Always Be His Baby (COMPLETED)

By AtingPotangting

96.1K 1.9K 97

Book 2 na po ito ng 'ALWAYS BE MY BABY' So basahin po muna ang book 1 para maintindihan ang storyang ito. #Ai... More

Always Be His Baby
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Author's Note

Chapter 31

1.2K 28 0
By AtingPotangting

Jozh POV

Wala pa ako sa sarili ng batuhin ako ng unan ni empire. Lilingonin ko pa lang sana siya kaya lang ay may kasunod na namang unan ang humalik sa mukha ko. Hanggang sa sunod-sunod na ang unan na inihagis niya.

"Walang hiya ka!!! Ba't hindi mo sinabi kina tito at tita ang totoo?" Pagsisermon pa niya.

Putiks! Bakit ba kasi ang dami ng unan dito sa kwarto ko.

"Paano kung malaman nila ang totoo? Edi mawawalan na sila ng tiwala sayo!!!"

Pati ang kumot ay inihagis narin niya sa sobrang inis.

"Nakakainis ka jozh!! Dinamay mo pa ako!!! Walang hiya ka!!!"

Pansin ko lang, kung anong salita ang una niyang binigkas ay yun rin ang salitang huli niyang sinabi. Ang babaeng cute kapag magalit, bow. Hahahaha

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang maubusan na siya ng salita. Nang matapos siya at napagod yata sa paglabas ng emosyon ay umupo siya sa kama pero masama parin ang tingin sakin. Ilang ulit kaya niya akong sinaksak sa isip niya?

Isa-isa ko ring pinulot ang mga unan at lumapit sa kanya. Umupo ako sa sahig at hinarap siya. Hinawakan ko pa ang kamay niya at pinisil ito.

"Problema ba yun?"

"Aba syempre!! Nagsinungaling ka jozh!!" sabay waksi niya sa kamay ko.

"Nagsinungaling ba ako? Parang hindi naman"

"Arghh!!" mahina niya akong sinipa na kinatawa ko.

"Hahaha ito naman hindi mabiro"

"Kapag nagalit talaga sakin si tita, ikaw ang sisisihin ko. Ba't ba kasi hindi mo nalang sinabi ang totoo at kailangan mo pang magsinungaling???" Unti-unti nang tumataas ang tono ng pananalita niya.

Walang ganang tumayo siya na para bang disappointed talaga sakin. Kaya tumayo din ako at hinarap siya.

"Pag sinabi ko ang totoo ay baka palayasin tayo"

"At bakit naman tayo papalayasin ng mama mo???!!!"

"Ah basta!"

Ginulo ko ang aking buhok dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya.

"Eh ba't sinisigawan mo ako?!!"

"Hindi kita sinisigawan Empire"

"Talaga lang ha?! Eh ba't parang ikaw pa ang galit??!!"

"Hindi ako galit okay!!" Aish!! Parang nangangamoy away!! Empire baby, let's stop na please.

"Hindi ka galit pero sinisigawan mo ako!?! Iniinis mo ba talaga ako jozh!!?? Edi sana hindi nalang ako pumunta dito sa bahay niyo!!"

"Bakit? Sino ba ang may gustong pumunta dito? Diba ikaw?"

"Ahh! Ngayon ako pa ang may kasalanan? Edi sorry. Sorry kong nagpumilit akong pumunta dito!! Sorry kung naiinis ako sayo!! Sorry kung nagsisismula na akong magalit sayo ngayon!! Sorry kung ayokong magsinungaling!! Sorry kung ginagalit kita ngayon!! Sorry kung—"

"I love you" dagling yakap ko sa kanya.

Hindi siya kumibo at kumilos...

Isa....

Dalawa.....

Tatlo....

Apat....

Limang segundo...

Marahas siyang gumalaw na nagpahigpit pa lalo ng yakap ko sa kanya.

"Jozh!! Ano 'tong ginagawa mo—"

"I love you" bulong ko sa tenga niya.

"Jozh umalis ka—"

"Don't make me do it Empire"

"Umalis ka sabi arghjkhaiqjmq"

Nagsimula na akong magbilang sa utak ko. At hindi ko na iniintindi ang mga sinasabi niya.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

"Jozh ano ba qhqnkqkamhgah"

Anim.

Pito.

Walo.

Siyam.

"Jozh—"

Sampo.

Hinalikan ko siya.

Kanina pa ako nagtitimping pigilan siya sa pagsasalita. And she left me with no choice. Hmm.. ang lambot.

Hindi siya nakakilos sa sobrang pagkabigla. Pinikit ko ang aking mga mata at mas dinama ang labi niya. Nanlalaki ang mga mata niyang napaatras. Nakahawak siya sa bibig niya na hindi makapaniwala. Lalapitan ko sana siya kaya lang ay umatras siya ulit habang umiiling pa. Marahas narin ang paghinga niya.

Tila ba may bumalot na pagkailang sa paligid namin. Kahit ako ay hindi ko alam ang gagawin. Natauhan lang ako when she cleared her throat.

"Ahmmm.. ano... M-matutulog na ako"

"S-sige. Titingnan ko kung may d-damit si ate na kasya sayo"

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at lumabas na kaagad. Napasandal pa ako sa pinto at marahas na nilabas ang malalim na paghinga.

I love you baby and I will never be sorry for that.

Nagtungo ako sa kwarto ni ate kaya lang ay naka-lock. Bababa na sana ako ng makasalubong ko si mama sa kalagitnaan ng hagdan.

"Ano ginagawa mo dito bunsoy?"

"Ano ma... Naghahanap ako ng damit para kay e-empire"

Lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko. Pinagmasdan niya ng mabuti at may naglalarong ngiti sa kanyang labi.

"Namumula ka ba bunsoy?"

"H-hindi"

Iniwas ko ang tingin sa kanya at bumalik paakyat. Sumunod naman siya sakin at sumabay pa siya sa pag-akyat.

"Hahahaha nagdududa na ako bunsoy ha"

"Ma a-ano ba!" Gusto ko siyang sawayin kaya lang ay nanginig ang boses ko. Damn lips!

"Hahahaha may nangyari na kaagad?"

"Ma! Yang bibig mo. Baka marinig ka ni e-empire"

"Asus! Itong bunso namin nahihiya pa"

"Ma, bilisan mo nang buksan ang kwarto ni ate dahil naghihintay si Empire"

"Hahaha oo ito na. Nakakainis nga namang mabitin"

Tinalikuran niya ako at pumunta sa kwarto nila papa. Pagbalik niya ay may dala na siyang susi. Pero hindi parin naaalis ang nakakaloko niyang ngiti at nagdududang tingin sakin.

"Akala ko ba magulo at maalikabok ang kwarto ni ate?"

Sinuyod ko ng tingin ang kabuuang kwarto ni ate Reign. Maayos naman ang mga gamit at wala kahit maliit na dumi. Inakbayan pa ako ni mama, kahit mas matangkad ako sa kanya. Tibay!

"Diskarte ang tawag dun bunsoy. Aminin, ginusto mo rin yun!!" sinusundot-sundot pa niya ako.

Tsk! Hindi ko nalang pinansin si mama at lumapit na closet ni ate.

"Bunsoy, piliin mo yung sexy"

"Mama!!"

Maririnig sa buong kwarto ang napakalakas na tawa ni mama. Parang witch na tuloy ang pagkakatawa niya sa pandinig ko. Aish!

Iniwan ko na si mama ng makakita ako ng maayos na damit. Baka saan pa kasi mapunta ang usapan. Alam ko namang tutuksuhin lang niya ako.

Pagbukas ko ng pinto sa kwarto ko ay nakatalikod na nakahiga si Empire. Siguro ay pinilit niyang makatulog para maiwasan ako. Lumapit ako sa kama at pinatong doon ang damit.

"Baka gusto mong magpalit mamaya. Dito ko lang ilalagay ang damit mo"

Pinatong ko ang damit sa ibabaw ng kama. Pumasok na ako sa banyo at paglabas ko ay ganun parin ang posisyon niya. Kumuha nalang ako ng unan dahil napagpasyahan ko na sa sofa nalang ako matutulog. Hindi dahil sa awkward ang nararamdaman ko, kundi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lalo pa sa nangyari kanina.

Inilagay ko ang dalawang kamay sa ilalim ng ulo ko at nakatingin lang ako sa kisame. Madilim na ang paligid pero hindi parin ako makatulog. Nabaling ang atensyon ko ng biglang may tumunog na cellphone.

"Hello?....." Paos pa ang tinig ni Empire habang sinasagot ang tumawag.

"Okay, wait..."

Inalis niya ang kumot at pumuntang banyo habang hawak-hawak parin ang cellphone. Hindi niya na ako nakita dahil medyo madilim na. Narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto.

Hinintay kong lumabas siya pero pagkaraan ng ilang minuto ay hindi parin siya lumalabas. Nakatulog na kaya siya sa loob ng banyo?

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
2.7K 126 23
Lohr Praise Starrel, nineteen years old, a fourth year college student at chief executive officer ng kanilang kompanya, he was forced to get marriage...
314K 16.9K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...