Liempo ( A story of Rival Col...

By MaraMCM

104K 1K 226

Si Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estu... More

PROLOGUE and Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Message to the Readers:
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 FINAL CHAPTER
Story Behind Liempo
EPILOGUE

Chapter 44

1.5K 14 11
By MaraMCM

****

                Minsan, nakakainis lang, di mo alam anong panahon. Kasi minsan, lalabas ka ng bahay na maaraw, uuwi ka ng basang basa dahil sa ulan, minsan naman todo jacket pa ako, tapos biglang sisikat naman yun araw.

                Kaninang umaga, pagalis ko ng bahay, ang araw araw, ngayon hapon naman, parang bumabagyo na. Plano ko pa naman sanang puntahan sila Angelie ngayon, kaso parang kelangan ko ng umuwi dahil lumalakas na ang ulan.

                “Pre, suspended na daw klase.” Sabi ng isa kong kaklase habang nagliligpit ng bag.

                “Oo nga eh. Uwi ka na?”

                “Ewan ko pa, baka puntahan ko girlfriend ko sa kanila.” Sagot nya.

                “Sige pre, ingat nalang.”

                Nakakamiss. Kung kasama ko lang sila Mattias at Ibe ngayon, baka sabay sabay kaming tatlo ngayon na naliligo sa ulan, kaso graduate na sila, malamang, naunahan naman nila ako kasi hindi may naibagsak ako.

                “Hoy Rigs!” may tumawag sakin.

                Paglingon ko, si Alvin nasa may pintuan.

                “Di ka pa uuwi? Bumabagyo na oh.

                “Uuwi na, daan lang ako sa locker, may andun jacket at payong ko eh.”

                “Una na ko pre ah, sabay ako kanila coach para makalibre ng pamasahe.”

                “Sige lang!”

                Halos ako ang huling taong lumabas ng classroom.

                “Bye Mike.” Sabi ng isa kong kaklaseng babae.

                “Ingat!” sagot ko nalang.

                Marami ng estudyante ang nakatipon sa may gate, palabas, ako dumiretso muna ako sa cubicle, nagpalit ng civilian tas sa quarters para kumuha ng jacket. Buti nga meron ako dun dahil sa bwiset na panahon na to.

                “Oh, andito ka pa?” andun din pala si Luis.

                “Hindii, wala ako ditto, multo ako.” Sagot ko na pabiro.

                “Ulol!” sigaw nya sakin.

                Tawa naman ako. Binuksan ko yung locker ko para kunin yung jacket at payong.

                “Mike, nakita ko nga pala yung ex mo sa SM dati.” Bigla nyang sabi.

                Napatingin ako sa kanya.

                “Ex? Sino? Kelan?” di ko alam kung si Angelie yung tinutukoy nya oh iba.

                “Si Angelie pre. Nangayayat sya ah, nagkita na ba kayo?”

                Napaisip ako. Oo nga, hindi ko napansin, pero pumayat nga sya. Hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin dahil nakauniform naman sya at madalas maluwag yung uniform nya pero ngayong pinaalala ni Luis, parang pumayat nga yung hugis ng mukha nya.

                “Ah, oo. Last week.”

                “Wala lang, nabanggit ko lang.” Sabi nya sabay sara ng locker nya. “Paano, di ka pa ba uuwi?”

                Nagpalit ako ng tsinelas at inilagay sa bag yung black shoes ko.

                “Uwi na, tara sabay na tayo.” Yaya ko.

                Sabay kaming lumabas papuntang parking. Minsan din kasi, nagdadala si Luis ng sasakyan, ang maganda sa kanya, 4x4 kaya mataas samantalang sakin.

                “Pano tol, galit galit muna. Puntahan ko pa utol ko sa may Greenhills.” Sabi nya habang paakyat sa sasakyan nya.

                “Sige, ingat pare!”

                Sumakay na din ako sa kotse. Lalong lumalakas yung ulan.  Saan ba ako dadaan? Baha na ba? Lumabas ako sa gate at bungad mismo sa harap, abot sakong na ang baha. Nagugutom din ako kaya siguro dadaan ako sa may Mcdo along the way para magdrive thru kaso pagpunta ko sa may intersection, traffic na kaya bumalik ako. Nakakaasar, saan ba may malapit na drive thru? Naisip ko yung malapit sa school nila Angelie, di na ako nagdalawang isip, kumaliwa na ako at pumunta dun, malay mo, Makita ko din sya edi ayos.

                Kaso pagdating ko sa may street ng school nila, mas mataas na yung baha. Tinignan ko yung rear view, may nakasunod naman saakin kaya di ako makakauturn agad kaya dumiretso nalang din ako, nagdahan dahan nalang ako para di magtalsikan yung tubig. Ang haba ng nakapila sa drive thru, tangina, malas. Nastuck na ako sa gitna kaya wala na akong choice, antagal kong naghintay, binuksan ko muna yung phone ko para magbasa ng mga tweets, ayun nga, may bagyo pala ngayong gabi, bwiset. Halos lahat na ng schools nagsuspend. Piipinas nga naman, magsusupend, kung kelan hapon na.

                Halos 15 minutes ako sa drive thru na nakapila, kaasar talaga, drive thru nga diba? Dapat mabilis pero dahil sa pagtaas ng baha, ang bagal ng usad ng mga sasakyan. Nung nakaorder na ako, dalawang burger yung binili ko, isang large fries at kape, di na ako magsosoftdrinks, anlamig lamig na nga eh. Pagkalabas ko, may nakita akong pamilyar na mukha na nasa labas ng Mcdo, nakapayong, nakatayo sa gilid ng isang kotse. Binuksan ko yung bintana ko para makumpirma kung sya talaga.

                “Jerich.” Tawag ko.

                “Mike?” narinig kong sabi nya.

                Nakatingin lang sya sakin, hindi gumagalaw sa kinatatayuan nya. Tumigil ako sandal sa may harap at naghazard.

                “Suspended na kayo ah, di ka pa uuwi?” tanong ko.

                “Pauwi na.”

                “Tara, sabay ka na sakin.” Offer ko. Ito nalang pwede kong magawa, pagkatapos ng ginawa ko sa bestfriend nila.

                “Hindi na, wag na, suusnduin ako ng daddy ko.” Sagot nya na pabalang halos, which is medyo naiintindihan ko naman.

                “Sige, ingat ka. Nakauwi na si Angelie?” tanong ko.

                Di sya sumagot. Inantay ko pero wala akong natanggap. Nakatingin lang sya sa langit habang papalakas ng papalakas yung ulan.

                “Pakisabi, ingat nalang kayo.” Sabi ko na bigo. Sinara ko na yung bintana ko.

                Alam ko naman na hindi nya ako sasagutin kasi kahit sila galit saakin. Kung paano nalang nila ako sinagot last week, masakit, nakakasira ng dignindad pero tanga na kung tanga, ginusto ko naman to diba? Inilagay ko na sa primera yung kambyo saka tinanggal yung hazard. Nung paandar na ako, bigla nalang akong narinig na may kumatok sa bintana ko. Tinignan ko, si Jerich, sasabay na sya?

                Binuksan ko ulit yung bintana.

                “Mike, si Angelie nasa may liempuhan, stranded. Susunduin sya dapat ni Alfred kaso natraffic sya. Andun sya nagaantay sa kanya.”

                Napangiiti nalang ako, “Salamat!”

                Umatras na sya. Hindi ko alam bakit nya sinabi sakin yun pero nagpapasalamat talaga ako. Bumusina ako sa kanya para sa thank you at dali dali akong nagdrive papunta sa liempuhan. Medyo mabagal na usad ng mga sasakyan sa harap ko pero gumagalaw naman. Mga sampung minuto pa bago ako nakarating sa may liempuhan at pagkatigil ko dun, andun si Angelie, kasama ng ibang mga estudyante na hindi makaalis. Bumisina ako, tumingin yung mga tao saakin saka ko binuksan yung pintuan para puntahan sya.

                “Bakit ka nandito?” tanong nya.

                “Tara, ihahatid na kita.” Sabi ko.

                “Wag na, susunduin ako ni Alfred.”

                “Ang lakas lakas na ng ulan Angelie, bumabaha na, kung aantayin mo pa si Alfred, di na kayo makakauwi nyan, tara na habang di pa grabe ang baha.”

                “Paparating na sya.”

                “Tara na, wala akong ibang intensyon, gusto mo, wag mo nalang akong kausapin, ihahatid lang kita, kahit sa harap nyo lang.”

                Di sya kumikibo. Biglang kumidlat, napasindak yung mga ibang tao sa karendirya, sya nakatiklop braso pa din na galit. Lalong lumakas yung buhos ng ulan, dinig na dinig na yung mga patak sa yerong bubong na liempuhan.

                “Tara na.” Pilit ko na mahinahon.

                Kinuha nya yung phone nya saka nakita kong may tinawagan. Inantay ko lang syang magsalita.

                “San ka na?”

                ... nakikinig lang sya.

                “Traffic ba?”

                ...

                “Malayo pa?”

                ...

                Si Alfred ang kausap nya. Putanginang kumag.

                ...

                “Alfred, una na ako siguro. Delikado na din dyan sa dinadaanan mo, may masasakyan pa naman ditto eh.”

                ...

                “Oo, okay lang ako. Wag ka magalala. Oo, nainom ko na.”

                ...

                Ano yung nainom nya na? Gamot?

                “Hindi na, wag na, uwi ka nalang, tutal may shortcut naman dyan diba?”

                ...

                Anak ng teteng, tagal naman magusap nitong dalawang to. Parang sila sa haba ng paguusap.

                “Oo. Promise, okay lang ako.”

                ...

                “Sige sige, ingat ka ha?”

                ...

                “Bye”

                “Okay na?” tanong ko ulit. “Malakas na ulan oh.”

                “Hanggang gate lang.” Sabi nya.

                Ngumiti ako.

                Di sya sumagot. Naglakad na kami papunta sa kotse. Binuksan ko yung payong ko para payungan sya pero agaran naman nyang binuksan yung sakanya. Sige, sya na nakaautomatic na payong! Pumunta ako sa kabilang side para buksan yung pintuan sa driver’s side, ang binuksan naman nya yung sa likod. Di nalang ako nagreact, sumakay nalang ako at inistart yung kotse. Tinignan ko sya rearview, nakatingin sa labas, medyo basa yung buhok at tama nga si Luis, pumayat nga sya. Anong nangyari? Nagkasakit ba sya?

                Mabagal lang yung takbo ng kotse. Hindi ko naman sinasadya pero kapag binilisan ko kasi, tatalsik yung mga tubig saka medyo traffic din.

                “Wag mo naming bagalan yung takbo.” Bigla nyang sabi.               

                “Hindi ko binabagalan, mataas na po kasi yung baha.” Sagot ko naman which is totoo.

                Di nanaman sya kumibo. Hinayaan ko nalang pero sa isip isip ko, ito na yung chance ko para makausap sya. Kaso di ko alam kelan at paano ko sisimulan. Pagdiretso ko ng sampaloc, kalahati na sa gulong ang baha kaya lumiko at sa may Nagtahan kaso dun naman, sobrang traffic.

                “Dumiretso ka nalang, wag ka na dyan, pagdating sa Taft, baha na din.” Sabi nya.

                Sinunod ko naman kaya dumiretso na. Traffic pero mas okay na to, kahit papano, hindi ganun kataas ang baha pero sobrang lakas na ng ulan, nakakatakot na kasi yung mga puno sa paligid, sumasayaw na din.

                Mas mabagal usad sa Sta.Mesa dahil doon, lubog na, wala naman ng ibang malikuan kasi stuck nanaman.

                “Angelie...”

                “Hello?” bigla naman syang may kausap sa phone. “Oo, nakasakay na ako, wag ka magalala.”

                Si Alfred nanaman ba?

                “Traffic lang pero okay lang ako. Ingat nalang kayo dyan.”

                “Wag mo akong kakausapin.” Sabi nya saakin pagkababa ng phone.

                So masasayag lang tong pagkakataon na to dahil ayaw nya akong kausapin? Kainis, traffic nanaman.

                “Angelie, sandali lang naman.”

                “Sinabi na wag mo akong kakausapin eh.”

                “Angelie...”

                “Bababa ako!” pasigaw na sabi nya.

                “Sorry.” Yun lang yung gusto kong marinig nya eh.

                Tumahimik sya. Napayuko ako. Yung malaman nya na nagsisisi ako sa mga nagawa ko sa kanya. Biglang narinig kong tumunog yung pintuan. Paglingon ko, lumabas sya.

                “ANGELIE!!!”

                Narinig kong nagbusina yung mga nasa likuran namin. Bobo ba sila? Busina ng busina, kitang traffic nga eh. Lumabas ako at hinabol sya, di pa naman sya nakakalayo kasi baha nga. Abot tuhod nya na yung baha pero syempre saakin, hindi ganun kataas dahil matangkad ako. Basa na yung sapatos nya, lubog na yung mga paa nya. Buti nalang nakapagpalit ako ng tsinelas kanina. Ang lakas na din ng hangin kaya useless na yung payong na hawak namin kasi nababasa na din kami.

                “ANGELIE, ANO BA!?” Sigaw ko sabay buhat sakanya para ibalik sa loob ng sasakyan.

                “Bitawan mo nga ako. Kaya kong umuwi magisa!” sagot nya.

                “Tumigil ka nga!”

                “Bitawan mo ko!”

                “ISA ANGELIE!!!”

                Tumahimik sya saka di na nagpumilit pang magpumiglas. Mabilis lang kaming nakabalik sa sasakyan dahil magaan lang sya. Sa harap ko sya isinakay saka inilagay yung seatbelt. Bumalik ako sa driver’s seat at inilock yung mga pintuan.

                “Wag ka ng magmatigas. Wala ka ng masasakyan.” Sabi ko saka kinuha yung duffel bag ko sa likuran kung saan sya nakaupo kanina para abutan ng tuwalya. “Oh.”

                “Ano yan?”

                “Tuwalya.”

                “Anong gagawin ko dyan?”

                “Magpunas ka, malamang.”

                “Ayoko.”

                “Wag ng maarte.” Ipinilit ko sa kanya yung tuwalya, nung hindi nya kinuha, inilapag ko sa hita nya saka pinaandar ng konti yung sasakyan para umusad.

****

                Kung makikita nya akong umiiyak, mas lalo lang syang maawa saakin. Mukha na nga akong kaawa awa na sinundo nya, ipapakita ko pa din ba yung kahinaan ko na mahal ko pa din sya? Di ko na kinaya, kung mas tatagal pa ako sa loob ng pesteng kotseng to, baka humagulgol na ako kaya nagpumilit na akong lumabas at sabay ng pagbagsak ng ulan sa ulo ko, kasabay din ng mga luha ko. Di ko akalain na ganun nap ala kalalim yung baha. Hanggang tuhod ko na, biglaan tuloy na nailubog ko yung sapatos ko, basa na yung footsocks ko at pati dulo ng palda ko. Ang hirap maglakad, bukod sa andumi dumi ng baha, may agos pa. Pero sinundan nya ako. Nagpumilit akong magpumiglas, pero masyado syang malakas. Nagulat nalang ako na binuhat nya ako at ibinalik sa kotse nya. Dali dali nyang ikinabit yung seat belt at bumalik sa manibela. Basang basa sya, basang basa din ako. Pinahinaan nya yung aircon saka may inabot saaking towel. Hindi ko alam if tatanggapin ko ba o hindi pero nanginginig na yung mga tuhod ko.

                “Oh.” Inabot nya.

                “Ano yan?” tanong ko na obvious naman.

                “Tuwalya.”

                “Anong gagawin ko dyan?”

                “Magpunas ka, malamang.”

                “Ayoko.”

                “Wag ng maarte.”

                Di na sya kumibo. Pinaandar nya na yung sasakyan habang tinitigan ko yung green na towel sa hita ko. Nangangatog na din ako, nahihiya naman ako pero wala akong magagawa. Kinuha ko na din yung towel at pinunasan yung mga braso ko saka hanggang tuhod ko. Hinubad ko yung sapatos ko na tumutulo pero di ko pinampunas sa paa ko yung towel.

                “Punasan mo na yan.” Sabi nya nung napansin nya ako.                

                Tinuloy ko na hanggang sa paa. Shet, ang lamig, sobra. Nararamdaman ko nanaman yung mga laman ko na humahapdi. Please, wag po ngayon. Kaya ko pa. Please, wag ngayon. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko pero nangangatog nanaman talaga ako.

                Alfred. Denise, Jerich... MAMA! Ano pong gagawin ko?

                Pinilit kong huminga ng malalim, pero lalong nagiging obvious yung panginginig ko.

                “Angelie. HOY! Okay ka lang?” tanong ni Mike.

                Patay na. Napansin nya na.

                “Okay lang ako.” Sabi ko, pilit yung boses.

                Iniiwasan ko syang tignan, kasi unti unting bumabalik lahat ng alaala nya.

                “Hoy.” Kaso wala, napalingon na din ako.

                Inabot nya saakin yung jacket nya, yung varsity jacket na lagi nyang suot, yung jacket na tumulong saamin malaman na athlete pala sya, yung jacket na naghihiwalay sa kanya sa ibang ordinaryong estudyante.

                “Kunin mo na.” Sabi nya.

                Kinuha ko.

                “Sinusuot yan, hindi yan tinitigan lang.”

                Nakatitig lang kasi ako sa jacket. Nung medyo nasa lutang na ako, di na ako nagdalawang isip na isuot.

                “Salamat.” Tapos tumingin na ako sa labas ng bintana habang nakatiklop yung hita ko sa sobrang lamig.

                Napapaisip ako. Sorry. Yung mga salitang yun yung matagal ko ng gustong marinig. Parang nung narinig ko yun, okay na lahat? Pero andun pa din yung sakit. Ano bang gagawin ko?

****

                Di pa din sya nagbabago. Antukin pa din. Napakadami pa ding paltos at kalyo sa paa, nung tinignan ko yung mga paa nya, mas dumami pa yung mga paltos. Anu ano nanaman bang pinagkakaabalahan nya at nagging ganito itsura? Nakalampas na kami ng Sta.Mesa pagkatapos ng isang oras pero pagliko naming papuntang Ortigas, lalo pang sumalubong saamin ang halos hanggang bewang na baha. Lalo na ding lumakas ang ulan. Hindi ko pwedeng isugod dun ang kotse, uusok ang makina. Binuksan ko yung radyo para making sa balita.

                Storm signal#2 warning, sa mga sumusunod na lugar, CAMANAVA area, San Juan, Pasig, Ortigas, Marikina, Cubao, Bicutan at Quezon City. Asahan ang mas malakas na pagulan sa susunod na  dalawang oras. Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Malabon at Navotas para sa mga evacuation center at hinihikayat na ang mga mamamayan malapit sa mga ilog na magsilikas na.

                “Ano yan?” nagising sya.

                “Bumabagyo na.” Sagot ko.

                Tumingin sya sa labas.

                “OMIGOD! BAHA!!!” Napasigaw sya, “Kelangan kong makauwi!”

                “Hindi tayo pwedeng lumusong dyan Angelie. Tignan mo, nagsitigal na yung mga sasakyan.”

                “Hindi pwede to.” Natatakot na yung tono nya. “Magagalit si mama kapag hindi ako nakauwi.”

                “Mas magaalala sya kapag nalaman nyang nilusong mo yung baha.”

                “Anong gagawin natin?”

                Takot na takot na sya. Kinakabahan. Huling kita ko sa kanyang ganun ang expression ng mukha ay yung nasa batangas kami, nung akala nya muntik na syang malunod. Bigla nalang din akong naguilty. Nung mga panahon na yun, ako ang may kasalanan, ngayon, kaming dalawa ang magkasama, ako din ang may kasalanan.

                “Angelie, sorry.” Sabi ko.

                Tumingin sya saakin.

                “Saan ka nagsosorry?” tanong nya.

                “Sa lahat. Dito. Siguro kung si Alfred ang sumundo sayo, di tayo maiistranded ng ganito.”

                Humarap sya saakin.

                “Parehas lang naman tayong stranded, magsisisihan pa ba tayo? Kung si Alfred ang sumundo saakin, stranded pa din kami, pati ikaw, stranded din, edi tatlo na tayo.”

                “Kahiit na.”

                “Teka, paano mo nalamang nandun ako?”

                “Sinabi ni Jerich, nakita ko sya sa Mcdo.”

                Kinagat nya yung labi nya.

                “Hayaan mo na. Mahalaga, di pa tayo kasama sa mga lumalangoy dyan.”

                Bakit bigla nalang syang nagging mabait? Naging mahinhin din ang boses, nakakapagtaka lang.

****

                Wala na akong lakas para makipagaway pa. Sobrang hapdi na ng katawan ko, hinang hina na din ako. Pakiramdam ko pa ata, ang init ko kaya bahala na si Lord, siguro naman, di naman ako sasaktan nitong kapre na kasama ko. Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko.

                “Ma?”

                “Anak, asan ka na?”

                “Mama, andito po sa may paortigas po. Ang taas na po ng baha, stranded na kami.”

                “Nakauwi na si Alfred, sabi nya saakin di ka na daw nagpasundo.”

                “Opo, maiistranded lang din sya, okay lang po ako ma.”

                “Hindi ka ba naulanan?”

                “Hindi naman po.”

                ANG LAKI KONG SINUNGALING!

                “Uminom ka na ng gamot?”

                “Opo, tapos na po.”

                “Anak, kung may kaklase ka na malapit dyan, dun ka nalang muna magpalipas hanggang sa humupa na yung baha. Delikado, medyo mataas na din sa labas ng village natin, hindi na nakakapasok yung mga pedicab.”

                Kinakabahan ako sa bagyong to. Hindi pa tumitigil, hanggang ngayon malakas pa din. First time nangyari saakin to at hindi ko alam ang gagawin ko.

                “Sige po ma, itetext ko nalang po kayo ng update saakin. Ingat po kayo dyan.” Sabi ko tapos binaba nya na din.

                Anong gagawin ko? Paano ako makakauwi? Wala naman akong kilala na malapit ditto. Tinext ko sila Denise at Jerich, si Jerich nakauwi na, si Denise din.

                “Ano ng gagawin natin?”

                “Ewan, teka, magiisip muna ako.”

                Nakatingin lang ako sa harapan namin. Madaming hindi na makatawid, andaming tao sa paligid na stranded na din. Tumataas na yung baha kung saan nakahinto yung sasakyan naming, patuloy pa din yung warning sa radio sa mas lalakas pa daw na buhos ng ulan sa magdamag.

                Bigla nalang lumiko si Mike, salungat sa kalsada. Andaming bumusina, pero hindi nya pinansin. Pumasok sya isang eskenita na puro buildings at commercial establishments na wala masyadong baha.

                “Uy, san tayo pupunta?” tanong ko.

                “Kung magtatagal pa tayo dun, matitirikan na tayo tulad ng ibang sasakyan. Maghanap nalang tayo na pwedeng mapaglipasan ng gabi.”

                “HA!?” anong balak nito?

                “Madaming hotel ditto, mag check in nalang muna tayo.”

                CHECK IN?

                “Mag check in ka magisa mo!” sagot ko.

                “Di tayo pwedeng manatili sa kotse. Wala na ding ibang pwedeng lusutan. Kung babalik tayo sa Sta. Mesa, lubog na, kung didiretso tayo dyan, titirik tong sasakyan ko. Magsabi ka nalang sa mama mo.”

                “Teka, saan?”

                “Wag ka mag alala, di kita dadalhin sa sogo!”

                “GAGO!”

                Akala ko joke yun, pero seryoso sya na naghahanap ng pwedeng matuluyan habang nagmamaneho. Lumipas siguro ang mga 15 minutes habang binabaybay naman yung street, tumigil sya sa isang mataas na building. Hotel nga! Mukhang mahal din.

                “Dyan tayo?” tanong ko nanaman.

                “Kelangan ko ng elevated na parking para di lumubog yung sasakyan ko.” Sabi nya.

Ipinasok nya yung kotse sa parking pagkabukas ng guard ng entrance barrier saka umandar pataas. May tatlong floors yung parking, sa third floor din sya tumigil para daw sigurado syang di aabutin ng baha. Nung tumigil na sya, binuksan ko na agad yung pintuan ko at isinuot yung basa kong sapatos. Binuksan nya yung likod na pintuan at iniabot sakin yung bag ko saka kinuha din yung malaki nyang duffel bag.

“Tara.” Sabi nya.

Naglakad kami papunta sa elevator. Pinindot nya yung G para sa ground floor. Nung nakarating na kami sa baba, nauna syang naglakad at dumiretso sa front desk, samantalang ako, naupo sa may lobby. Ginaw na ginaw na talaga ako, nahihilo pa ako. Kailangan kong kayanin yung sarili ko kasi wala na akong ibang maasahan kundi ako lang. Hindi na rin sya nagsasalita, seryoso, parang yung isang klase na Mike na  nakilala ko dati, yung nakakatakot na misteryosong Michael Riguerra.

“809, Halika na.” Sabi nya, may nakasunod na bellboy sa likuran nya.

“Isang room lang tayo?” nagulantang kong tanong.

“Pwera lang kung magdagdag ka, dalawang kama yung kukunin ko.”

ISANG KAMA LANG!??? ANO BANG PLANO NYA SA BUHAY NYA?

“ISANG KAMA LANG?”

“3500 isang gabi, magdagdag ka ulit ng 3500 para magkahiwalay na tayo.” Seryosong sagot nya habang nakatikom sa kaliwang kamay nya yung card na susi.

“Bakit kasi ditto? ang mahal ditto.”

“Andami mong reklamo.” Naiinis na ba sya?

Sumunod nalang ako papasok ulit ng elevator, nakayakap sa sarili kong katawan tapos pinindot nya yung 8th floor. Nakakahilo yung elevator, pakiramdam ko, susuka na ako. Pagdating namin sa 8th, nauna syang lumabas para sundan yung bellboy na nagaassist samin.

809, halos dulo ng hall. Nung binuksan yung pinto, nagulat ako sa loob.

“Sir, if may kailangan po kayo, tawagan nyo nalang po yung front desk, dial 1 po.” Sabi nung bellboy tapos tinignan ako tapos si Mike ulit.

Kung makatingin, kala mo naman... ewan. Ano bang iniisip nito? Nakakaasar!

Ang ganda nung kwarto kahit maliit lang may isang kama, isang sofa, plasma na TV at CR. May maliit din na ref sa gilid at built in cabinet. Nilapag ni Mike yung bag nya sa sahig at umupo sa sofa.

“Dyan ka na sa kama, ditto na ako.” Sabi nya. “Oorder nalang ako ng isa pang kumot at unan.”

“Sige.” Matipid kong sagot.

Hinubad ko yung jacket nya, nilapag sa may sofa at dumiretso sa CR. Di ko na mapigilan. Sukang suka na talaga ako kaya dali dali ako sa lababo. Ang sakit sakit ng ulo ko, epekto ata nung naulanan ako kanina. Pinilit kong walang tunog bawat kilos ko para di makahalata si Mike, nung medyo nakahinga na ako ng maayos, umupo ako sa may gilid ng bath tub. Kinuha ko yung tumbler ko sa bag at uminom ng gamot. Hindi ko alam paano ako makakasurvive ngayong gabi na kasama sya. Never ko inexpect na sa ganitong pagkakataon pa kami magkakasama ng ganito katagal. Gulong gulo yung isip ko, sobrang nababagabag na talaga ako.

Pagkalabas ako, wala dun si Mike. San nanaman nagpunta yun? Andun naman yung bag nya sa sahig. Binuksan ko yung cabinet at merong 2 set ng disposable slippers, bathrobe at tatlong towels. Kinuha ko yung slippers at isinuot. Nilagay ko sa may malapit sa pintuan yung tumutulo kong sapatos. Naupo ako sa may gilid ng kama at tinext si Mama. Si Alfred, nagtext din, nagtatanong asan na daw ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na kasama ko si Mike kundi magagalit nanaman yun. Sabi ko nalang nagstay ako sa bahay ng classmate ko, bukas na ako uuwi.

May kumatok sa pinto, sinilip ko muna sa may peephole, yung room service, may hawak na dalawang unan at kumot.

“Ma’am, you ordered for new set of pillows and blanket?” tanong nya.

“Ay opo. Thank you po.” Kinuha ko nalang yung unan at kumot.

“If you need anything else, just dial 1.” Sabi nya saka isinara yung pinto.

Inilapag ko yung unan at kumot sa sofa saka binuksan ko yung tv. Sakto, balita. Tuloy tuloy yung mga report tungkol sa bagyo ngayong gabi, nanuod nalang ako para updated. Bumukas yung pinto, si Mike.

“San ka galing?” tanong ko.

“Bakit namiss mo ko?” ito nanaman, balik nanaman sya sa pagiging pilyo.

“Nagtatanong lang.” Singhal ko.

“Bumili ako ng makakain. Masyadong mahal food service ditto eh.” Sagot nya.

Inilagay nya sa center table yung monster meal na binili nya galing KFC. Umupo sya sa sahig, buti nga nakacarpet eh tapos nagsimula ng lumamon. Andami nung sa kanya, dalawang kanin at large drinks pa.

“Kumain ka na.” Yaya nya.

“Teka, bayaran na kita.”

“Wag na!”

“Ayokong magkaron ng utak na loob.”

“Kumain ka nalang muna.”

“Hindi, teka.”

Hinila nya nanaman yung braso ko. Kahit kalian, ang haba ng range ng braso nya. Kainis.

“Kumain ka na. Kung babayaran mo ako, mamaya nalang. Basta kumain ka muna.” Matigas na sabi nya.

Binitawan nya yung braso ko. Kinuha ko nalang yung isang box tapos umupo sa may sofa habang nakapatong yung pagkain sa hita ko.

“Thank you.” Mahina kong sabi.

Kumain na ako, una medyo nahihiya pa talaga ako pero gutom na din kasi ako at kailangan ko uminom ulit ng gamot pagkatapos nito. Nakatingin si Mike habang nanunuod ng TV. Hindi sya nakauniform, naka tshirt lang, pantalon at tsinelas, basa na din yung dullo ng pantaloon nya, malamang dahil kanina sa pagbuhat saakin. Binilisan ko nalang yung pagkain, ayoko ng makipagusap sa kanya, bakit may iba pa akong masabi, mas maganda na yung ganito, tahimik kaming dalawa at yung ingay lang sa TV yung naririnig namin. Pagkatapos, inimis ko yung pinagkainan ko tapos itinapon sa basura, sumunod na din sya.

“Ako muna ah.” Sabi ko habang papasok ng CR.

“Kanina ka pa pabalikbalik dyan. Sayo na yan.” Sabi nya habang sinisinop yung pinagkainan nya.

Pinagsarhan ko sya ng pinto. Konti nalang yung natitira sa tumbler ko na tubig, buti nalang may drinks yung binili ni Mike kanina. Ininom ko na yung pangalawa sa huli kong gamot ngayon araw. Para ko ng ginagawang vitamins yung mga gamot ko, minsan nakakainis lang. Makaligtaan mo lang isang inom, sobranng sakit nanaman mararamdaman mo.

Lord, sana po makaraos ako ng maayos ngayon gabi. Wag nyo naman po sanang hayaan na ditto ako atakihin.

Ginamit ko yung provided toothbrush na nasa CR saka naglinis na. Hindi naman ako pwedeng magpalit kaya konting hugas hugas nalang.

Lumabas na ako, kinuha na din nya pala yung disposable slippers sa cabinet. Nasa harap na sya ng pintuan ng CR nung pagbukas ko.

“Kala ko ba akin na to?” asar ko.

“Okay lang sakin, dyan ka matutulog?” putek, nanghahamon?

“Ewan.” Di na ako lumaban.

Dumiretso na ako sa kama at nahiga. Tapos na yung balita, nilipat nya na pala sa Star Movies. 

***********************************************************************************************

NOTE:  salamat po ulit sa pagbabasa. maraming salamat din po sa mga nagdonate for the victims ng baha. so far, okay naman na lahat, i pray na okay din kayo. :) 

comment lang ng comment para malaman ko gaano ako kadalas maguupdate at gaano kadami ang ilalagay ko. haha! tulong na din yun para sa mga susunod na pangyayari kanila Mike at Angelie. THANK YOU!!!

xoxo Mara

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.4M 153K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
134K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?
718K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...