BARAKO SERIES: #6 You and Me...

By coalchamber13

256K 8.5K 484

BARAKO SERIES: #6 Sa mura nilang edad isang pangako ang binitawan nila sa isa't isa. Mapapatunayan ba nito a... More

YOU AND ME
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
WAKAS

Chapter 4

10.3K 405 18
By coalchamber13

HEAVEN

Nagpasya akong hindi dumalo sa graduation ko. Inayos ko na ang passport at mga papeles na kailangan ko sa pag-alis ko. Nagpasya akong sa bahay na lang ng matalik kong kaibigan na magstay. Habang hinihintay ko ang visa ko.

"Buti naman dito ka nag-stay muna bago ka tumulak papuntang US. Hayaan mo susunod ako doon. Para naman may kasama ka. Mami-miss kita, best," sabi ng bestfriend ko. Nagyakapan kaming dalawa.

"Oo naman ikaw lang ang malalapitan ko. Perhaps it's time to go away from them. Kahit naman wala ako hindi nila ako hahanapin." Napatingin ang kaibigan ko sa leeg ko.

"Oh, nasaan ang kuwintas mo? Himalang hindi mo isinuot?" sabi nito.

"I throw it away. Para ano pa i-keep ko iyon? Nasasaktan lang ako habang nakikita ko iyon. Umaasa kasi ako sa wala," napabuntonghininga ako.

"Buti naman napag-isipan mo na. Hayaan mo na iyon. Makakahanap ka din ng taong magmamahal sa iyo ng totoo." Tinapik  niya ang balikat ko.

"Halika mall tayo. Para naman mawala ang bad vibes diyan sa aura mo," sabay tawa ng bestfriend. Siya lang ang taong nagpapasaya sa akin bukod sa yaya ko.

NOAH

Hinanap ng mata ko si Heaven. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita sa school. Ayoko naman magtanong kay Angel about sa kakambal nito. Baka masamain pa nito.

Kinuha ko ang kuwintas na napulot ko. Ito iyong itinapon ni Heaven ng magkausap kami. Bakit mayroon siya nito. Tanging si Angel lang mayroon nito. Sabi niya nawala niya ang kuwintas bata pa sila noon sa dagat ng magswimming daw sila. Bakit may ganito si Heaven.

I need to talk to her. Pero hindi ko na siya mahagilap. Ibinalik ko sa loob ng bulsa ko ang kuwintas na may nakasabit na singsing. I will look for her.

"Pasensya ka na pre. Hindi ko na nakikita si Heaven ilang araw na. Pinagtanungan ko iyong bestfriend niya, sabi aalis na daw papuntang ibang bansa." Bakit ano namanng gagawin nito sa ibang bansa?

"Naitanong mo ba kung bakit pupunta ng ibang bansa si Heaven?" tanong ko sa classmate nila. Napakamot ng ulo ito.

"Bakit sa akin mo itinatanong puwede mo naman itanong sa kakambal niya na girlfriend mo?" sabi nito.

Oo nga naman bakit sa kanya ko pa tinatanong. Puwede naman kay Angel sa iisang bahay lang sila nakatira.

"Alam mo namang selosa ang girlfriend ko. Kahit nga sa kakambal pinagseselosan niya pa. May itatanong kasi ako sa kanya," pagdadahilan ko.

"Eh, wala na akong alam. Hayaan mo kapag may nalaman uli ako, ikaw ang una kong sasabihin," tinapik ko ito sa balikat.

Nagpasama si Isaac sa mall. Hindi naman sinabi kung bakit.

"Sac, anong gagawin natin dito sa mall? Gago ka kapag idinamay mo ako sa kalokohan mo mananagot ka sa akin!" singhal ko sa pinsan ko. Numero uno kasi itong babaero. Lagi pati hinahabol ng babaeng obsess na obsess sa kanya.

"Samahan mo lang ako! Kalokohang sinasabi mo!" sagot nito sa akin.

"Anong gagawin natin nga?!" hindi naman nito sinagot. Pagkapasok sa mall tinginan sa amin ang mga babaeng nakakasalubong namin. Itong pinsan ko umaariba na naman ang pagkababaero. Bigla ko itong binatukan.

"Noah, huwag mo nga akong binabatukan sa harapan ng mga girls!" reklamo nito. Napahimas ito sa batok nito.

"Behave ka kasi. Saan ang punta natin?" tanong ko.

"Doon tayo sa department store. May bibilhin kasi akong gift kay Mommy." Napakunot ako ng noo. Hindi pa birthday ni Tita.

"Matagal pa birthday ni Tita, ah? " pagtataka na sabi ko.

"Peace offering ko. Nagtampo kasi si Mommy sa akin." Napaiiling ako. Siguro nahuli na naman ni Tita na may babae.

"Galit na sa iyo si Tita. Kahit ano pang ibigay mo sa kanya hindi ka na kakausapin nun!" pang-aasar ko.

Nanlaki ang mata nito. Bigla niya akong sinuntok sa balikat ko. Susugurin ko sana ng napatakbo ito. Naghabulan kami sa loob ng mall. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil mukha kaming mga tanga.

Dahil sa pagtakbo ko at hindi ko na nakita ang kasulubong ko may nakabangga akong tao. Napahiga kaming pareho sa sahig. Nasalo ko ito ng una sana itong babagsak. Napatitig ako sa babae.

"Heaven?" sabi ko. Biglang nagmulat ng mga mata ang tinawag kong Heaven.

Bigla niya akong itinulak at nagmadaling tumayo. Naglakad na ito palayo sa akin. Tumayo ako para habulin ito. Medyo nakalayo na ito. Kaya tinawag ko siya.

"Aven!" bigla itong lumingon. Dahil sa paglingon niyang iyon. Napagtanto kong si Aven ang batang napangakuan ko noon.

Tinakbo ko ito pero bigla din itong tumakbo palayo sa akin.

"Aven! Please talk to me!" sigaw ko dito pero hindi ko na ito makita dahil sa dami ng tao ang nakaharang sa dadaanan ko.

Napasabunot ako sa buhok ko. Napahilot ako sa batok ko sa sobrang pagkadismaya ko.

"Hoy! Kanina pa kita tinatawag mukha akong baliw." reklamo ng pinsan ko.

"I saw her," sabi ko sa pinsan ko.

"Who?" tanong nito.

"Si Aven," napangisi ang pinsan ko. Inakbayan niya ako at pinaupo sa isang bench sa tabi ng fountain.

"So na-realize mo ng si Heaven ay ang Aven not Angel. Gag* ka din kasi nagpapaniwala ka doon. Ang layo naman kasi ng Aven sa Angel. I knew it." Sabay hagalpak ng tawa ng pinsan. Inambaan ko ito ng suntok.

"Opppss. Not my face. Kita mong asset ko ang face kong pogi. Huwag ito dito na lang sa braso," napapailing ako sa pinsan kong ito.

"I know nabulag ako sa kasinungalingan ni Angel. Paano ko pa maayos kung iniiwasan na ako ni Heaven." napabuntong hininga ako.

"Palipasin mo muna ang panahon bro. Kung kayo ang para sa isa't isa kayo talaga. Huwag mong pilitin ang taong may galit pa sa iyo. Kapag naghilom na ang sugat tsaka ka umariba. Kung mahal ka pa din niya ikaw pa din ang lalaki para sa kanya." napataas ako ng kilay sa pinsan. Siraulo ito pero may sense ang sinabi niya.

"Yeah, tama ka diyan. Sana pagdating ng panahon na magkrus ang landas namin kami ang itinadhana." sabi ko.

"May patadhana ka pa diyang nalalaman. Ayusin mo muna iyong sa inyo ni Angel. Gago ito dalawa ang babae mo?! Ganoon ba? Mahal mo ba si Angel or si Heaven talaga ang tinitibok ng heart heart mo" pinagalaw nito ang bandang dibdib nito. Pinanlakihan ko ito ng mata.

May point din naman ang pinsan ko. Kailangan kong ayusin ang sa amin ni Angel.

Hinanap ko si Angel sa bawat room pero hindi ko makita. I need to talk to her personally.

Papasok na sana ako sa isa pang room ng may naulinigan akong nag-uusap. Pasimple akong napasilip nakita ko si Angel at kaibigan nito. Nagpasya akong pakinggan ang usapan nila.

"Balita ko aalis ang kakambal mo. Eh, di solong-solo mo na ang pagmamahal ng magulang mo at ang lalaking minamahal ng kakambal mo?" sabi ng kaibigan ni Angel.

"Yes, all mine now. Sino ba kasing mag-aakala na isa akong mabait at mapagmahal na anak? Ang hirap magpanggap na mabait. Kailangang um-aura ng mahinhin at mapagmahal na anak," natawa pa ito. Hindi ko akalaing peke lang pala ang lahat ng ipinapakita niya sa akin at sa ibang tao.

"Ang kawawa mong kakambal siya iyong masama sa lahat ng mata ng tao ng dahil sa iyo. Kambal ba talaga kayo parang hindi naman? Para kayong yinyang. Si Heaven ang white at ikaw ang black." Nagtagis ang bagang ko sa naririnig ko sa dalawa. Nagkatawanan pa ang dalawa.

"Hayaan mo ang babaeng iyon. Dapat lang sa kanya iyon. Siya kasi ang laging bukambibig nila Daddy noon. Matalino kasi si Heaven kahit walang gabay nila Mommy at Daddy palagi siyang top. Akoay  average lang naman ang talino ko. Kaya naiinis ako. Kaya gumawa ako ng way para ma-divert sa akin ang lahat ng attention ng mga taong malapit kay Heaven. See, mas matalino ako kaysa sa kapatid ko." 

Tumalikod na ako. Sapat na ang narinig ko mula sa bibig nila. Alam ko na ang totoo. Napangisi ako sa naiisip kong plano. Gusto niya ng laro? Puwes pagbibigyan ko siya. Humanda siya sa gagawin ko.

HEAVEN

HALOS habol hininga ko ng huminto ako. Hindi ko akalaing magkikita kami ng lalaking iyon. Wala na sa akin kung malaman niya pa ako si Aven. Wala ng silbi pa iyon. Sinaktan niya ako ng sobra. Ililibing ko na lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

"Oh, bakit ganyan ang hitsura mo? Kanina pa kita hinahanap." Bigla kong hinila ang bestfriend ko.

"Halika ka na umalis na tayo," sabi ko sabay lakad palabas ng boutique. Nagtataka itong napatingin sa akin.

"Bakit? Wala pa nga tayong nabibili," reklamo nito.

"Nakita ko si Noah. Nagkabanggaan kami." Humarap ako sa kaibigan ko.

"Tinawag niya akong Aven. Alam na niya ako iyon," sabi ko.

"Oh, ano naman problema doon? Atleast alam na  niyang peke ang kakambal mo. Bakit kailangan mong magtago? Magpakita ka para ipamukha sa lalaking iyon na hindi ka luluhod sa kanila. " Napabuntonghininga ako. 

"Hindi mo kasi naiintindihan. Kahit naman madaming ginawang kasalanan ang kakambal ko mahal ko pa din iyon. Mahal niya si Noah at nagmamahalan sila. Ano naman kung alam niya na ako nga si Aven. Walang mababago doon." Malungkot na paliwanag ko sa kanya.

"Kung sabagay mahal ni Noah ang demonyo mong kakambal. Wala nga namang mababago doon." Inakbayan niya ako.

"Halika kain na lang tayo ng ice cream. May alam akong ice cream parlor. Magugustuhan mo doon," napangiti ito sa akin.

*****

"Best, mami-miss kita ng sobra. Promise susunod ako doon. Kapag nakapag-ipon ng pera." Yumakap sa akin ang bestfriend ko. Ngayon ang flight ko papuntang US.

"Mami-miss din kita best," napapahid ako ng luha. Narinig ko ang flight number ko. Sa pag-alis ko iiwan ko ang puso ko. 

Mamumuhay ako doon ng wala ng nararamdaman para sa iyo, Noah. Paalam. 

Tumalikod na ako at pumasok na sa loob ng eroplano.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13










Continue Reading

You'll Also Like

232K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
39K 1.8K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
37.7K 1.4K 52
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
2.5M 100K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.