May Forever Daw?! Wala Kasi A...

By SalanghaeTaetae_328

7.5K 1.3K 1.2K

[On Going] FOREVER. Ako si Patty. Isang babaeng napaka sawi sa pag ibig. Nasaakin naman ang lahat pero nagaw... More

Chapter 1
Cast
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Author's Note
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Author's Note
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Author's Note
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22: Confession
Chapter 23: Birthday Celebration

Chapter 24: Birthday Celebration

30 3 3
By SalanghaeTaetae_328

Mikey's POV

Nakakainis naman oh!! Ako sana yung maghahatid kay Patty ngayon, pero bigla namang sumingit yang Daryll na 'yan! Panira sa plano ko tsk!

"Hoy Mikey! Kanina ka pa naka busangot diyan! It's your birthday!! Kaya 'wag ka ng sumimangot. Ang pangit naman kung yung birthday boy namin ay galit diba?" Sabi ni Kylie. Ehh sino ba namang hindi maiinis dun sa nakita ko kanina? May pa hawak- hawak pang nalalaman si Daryll sa baywang ni Patty.

"Ehh sino ba naman kasi yung 'di magagalit doon sa nakita natin kanina diba?!" Halos pasigaw kong sabi sa kanya. Pero siya deadma lang.

"Oh come on! Aksidente lang yung nangyari! You choose, mas gugustuhin mo bang sumemplang si Patty at 'di na makapunta sa party mo at di na kayo magkakaroon ng 'sweet moments' or masalo siya ni Daryll at makapunta sa party mo at magkaroon ng 'sweet moments'? Sagooott!" Sabay batok niya sa akin.

"Oo na tsk!" Hinawakan ko naman yung likod na bahagi ng ulo ko, kung saan niya ako binatukan. Ang bigat ng kamay amp!

"Anong oo? Yung sinabi ko nung una o yung pangalawa?" Sabi niya kasabay ng pagtaas ng kilay niya. Taray amp..

"Oo na! Mas pipiliin kong masalo siya ng Daryll na yun para 'di siya sumemplang! Pero mas maganda kung ako yung makakasalo sa kanya!!"

"Hay nako! Masyado kang seloso. Ano, possessive much lang?" Agad namang nagkaroon ng ngiti yung mataray niyang  mukha. "Don't worry mah boy! Kilala ko yun, matagal na kaming magkasama ehh! Alam ko namang ikaw ang gusto niya. Kahit ikulong silang dalawa ni Daryll sa iisang kwarto—"

"HOY! ANONG MAKULONG SA IISANG KWARTO KA DIYAN?! DAPAT AKO LANG YUNG KASAMA NIYA KAPAG NANGYARI YUN NOH!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya nagsalita ako kaagad!! Kwarto?! Di ba pwedeng...uhm..ahh...basta! Basta 'wag sa kwarto!

"Saglit lang kasi! Wag ka kasing mag isip ng kung ano ano! As I was saying, kahit makulong sila sa iisang kwarto ng ilang buwan, ikaw pa rin gusto nun. Kahit ialay pa ni Daryll yung buong mundo sa kanya, ikaw pa din naman ang laman ng puso nun noh? Kaya kumalma ka na diyan birthday boy.....okay?"

"Tss..fine." Tumunganga na lang ako sa bintana para marelax relax naman ako.

'Come on birthday boy! Smileee!!'

Pero kahit papaano, natuwa ako doon sa sinabi ni Kylie na ako yung gusto ni Patty. Wala lang, nakakatuwa lang sa tenga. Sarap pakinggan. Pero, mas masarap pakinggan yung mga salitang binitawan ni Patty kagabi. Hehehehe...

"Sir Mikey nandito na po tayo." Anunsiyo ni Mang Delfin. Napatingin ako sa gate namin. Napansin kong marami rami na rin yung guests na naandito. Agad akong bumaba sa kotse para alalayan si Kylie bumaba.

Sakto naman pagkababa namin, ay dumating na rin yung kotse nila Daryll. Pinanood ko itong pumarada hanggang sa magbukas ang pinto. Unang bumababa si Daryll. Nilahad niya yung kamay niya para alalayan si Patty sa pagbaba. Kinuha naman ni Patty yung kamay niya at bumaba. Nakita kong bumulong si Daryll sa tenga ni Patty at bahagya namang natawa si Patty. Tsk! Yung ngiti ni Patty!! Dapat ako lang ang lalaking magpapakingiti sa kanya ng ganyan!! Padabog akong pumasok sa gate namin habang nakabusangot pa rin yung mukha ko. Nakkainis ehh!!

"Oh kambal! Buti nandito ka na! Kanina ka pa namin hinahanap ni mom. Marami rami na rin yung guests na naghahanap sayo." Hindi ako nagsalita pabalik. Tumingin siya sa akin ng napaka seryoso. "Now tell me, what's wrong?" 'Di na lang ako sumagot at naglakad papasok sa bahay.

Ng makita ako ni mom, agad siyang pumunta sa harap ko na para bang alalang alala. "Babyyy!! Saan ka ba pumunta? Nag alala kami ng kuya mo sayo! Tsaka bakit mo iniwan yung cellphone mo? Hindi ka tuloy namin macontact!" Sermon niya sa akin.

"Mom, please don't call me baby in front of our guests." Agad namang nag pout si mom sa sinabi ko. "Nagpahangin lang po ako sa tabi tabi." Walang kwenta kong palusot. Pahangin amp.

"Wews. Nagpahangin nga ba talaga?" Parinig ni kambal.

"Ahh ganun ba. Next time magpaalam ka man lang sana sa akin para 'di ako mag aalala ng ganito." Tinanguan ko na lang si mom at nagsmile ng kaunti. "Sige, mag ready na kayong dalawa ni Michael. In 5 minutes, magsisimula na yung party. Maiwan ko muna kayo dito, may kakausapin lang ako saglit..." Pinanood ko lang si mom na maglakad palabas sa living room. Agad naman akong napatingin kay kambal dahil bigla niya akong siniko.

"Potek! Ang sakit nun ahh!"

Lumapit siya sa akin sabay ngisi. "May lq kayo ni Patty noh?" Sabay taas baba ngmga kilay niya.

"Tsk! Wala!" Pagkatapos kong magsalita, agad akong pumunta sa hagdanan. Naisipan kong humiga na lang muna sa kwarto ko habang nagpapalipas ng limang minuto. Naiingayan kasi ako dito sa baba! Nakakadagdag init ulo yung mga kanta! Ang lakas ng music tapos ang iingay din ng mga guests. Paakyat na sana ako pero may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
Nainis ako ng maalala ko nanaman yung scene nila ni Daryll kanina. Di pala scene, scenes pala dapat!

"MIKEEYYY!!" Pagkalingon ko, nakita ko yung buong G7. Sobrang laki ng mga ngiti nila, yung tipong parang isang taon kaming di nagkakita kita.

"Oh?" Plain na sabi ko sa kanila.

"Oh? Yun lang yun! Nag effort pa naman kaming magsuot ng mga ganito..." sabay turo ni Christian sa suit niya. "...tapos oh lang sasabihin mo?" Sabay pout niya. Eww! 'Di bagay!

"Pa pout-pout pa ampotek! Tigilan mo nga 'yan Christianito! Hindi bagay sayo!" Pabarang sabi ni Kyle.

"Tsk! Inggit lang kayo! Bagay kasi sa akin ang mag pout pero sa inyo hindi! Bleehh!!" Sabay belat niya sa amin. Mukhang bata amp.

"Tigilan mo nga 'yan. Hindi ka na bata, Christian." Sabi ni James. Pagkatapos yun sabihin ni James, nabalot naman kami ng katahimikan.

"Huy Mikey! Tignan mo oh!" Sabi ni Basti habang nakaturo sa kaliwa. Lahat naman kami napatingin doon sa tinuturo niya. Agad namang umakyat yung dugo ko ng makita ko silang dalawa! "Si Patty tsaka....Daryll?" Nagtataka niyang tanong.

"Tss..."

"Ano? Wala ka man lang bang gagawin? Papabayaan mo na lang ba silang magkasama buong gabi?" Tanong sa akin ni Luke.

"Ayoko. Pabayaan mo sila diyan! Mukha naman silang nag eenjoy ehh. Bakit ako makikialam?" Sarkastiko kong sabi. Tinitignan ko lang ng masama sila ni Patty habang nakanguso. Nakakainis ehh!! Birthday ko 'to! Dapat ako ang kasama niya, hindi si Darylampa!!

Sakto naman, biglang nagtama yung tingin namin ni Patty. Agad naman akong napaiwas. Bigla akong kinabahan doon ahh!!

"Ohhh look, Mikey!! Palapit na si Patty babes mo!" Bulong sa akin ni Luke. Hindi ko alam kung titignan ko ba si Patty habang palapit siya sa akin, or titingin na lang ako sa paa ko or kaya....!! Hah! Di ko alam!

"Hello guys!" Masayang bati ni Patty sa G7. Binati naman nila siya pabalik, bukod sa akin. "Happy birthday Mikey!! Mag—"

"HOY KAMBAL!!" Malakas na sigaw ni Michael. Putcha naman!! Lagi talaga siyang sumusulpot kapag kausap ko si Patty!!

"ANO?!" Inis kong tanong ko sa kanya. Paano kasi, ang epal!!

"Tara na sa stage. Tawag na tayo ni mom. Magsisimula na raw yung party!"

"Sige Mikey, pumunta ka na doon, mamaya na lang ulit kita kakausapin." Nakangiting sabi ni Patty. Patty naman! Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan....nakaka turn on ehh!!

Patty's POV

Pinanood kong lumakad palayo si Mikey. Huhuhu!! Buti na lang dumating si Michael. Kinakabahan talaga ako sa kanya ehh. Nakakatakot kasi siyang tumingin, lalo na yung habang pababa ako sa kotse ni Daryll.

Nagsimula na yung party. Ang dami ngang tao ehh. Nakakahiya, buti na lang nandito si cous pati yung G7. Wala kasi ako halos mga kakilala dito. Mga partner siguro 'tong mga 'to sa negosyo nila. Although partners din naman yung family namin pero mas madami pa silang negosyo kumpara sa amin.

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang malaking round table katabi yung G7 at si Kylie pero hindi namin kasama si Mikey. Busy kasi siya sa pag entertain sa guests kasama yung kambal niya tsaka si tita. Si Daryll naman, nandoon siya nakaupo sa table kasama yung family niya at si lola at lolo. Talagang close sila ah?

"Uy Patty! Ano nangyari sa inyo ni Mikey kanina? Bad mood ang kumag eeh!!" Tanong sa akin ni Christian.

"Oo nga! Tsaka bakit magkasama kayo ni Daryll kanina?" Si Alexander.

"Ahh..kanina kasing umaga, sinabi sa akin ni Mikey na siya daw yung magsusundo sa akin sa bahay. Kaso noong hapon, sabay sila ni Daryll pumunta sa bahay. Pinasabay ko na lang si Kylie kay Mikey kasi hindi naman sila close ni Daryll ehh....kaya si Daryll na lang yung pinili kong maghatid sa akin." Mahabang paliwanag ko.

"Ahh kaya naman pala! Mukhang makakapatay si Mikey kanina ehh....sa titig pa lang niya!" Si Kyle.

"Gusto ko sanang bumawi sa kanya, since birthday niya ngayon at nakagawa ako ng ikaseselos niya. Ano kaya sa tingin niyo maganda kong gawin?" Tanong ko sa kanila. Tutal mas matagal nilang nakasama si Mikey kumpara sa akin, mas marami silang maiisip na paraan para matulungan ako.

Lahat sila nag-isip ng mabuti. Nagkatinginan pa nga sila ehh...kaso bakit ganun yung mga tingin nila?! Parang may masamang balak!?

"Hahahaha!!" Malademonyong tawa ni Luke! Huhuhu! Bakit parang natakot ako doon? "Dalhin mo si Mikey sa MOA, tapos sakay kayo ng ferris wheel!" Lahat naman sila nag evil smile sa sinuggest ni Luke. Hala! Ano kaya meron doon?!

"Nakuuu!! Magandang idea 'yan Luke!" Masayang sabi ni Kylie. Okay si cous naman 'to...pinagkakatiwalaan ko siya, kaya hindi naman siguro kalokohan 'tong sinuggest nila. Hinawakan ni Kylie yung balikat ko. "Sure ako cous, mageenjoy si Mikey doon! Diba guys?"

"SURE NA SURE!!" Sabay sabay na sabi ng G7.

"Sige guys, thank you sa pag suggest niyo ah? Pero pwede niyo ba akong tulungan ulit? Hehehehe last na talaga 'to guys!" Pakiusap ko sa kanila.

"Sure, ano ba maipaglilingkod namin sa mahal na prinsesa?" Wow! Natouch naman ako sa sinabi ni James.

"Ahh..ganto, itetext ko na lang yung driver namin na dalhin kami ni Mikey sa MOA. Pero gusto ko kasi siyang isakay sa van na naka blindfold—"

"WOW PATTY! ANONG GAGAWIN NIYO SA VAN AT GUSTO MO SI MIKEY I-BLINDFOLD?!" Gulat na gulat na tanong si Basti. Mabilis naman siyang binatukan James samantala yung iba tawa ng tawa.

"Gagi!! Ano ba yang pinag isiip mong malibog ka!" Sabi sa kanya ni James.

"Hahaha!! Sorna!!" Si Basti.

"So ayun na nga, gusto kong i-blindfold  si Mikey, para you know, surprise yung pupuntahan namin. Pero gusto ko, kayo yung maglagay ng piring sa mata niya."

"Alam mo cous, dapat talian din natin yung kamay ni Mikey. Duuhh!! Kapag walang tali yung kamay niya, madali lang niyang maaalis yung piring sa mata niya. Tsaka you know, para kunwari may kidnapped effect hehehe!!"

"Magandang idea 'yan babe! Ang tali talino talaga ng babe ko!" Sabay halik ni Kyle sa pisngi ni Kylie. Si Kylie naman, nagblush ng bonggang bongga!! Nabigla kasi siya sa ginawa ni Kyle. Hinawakan naman.

"Ikaw naman babe!" Sabay hampas ni cous sa dibdib ni Kyle. Hinawakan naman ni Kyle yung mukha ni Kylie para halikan siya sa labi pero mabilis na tumayo si Luke palapit sa kanila at.....

"Aba mga pusang gala!" Pinaglayo niya bigla yung mukha nila Kylie at Kyle. Malakas naman kaming nagtawanan sa ginawa ni Luke. Lakas kasi manira ng moment ehh!! Hahahahaha!!

"Mahiya naman kayo sa single diba?!" Si Luke. Binatukan naman siya ni Kyle.

"Hayo nako! Mga panira moment! Pero medyo mahihirapan tayo sa pag "kidnapped" kay Mikey ahh? Pero wag ka mag alala Patty, kami bahala sa iyo!! Basta itext mo na lang yung driver niyo tsaka doon na lang tayo magkita kita sa likod na gate para walang makakita."

"Hehehehe!! Salamt guys ahh!" Naka ngiti kong sabi sa kanila.

James' POV

Nandito kami ngayon ng G7 sa loob ng kwarto nila Mikey at ni Michael, naghahanda gawin yung plano. Kinausap namin si Michael na tulungan kami sa plano kaya mas nadalian kami. Handa na rin yung van na sasakyan nila Patty.

"Putcha! Hahahaaha!! Pambihirang plano 'to oh!" Tawang tawang sabi ni Michael. "Sige, tatawagin ko na si kambal." Pinanood naming lahat si Michael lumbas ng pinto at nagsimula ng gawin yung plano.

  "Okay so guys, ready na ba yung panyo at pang pahilo?" Tanong ko sa kanila.

"Yep! Ready na yung panyo!" Si Christian.

"Tang!na Basti! Kadiri yung idea mong pampahilo pero 'yan lang option natin ehh! At sure akong effective 'yan!"
Sabi ni Alexander.

"Oo nga pre, putcha nakakadiri pero dahil sa amoy ng utot mo noong inututan mo ako sa mukha, napatumba mo ako!" Si Kyle. Lahat naman kami nagtawanan. Nakakadiri yung "pampahilo" namin kay Mikey pero yeah, effective nga siya.

"Ako pa ba?! Ang galing ko kaya! Sige akin na nga yang panyo, lalagyan ko na ng pang pahilo!" Kinuha naman ni Basti yung panyo at tinapat ito sa pwet niya. Lahat naman kami nagsitakip ng ilong. Baka pati kasi kami, mahilo eh.

Nung nag succeed na kami sa pampahilo ni Mikey, lahat na kami pumusition na sa may pintuan. Nakapatay din yung ilaw sa loob ng kwarto at nakababa yung mga kurtina para wala talagang liwanag sa loob. Si Basti yung maglalagay ng panyo sa ilong ni Mikey, ako naman at si Kyle yung maglalagay ng tali sa kamay niya, samantala yung iba naman, sila yung magbubuhat.

Narinig na namin yung malakas na yabag ng paa ni Mikey. Mukhang naiirita siya sa pinagsasabi ng kambal niya. Mahina naman kaming tumawa habang pinapakinggan yung mga sinasabi ni Mikey.

"Ano ba naman 'yan Michael! Ang lakas mong makipagsuntukan pero takot ka sa ipis?!" Si Mikey. Narinig na namin na hinawakan niya yung door knob kaya naghanda na kami.

"Huhuhu!! Kadiri kasi yung ipis ehh! Sige na bilis!! Andiyan siya sa loob!! Patayan mo pleaseee huhu!!" Pagmamakaawa ni Michael sa kanya.

"Put@!! Oo naa!!" Padabog na binuksan ni Mikey yung pintuan. Mabilis namang nalagay ni Basti yung panyo sa ilong niya at.....

"YUN BAGSAK!!" Sabay sabay nilang sabi habang ako, tumawa lang. Tinalian namin ni Kyle yung kamay ni Mikey. Si Michael naman yung naglagay ng piring sa mata ng kambal niya. Mabilis namin siyang naibaba at nalagay sa van. Tulog na tulog ang kupal ah. Gulat na gulat naman si Patty noong makita niya si Mikey.

"Grabe guys! Ang galing niyo!! Pero paano niyo yun nagawa?"

"Hehehe...mahabang kwento Patty ehh. Saka ko na lang ikukwento, sige na. Punta na kayo sa MOA bago pa magising 'yang mokong 'yan." Sabi ko kay Patty.

"Tetext na lang kita Patty kapag tapos na yung party. Balik kayo ahh!! May sleep over pa tayo ehh!" Sabi ni Michael.

"Yes po boss!! Sige tutuloy na kami ah, salamat guys!!" 

Pinanood naming lahat makaalis yung van. Sana mag enjoy sila doon.

HALOO SA INYOO!! Na miss ko kayong lahat....kahit di niyo ko miss :"(( Charr langg!! So ayun may meme daw si Patty. Pasensya na sa inyo kung corny siya, pagbigyan na lang natin 'tong batang 'to...
.
.
.
.
.
.
.

NOOO HATEE POO SPREADD LOVEE  -Patty

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...