Always Be His Baby (COMPLETED)

By AtingPotangting

96.1K 1.9K 97

Book 2 na po ito ng 'ALWAYS BE MY BABY' So basahin po muna ang book 1 para maintindihan ang storyang ito. #Ai... More

Always Be His Baby
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note

Chapter 34

1.2K 37 0
By AtingPotangting

Jozh POV

Gabi na at nandito parin kami sa bahay ng mag-asawa. Dito kasi ginanap ang reception at hanggang ngayon ay nandito parin kami. Umuwi na kasi ang ibang bisita. Malamig ang simoy ng hangin at mukhang uulan pa yata. Pagtingin ko sa langit ay may nababanaag pa naman akong iilang bituin.

Nilagok ko ang konting laman ng bote ng alak na hawak ko. Nandito kasi kami ni Louie sa terrace ng bahay nila at si Empire naman ay nasa loob kasama si Mimi. Hindi naman gaanong malaki ang bahay nila. Isa itong bahay ng mga average filipino. Yung simple lang but they can call it a home.

Ito ang klase ng buhay na gusto ni Empire. Ito yung buhay na plinano naming magkasama. Ito yung klase ng buhay na haharapin namin ng magkasama at ang bahay na pupunuin namin ng mga nagtatawanang anak at araw-araw kaming bubuo ng alaala.

"Heto pa jozh" inalok sakin ni Louie yung isa pang bote ng alak.

"Wag na Louie. Magmamaneho pa ako mamaya"

"Si Sa-sa naman kanina yung nagmaneho eh"

Napatungga ako ng alak ng maalala ko yung nagyari kanina.

"Hahahaha akala ko ba ayaw mo na?"

Hindi ko siya sinagot at uminom lang ulit.

"Kamusta na ba kayo ni Sa-sa?"

"Nag-away kami kanina" pinaglaruan ko na ngayon ang bote.

"Bakit naman kayo nag-away?"

"Hindi ko alam Louie. Bigla nalang kasi siyang nagalit. Iniisip ko nga kung may nagawa ba akong mali? Kung mali ba yung hinahabol-habol ko parin siya. Kung mali ba na gusto ko siyang balikan. And I can't help it. My question begins to give birth to another question. And I don't know what the answer is" hindi ko binitawan ang bote hanggang hindi pa nauubos.

"Baka naman kasi panahon na para sabihin mo ang iyong pinagdaanan. After all hindi lang naman siya ang nasaktan. Kailangan niyo lang talagang mag-usap ng masinsinan"

"Yun na nga eh. Palagi akong naghahanap ng tyempo. Pero whenever nagkakalapit na yung loob naming dalawa at ang saya-saya namin ay para bang dumidistansya na kaagad siya. Tila ba ayaw niyang mapalapit sakin at siya na mismo ang lalayo"

"Akala ko ba unti-unti na kayong nagkakaayos?"

"Masyadong magulo Louie. Hindi niya masyadong nilalabas ang damdamin niya at tila ba may pilit siyang tinatago. Minsan nga tingin ko nasa pintuan na ako ng puso niya pero ayaw niya akong pagbuksan" kumuha pa ako ng isang bote at agad na binuksan yun.

"Baka naman kasi may nakapasok na"

"Imposible!" bulalas ko.

"Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa kanya?"

"Wala naman. Yun lang eh. Yung malapit na kami pero bigla siyang didistansya"

"At bakit naman niya gagawin yun?"

"Yun nga din ang gusto kong malaman eh. Pero natatakot akong tanungin siya dahil baka tuluyan na siyang lalayo sakin"

"Yun talaga ang mahirap jozh. Yung hindi masagot lahat ng katanungan mo"

Lumabas sila Mimi at Empire sa loob ng bahay kaya napatayo ako.

"Pinatulog namin ang mga bata kaya ngayon lang kami nakalabas" untag ni Mimi.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko kay Empire ng makalapit sila.

"Mamaya na kayo umuwi Sa-sa. Nagkakasiyahan pa kami oh. Gusto mong uminom?" inalukan pa ni Louie ng maiinom si Empire.

"Louie hindi umiinom si Empire" saway ko kay Louie.

"Hindi ba umiinom ang mga magaganda? Umiinom naman itong asawa ko ah" natatawang bugkas ni Louie.

Umupo si Empire at kinuha ang beer.

"Hahaha syempre umiinom din kami...if needed"

"Needed? May problema ka ba Sa-sa?"

"Wala naman. May pinag-iisipan lang"

Tatanungin ko pa sana si Empire kaya lang ay naunahan akong magsalita ni Mimi.

"Kayong dalawa, naparami na yata ang inom niyo"

Napatingin kami sa mga bote na nakakalat sa sahig. Medyo marami na nga pero hindi pa naman kami tinatablan.

"Hahaha love problem mama"

"Love problem? May problema ba tayong dalawa Louie?"

"Hindi tayo mama, kundi sila" ininguso pa kami ni Louie.

"At ano naman ang problema nila abir?"

"Sa kanila na yun mama" inakbayan pa ni Louie ang asawa niya at hinalikan sa pisngi. Parang naging awkward yung atmosphere kaya pumeke ako ng ubo.

"Ehemm!! May dalawa na kayong anak hoy!" padabog kong nilagay ang bote sa mesa.

"Hahaha naiingit ka lang eh" sabay pa silang tumawa na mag-asawa.

Bagay talaga sila 'no? May mga saltik sa ulo. Wag naman sana makuha ng mga anak nila lalo na yung inaanak ko.

"Empire oh" Ininguso ko sila at sumimangot.

Dahan-dahan ko ding nilapit ang mukha ko sa kanya pero bago pa ako tuluyang makalapit ay umaabang na ang kamao niya.

"Ito gusto mo?"

"Hahahaha palpak ka jozh" napuno sila ng tawanan kaya tinungga ko nalang yung beer.

"Sige na umuwi na kayo. Sa bahay niyo na ipagpatuloy yan. Jozh dalhin mo yung mga beer para maka-score ka naman hahaha"

"Hahaha g*go ka Louie. Makaka-score ako kahit wala yang mga beer na yan" sinabayan ko pa ng pag-akbay kay empire.

"Hahaha sige na umuwi na kayo. Nakakabagot na makita yang mukha mo jozh"

"Aba! Tingnan mo nga naman ang nagsasalita oh. Akala mo naman may ibubuga. Pangit ka hoy!"

"Pangit ba ang tawag sa nakadalawang anak? Sino ngayon satin ang pangit?"

Dahil sa sagot niya ay walang gana akong tumayo at nagpagpag.

"Kinikilabutan na ako Empire. Halika na at pinapalayas na tayo dito"

"Syempre dahil oras na namin itong mag-asawa"

Nandidiri ding tumayo si empire at humawak sa braso ko.

"Oo nga halika na"

"Hahaha kayo naman parang hindi kayo open minded. Eh pagdadaanan niyo din naman yan"

"Oh my god!! Bye Mimi!! We really have to go"

Nagmamadaling humalik si Empire kay Mimi at hinatak na yung kamay ko. Natatawa tuloy ako sa reaksyon niya.

"Hahaha pagpasensyahan niyo na si Louie mukhang lasing na yata at namiss niya lang siguro kayo"

"Yeah! Dahil kung hindi lang siya lasing ay babatukan ko na yun" tumawa lang si Mimi sa sinabi ni Empire.

"Sige na. Uuwi na kami mukhang uulan pa yata"

"Sige. Mag-ingat kayo 'tol. Ay hindi pala! Don't use protection. Hayaan mo lang ang semilya mo hahaha" narinig namin ang malutong na pagtawa ni Louie. Aish!! lasing na nga talaga.

Dahil hindi naman kalayuan ang bahay nila ay nakarating kaagad kami. Nagsisimula na din ang malakas na ulan sa labas na nagbibigay ng malamig na simoy ng hangin.

"Malalim yata ang iniisip mo?"

Hindi ko naramdaman na nakatulala na pala akong nakatingin sa sahig. At si Empire naman ay nasa kama na at kinakalikot ang cellphone niya.

"Kung totohanin kaya natin ang sinabi ni Louie?"

May natanggap kaagad akong halik ng unan sa mukha. Aray! Kung makabato naman. Tumawa lang ako at napatawa din siya. Ang sarap niyang tingnan kahit pa tinapunan niya lang ako ng tingin at ibinalik sa hawak niyang cellphone.

"Sira!"

"Ito naman. Syempre totohanin natin kapag kasal na tayo. Hindi naman ako nagmamadali eh. Ikaw ba?"

"Anong ako?" sagot niya habang nasa cellphone parin ang mata.

"Nagmamadali kang gawin natin yun?"

Mabilis na lumipad ang cellphone niya. Buti nalang at maagap ko itong nasalo bago pa humalik ulit sa mukha ko.

Baby, labi mo ang gusto kong humalik sa mukha ko hindi kung ano-anong bagay.

Tumawa lang siya at nahiga na patalikod sakin.

"Ang yaman mo. Akalain mo, cellphone na ang binabato"

"Lowbat. Wala ng pakinabang"

Ang harsh naman. Napatingin tuloy ako sa cellphone niya. Kaya naman pala. Eh paano ba naman kasi, daig pa ang call center agent kung makagamit. Sino kaya ang wallpaper niya? Is it me?

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 314 14
Sophie Fuentes is from a wealthy family. She is the cousin of Amethyst Flores (from My Personal Bodyguard), she only had her dad. But little did she...
228K 7.2K 54
[RedDragon Series #3] "People say me bad but trust me i am the worst" -Chloe Jane Scott -Damon Bruce Cortton
2.7K 126 23
Lohr Praise Starrel, nineteen years old, a fourth year college student at chief executive officer ng kanilang kompanya, he was forced to get marriage...
925K 30K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...