The AIR i Breathe

By walangmagawa1210

1.1M 27.8K 1.7K

Air Alcantara, the most famous rockstar in today's generation. He has this voice to die for and the killer sk... More

the air i breathe
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 Part 1
Chapter 3 part 2
Chapter 4
Chapter 5 part 1
Chapter 5 part 2
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 part 1
Chapter 10 part 2
Chapter 10 part 3
Chapter 11
Chapter 12 part 1
Chapter 13
chapter 14 part 1
Chapter 14 part 2
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 part 1
Chapter 19 part 2
Chapter 20
Chapter 21
Epilogue

Chapter 12 part 2

36.1K 865 50
By walangmagawa1210

Date uploaded: 8-19-14

Chapter 12 part 2

Kyle

"This way sir." Sinamahan kami ng isa sa mga receptionist ng restaurant sa reserved table namin at obvious na may HD iyon kay Air. Ang lang lagkit makatingin, mukhang pinaglihi sa kakanin! Well, what do I expect? Lahat naman ng mga babae may gusto sa kanya at karamihan doon ay lantaran na ipinapakita ito! Yung iba nga, hindi lang pinapakita, kung ano ano pa ang ginagawa! Where's the dignity in that?! Naglaho na ba talaga ang mga kalahi ni Maria Clara? Ang sarap lang ihulog sa poso negro!

Well, kung sabagay, celebrity si Air, they need those supporters. Buhay ng mga celebrity ang mga fans. Kapag wala kang fans, wala kang career. Sige na nga, pagbigyan.

I looked around the place. Kakaiba itong resto na to. Garden ang setup but it's indoor, pero feeling mo nasa outdoor ka because of its glass dome that you can actually see the stars and the moon in the sky. Meron pa itong small man made pond where there are swans and fishes in it.

"This place is huge! and It's really amazing! " May pagkamagical and romantic pa ang effect because of the lighting of the place. I'm sooo in love with the place already.

Ngumiti lang si Air at halatang natuwa dahil nagustuhan ko ang lugar.

Narating na namin ung table namin. Air pulled out a chair for me at pinaupo nya ako. Ahihihihihi.. Kilig much naman ako! Napaka gentleman naman nya! It took all my will power to hide my feelings. Mahiya naman ako sa fayz ko kung ipakita kong halos maglupasay ako sa sobrang kakiligan! Naman kasi! Look at him! The man is totally gorgeous, especially ngayon na napaka-clean ng itsura nya. He's still wearing his glasses at talagang mas cute sya ngayon! Mukha syang matino.

"Malabo pala ang mata mo?"

"Hindi naman masyado, medyo na-strain lang ang mata ko. May nagpuyat kasi sa akin." Nginisian nya ako at tinaasan ko sya ng kilay.

"Hmmmm.. si Gaygie? Hindi ka pinatulog?"

"Nah... may isang diwata na kahit sa pagtulog ko ay sinusundan pa din ako. She's hauntIng me, and I can't seem to get her out of my system." He shrugged. " But I like it. no... I don't like it..... I love it." Tinignan nya ako ng pailalim and all I can do is held my breath. NO WONDER NAGKAKANDARAPA ANG MGA BABAE DITO!!!! My gulay!!! TUBIG! TUBIG!

"Ummmm.... Waiter!" Tinawag ko ang pinakamalapit na waiter at dali-dali naman itong lumapit.

"Yes Ma'am?"

"Menu please... ayyy.. no wait ... give me water na muna, yung maraming maraming ice. "

Umalis na yung waiter at natuon ulit ang pansin ko sa lalakeng nakangisi sa akin.

"too much ice is bad for your throat."

"I don't care, hindi naman ako singer, writer lang ako, so I'm entitled to an ice cold water."

Keep your cool kyle... kaya mo yan. Level lang. Inhale.. Exhale!!!

Mabilis na nakabalik ang waiter with my super ice cold water at dali-dali ko itong ininom. Nakatulong naman ito para mapakalma ako at nagstable na ang nagwawala kong dibdib.

OK, game!

Lumapit sa table namin ang isang kagalang galang na lalake. Naka suit sya pero sya ang nagdala ng menu namin. Manager kaya sya sa resto na to? Head waiter? Hmmm I wonder. Iba talaga celebrity, talagang may special treatment.

"What will you have Kyle?"

I examined the menu, parang ang sasarap naman ng mga pagkain dito. I would really like to order pasta, pero parang may nabasa ako dati, ordering of pasta on the first date is a big no no.

Kailangan hindi ako maging kahiya-hiya sa first date ko. As in this is my very first date on my entire existence. E sa NBSB ako! Nagtataka nga ang mga readers ko kung paano ako nakakasulat ng mga kilig moments kung kahit kelan ay hindi ko pa ito nararanasan. E sa wide reader ako at napakalakas ng imagination ko.

"I'll just have the specialty of the house." Sabi ko sa sosyal na waiter at ibinalik ko na sa kanya menu.

"Same na din sa akin carlo." ibinalik na din nya yung menu. Tinignan ko yung manager/waiter kung may name plate. Nagtaka kasi ako kung bakit sya kilala ni Air. Wala namang ID or nameplate. Baka madalas kumakain dito si Air kaya kilala na nya ang mga tao dito.

"Palagi ka sigurong kumakain dito ano?."

"Well, you can say that."

Hmmmm... Hindi kaya dito nya rin dinadala lahat ng mga babae nya? And I'm just one of them?

Ano ka ba KYLE!

Haist! Umiral na naman ang insecurities ko! Just treasure this moment. Baka first and last na ito. Might as well make it a memorable one.

Hindi ko na din alam kung paano pa kami makakatakas ulit. Kay Lola madam at Tito Railey na lang kami nagpaalam na medyo gagabihin kami. Kung pinapayagan lang akong mag-overnight nila mommy kila Ate ja, wala na sana akong problema. Pero never akong nakapag sleep over kila Ate Ja, ayaw nila mommy. Mas ok na daw na si Ate Ja na lang ang dadayo sa amin.

"Regular po Sir Air dito. In fact, he owns the place."

Nanlaki ang mga mata ko. Huwwwattt! He owns this magnificent place! SOSYAL!

"Really?!"

Air just shurgged.

"Excuse me ma'am, sir, aasikasuhin ko lang ang mga pagkain ninyo."

"Ok, And carlo, please add a brownie ala mode to Ms. kyle's dessert."

"Certainly sir."

Umalis na ang sosyal na manager/waiter.

"Paano mo nalalaman ang mga favorites ko?"

"I told you, i have my sources."

"Talaga lang a! Whatever... Pero... You own this place?! Wow! Pero teka, bakit resto? Diba ang linya mo sa music?"

"I already own a recording studio. This one.." Parang may dumapong kalungkutan sa mga mata nya. "This one is for my brother. He dreamed of owning a restaurant, tinupad ko lang ang pangarap nya."

"A ganon ba, where is he? Hindi naman sya siguro si Carlo? Ang layo naman ng itsura nyo sa isa't isa?"

Unless ampon ang isa sa kanila.

Natawa sya sa sinabi ko. Mukhang hindi nya rin tanggap na magkapatid sila nila Carlo. Air is extremely handsome and Carlo is.. Well.. Carlo is... Hmmmm... Dignified syang manamit, let's leave it to that, ayoko nang mamintas.

"Of course not, hindi ko sya kapatid. Sya ang operations manager nitong restaurant. At sya na rin ang pamamahalain ko sa iba pang food chains na na-franchise ko."

Mukhang negosyante na din pala itong si Air a. Hindi lang pala ito ang negosyo nya, maliban pa sa sinabi nyang recording studio, meron pang iba. Pero curious pa din ako sa kapatid nya.

"Bakit si Carlo pa ang pamamahalain mo, bakit hindi na lang yung kapatid mo? Sabi mo nga na pangarap nya ito. "

"I'm afraid, that won't be possible."

"Bakit naman?!"

Nagbuntong hininga sya.

"Wala na sya. He died."

OH MY GOSH!! Kaya pala ganon ang reaction nya! Aaarrrgg! Gusto kong sipain ang sarili ko! Wrong move! Me and my big mouth!

"Let's not talk about him. Napakadami pang pwedeng pagusapan." Hindi naman masyadong irritado ang boses nya... Slight lang. Maybe that topic is really off limits.

I gave him my sweetest smile para makabawi sa mga kataklesahan ko. Pero na-curious pa din ako sa kapatid nya. Mahal na mahal nya siguro ang kapatid nya. But as much as I wanted to know, I think I have to divert the topic.

" ummmmm... Mahilig ka din pala magnegosyo? Hindi naman kaya umabot na hanggang langit na ang kayamanan mo?"

Natawa na sya at nabura na ang bakas ng kalungkutan sa mata nya. Good job on that Kyle at nadivert mo ang atensyon nya.

"I'm just being practical. Alam ko naman na hindi panghabang buhay ang pagiging singer. Dadating ang panahon na mag-iiba ang taste ng mga tao. May dadating na mas bago. Katulad nga ng sinabi ni Lola madam, I'm already at the top of my ladder... As much as I wanted to stay up there, but, reality check... There's nowhere for me to go, but down. Kaya sinasamantala ko na habang nasa taas pa ako. I invest."

Nadagdagan ang paghanga ko kay Air. Ang akala ko noong una ay mababaw lang sya at ego lang nya ang pinakikialaman nya,,, I am sooo damn wrong. Mas lalo naman akong na-i-in love sa kanya!!!! He's already close to perfection! Gwapo, mayaman, sikat, gentlema pa. The only fault that I can see, is the big P on his forhead..(PLAYBOY!).

"Teka, nakakahalata na ako, puro ako na naman ang pinag-uusapan natin. I want to know more about you."

"As I have said before, my life is simply boring. Siguro mga 10 sentences, tapos na ang talambuhay ko."

"Kahit na 10 sentences yan, I will still be interested to know."

Ooowwwwssssss....

"Hindi nga boring ang buhay mo, sabi sa kin ni Gaygie, ikaw daw ang pinakasikat na writer ngayon. At opinion din iyon ni Direk. "

"Hindi naman, nakikilala lang naman ang mga books ko ngayon. Saka hindi naman ganoong ka glamorous ang ginagawa ko. Mas madalas lang akong nakakulong sa kwarto. Which is an advantage for my mom, gusto lang naman nya kasi akong ikulong sa bahay."

Kumunot ang noo nya.

"Speaking of your mom, Hindi ko ma-get yung logic na ikinukulong ka sa bahay. How old are you? 20? 21? Nasa legal age ka na. Tapos ka na sa pag-aaral, and you already have a successful career. Hindi ka na dapat nagpapa-under sa magulang mo. you should explore the world and see what it has to offer you."

"They have their reasons at naiintindihan ko yon."

"Ok, sige, para maintindihan ko rin sila, ipakilala mo na lang ako sa kanila... Mamaya."

"ANO KA HILO!"

"Why? Don't you want them to meet your future husband?"

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko! Saang bundok nya nakuha ang idea na yon?!

"Anong husband, husband ang pinagsasasabi mo! Delikado ka na. Anong bang pinapakain sa yo ni Gaygie?"

Inabot nya ang mga kamay ko at ikinulong nya ito sa mga kamay nya, dahilan para uminit ng husto ang mga pisngi ko at magwala ang puso ko! Oh my gosh! Nakikinita ko na ang death certificate ko, Cause of death - HEART ATTACK!

"I don't know about you, but I can already see my future with you."

OOOHHHMMMYYYY GUUULLLAAYY!!!

"ummmm... Aaaa.. Ha?"

Speechless me.... Ang tagal ko bago makarecover sa sinabi nya.. Pero wait lang! Anong future? Hindi ko pa nga sya boyfriend, tapos, technically, ilang araw ko pa lang syang kilala, not including the gap since I first met him.

Binawi ko ang mga kamay ko.

"Air, this is waaaay too fast."

Sumandal sya sa kinauupuan nya at tinitigan nya ako. All the while, he's wearing that stupid smile on his face that really melts my heart. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko pero sinalubong ko ang titig nya, and I kinda lost it! There's no denying that I am really drawn to this man. I realize that I am already falling hard for this man and fast!

"When I first met you, when I carried you in my arms. I knew you were someone special. Actually, ginulo mo ang mundo ko. You occupied my mind to the point of almost being insane!" He chuckled. "Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ang sinasabi ko sa 'yo. But I guess, I already fell in love with you the moment I set my eyes on your sleeping face."

Speechless!

Is that even possible? Malalim ang word na love. Or paniniwala ko lang ba iyon? I don't think that anyone can fall in love that easily. Or can they?

Kinuha nya ulit ang mga kamay ko.

"Alam kong naguguluhan ka sa mga sinasabi ko sa yo. I can see it in your eyes. Ako man, hindi ko inakalang capable pala akong magmahal ng ganito. Sa dinami dami ng babaeng dumaan sa buhay ko, I've never felt this strongly to any woman. Sa 'yo ko pa lang naramdaman ito. It's a very new feeling, but I love it."

"Is it really possible? Hindi ko alam kung maniniwala ako sa love at first sight."

"Hindi rin ako naniniwala doon nung una. But as you can see, I've tested the waters. Noong naghiwalay tayo sa bus station, I could have easily tracked you down if I wanted too. I got your phone number stored in my cellphone." Nginisian nya ako ng nakakaloka.

"Really!"

Naalala ko na tinawagan ko ang cellphone ko gamit ang cellphone ni Air.

"Pero hindi ko magawang tawagan ka. I don't know. Kung paglalaruan lang kita, hindi na kita tinantanan noon. "

Tumaas ang kilay ko. "Ganon?!"

"But You are way too special. Hinding hindi ko magagwa iyon sa 'yo. You're too different from all the girls I've met before. And seriously speaking, gusto kong magbago para sa 'yo."

Umiling-iling ako.

"Hindi ako ganon ka-special. Baka ma-disappoint ka lang. Hindi mo pa ako lubusang nakikilala."

"Then give me the opportunity to know you more. And in the process, you can also know me better. Baka ikaw pa nga ang madisappoint."

I smiled... " Matagal na nga akong disappointed sa yo... Jowks!"

Natawa din sya. I wanted to break the ice kahit sandali. Hindi na kasi ako mapakali. Sobra akong na-o-overwhelm sa mga sinasabi nya. I don't think that I deserve those things!

"Well, seriously. You are faaar better than I expected. And I'm sorry I judged you too soon. Ang akala ko kasi dati, egotistic ka lang katulad ng mga celebrities na kakilala ko. But you're different."

"I'm no different from them. Tama ka naman sa unang pagkakakilala mo sa akin. I will not deny that I am also a player. Palagay ko ay naikwento na rin sa yo ng pinsan mo na halos lahat na ata ng babae sa showbiz ay naka-date ko. But I want to change all that. "

Pinisil nya ang kamay ko.

"I want to become the man of your dreams, just like you are the woman of my fantasies."

Oooookkaayy... such sweet words! Dalang-dala naman ako!

"Please... Just give me a chance."

Tinignan ko ang mga kamay namin na magkahawak. Huminga ako ng malalim. Rinig na rinig ko ang napakalakas na pagtibok ng puso ko. Pag-angat ko ng mata ko para titigan sya ay nakapagdesisyon na ako.

"Ok. Air.. Let's get to know eachother better."

Then I smiled.

Continue Reading

You'll Also Like

330K 5.3K 26
[NO SOFTCOPIES] Sa bawat taon na inilagi ni Ionna sa eskuwela ay walang palya na kaklase niya ang kumag na si Sung Min ang pakialamero, daldalero at...
761K 3.2K 5
Kris Night Dela Marcel DELA Marcel Series: Crazy in Love Story Cover by: Krunchey
2.5M 158K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
63.7K 4.7K 40
Michelle Salvacio is a typical 'anak-mayaman'. Nag-iisa siyang tagapagmana ng pamilya niya kaya lahat ng luho ay nasusunod. Although you can see her...