Babysitting the CEO's Son [CO...

By SenyoritaAnji

1.9M 65.4K 8.7K

Jared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawa... More

Babysitting the CEO's Son
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Wakas
BTCS SEQUEL

Kabanata 19

29K 1K 111
By SenyoritaAnji

Kabanata 19

"Wahhh!" Mabilis akong napatago sa likod ni Red at binitawan ang halaman na ipapakain ko sana sa kabayo.

Humalakhak naman siya at pinipilit akong magpakain ng kabayo.

"Ayoko nga sabi!"

Halos naiiyak na ako sa pagbibigay ng lakas na wag ipalapit sa kabayo na kanina pa ako sinungsungay.

"Bakit ka ba natatakot?" Tinuro niya yung batang masayang nagpapakain ng kabayo. "Siya nga oh. Hindi natatakot. Ikaw pa kaya?"

Pilit akong sumisiksik sa likod niya ngunit pilit naman itong lumalayo.

Come on, Spade. Tinurukan ka na ba ng spell ng matatakutin?

"Subukan mo!"

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kabayo.

Napapikit naman ako nang umungol ito. Naramdaman ko naman ang pag-galaw ng kamay niyang nakapatong sa balikat ko.

Siniko ko naman siya kaya nanahimik ito. "Just take a shot. Hindi naman kasi yan nangangagat."

"Hindi nangangagat, sunungsungay naman." I snorted.

Tumili ako at napayakap sa beywang niya saka pilit na sinisiksik ang aking katawan sa kanya.

"Look, Hon. They remind me of us."

"Oo nga, Hon. I remember, takot ka rin sa kabayo."

"They're cute."

Napadilat ako ng mata at pinasadahan ng tingin ang dalawang mag-asawang nakangiti habang nakatingin sa amin.

Binaling ko ang tingin ko kay Red. He's looking at me blankly. Pinamulahan ako ng pisngi nag nagmamadaling humiwalay sankanya.

Tumuwid ako ng tayo at hinarap ang kabayo. "I think this will be my last day," bulong ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Red hanggang sa maramdaman ko ang paghawak ng isang kamay sa kamay kong hawak ang ipapakain ko sa kabayo.

Inangat niya ang kamay ko at dahan-dahang inilapit sa kabayo. Kinagat ko ang labi ko nang bumuka ang bibig nito. Pumikit ako sa takot na baka kainin niya ako. Gusto ko pang mabuhay, Diyos ko.

Nakapikit pa rin ako hanggang sa naramdaman ko at unti-unting pag-angat-baba ng halaman na hawak ko.

"Open your eyes," bulong ni Red.

Nagdadalawang isip pa ako kung didilat ba ako. Sa huli ay dinilat ko rin ang mata ko.

Namilog ang mata ko nang makita ang kabayo na kumakain sa halaman na hawak ko.

"See? Di naman 'yan nananakit, e." rinig kong sabi ng kasama ko.

Nang maubos ang halaman. Plano ko sanang hawakan ang kabayo ngunit natatakot ako na baka magalit ito.

"Gusto mong hawakan?" tanong ni Red na hanggang ngayon ay nasa likod ko parin.

Bahagya akong lumayo dito at hinarap siya. Tumango ako ng paulit-ulit na tila ay nagmamakaawa.

Tumawa ito at hinapit muli ang beywang ko at hinarap sa kabayo. Hawak ng isang niyang kamay ang beywang ko habang ang isa ay hawak ang pulso ko.

Bigla kong naalala ang paraan ng paghawak niya sa aking pulso noon. Buti na lamang at nawala ang pasa rito. Dahil kung hindi ay ewan ko na lang.

Inangat ni Red ang kamay ko at unti-unting nilapit sa kabayo. Napapalunok ako sa tuwing umuungol ang ito.

"Touch it," ani nito sa isang malanding tono.

Napapantastikuhan namang akong tumitig sa kabayo. Ganito pala ang tono ng boses ni Red tuwing malandi? Nakakatindig balahibo ah.

Pinadapo niya ang kamay ko sa ibabaw ng ilong ng kabayo.

Napapikit ako ng mariin at hinintay na gumalaw ang kabayo. Taliwas 'yun sa inisip ko. Ang kamay ko ay unti-unting gumalaw, hinahaplos ang ibabaw ng ilong ng kabayo dahil sa pagkontrola ni Red.

Nang maenjoy ko ang paghaplos sa kabayo ay ako na mismo ang kusang nagpagalaw ng kamay ko.

Matapos ang senaryo sa kabayo. Nagpunta pa kami sa iba't-ibang mga kulungan ng hayop. May tigre, meron pa 'yung ahas na nilagay sa batok ko. Pinipigilan ko ang sarili kong sumigaw kanina habang gumagalaw ito sa aking batok. Si Red naman ay parang natutuwa na pinapanood akong malapit nang mamatay sa takot.

Nagpakain rin kami ng iba pang hayop, kagaya ng ostrich, wildebeest, at marami pang iba. Sa bawat hayop na aming pinapakain ay kumukuha kami ng litrato.

Ang saya pala.

"Doon naman tayo sa garden oh!" Turo ko sa lugar kung saan may maraming bulaklak at may ibat-ibang hugis ng pagkakacut.

"Di ka pa ba napapagod?" Hinihingal na tanong ni Red nang makasilong kami sa init sa ilalim ng isang kahoy.

Tumingin ako sakanya at ngumiti. "Akala ko walang Camel sa pilipinas." Tila ay nahihiwagaan kong wika

"Tsk."

Umupo ito sa damuha at sumandal sa puno. "Para kang bata," mahinang bulong nito, sapat na para marinig ko.

Nawala ang ngiti ko at malungkot na umupo sa tabi niya. I hug my knees and rested my chin between it. "I wish I was."

Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagbuo ng kuryosidad sakanya. "Bakit?"

Inangat ko ang ulo ko at ngumiti sakanya. "Nah. Nevermind."

Tumayo ako at nilibot ang paningin. Magagandang kulay ng iba't-ibang halaman at desinyo ang siyang papaganda ng paligid.

"Ang ganda." Wala sa sarili akong napangiti.

"Yeah." I heard him.

--

"Ang lamig ng klima dito," wika ko habang pinapalibot ang paningin.

Madilim na at kita ko na ang nagkikingangang bituin. Pumikit ako at dinama ang paghampas ng hangin sa aking pisngi. This place is very relaxing indeed.

"Drink?"

Dinilat ko at mata ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses.  Nginitian ko ito at kinuha ang wine goblet na hawak niya.

"Thank you," I murmured.

Dumakwang ito sa railings at tumitig sa kawalan. "What are you thinking right now?"

Huminga ako ng malalim at maingat na pinakawalan. "Hmm. Iniisip na sana ganyan ka na lang sana parati."

"What do you mean?" tanong nito at sumimsim sa kanyang wine.

"Hmm. 'Yung pagiging mabait mo. Kahit na masungit ka, mabait ka rin pala." Feeling ko ay napupunit na ang labi ko sa lawak ng aking ngiti.

"Tsk." Tinunga nito ang natitirang inumin sakanyang goblet. "Entering inside my circle means to suffer the consequences."

Natahimik naman ako. Consequences? Bakit?

"Caught got your tongue?" Ngumisi ito. "I told you. You can't handle me. I'm just showing this kind of treatment towards you temporarily. It'll fade once we came back to Manila."

Tumikhim ako. "Then I'll face the consequences."

Tumaas ang kanang kilay niya. "Really?"

I nodded. I need to and I have to. "Oo naman."

Tumango ito at lumayo. I nilapag niya ang kanyang goblet sa mesa. Tumalikod ako at hinarap ang lawa kung saan nakapwesto ang Taal Volcano.

Nanayo ang aking balahibo sa batok nang may masuyong braso ang pumalibot sa beywang ko.

"Entering includes this," bulong niya sa tenga ko.

His hot breath fanned against my ear. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko. "B-being clingy?"

I feel him rested his chin on my shoulders. "Yes."

Nakikiliti ako sa tuwing dumadampi ang mainit niyang hininga sa leeg ko. "N-nakakailang."

"Why? Hindi niyo ba ito ginagawa ng pinsan ko noon?" Anito.

"O-of course! Ginagawa namin 'to dati," sagot ko. Nakakailang talaga siya.

"Then why stammer? Okay lang naman siguro na maging parte ka ng circle ko—"

"Tara magbabad tayo sa hot tub," putol ko at kinalas ang kanyang braso.

Tumungo ako sa hot tub. Medyo kokonti pa ang tao. Ang iba ay nasa bar counter sumisimsim ng inumin habang konti lang ang nagbababad sa hot tub.

Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa mga suot ng mga babae at lalaki na nakababad sa hot tub.

The Bathhouse at Qiwellness Living is a good and beautiful place. Mula sa wooden wall to glass tables, expensive wine goblets at ang view na tanaw ang Taal Volcano. No wonder maraming dumarayo sa Tagaytay.

"Tititigan mo na lang ba ang hot tub?" Napigtad ako sa aking pwesto nang may biglang nagsalita sa tabi ko

Kinamot ko ang aking batok at hilaw na ngumiti. "E, kasi... Kaylangan ko pa bang magsuot ng ganyan?" Turo ko sa mga babaeng kasalukuyang nagbababad habang sumisimsim sakanilang inumin.

Tinaas niya ang kanyang kilay. Actually kanina niya pa 'yan ginagawa. "Seriously? Gusto mo bang mag pajama habang naliligo?"

Umirap ito at inangat ang laylayan ng kanyang damit upang maghubad. Mabilis pa sa alas-kwartro kong iniwas ang aking paningin.

Dumapo ang paningin ko sa grupo ng babae na may hawak na goblet at malagkit ang tingin sa lalaking kaharap ko.

Sino ba naman kasi ang hindi?

Unti-unti siyang bumabad sa tubig. May waiter na lumapit at binigyan si Red ng isang wine na kulay asul na may lemon na nakakagat sa bukana ng goblet.

Umirap ako at tumungo sa bar counter. Tsk. Parang kinangwapo niyang maghubad-baro eh no?

"What drink for you, Ma'am?" Tanong ng Bartender.

"Cali," sagot ko.

Cali is Axel's favorite drink. Ewan ko kung bakit 'yun ang sinagot ko. Basta maiinom at di nakakalason. 'Tsaka, 'yun lang kasi ang pangalan ng inumin na alam ko.

Nilapag ng waiter ang wine. "Here's your order, Ma'am. Have a nice drink."

Ngumiti ako kahit alam kong nandidiri sa akin ang waiter. I'm back to being losyang again. Sinuot ko ang eyeglasses ko at pinusod ang aking buhok. Hindi na ako magtataka kung ganyan ang paningin niya. Mga tao nga naman. Judgemental.

Inikot ko ang aking upuan at tinapunan ng tingin ang alaga ko. Nasa gilid lamang ito ng tub. Inubos ko ang iniinom ko sa aking baso at tumayo.

Sayang naman ang pagkakataong makapagbabad sa hot tub nila eh. Sa amin kasi Gazebo lang at ang kulay ng tubig ay berde. Di katulad dito na kulay asul.

Umupo muna ako sa isa sa mga table doon. Medyo nalalasing na ako. Habang tumatakbo ang oras, unti-unti namang dumami ang mga taong pumasok sa lugar.

The owner of this Bathhouse is such a rich person. Mayaman na talaga siguro siya. Nakaya niya ngang magpatayo ng ganito kaganda na lugar.

Tumayo ako at pumuntang banyo. Nagbihis ako ng cycling na pinatungan ko ng short, nagsuot din ako ng isang black sleeveless na may ekis sa likod.

Bumalik ako sa hot tub at nagbabad. Ramdam ko ang gulat ni Red nang lumusong ako sa tubig. Tahimik akong tumabi sa kanya dahil sa pagkailang.

May mga lalaking sumisipol habang 'yung tingin nila parang hinuhubaran na ako. Nakakabastos! Kaya ayaw ko talagang magsuot ng ganito eh.

"Are you out of your mind?" Ramdam ko ang inis sa bawat bigkas ni Red ng kanyang salita.

"Bakit ka ba naiinis? At saka, nasa tamang pag-iisip pa ako no!" Inirapan ko ito at tinanggal ang aking salamin.

Alam ko namang andyan si Red eh. Babantayan niya ang salamin ko. Kung may babastos man sa akin. Maghanda na lang siya ng kabaong. Dahil talagang mapapatay ko siya sapagkat lasing ako. Wala na akong sinasanto.

"Fuck! Get dressed!" bulong na may halong sigaw ni Red.

Ngumiti lang ako ng matamis at sinandal ang aking ulo sa balikat niya habang ang tubig ay nasa beywang ko lang.

Umihip ang malakas na hangin ngunit parang wala lang ito sa akin. Siguro ay dala ng kalasingan at katamtaman rin ang init ng hot tub. Ay malamang kasi hot.

"Gusto mo bang mabastos, Venice?" Lumamig na ang boses ng katabi ko.

Umayos ako at tinignan siya. Six packs abs, yummy. 'Yung biceps and triceps niya, kita mo talagang hubog na hubog. Parang naglaan ng oras ang Panginoon na hulmahin ang kanyang katawan.

"Stop eye-raping me, Venice. I'm asking you." Matalim ang tingin nito sa akin.

Sunod-sunod akong umiling. "Hindi."

Kita ko ang pagtataka sa mukha nito. "Nah!" I waved my hands as a sign of no. "Don't mind me let's just enjoy this night!"

Para akong baliw na nagsusumigaw. Pilit naman akong pinipigilan ni Red.

"Stop it, Ven. You're drunk. Uuwi na tayo."

Umiling ako. "No! Why? I want to enjoy the night, Red."

Kahit namumungay na ang aking mata ay kita ko parin kung paano pumikit ng mariin si Red at ang pagtiim bagang niya. Parang anytime ay papatay na ng tao.

"Damn it, Venice! Everyone stares at you!"

Hinawakan niya ang braso ko at inangat ako mula sa hot tub. Di na ako nagreklamo at nagpatianod sa kung saan niya ako dalhin.

Mabilis ang lakad niya kaya paminsan-minsan ay natatalisod ako. "Walk faster! "

Kinamot ko ang aking batok. "Ang bilis mo namang maglakad. Natitisod na ako, e."

Di ito sumagot hanggang sa naramdaman ko nalang ang pag-angat ng paa ko sa lupa. "Lumulutang ako?"

"Tsk."

Iniyakap ako ang braso ko sa leeg ni Red at inamoy-amoy. "Ang bango."

I'm really drunk.

"Stop it."

Hindi ko ito pinakinggan at nagpatuloy lang. Napabitaw ako sa leeg niya nang maramdaman ko ang pagbaba niya sa akin sa isang malambot na bagay.

Ugh. Umiikot na ang paningin ko.

"Where did you left your things?" Tanong nito.

"Hmm.." Umayos ako ng upo at sinandal ang ulo sa upuan ko. "Ewan."

Pumikit ako at naramdaman ko at pagsara ng pinto sa tabi ko. Nasa kotse niya siguro ako.

Makalipas ang ilang minuto. Bumukas ang kabilang pinto at gumalaw ang sasakyan. "Such a careless person."

Pinaandar ni Red ang kanyang kotse habang humina naman ang kanyang aircon. "Uy! Lakasan mo. Ang init."

"No." Matigas na sagot nito.

"Eh? Sige na kasi." Hinawakan ko ang kanyang braso at mahinang inuga.

Di niya lang ako pinansin hanggang sa huminto ang sasakyan. Binuhat niya muli ako at naglakad papasok sa.. Ano pa ngang pangalan ng hotel na 'to?

Charlito? Carlito? Ay Ewan.

Naramdaman ko na lang ang paglapat ng malambot na bagay sa aking likod.

"Sleep tight. I'll just call someone to change your outfit. Basa ka pa."

Before dozing myself to sleep. Lumapat ang isang malambot niyang labi sa noo ko.

"Goodnight, Venice."

[Author's note: Ewan bat kinikilig ako sa chap na 'to 🥴]

Continue Reading

You'll Also Like

206K 3.9K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
833K 12.3K 40
Zyrene's mission is to enter an all boys school and pretend to be one of them. How if she falls in love to her suspect's son? Will she still continue...
10.5M 227K 62
R-18 (COMPLETED) When the Captain falls madly in love with a stranger, will he risk everything? This story contains scenes not suitable for young rea...