Kwento ng Tao

By Jhairusman

15.5K 262 99

Ano ba ang mga dapat pag-daanan ng isang binatilyo upang maging matanda? Nasa edad nga ba ang katandaan? Nasa... More

Chapter 1: Nalilito Lapid
Chapter 2: Amoy kahapon
Chapter 3: Pangalawang dalawa
Chapter 4: JS like that
Chapter 5: Iniwang Ibon
Chapter 6: Tropa ko si Rizal
Chapter 7: Jasminum Sambac
Chapter 8: Patay
Chapter 9: Walis walis lang iho
Chapter 10: Paalam
Chapter 11: Tinahing Bulaklak
Chapter 12: Zombies & Vampires
Chapter 13: Hindi Naintindihan
Chapter 15: Lahat
Chapter 16: Kaarawan
Chapter 17: Pangalawang Ibon
Chapter 18: Umiwang Ibon
Chapter 19: Babae
Chapter 20: Gandang Lalake
Chapter 21: Salu-salo
Chapter 22: Kamusta ka, Kamiseta?
Chapter 23: Dalawang Pangalan
Chapter 24: Pera at Hiling

Chapter 14: Nakakatakot na Kabataan

5.4K 9 1
By Jhairusman

Chapter 14: Nakakatakot na Kabataan

 Nung unang araw ng pasukan ay kinakabahan ako. Hindi dahil hindi ko kaklase si Vampire, hindi dahil wala akong kakilala, hindi dahil hindi ako siguardo sa kursong kinuha ko, ngunit dahil unang araw ng pasukan ibig sabihin ay introduction. Ayoko sa lahat, nag-papakilala sa harap ng madaming tao na nakatingin sa’yo. Ayoko nun. Oo, Kolehiyo na ako. Tingin ko hindi ko na kailangang  sabihin ang napili kong kurso dahil hindi ko ‘to gusto at wala rin namang kinalaman. Nakapasa ako sa Entrace Exam pero mas mataas sa akin yung score ni Vampire, isang bagay na hindi ko masyado binigyan ng pansin. Kumuha ng BS EDUCATION Major in History, o kung anuman ‘yon, si Vampire. Hindi naman masyadong nabawasan yung iniwang pera sa akin ni Tita dahil kumuha ako ng trabaho nung nakaraang bakasyon, taga-bigay lang naman ako ng mga bill ng Meralco sa kani kanilang bahay. 300 kada araw, okay narin kasi ginawa ko lang naman yun talaga dahil wala akong magawa sa oras ko.

Late na ako, dag-dag hiya pa ‘ito lalo, dahil naka-ilang yosi na ako habang nag-lalakad lang papuntang Peacock Univ. Tapos bago pa pumasok ay sumindi ulit ako ng isa pang yosi at hinithit ito, hinihiling na sa pag-buga ko ng usok ay madala ang mga kabang pumapalo sa dibdib ko. Alas-syete ang time ko pero hindi parin ako pumapasok, mag-a-alas-ocho na non, isang oras late. Pumasok na ako sa gate at chi-neck yung I.D. ko ng guard, aprubado naman daw at pinatuloy na ako sa loob ng campus. Andaming naka-unipormeng studyante, ako lang ata ang hindi. Habang hinahanap ko yung room ko ay nag-iisip isip na ako ng pwede gamiting “nickname” sa klase, ayokong sinasabi ang tunay kong pangalan. Nakita ko na yung room at pumasok ako sa pangalawang pinto, kung saan malayo sa professor.

Nakakalungkot man, ay nahuli parin ako ng professor namin at pinatayo ako’t inutusang i-pakilala sarili ko. Sabi ko na kung pwede ay huwag nalang at next time nalang, pero hindi s’ya pumayag.

“Minusan kita pag hindi ka nag-pakilala.”

Sabi ko ay okay lang kahit maminusan yung grado ko pero hindi parin talaga s’ya pumayag. Kabadong kabado na talaga ako at pawis na pawis. Pinunasan ko ng panyo yung noo ko at leeg, di ko na malayan na pag-bunot ko pala ng panyo ko ay nahulog ung mga yosi ko sa lapag.  Tinanong ni Prof ko kung ano yun. “Chalk po.” Sabi ko pero hindi n’ya ito binili. Lalo lang ako napagalitan, tawa na ng tawa mga kaklase ko at hiyang-hiya na ako. Lalo n’yang dinag-dagan yung parusa sa akin at pinatayo ako sa unahan, dun daw ako mag-pakilala. I-sama ko daw sa pag-pakilala ko yung “Naninigarilyo ako at huwag n’yo ako tularan”. Putangina naman talaga. Wala na akong nagawa at sinunod ko nalang ang nasabi, para matapos na lahat ng ‘to.

Nag-pakilala ako at dinagdag ko “Naninigarilyo ako at huwag n’yo ako tularan” sa huli. Tinanong ni Prof kung may gusto daw akong nickname pero kinontra n’ya rin ang sarili n’ya at binigyan ako ng bagong pangalan.

“Mr. 8,” sabi ni Prof, “Mr. 8 ang itawag n’yo sa kanya.”

Dahil daw 8AM na ako pumasok at dahil daw ako’y makul8. Tang’nang kakornihan yan.

Umupo na ako sa upuan ko at biglang may pumasok sa room. May dala s’yang mga papel at binigay ito kay Ms. Pu, Ms. Pu pangalan ng prof namin sa Math. Katuwa no? Maaga, Lunes, tapos College Algebra agad unang gagawin n’yo. Pero dahil late na ako at onting oras narin nakain ng kaputahan ni Ms. Pu sa pag-papakilala ko ay nagkwento nalang s’ya ng background n’ya sa teaching, buhay, alaga n’yang tuta na namatay, alaga n’yang tuta na buhay pa, teaching at lahat. Ayos rin naman kasi ubos oras at nabigyan ako ng oras para isipin si Sam at si Kamiseta. Napasok narin kaya sila sa eskwela? Nung naalala ko, hindi naman nahiya si Sam mag-pakilala sa klase nung highschool, si Kamiseta naman nahiya pero napull-off n’ay naman ng mabuti, ako, wag na lang natin alalahanin.

Pagkatapos ng klase ay nagutom ako, nahihiya akong itext si Vampire kung nasa s’ya kaya pumunta nalang ako sa canteent magisa, nakakahiya din. Umorder ako ng lugaw at pumwesto sa dulo ng canteen. Nung natikman ko yung lugaw sa canteen, don ko nalaman na hindi lang pala patis yung masarap sa tindahan ni Aling Pie, pero dahil gutom ako ay naubos ko parin yung lugaw. Tinapon ko sa basurahan yung styro. Pag-labas ko ay swerte kong nakita si Vampire. Wala narin s’yang klase sa susunod kaya pareho na kaming umuwi.

“Pupunta ka?” biglang tanong ni Vampire.

“Sa’an?”

“Dito sa Freshman night.”

“Uso pa ba ‘yon sa college?”

“Actually, hindi yung school mismo yung nag-organize e. Org s’ya, pero pumayag naman yung school.”

“Ah.” Sabi ko. “Baka hindi.”

Tumango nalang si Vampire at mukhang may malalim na iniisip. Nag-lakad nalang kami pauwi at nadatnan namin si Zombie don.

“PARE!” sabi n’ya sakin na may hawak hawak na letter. “ASTIG! TUTUGTOG KAMI SA FRESHMAN NIGHT N’YO! SIGURO ETO NA ANG AMING BIG BREAK!”

At si Zombie na ang nagdesisyon na pumunta kaming dalawa ni Vampire sa Freshman Night. Sa Friday daw, 7PM – 10PM, pero may after party daw na host ng kabanda nya, na host rin ng freshman night pero imbitado lang yung pwedeng pumunta. Cinelebrate namin yung “big break” nila ng inom, na naman.

Dumaan yung araw ng mabagal. Andaming beses ko nag-pakilala samantalang halos pare-parehong mukha naman ang nakikita ko sa klase. Pero tinatawag na talaga nila akong Mr. 8, sa totoo lang, ang cool pala pakingga, para akong agent, para akong si Q ng Street Fighter III. Dumating na ang byernes at alas-singko pa lang ay pumunta na si Zombie sa school. Sumunod naman kami ni Vampire ng mga bandang 7:30, para sure.

Nung dumating kami ay nagsisimula na mag-party ang kolehiyo ng Peacock University. Nakita ko yung mga ka-block ko at yung mga hindi ko rin ka-block. Naka-tayo lang kami ni Vampire don at malalim parin ang iniisip ni Vampire. Kumuha ako ng libreng juice na ginagala ng mga waiter. Bigatin rin pala ‘org na to talaga. May mga stand ng Jollibee, Tender Juicy at kung ano-ano pa. Bumili lang naman ako ng sandwhich at kape at kinain yon. Salad lang ulit ang kinain ni Vampire. Mga bandang alas- nwebe ay tumugtog na sila Zombie, Quotada ang pangalan ng banda nila. Tumugtog sila ng mga cover songs ng Pantera, Metallica at nagulat ako nung tumugtog sila ng Cradle of Filth. Halatang halata sa mukha ni Zombie na siyang siya s’ya talaga sa ginagawa n’ya at halatang halata rin sa mga kolehiyanong tuwang tuwa sila. Sabay sabay ang pag-talon nila, malalakas na sigawan habang nag-gagala ang mga nakakabulag na ilaw. Sa totoo lang, masaya tignan at habang iniinom ko ang pang-apat kong kape ay hinila ako ng mga ka-block ko papunta sa gitna ng bagyo, naiwan ko si Vampire.

Ilang beses ako na sikmuraan, nasiko at tinamaan sa sentro ng kalawakan habang lalo akong kinakain at hinihila ng mga taong hindi ko kakilala. May mga babaeng sumasayaw sa harap ko, may mga nararamdaman rin akong halik at hindi ko malamang hipo kung san nanggaling. Nakakatakot ang kabataan ng Pinas. Nung nakawala ako sa agos ng mga nag-sisisayaw ay nakita ko ulit si Vampire na naka-tayo parin sa sulok. Tinanong n’ya ko kung kamusta sa loob, at sinabi kong hindi maganda. Gustong gusto ko na umuwi.

Nung tapos na yung freshman night ay pumunta na ang mga imbitado sa after party. Hindi na sana ako pupunta kaya ako nag-paalam kay Zombie pero hindi s’ya pumayag at hinila ako. Si Vampire naman ay pianyagan n’ya at pinuwi na ni Zombie. Wala na akong nagawa kaya sumama na ako.

Pag-pasok ko palang ay nagpa-party na ang sangkatauhan, gate palang ay punong puno na ng mga kabataang nag-sasayawan, yung iba wala ng salawat at sapin. Sumunod ako kay Zombie pero nawala s’ya sa paningin ko.  Ang lawak nung lugar, hindi ko alam kung resort to o kung ano pero may pool, may nipa-huts, may mesa, may mga kwarto at may stage. Siguro nga resort to. Kumuha ako ng beer dun sa plangganang punong puno ng yelo. Binuksan ko to at sumipsip ng kaunti. Sinubukan kong mag-libot upang makapaghanap ng pwesto. Mag-isa lang ako at hinihiling ko na sana ay dumating si Vampire, na hindi nangyari. Umupo ako dun sa may pinakadulong hut, kahit malamok ay tiniis ko na. Nag-sindi ako ng yosi at hinithit ito sa nasabing lugar habang iniisip ko ang dalawang babae sa buhay ko, si Sam at si Kamiseta.

Naka-ubos na ako ng isang kaha ng yosi ng hindi ko namamalayan. Bumabalik balik rin ako dun sa planggana ng beer para kumuha ng beer. Masaya na ako mag-isa sa loob ng aking nipa-hut. Sa makawalan, dumating ang isang pamilyar na mukha. Hindi ko s’ya kilal pero pamilyar ang mukha n’ya. Pula ang buhok n’ya, mahaba ang pilikmata pero walang make-up na kung ano. Naka-bonnet s’ya, itim na jacket, skinny jeans at chuck taylor na itim.

“May pan-sindi ka?” sabi n’ya habang hawak ang Marlborong pula.

Inabot ko sa kanya yung lighter ko na kabibili ko lang bago mag-pasukan. Kinuha n’ya yung lighter, sinindihan yung yosi n’ya at binalik na sa akin. Umupo s’ya sa harap ko. Hindi ko nalang pinansin, medyo inaantok na ako dahil sa magkahalong alcohol at pagod. Pamilyar talaga yung mukha n’ya pero hindi ko makilala kung sino. Siguro dahil madilim.

“Bakit mag-isa ka dito?” tanong n’ya.

“Wala akong kakilala don e.” Sabi ko. “Maliban dun sa gitarista ng Quotada, yung medyo mahaba yung buhok.”

“si Zom?”

“Oo. Si Zombie.”

“Kilala mo s’ya?”

“Hindi, nanghula lang ako.”

Napatawa s’ya habang binuga n’ya yung usok.

“Maya.”

“Ha?”

“Maya Dabird.”

“Crisostomo,” sabi ko. “Crisostomo Ibarra.”

Tinawan n’ya ako at halata sa mukha n’ya na hindi n’ya pinaniwalaan ang pangalan ko. Pag-katapos ng pakilanlan ay binato n’ya ako ng yosi, at sinindihan ko naman ito, sinindihan ko rin yung kanya. Tinanong ko s’ya kung may kasama s’ya dito at sinagot n’ya ako ng “Lahat dito kakilala ko. Pwera lang sa’yo.” Matahimik lang kaming naninigarilyo at sobrang dami na ng upos namin sa mesa. Mga ilang minuto pa ay tumayo s’ya sinensyasan akong sumunod, ako naman si lasing, sumunod.

Umakyat kami sa 2nd floor, pumasok sa kwarto. Hindi ko alam, punong puno ng alcohol ang utak ko kaya sunod lang ako ng sunod. Nung nakita ko sa maliwanag na ilaw ay nakita kong may scar peklat s’ya sa kaliwang mata. Hinubad n’ya yung jacket n’ya at nakita ko s’ya sa sandong itim. May tattoo s’ya sa kawang balikat ng mukha ng babae na may bulaklak sa tenga at may hawak na yosi, yung mahaba, ano ba tawag don. Tinodo n’ya yung aircon at nilamig ako ng husto.

Lumapit s’ya sakin tapos tinanong n’ya na para bang angel “tingin mo? Gusto mong gawin sa akin?” Hindi ko umimik pero parang nabasa n’ya sa utak ko na “oo” yung sagot. Sa totoo lang, walang mapaphindi sa ganda n’ya. Hinalikan n’ya ako at ganon rin naman ako sa kanya. Umurong kami hangga’t mapadapa kami sa kama. Hinubad n’ya yung sando n’ya at nakita ko ang magandang pagkakagawa ng dyos sa kanya. Di nag-tagal ay pareho na kaming walang suot at nag-talik na kami, na para bang iyon ang pinakawais gawin sa oras na iyon. Oras din ang tinagal ng aming tinagal. Nung matapos kami ay sumindi ulit kami pareho ng sigarilyo at hinalikan n’ya ako at humiga na sa aking dibdib. “Ngayon,” sabi n’ya “Mag-kakilala na tayo.” Ganong kadali, burado na ang halik ni Sam at katawan ni Kamiseta, binura na ni Maya.

Kinaumagahan ay nakita kong wala na si Maya sa tabi ko. Pero may naiwan na note sa mesa na nakalagay na:

“Magkikita ulit tayo, sigurado yan. Iba ka, Ibarra.

-Maya”

Umuwi na ako at nakita ko si Vampire na nanunuod ng T.V., tanghali narin kasi ako naka-uwi dahil tanghali na ako nagising. Binati n’ya langa ako at sinabihang nasa mesa ang pagkain, malalim parin ang iniisip n’ya. Kumain ako at napag-desisyonan ko na mag-pahinga pa ulit, ng bigla nalang:

“PUTANGINA! NAALALA KO NA!”

Continue Reading