Chapter 07 Sumbian na lang ( Suntukan)

11.3K 161 3
                                    

General POV

Naglalakad si Karylle patungo sa dating pinag ta trabahuhan. Para syang lutang sa nakita sa opisina ni Sir Vice. Why do I have to feel this pain? His just my boss.Nakapasok na sya sa bar. Binati sya ng mga dating kasama. Kaya lang wala sya sa mood para maikapgkamustahan sa mga ito. Kaya naupo sya sa bar counter para umorder ng drinks. Gusto nya lang malasing kasi kumikirot ang puso nya. Bakit? Nang makita nya ang ex boy friend kasama ang babaeng dating kahalikan nito. Magkalampungan ang dalawa. Lalo pa yung nakadagdag sa bigat na nararamdaman nya. Ibig sabihin intinsyon talaga ni Dingdong ang lokohin sya. Napaiyak sya sa naisip.Tinungga nya ang alak at pinunasan ang luha. Nang may lumapit na lalaki sa kanya.

"Hey.. Pretty lady.. wanna dance with me?" alok ng lalaki. Gwapo ito matangkad at mistiso. Ngumiti sya dito at nakipag sayaw. Naka dress sya na hubog ang katawan nya. A sexy body that every guy will droll. Nag e enjoy pa sya sa dance floor.

.

.

.

.

.

.
*****

Mean while nag tungo si Vice sa Bar na yun dahil inaya sya ni Billy. Iniisip nya si Karylle na basta na lang umalis sa opisina at hindi nag paalam sa kanya, hindi rin ito sumasagot sa mga tawag nya. Nasa Bar counter sya kausap si Billy, naka ilang shot na sya nang may napansin sya sa dance floor na pamilyar na pigura ng babae. Ang galing nitong magsayaw lalo na ang paghampas ng balakang nito yung mga tipong pagpapawisan ang lalaki. Natigilan bahagya si Vice akala nya masama ang pakiramdam nito? Anong ginagawa nito sa lugar na yun. At mukhang enjoy na enjoy ang lalaking kasayaw nito to the point na hinahawakan nito ang dalaga sa bewang. Bigla namang naiinis si Vice sa nakita. Parang nag init ang ulo nya.

.

.

.

.

.
Vice's POV

Hinayupak na lalaki yun bakit nya hinahawakan si Karylle. Nagiinit ang ulo ko ah. Pakiramdam ko gusto ko na ako lang ang hahawak sa kanya. Parang di ko kayang makita na may kasama syang ibang lalaki. Tumayo ako.

"Brad... san ka pupunta?" tanong ni Billy sa akin. Pero di ko na sya sinagot. Naglakad ako patungo sa dance floor. At hinatak sa kamay si Karylle.

"Ano ba?!" sigaw nya sa akin pero di ko sya pinansin. Kinaladkad ko sya nang biglang may pumigil sa akin ang lalaking kasayaw nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Pare.. ano bang problema mo nag sasayaw kami!" sabi nung lalaki. Kumulo kaagad ang dugo ko ah.

"Binabastos mo sya!" sigaw ko sa kanya.

"So what she's not your girl!!" sigaw nya sa akin. Nag pupuyus ako sa galit ng marinig yun. Kaya binitiwan ko ang kamay ni Karylle at binigyan ng isang napaka lakas na suntok ang lalaki. Natumba ito sa sahig. Nagkapasa ito sa gilid ng labi. Pagkatapos ay bumangon ulit sya para gantihan ako. Dahil batang kalye ako dati magaling din ako sa suntukan.Gumanti sya sa akin. Wala pang umaawat sa akin. Kaya lahat ng galit ko sa kanya napabuhus. Nasa ilalim sya habang ako ang nasa ibabaw sinasakal ko sya pagkatapos, sinipa nya ako kaya ako naman ang napabagsak sa sahig. Sinuntok nya ulit ako. Napaatras ako bahagya. Nang maramdaman ko na may yumakap sa likod ko na umiiyak.Humigpit yung yakap nya.

"Please.. Tama na.." sabi nya. My heart easily melts as I heard her sobs. Tumigil ako.

"Karylle" nasambit ko ang pangalan nya.

My Conceited Prince || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon