Vice's POV
Magkikita kami ngayon nina Billy at Vhong sa Coffee shop ni Anning. Ewan ko ba sa mga yun pwede naman sa law firm kami mag meeting bakit dito pa sa coffee shop ni Anning. Nakita ko si Billy at Vhong na nasa may counter kausap si Anne at nagtatawanan pa sila.
"Oh.. Look whose here.." sabi ni Anne. Napatingin din yung dalawa sa gawi ko.
"Brad..." nakangiting bati sa akin ni Vhong.
"Ano bang pag uusapan natin?" bungad ko kaagad sa kanila. "Bakit kailangang dito pa sa Caffie ni Anning?" kunot noo kung sabi sa kanila.
"At ano namang masama na dito kayo mag meeting ha?" taas kilay na tanong ni Anne. Napailing na lang ako.
"Viceral.. sa opisina tayo ni Anning" sabi ni Billy.
"What?! Pwede naman dito ah. Bakit kailangang sa office nya pa?!" nag p protesta kung sabi. Pero ang dalawang mokong lumapit sa tabi ko at iniskortan ako parang mga body guard. Nauuna si Anne. "Ano ba?!" nag p protesta kung sabi.
"Brad sumunod ka na lang.." sabi ni Vhong. Nakarating kami sa loob ng opisina ni Anne. Pagkapasok namin, naupo si Anne sa swevil chair nya pagkatapos yung dalawa naupo rin sa sofa dun.
"Meeting paba to?" naiinis kung sabi sa kanilang tatlo. Pare pareho lang silang nakangiti sa akin.
"So Vice.. Alam mo dapat magpasalamat ka sa akin.." nakangiting sabi ni Anne. Naguguluhan ako sa sinasabi nya. Bakit naman ako magpapasalamat sa kanya.? "Because of me.. Nakilala mo ang pinsan ko" Tiningnan ko sya ng punong puno ng ammusement. Sinong Pinsan? mukhang nabasa nya ang iniisip ko ah. Nagkatinginan pa ang tatlo bago sabay sabay tumawa. Parang mga timang. "Ana Karylle Tatlonghari.. incase na hindi mo alam pinsan ko sya" sabi ni Anne. At pinsan pala sya ni Karylle. Teka bakit naman ako magpapasalamat sa kanya?
"Why should I thank you?" kunot noo kung baling sa kanya. Naupo ako sa silyang malapit sa akin. Nagkatinginan si Billy at Vhong.
Kunot noo naman akong tinitigan ni Anne.
"You and my cousin.. have something right.. nako Viceral uupakan kita kapag niloloko mo ang pinsan ko" mataray na sabi ni Anne.
Matagal na kaming magkakasama since college. Kilalang kilala nila ako. Sila ata ang matatawag kung 'Kaibigan'. Sila lang kasi ang sumasama sa akin at sila lang ang nakakatagal sa ugali ko. Masungit suplado at hindi marunong makipagkaibigan. Pero nilalapitan nila ako nung college. Kahit hindi ako makwento sa kanila, kilala nila ako. Alam nila na galing akong ampunan at kahit na ganun hindi nila ako iniwan. Makulit at magulo yun ang usual na sila. Kahit na yelo ako sa lamig at bato sa tigas itinuturing nila akong kaibigan at kapatid. Tiningnan ko sila isa isa.
"Paano kung hindi ko alam kung anong meron kami ni Karylle?" bigla kung sambit. Anne's eye's got widened, na shock ata sa sinabi ko. Si Vhong naman yung ngiti nya nawala at naging seryuso ang mukha at si Billy na confused.
"What?!!!!" sigaw ni Anne. Ang sakit sa tenga. "Oh.. common Vice.. si Karylle yun..!! Hindi ako papayag na lokohin mo sya kung hindi ka sigurado sa kung anong meron kayo ni Karylle.. I siggest ngayon palang itigil mo na yang kalokohan mo!!" galit na sabi nya sa akin. Napabuntong hininga ako.
"Andito tayo para pagusapan ang sa amin ni Karylle.." sabi ko.
"Brad.. I trust you.. Diba.. pinaubaya ko na sayo si Karylle" sabi ni Vhong.
"Pero Viceral.. I saw you the way you reacted sa resort when Karylle is with Archie.." sabi ni Billy na parang ayaw tanggapin ang sinasabi ko. "You got jealouse"
"Nako nako Vice..Ka---"
"Anne.. shut up.. well I couldn't name.. what we have.." paguumpisa ko. Nakita ko na kumalma si Anne. "Masaya ako kapag nakikita sya na never kung na feel sa iba naiirita at naiinis ako kapag nakikipagusap sya sa ibang lalaki, I always love to see her smile.. I always wanted to hear her voice I always wanted to see her pouty lips cause i found it cute.." ngumiti ako pagkatapos kung sabihin yun. "And my heart beats faster when ever she's near to me. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko sa kanya basta ang alam ko.. I'm happy when I'm with her at isa lang alam ko ayoko na mawala sya sa tabi ko.." Lumingon ako sa kanya sa kanila. Anne was crying while Vhong and Billy was smiling to me.
"Finally nainlove karin.Vice keep it up." sabi ni Anne. Nailove? Pag ibig. Isang bagay na hindi ko pa nararanasan at mukhang mararanasan ko na. Napangiti ako sa naisip ko.
"Sinasabi ko na nga ba.. Kaya ka nag day off kahapon.. Brad ikaw kasi yung tipo ng tao na hindi nag d day off kapag usaping Trabaho.." sabi ni Vhong.
"At ngumingiti kana..Hui Anning tigilan mo na yang pagka OA mo.." sabi ni Billy.
"Bully masaya lang ako.." sabi ni Anne na pinapahid ang luha.
They will always be like this. Masaya ako dahil sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Karylle's POV
Nag t type ako sa computer ko ng lumapit si Coleen sa akin. Kasama sina Andrei at Charlea. Mukhang alam ko na ang itatanong nila.
"So.. paano mo napaamo ang prinsipe?" umpisang tanong ni Andrei. Nag angat ako ng paningin.
"Magsibalik nga kayo sa mga trabaho nyo" pagtataboy ko sa kanila.
"Ito naman.. sige.. na magkwento ka na.." sabi ni Charlea.
"Ayoko.." sagot ko sa kanila.
"K.. sige na.." pangungulit ni Coleen.
Napabuntong hininga ako.
"Well... It was just happened.." umpisa ko. Nakikinig lang sila sa akin. "Hindi ko alam kung anong meron kami ng lalaki na yun.. Basta ang alam ko lang.. Masaya ako kung anong meron kami ni Vice.. wala kaming inamin sa isa't isa. Pero alam ko sa sarili ko na Mahal ko sya kahit na hindi yun katugon ng nararamdaman nya sa akin.." paglingon ko sa kanila. Para silang na istatwa sa mga sinabi ko.
"You mean wala kayong i love you ni Sir?" tila di makapaniwalang sabi ni Andrei. Umiling lang ako bilang sagot.
"Love was the slowest form of suicide.. Mahal mo sya.. pero hindi nya masuklian yung pagmamahal mo" sabi ni Charlea. Napakunot ang noo ko. "Nabasa ko sa facebook status nung isang araw ni Gem (Hi sister hehehe)"
Pero in away na tama yung sinabi nya. Ano nga bang meron kami? May kami ba? Ang alam ko lang Mahal ko sya. Kahit pa yung katotohanan na hindi nya ako Mahal. Iniisip ko palang ang sakit sakit na. Hindi nya sinabing Mahal nya ako, basta masaya kaming pareho sa kung anong meron kami.
"K... tara mag lunch.." aya ni Coleen, napangiti ako sa alok nya.
"Coleen.. sorry.. pero ako ang kasabay nya.." sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita. And I saw the most handsome and gourgeous guy in my whole wide world. Nagtiliaan pa sila ng makita si Vice. Mukhang kilig na kilig ah. Napangiti ako nun ko lang napansin si Billy at Vhong na parehong nakangiti sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kanya ng bigla nya akong halikan sa labi. Sobrang bilis smack lang naman. Nagsigawan pa ang mga kaopisina ko. Mga timang talaga. Namula tuloy ako sa hiya. Hinawakan nya ang kamay ko at iginiya ako palabas ng lawfirm.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
General POV.
Nag drive patungo si Vice sa condo nya. Nagtataka nanam si Karylle, kung bakit doon sya dinala ng binata.
"Bakit dito?" tanong kaagad ng dalaga ng makapasok sila.
"Diba may utang ka sa akin.. sabi mo ipagluluto mo ako ng chicken adobo" sagot ng binata. Naglakad sya patungo sa kusina, nakasunod naman ang dalaga sa kanya.
"Oo naman.. nag promise ako eh" lumapit sya sa ref at naglabas ng mga ingredients.
"Karylle.." napalingon sya sa binata at napangiti. Masarap parin kasi sa pandinig nya habang binibigkas nito ang pangalan nya.
"Ano yun Vice?" napansin nya na nakasimangot ito. Nagtaka naman sya kung bakit? Lumapit sya sa binata. At kinawit nya ang mga braso sa batok nito, pumaikot naman sa bandang ibaba ng likod ng dalaga ang parehong braso ng binata.
"Bakit?" nakangiti nyang tanong.
"May tunawag kasi sa akin, meeting daw at 1 pm kay Mr. Cloma.." nakasimangot parin ito. Bahagyang natawa si Karylle. Dati rati hindi ito maawat sa trabaho pero ngayon parang gusto na itong tanggihan ng binata
"Eh.. diba trabaho yun.. di mo ugaling tumanggi sa trabaho.." tinitigan nya ito sa mga mata.
"Hindi ko naman tinatanggihan eh.. masyado lang maaga.. Pwede naman mamayang 2 pm.. Bakit 1 agad" nakasimagot parin. Inilapit nya ang mukha sa binata mga 1 inch na lang ang pagitan ng labi nila, nakatingkayad sya para lang mailapit ang mukha sa binata. Then she start to speak, while teasing him.
"Alam mo mas maganda na yun para makauwi ka ng maaga.." then inilapit nya pa mga 30 cm. na lang. "Para maabutan mo pa ako dito" at naglapat ang labi nila. Short sweet kisses in10 secs. Tapos ng maghiwalay sila nakangiti na ito.
"Ipagluto mo na ako.." nakangiting sabi nito.
"Oh.. yan Mahal mas gusto ko na nakangiti ka kesa sa nakasimangot ka mas pogi ka eh.." sabi ng dalaga bago humiwalay sa binata.
"Yes Mam.." nakasaludong sabi nito.
Nagstart mag prepare ng ingredeints si Karylle. Habang si Vice naman ay pinapanood ang bawat galaw ni Karylle. Nakatali ang buhok nito in a messy bun. Nakangiti lang sya habang pinag mamasdan ang dalaga. His heart was full of happiness everytime he sees his girl. Patapos na si Karylle sa pagluluto ng maramdaman nya ang akap ng binata mula sa likuran nya. At inamoy amoy pa nito ang buhok nya bago ipinatong ang baba sa balikat ng dalaga. She was sweating at medyo na co consious sya.
"Vice.. ano ba amoy pawis ako.." pag p protesta ng dalaga. Pero mas hinigpitan pa ng binata ang pagkakaakap.
"I don't care I still like your scent" pinatay ng dalaga ang gas stove. At pulang pula sya sa sinabi nito. "Karylle.. I like you.." Nagulat sya sa sinabi nito. Wala naman kasi aminang naganap sa pagitan nila ang alam lang nya ay masaya sya sa kung anong meron sila ng binata. She want to melt on her spot. Hindi nya alam ang isasagot sa binata. At ang bilis bilis ng tibok ng puso nya.
"Karylle.." masuyong sabi nito. Humarap sya dito.
"I like you to.. Vice"yun lang ang lumabas sa bibig nya Kahit madami syang gustong sabihin. Nanginginig sya at nanlalamig sa mga nagaganap sa kanila.
"Hey.. your shaking.. Love.. don't be.." nakangiti nyang sabi.
Sa paraan ng pagngiti nito unti unti syang nanghihina. Bakit nga ba ganun ang epekto ng binata sa kanya? Kasi Mahal ko sya. She smiled with the thought. Inakap nya binata para makakuha ng lakas dito. Pero may isang tinig na bumagabag sa puso at isipan nya. GUSTO ka lang nya HINDI ka nya MAHAL. Gusto sana nyang maiiyak dahil dun, ngunit nababasa nya sa mga mata ng binata ang sobra sobrang kasiyahan. Kaya hinayaan na lamang nya ang sarili ng magpatangay sa sinasabi ng puso.
Author's Note
Hi to my fellow rearders. Minsan talaga nakaka barino din yung mga Boss ko though nag e enjoy naman ako sa trabaho ko... kaya lang minsan talaga nakakainis. Ang ligalig rin kasi.. Haist.. Kaya ko to. Guy's sinong pwedeng maaya ng inuman? Empi lights at saka quatro cantos hehehe bad author.. joke lang.
TS Club tara inum tayo miss ko na kayo!!
Hi Danrrystylar... Salamat sa mga message mo privately na tats talaga ako hehehe.. love you
Salamat po sa pagbabasa.
Hi rin si Team Silent Readers..^___^
To GOD be all the glory.
******Jsskhail08******