa akin, hindi ko magalaw ang aking mga kamay. Sinusubukan kong i diffuse yung charm na kumokontrol sakin pero hindi ko kaya. Tiningnan ko ang paligid para malaman kung sino ang may gawa nito. Pero wala akong masyadong makita. Maya maya pa ay may naglalakad papunta sa aking direksyon. Isang bata, naka black itong coat, natatakpan ng hood nito ang pangtaas na parte ng kanyang mukha ngunit sigurado ako na maputi ito.

"Tulungan mo akong makababa." Tinatawag ko siya. Pero laking gulat ko ng malaman ko na walang lumalabas na boses sa aking bibig.

"Natagpuan din kita—Davis."




11:30 PM
SACRED SANCTORIUM

SNOW'S POV

Kasama na namin ng kambal ang mga freshmen at sophomores. The moment we got here we already started a headcount para malaman kung may naiwan ba kami o wala. Three hundred and thirty six dapat silang lahat.

Three hundred thirty four...

Mabilis kaming nakadating dito ng ligtas dahil narin sa tulong ng charm ni Layla. Naiwasan namin ang lahat ng lugar kung saan may pagsabog at tingin niya may kalaban. Astig din talaga siguro magkaroon ng pandinig na 10 kilometers yung radius.

Three hundred thirty five...

Pinahanap ko agad kay Lily si Ariela. Karamihan sa mga charmer na nandito sa Sanctorium ay nabigla sa pagdating namin—hindi na yun importante sa ngayon. Mamaya nalang namin ipapaliwanag sa kanila ang nangyayari.

Three hundred thirty six...

Kumpleto ang mga charmer. That exact moment na narinig namin ni Layla na sumakto ang bilang nila sa inaasahan namin, kaagad kaming nag apir at niyakap ang isa't isa. Success!

Sa mga oras na ito dapat nandidito na ang grupo ng Headmaster para gawan kami ng portal papunta sa kung saan namin maitatago ang mga batang ito ng ligtas. 11:30 ang napagusapang oras namin nila Sir Chase kanina. Pero ang nakakapagtaka lamang ay bakit sa mga oras na ito ay wala parin sila.

Nagmamadaling tumakbo si Lily papunta sa amin. Mukhang may hindi maganda siyang sasabihin samin.

"Snow..." she started. "Nawawala si Ariela."





THIRD PERSON'S POV

Simula nung pag alis nila Miss Serena, hanggang sa mga oras na ito ay hindi parin tumitigil ang mga pagsabog. Nakikita ko ng nahihirapan sila Headmaster Cray sa mga oras na ito. At nauubusan narin ako ng charm. Kung sakaling magpatuloy pa ang laban na ito ng ilang oras pa—maaaring ma diffuse ang mga charm namin.

Maaaring naguguluhan kayo kung sino ako? kanina pa siguro kayo nagtataka kung sino si Third Person's POV? Hayaan niyong magpakilala ako.

I'm Jace. Isa akong third year student. At yung charm ko is to refill other people's charm. In short, para akong isang power bank. I'm a human battery. Ang Charm flow bond. Kaya all out nakikipaglaban ang Headmaster pati narin sila Sir Chase is because they got me. May magbabalik ng charm na nagamit nila even though mag release sila ng malaking amount nito. Pero kagaya narin ng mga powerbank—nalolowbat din ako. And when that time comes, madidiffuse ang charm ko. Hindi lang akin kundi pati narin ang kanila.

Madalas akong kasama nila Jett, Collin at iba pang elemental charmers sa mga top secret na mission. The thing here is hindi ako yung nasa front line. Nasa likod lang ako ng laban and meron akong walo na sub elemental charmers na pumoprotekta sakin.

Kanina pa nila naubos ang mga charm nila sa katawan. Tanging ten percent nalang ang natitira sa Headmaster, kay Sir Chase pati sa iilang miyembro ng council. Hindi na nila ito ginagamit. Umaasa nalang sila sa charm ko. Sa mga oras na ito ay hindi padin naming nagagawang sugatan ang batang nasa harap namin.

"Jace!" Sigaw ng Headmaster. "Ilang percent nalang ang natitira sayo?"

Tinaas ko yung braso ko at tiningnan ang modified structural wristband ko. Pinindot ko ito at may lumabas na hologram sa harap ko. Doon ko nakikita kung ilang percent pa ang kaya kong ibigay sa iba. Pati kung ilang porsyento narin ang naibigay ko na.

"22 percent Headmaster!"

"Hindi natin matatalo si Chaos sa ngayon. Kailangan nating umalis muna!" Sigaw ni Headmaster Cray.

Nakikita kong nirerestrain ni Sir Chase si Chaos habang gumagawa ng portal ang mga miyembro ng council. Itinapat ni Mr. Johnson ang kanyang kamay sa harap namin at gumawa ng isang smoke screen. Nagmamadali na ang mga taga Greven sa kanilang ginagawa ng biglang lumakas ang ihip ng hangin at nawala nalang sa isang iglap ang usok na gawa ni Mr. Johnson.

"Saan sa tingin niyo kayo pupunta?!"

Laking gulat ng lahat nang makita namin si Chaos sa aming harapan. Tiningnan niya kami isa isa at bigla siyang sumigaw ng sobrang lakas.

Tumilapon kami sa iba't ibang bahagi ng garden. Nagkahiwahiwalay kami. Kaagad akong yumuko ng makita kong maaaring tumama ang ulo ko sa isang poste sa aking likuran. Shit, ang sakit.

Nakikita ko parin ang ilan sa mga kasama ko na pilit tumatayo. Agad na pumalibot kay Chaos ang mga kasama nito na pumoprotekta sa kanya.

"Sa oras na ito pwede ko na kayong patayin. Pero hindi ko muna gagawin yun." Natatawa siya sa mga oras na ito.

"Gusto ko pang makipaglaro sa inyo sa susunod nating pagkikita, sa ngayon—si Ariela Davis lang muna ang pakay ko sa lugar na ito."

"SILENCE!"

Biglang may isang sobrang lakas na amount ng liwanag ang bumulusok papunta sa kinakatayuan ni Chaos.

Ang Vanishing Charm.

Hindi maaari. Ginamit ni Headmaster Cray ang natitira niyang charm. Sobrang layo ko sa kanya para gawin ang Charm flow bond.

Hindi nagaksaya ng oras ang mga kasama nito at bigla silang pumunta sa harap ng kanilang leader at ginawang shield ang sarili nila para sa kanilang boss. Ngunit hindi ito sapat. Mas malakas ang pinakawalang charm ngayon ng Headmaster kaysa sa mga nauna. One by one the phantoms are being disintegrated, nagiging abo.

Then there was it—the moment that each and everyone of us were waiting for! A part of the light hit Chaos' left arm. Nagalusan din siya! We all witnessed what just happened. Nakita namin na tumulo ang dugo dito. Nagkatinginan kaming lahat at para bang nagdidiwang na kami.

A few moments later, nang makita ng Headmaster ang resulta ng ginawa niya he smiled to us. For the first time and ever, nakita namin itong ngumiti. He then used the mind link, "I wanna thank each and everyone of you for being part of this institution. From the day it was founded until this day. To the councils who fought with us today and Chase, Jace... please do your best to keep yourselves alive. Malaki ka na Jace. Chase—You must protect Selena and the kids. Remember, Chaos is a defeatable enemy. But we can't defeat him alone. Kahit na magsama sama ang mga pinakamalalakas na tao ng council at mga headmasters ng bawat institution at academy dito sa magic world. We must seek other institutions or even worlds for help. We must come together, in other words we should—UNITE."

Continue Reading

You'll Also Like

39K 1.2K 41
Maenya Targaryen. Born in 96 AC, The first child of Aemma and Viserys Targaryen, All seemed well, Maenya was "The gem of the Kingdoms" her younger si...
188K 9K 51
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
1.4M 59.5K 95
!!ORIGINAL STORY!! Chae-hee, a Korean woman that escaped her past pains by moving to America. Enjoying her life working hard in a cafe, if she wasn't...
436K 18.1K 123
SYPNOSIS Reading Purifying Love made Rachelle D'magiba feel very insulted. The ending that the author had written didn't go well with her expectation...