Epitome Of Perfection

By Warranj

1M 26.6K 4.8K

There is only one happiness in this life - to love and to be loved. Pero sa kaso ni Sandra, siya lang ang may... More

Important :)
Epitome of Perfection
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter ll

Chapter 21

21.2K 468 33
By Warranj

Sandra

"Job well done, kids!" I clapped my hands cheerfully while smiling widely at my students. "Don't forget to do your assignments for Monday, okay?"

"Yes, teacher!" they shouted energetically.

Mas lumawak pa ang ngiti sa labi ko nang mabanaag ko ang sigla sa mukha ng bawat isa na para bang hindi sila nakaramdam ng pagod mula sa dumaang maghapon.

This is why I chose to become a teacher. The smiles on their faces are my strength and my happiness. Kayang pawiin ng simpleng ngiti nila ang pagod na nararamdaman ko sa bawat araw na dumadaan. They're my inspiration to strive hard and do my best in this field.

"Alright! Goodbye, class. See you on Monday!"

"Goodbye, teacher Sandra and see you on Monday." sabay-sabay na sambit nila sa mabagal na tono.

Pinanood ko ang isa-isa nilang paglabas ng classroom. Palagi kong sinisigurado na nakahiwalay ang linya ng babae sa lalaki kapag lumalabas upang maiwasan ang tulakan at sakitan. Noon kasi ay halos madapa na ang mga batang babae dahil sa pag uunahan ng mga lalaki. At least now, they know how to leave this room properly without hurting each other.

Nang mag-isa na lang ako sa loob ay kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag. Nakakita ako ng message roon mula kay Russell. Nakangiti ko itong binasa mula sa lockscreen.

Russell:

Miss you, sexy.

I giggled. Simpleng mensahe mula sa kanya ay abot-abot ang hampas ng puso ko sa aking dibdib. Para akong kinikiliti na hindi ko maintindihan. Hindi na rin mapigilan ang mga tutubi sa sikmura ko sa paglipad.

Ilang araw na ang lumipas simula nang opisyal ng maging kami ni Russell. Sinong mag-aakala na magiging kami matapos ang nangyari sa amin sa Tagaytay? Hindi naman ako nakaramdam ng pagsisisi na muli kong ibinigay sa kanya ang sarili ko. Not now that I'm so sure about my feelings for him.

Masaya. Sobrang saya pala talaga. Ang sarap sa pakiramdam magmahal at masuklian rin ang pagmamahal na ibinibigay mo. Ngayon ay makakarelate na ako sa tuwing magkikwento siya ng loving moments nila ni Cole.

I never really thought I'd be able to feel this kind of happiness because of a man. Akala ko ay tatanda na lang ako nang hindi man lang nalalasap ang salitang pagmamahal mula sa isang lalaki. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na si Russell ang magpaparamdam sa akin noon.

When I was younger, tatay told me that if a man cares about me, I won't ever have to wonder how he feels, because he'll constantly remind me about it. And that really hit deep.

Sa bawat araw na lumilipas at magkasama kami ni Russell, hindi siya nagmimintis sabihin sa akin kung gaano niya ako kagusto, kung gaano siya kasaya na dumating ako sa buhay niya. Ang kaalaman na ako ang unang babaeng sineryoso niya, ay sobrang nakakapagpataba ng puso ko. Expected ko naman na dapat iyon dahil hindi talaga ang kagaya niya ang marunong magseryoso.

Pero ako… sineryoso niya. Naniniwala na akong hindi niya ako lolokohin. Tinanggal ko na sa isip kong baka pinaglalaruan niya lang ako o 'di kaya ay pinagtitripan. He wants me to trust him? Fine. I'll give him my trust. Fully.

Malawak ang ngiti akong nagtipa ng isasagot sa kanya.

Ako:

Miss na rin kita. Katatapos lang ng klase ko. Ikaw?

Ilang sandali lang ay tumunog na kaagad ang cellphone ko. Bilis magreply, ah.

Russell:

Hmm. Still at the meeting. Don't forget your promise.

I chuckled inwardly. Nasa meeting pero ang bilis magreply.

Kahapon pa lang ay nasabi niya na sa akin na hindi niya ako magagwang ihatid-sundo sa trabaho ngayon dahil sunod-sunod ang meeting na kailangan niyang daluhan. Those meetings were the one he should have attended from the past few days he's with me, pero nga dahil sinundan niya ako sa Tagaytay noon ay nireschedule na lang ang lahat ng iyon.

Naiintindihan ko naman. Kung tutuusin ay hindi naman niya obligasyon ang gawin iyon. I've been commuting all my life at hindi naman na bago sa akin iyon. Siya lang talaga ang mapilit. Gusto ko rin naman dahil feeling ko ay napaka espesyal ko talaga sa effort niyang iyon.

Kaya naman nangako akong sa condo niya ako didiretso pagkatapos ng klase ko at ipagluluto siya ng hapunan, para paguwi niya ay sabay kaming kakain. Tutal ay Sabado naman kinabukasan at wala rin akong lesson plan na kailangan gawin.

"Sandra, pauwi ka na? Sabay na tayo."

Nag angat ako ng ulo nang marinig ang boses na iyon. I saw Enzo standing beside the door with a smile plastering on his lips. He looks so good in his gray button down shirt that's paired with a black slacks.

Gwapo talaga ang isang ito, e. Pero pangalawa na lang siya sa mga gwapo sa paningin ko simula ng makilala ko si Russell. Sa mga matatalim na mga mata at makapal na kilay pa lang ay lamang na lamang na ang boyfriend ko. Mga matang sa tuwing dadapuan ako ay hindi ko maiwasan ang mailang. His eyes are always dark and intense. Like a raging storm ready to wreck everything it would pass by.

I smiled at Enzo. "Sige, sandali lang."

Ibinalik ko ang tingin ko sa screen ng phone ko at nagtipa ng reply para kay Russell.

Ako:

Oo naman, hindi ko nakakalimutan. See you later. :*

I put my phone inside my blouse' pocket and grabbed my bag.

"Tara na," nakangiti kong salubong kay Enzo. "Hindi ba at kanina pang alas tres natapos ang klase mo. Bakit nandito ka pa rin?"

Tinapunan niya ako ng tipid na ngiti at sabay na kaming naglakad patungong hallway.

"Had to finish some paperwork. How's vacation?"

Nagkibit balikat ako, pinipilit itago ang ngiti. "Ayos naman,"

"Ingat paguwi, Ma'am Sandra, Sir Enzo!" paalala sa amin ng isang grade six student na nakasalubong namin.

Ngumiti ako sa kanya. "Thank you. Ikaw din,"

Enzo smiled at the girl student before transferring his eyes back to me. He studied my face for a couple of seconds before raising his brow up. Natawa na lang ako bago itinuon ang atensyon sa daan patungong gate.

The last rays of the late afternoon sun scattered all over the school ground. Ilang tuyong dahon na rin ang bumabagsak mula sa puno ng acacia. Nangingiti ako sa tuwing naaapakan ko ang mga ito. It's creating a brittle sound. Ang ilang estudyante ay nagkalat na rin bitbit ang kanilang mga bag. Meroon rin ilang mga magulang ang nakaabang na sa kani-kanilang musmos na anak.

Suddenly, my phone vibrated. My breathing hitched as I read a response from Russell. I felt my heart jumping violently inside my chest and I just couldn't force my lips but to release a smile.

Russell:

I love you.

"You looked happy, Sands."

Nagbuga ako ng hangin, pilit na pinapakalma ang nagwawala kong puso. Nanglamig ang kamay ko at para bang gusto kong maduwal sa kilig na nararamdaman.

This is honestly the first time Russell told me those three sweet words ever since we became a thing. Iba pala talaga ang pakiramdam. Para akong dinuduyan. Para akong hinehele. Kung sa text pa lang ay ganito na ang reaksyon ko. What more if it's in personal? Baka himatayin na ako!

"Sandra…"

Hawak pa rin ang cellphone ay bumaling ako kay Enzo. "Huh?"

Nagtagal ang tingin niya sa akin bago ito bumaba sa cellphone ko. Bigla akong nakaramdam ng kabastusan sa naging asal ko. He's talking to me but my attention was too focused on my phone and Russell's message.

I cleared my throat and averted his judging stare. Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa ng aking blusa at pilit ang ngiting tumingin sa kanya.

"Ano ulit iyong s-sinabi mo?"

Huminga siya ng malalim saka umiling. My lips protruded when he brought his eyes back to the road ahead of us. Hindi na ako nagsalita pa dahil hindi na rin naman niya ako kinausap matapos nun.

Was I a bit insensitive?

"Pasensiya ka na, Zo. Hindi kita gaano naintindihan kanina…" wika ko nang makalabas na kami ng gate ng escuelahan matapos ang ilang minutong walang imikan.

He smirked soundly with a glimpse of sarcasm. "You heard me. You're just to occupied to understand what I've said."

I bit the bottom part of my lip. Hindi sinasadyang nalasahan ko ang lip gloss na inilagay ko sa kanina bago magsimula ang panghuling klase ko.

"Sorry na. Kasi—"

"Ma'am, excuse po. May naghahanap po pala sa inyo. Kanina pa siya narito at hinihintay kayo."

Natigil ang pagsasalita ko nang sumabat si Mang Nestor, ang gwardya ng paaralang ito. Sabay kaming bumaling ni Enzo sa kanya. My forehead puckered.

"Sino daw po, Manong?"

He pointed his finger out to somewhere. Sinundan ko iyon at nakitang sa isang pulang kotse iyon nakaturo. Mas lalong lumalim ang gitla sa noo ko.

Hindi ko matandaan na meroong pulang kotse si Russell. I remember him using two different cars in black shade. Isang sedan at isang crossover. Kaya sino naman itong may-ari ng pulang kotseng ito?

Bumukas ang pinto ng driver's seat. My eyes moved down when a long and fair leg came into my view. Kasabay ng pagtapak ng mga paa niya sa simento ay ang paglalim ng kuryosidad ko.

Wala sa sarili akong napasinghap nang tuluyan ng makalabas ang may ari ng sasakyan na iyon at humarap sa gawi ko.

My heart clobered painfully. Kasabay ng paglagabog ng pintuan ng kotse niya ay ang malakas na hampas ng puso ko sa aking dibdib. Kahit natatakpan ng salamin ang mga mata niya ay hindi ako maaaring magkamali sa hula ng isip ko.

Suddenly, she raised her black sunglasses up to her head and that made it clear for me to recognize her.

"Kilala mo, Sandra?" dinig kong tanong ni Enzo pero hindi ko nagawang sumagot. Nanatili lang ang tingin ko sa babaeng unti-unti ng naglalakad palapit sa akin.

Bakit siya narito? Anong sadya niya sa akin? Tungkol na naman ba kay Russell? Siguro. Malamang. Iyon lang naman ang maaaring dahilan.

Heart beating so fast, I swallowed to put moisture on my dry throat. She walks elegantly towards my direction with a smirk crept on her face.

"Hi, Sandra." she greeted, the sarcastic smirk on her lips heightened more. 

Binalot ng matinding inggit ang puso ko nang masilayan ko siya ng mas malapitan. Ilang beses ko naman na siyang nakita noon ngunit hindi pa rin ako nagsasawang mamangha sa taglay niyang ganda.

From her snowy complexion and spotless skin, eyes with thick eyelids and long eyelashes that seems to be natural, small and sharp nose, a curvy lips, and most of all, a slender type of body that I'm always dreaming to achieve of; he's undeniably perfect. No. Perfect is an understatement to describe her.

Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Russell sa akin para tapusin niya ang ugnayan sa babaeng ito. Love is blind nga ata talaga.

"Shane. A-Anong ginagawa mo dito?"

Pinagkrus niya ang mapuputi niyang kamay sa tapat ng dibdib niya. Kumalansing ang mga bracelet na suot niya sa ginawa niyang iyon. The hair on her arms looks so soft and sexy, too.

"I already warned you. Didn't I?" she asked.

"Kung tungkol na naman ito—"

"Binalaan na kita. Pero hindi ka pa rin nakinig. Gusto mo talaga masaktan, ano?" the corner of her lips stayed upturned.

Huminga ako ng malalim. "Nagusap na kayong dalawa, hindi ba? Bakit ginugulo mo pa rin ako? Hindi mo ba matanggap na ayaw na sayo ni Russell?"

Agad na naglaho ang ngisi sa labi niya. Umayos siya ng tayo at madilim ang mga matang tumitig sa akin.

"Poor little bitch. Do you really believe his insane tactics towards you? Naniniwala ka talagang seseryosohin ka ni Russell? Tanga ka pala talaga, ano? Sabagay, kaya ka nga niya nakuha ng walang kahirap-hirap. Dahil sa katangahan m0."

Blood drained from my face as I felt my body stiffen. My eyes got a bit wider and I feel like those words have knocked all the wind out of my lungs. Muling gumuhit ang ngisi sa labi ni Shane matapos makita ang reaksyon ko.

"Excuse me, Miss. This is not the place for your rants. I'm afraid that we have to go and leave you here. Come on, Sands."

Kinuha ni Enzo ang kamay ko. Sinundan iyon ng tingin ni Shane. Kaagad na nabahiran ng malisya ang mga mata niya. I took my hand from Enzo's hold. Shane smirked as she shot her brow up.

"Woah. Boyfriend, Sandra? You're a two timer? Does Russell know about this?" she mocked.

"H-Hindi ko siya boyfriend…"

"Ano? Kalandian lang? You're reall good at that, huh?" she chuckled. "So tell me... did you enjoy the feeling of Russell's body against you? Is he delicious? Did he satisfied you? I didn't know that you're up to the idea of one night stand—"

Hinawakan ko siya sa braso at hinila hindi kalayuan kela Enzo. Tumingin ako sa gawi nila, nakita ko ang madilim na pagtitig sa akin ni Enzo at gusto kong mangliit nang makita ko ang panghuhusga roon. Tears instantly formed in my eyes.

"Huwag mo nga akong hawakan!" bawi ni Shane sa kamay niya.

I looked at her with pure agitation. My mind is starting to go haywire. "P-Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyon?"

Matunog siyang ngumisi. "Gulat ka? Walang lihim na hindi nabubunyag, Sandra. Lahat lumalabas, lalo na kapag mabaho. Masiyadong umalingasaw iyong sayo, e. Naamoy ko tuloy." she laughed evilly.

I can feel my body shaking due to anger I'm feeling right now. Ang daming tanong sa isip ko at hindi ko alam kung sa paanong paraan ko makukuha ang mga kasagutan na iyon.

"Sa…Sabihin mo, pa…paano mo nalaman?" utal-utal na tanong ko.

Is it Russell? Did he tell her about what happened to us that night? Is it Marga? O, si Cole? Sila lang naman ang alam kong nakakaalam ng nangyaring iyon sa pagitan namin. Pero imposible namang iyong mag asawa ang magsabi noon kay Shane. Marga is my best friend. She would never share that thing because it's too confidential. At hindi sila close ni Shane. Marga would never backstab me! Si Cole ay hindi rin ganoong klase ng tao.

Si Russell ba? Siya ba talaga? Pero bakit? Bakit kailangan niya sabihin iyon kay Shane? Para sa anong dahilan?

"Promise me that you'll trust me no matter what happens, Sandra."

Russell's voice echoed at the back of my head. I shut my eyes tightly. Tiwala… kailangan ko magtiwala sa kanya. Pero sa paanong paraan ko isisiksik sa utak ko iyon kung siya lang ang tanging tao na naiisip kong magsabi ng pribadong bagay na iyon kay Shane?

"It doesn't matter, Sandra. Kahit naman malaman mo ay hindi pa rin nun mababago ang katotohanang mababa uri ka ng babae." those words from Shane brought me back to present. "Anyway, you have a nice workplace. Mahal na mahal ka siguro ng mga estudyante mo, ano? I wonder what your co-workers' reaction would be if they discovered that their beloved teacher had a one night stand with a stranger. Baka sesantihin ka, ano? You're a such a disgrace to your fellow teachers!"

"S-Shane… mali ka ng akala. Hindi namin sinadya—"

"I don't need your excuses, Sandra. If you don't want your reputation as a teacher to be ruined, then stay away from Russell. Binabalaan na kita, masama akong kaaway."

Pagkasabi niya noon ay tinalikuran niya na ako at naglakad na pabalik sa sasakyan niya. I watched her car roared to life and leave the school ground. My breathing became rapid and shallow. I can feel my pulse pounding in my temples, too.

Ang maisip pa lang na tototohanin niya ang banta niya at malalaman ng escuelahang ito ang pangyayaring iyon sa buhay ko ay para na akong nauupos na kandila dahil sa takot at kaba na pinagsama.

Paano kung totohanin ni Shane iyon oras na hindi ko layuan si Russell? Ano ng mangyayari sa akin? Mawawalan ako ng trabaho at matetengga ako sa bahay. Ako lang ang bumubuhay sa mga magulang ko. Oo nga at may trabaho naman si Kuya Luke pero sapat lang iyon para kay ate Celestine at sa pamangkin ko.

Bukod pa roon ay ang reputasyon ko bilang isang guro. Matagal kong inalagaan ito pero dahil lang sa isang eskandalo at maling akala ay madudungisan ng ganoon.

At isa pa, paanong nangyaring one night stand iyon? Iyon ba ang sinabi ng taong nagsabi sa kanya noon? That Russell and I had a one night stand? Ni hindi ko nga alam na nangyayari iyon, e. Isa pa, kung tutuusin ay hindi na masama na nangyari iyon sa pagitan namin dahil kami rin naman ang nagkatuluyan.

Pero, sino nga? Sino ang nagsabi kay Shane? Iyon ang gusto kong malaman. Iyon ang gumugulo sa isip ko.

Gamit ang likod ng palad, pinahid ko ang luha na hindi ko namalayang gumagapang na pala sa pisngi ko. I won't get answers just by standing here. I need to ask him. I need to know the truth. Gustuhin ko mang pagbintangan siya ay hindi ko magawa. Pilit na idinidikta ng puso ko na magtiwala ako sa kanya.

He will never do that to me. Hindi ako magagawang sirain ni Russell sa ibang tao. Mahal niya ako, hindi ba? Kaya imposibleng siya. Imposible talaga.

Nagsimula na akong maglakad upang lisanin ang lugar na iyon. I heard Enzo call me but I didn't turn back to face him. Alam kong hinuhusgahan niya na ako dahil sa narinig pero saka na ako magpapaliwanag, kapag malinaw na sa akin ang lahat.

Kapag nalaman ko na ang totoo mula kay Russell.

Continue Reading

You'll Also Like

114K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
8.1K 613 33
Simula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. H...
Intoxicated By Ysa

General Fiction

12.5M 229K 67
Choices. Decisions. Sacrifices. Betrayal. Consequences. Circumstances. They say first love never dies. Tyrone Kean Feledrico and Yvette Gaile Arteta...
1.7K 90 9
A beautiful story about: making choices... sacrifices... falling in love... experiencing heartbreak and falling in love again...