My Cold BoyFriend (COMPLETED)

By TheLostMemoryOfLove

3.6M 98.9K 7.3K

KaThan's Story More

Characters
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
EPILOGUE
Speacial Chapter 1
Special Chapter 2
Announcement

Chapter 38

39.6K 1K 41
By TheLostMemoryOfLove


Partner

Nang tumigil ang bus ay agad akong huminga ng malalim at nilingon ang lalaking nasa gilid ko..

May kausap siya ngayon sa phone..Sa tingin ko nga , si Eliza yun..

"Sumunod ka nalang kung gusto mo..Ako na ang bahala kay Tito Dale..Sasabihin ko nalang sa kanya na pupunta ka para kahit hindi ka kasali samin , makasama mo parin ako.."

Napaiwas ako ng tingin at tumayo na para bumaba kagaya ng ginawa ng mga kasama ko..

Lalakad na sana ako pero nakaharang pa si Ethan sa dadaanan ko..Napalingon naman siya sakin habang nagsasalita..

"Sige , mamaya nalang ulit..Bye.." aniya at binaba na ang cellphone niya bago tumayo at hinarap ako..

"Pwede na bah akong dumaan?" tanong ko sa kanya dahil nakaharang parin siya

Tumabi siya para makadaan ako..Nang malagpasan ko na siya ay agad kong nilagay sa likod ko ang bag ko para hindi na ako mahirapan..

Nang makababa ako ay maaliwalas na hangin ang sumalubong sakin..

Natigilan nalang ako dahil nangyari na rin ito dati..

Sinalubong ako ng malamig na hangin..Magandang lugar..Pero nung kinagabihan , sakit at iyak yung naramdaman ko..

Pumikit ako saglit at kinalimutan kung ano man yung naiisip ko..

Hinanap ng paningin ko si Jayce at nang makita ko siya sa hindi kalayuan ay agad akong lumapit sa kanya..

"Jayce.." tawag ko

Nilingon niya naman ako pero wala na yung ngiti na minsan kong nakikita sa labi niya..Wala rin yung saya sa mga mata niya katulad ng kadalasan niyang pinapakita sakin..

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya

Hindi siya sumagot at tinalikuran lang ako..

"Jayce..Sorry na...Hindi ko naman sinasadyang masabi lahat ng yun sayo kanina eh.Nadala lang talaga ako.Sorry na please.." sambit ko habang hawak ang kamay niya

"Hindi naman yun ang ikinagagalit ko eh.." aniya

Hinarap ko siya sakin at tiningnang mabuti..

"Eh ano pala.."

Nag iwas siya ng tingin sakin at binawi ang kamay niya na hawak ko..

"Sabihin mo na..Alam mo namang hindi ako sanay na ganyan ka.." pangungulit ko

"Basta.." aniya at naglakad na kasama nina Mark

Huminga nalang ako ng malalim at sumunod nalang din..

Si Sir Dale ang may ari ng resort na pinuntahan namin...Nakita na rin namin yung asawa niya at yung dalawa niyang anak na babae at lalaki..Tig-iisa nga kami ng hotel room eh..Yung iba masaya..

Pero ako hindi..

Kasi mag isa na naman akong matutulog sa isang malungkot na gabi..

Nang makarating ako sa hotel room ko ay agad akong humiga sa kama ko at umiyak..

"Bakit bah ang hirap mong lumimot , Kathlyn?.Hirap na hirap na ako sa pagtatago..Pagod na akong magpanggap..Sana naman makalimutan mo na ang lahat sa kanya kahit ngayon na.." sambit ko habang humihikbi

Bigla nalang tumunog ang phone ko kaya agad kong pinunasan ang luha ko at sinagot yun..

"Ate Kath!" si Jane sa kabilang linya

"Hi Jane , kamusta na?.Sorry baby girl ah kung hindi ako nakapunta diyan..May inaasikaso kasi si ate.." sambit ko

"Okay lang po yun ate , alam naman naming busy ka talaga..Kahit nung nasa england naman tayo diba?.Nga pala ate , hinanap ka pa naman kanina ni baby Gael..Buti nga nilaro ko nalang para hindi na umiyak.." 

Nabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Jane..

Alam ko namang naiintindihan nila ang sitwasyon ko kaya ako laging nagpapaka-busy..Pero ayaw ko rin namang maramdaman nila na parang lumalayo ako..

"Wag kang mag alala , Jane..Bibisita din ako diyan kapag tapos na yung ginagawa ko..Okay?"

Hindi na humba pa yung tawag dahil kinailangan ko na ring mag bihis ulit dahil kailangan kong pumunta mamaya sa tapat ng dagat kung saan may bonfire dahil doon daw kami magsisimula..

Naligo muna ako bago nagbihis ng tube top at short shorts at tinali ko nalang din yung buhok ko para hindi liparin ng hangin..

Nang sunduin na ako ni Marie ay agad na akong lumabas..

Nandun na ang lahat at mukhang ako nalang talaga ang hinihintay nila..

"Okay , nandito na bah ang lahat?" si sir Dale

"Yes po!" sabay naming sabi

"So dahil nandito na ang lahat..Bumunot na kayo para sa partner niyo.." aniya at may kinulang bowl na may lamang naka-roll na papel

Isa isang kumuha ang mga kasamahan ko at nang nakakuha na din ako ay hindi ko muna yun binuksan gaya ng sabi ni sir Dale..

"Sa loob ng papel na yan ay ang pangalan ng magiging partner niyo sa lahat ng activities na gagawin natin..Hindi ko pa nasasabi sa inyo ang dahilan kung bakit natin toh ginagawa..Pero para hindi kayo maguluhan , lahat ng ito related sa bawat banda ninyo..Siguro may iba sa inyo na halos magtalo na dahil ayaw magkamali , diba?Pero dahil sa mga activities na gagawin ninyo , marerealize ninyo na hindi sa lahat ng oras kailangan niyong maging seryoso..Minsan kailangan niyo rin ng kaunting oras para magsaya kasama ang mga kaibigan at kung maaari ay yung mga ka-grupo niyo.." 

Nakatutok lang kaming lahat kay sir Dale nag bigla kong mapansin ang lalaking nasa tapat ko..

Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya dahil mukhang wala siyang balak na lubayan ako ng tingin..

"Ang buhay parang musika lang yan , minsan dadating sa puntong alam mong malulungkot ka pero pinipilit mong iwasan..O 'di kaya minsan masyado ka nang nadadala nang hindi mo namamalayan..Pero hindi lahat ng musika kailangang maging malungkot..Minsan kailangan mo ring lagyan ng saya yan..Na kahit wala siya sa buhay mo , kaya mong maging masaya ng higit pa sa inaakala niya.." 

Napatingin ako kay sir Dale..

Parang natatamaan atah ako sa mga sinasabi niya ah..

"So , buksan niyo na ang mga papel na hawak niyo para malaman niyo kung sino ang partner niyo..Lapitan niyo na rin para sa activity na ibibigay ko.."

Agad kong tiningnan ang papel na hawak ko at binuksan ito..

Nanlaki nalang ang mata ko ng makita ko ang pangalan ni Ethan sa papel...

Nagsi tayuan na ang iba..May tatlong magkakasama , meron namang dalawa lang..

Napatingin ako kay Ethan na nakatingin din sakin..

Agad akong tumayo at nilapitan siya..

"Anong pangalan na nakalagay diyan?" tanong ko habang nakatingin sa papel na hawak niya..

Inabot niya naman sakin yun kaya agad kong tiningnan..

Napalunok nalang ako ng makita ko ang pangalan ko na nakasulat doon..

"Mag partner tayo..At tayong dalawa lang.." aniya

Napatingin naman ako sa ibang grupo na halos iilan lang ang dalawa ang membro..

Coincidence lang bah lahat ng toh?

Napatingin naman ako kay Jayce na may dalawang kasama..Buti pa sila tatlo..

Napatingin naman ako kay Ethan na nakaupo lang sa buhangin..

Umupo nalang din ako dahil..

Kailangan kong tanggapin na siya talaga ang partner ko..

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
2M 35.9K 61
Most Impressive Ranking: Rank 1 in #TeenFiction! (10/14/18) They are living under the same roof. But what's the twist? They are college classmates...
6.6K 148 47
AGE GAP SERIES #1: THE 10 YEARS GAP Waiting for the right time for us. SHIANA JANE LEDEVIONA, 14 years old from ASEA (Asian South East Academy) ARY...