I'm Courting Mr. Cold

By fizz_chae07

400K 5.5K 1.2K

Ito'y isang kwento tungkol sa isang engot na babae na naghahabol sa isang cold guy na si Jin Ren. Halos lahat... More

Prologue
CHAPTER I - Love at First Sight
CHAPTER II - Stay Away From Me
CHAPTER III - My Favor or His Condition?
CHAPTER IV - Yes or No?
CHAPTER V - Meeting His Family
CHAPTER VI - Fizz Lopez
CHAPTER VII - Getting To Know Him
CHAPTER VIII - Reminiscing His Past
CHAPTER IX - Meeting the Cassanova
CHAPTER X - Meeting the Cassanova (Part II)
CHAPTER XI - Cookies, My First Move
CHAPTER XII - Dream Come True
CHAPTER XIII - He's Acting Weird
CHAPTER XIV - Date
CHAPTER XV - Real Date
CHAPTER XVI - Walang Sikreto Ang Di Nabubuko
CHAPTER XVII - Devil Beside Me
CHAPTER XVIII - Missing
CHAPTER XIX - Scandal
CHAPTER XX - He Hates Me
CHAPTER XXI - Now, He Hates Me More
CHAPTER XXII - Jealous
CHAPTER XXIII - Reasons Behind My Action
CHAPTER XXIV - The Culprit
CHAPTER XXV - Mixed Emotions
CHAPTER XXVI - Confession
CHAPTER XXVII - The Spies
CHAPTER XXVIII - Dinner
CHAPTER XXIX - We're Locked?
CHAPTER XXX - Library
CHAPTER XXXI - My Mission Impossible
CHAPTER XXXII - Lunch Box and Chopsticks
CHAPTER XXXIII - She's in Danger!
CHAPTER XXXIV - My Hero
Discussion
CHAPTER XXXV - Grocery Store
CHAPTER XXXVI - Trip ko Siya
CHAPTER XXXVIII - Trip Niya Ako
CHAPTER XXXIX - What A Wonderful Day
CHAPTER XL - Two Days Before His Birthday
CHAPTER XLI - Weird
CHAPTER XLII - Unexpected Visitor
CHAPTER XLIII - Birthday Present
CHAPTER XLIV - Pick-up Lines
CHAPTER XLV - Siguro
CHAPTER XLVI - New Mission
CHAPTER XLVII -Trip to Terra Cota
Chapter XLVIII - Destiny
CHAPTER XLIX - Salamat
CHAPTER L - I'm Stupid
CHAPTER LI - Reconciliation
CHAPTER LII - Final Review
CHAPTER LIII - Sinasagot na kita!
Chapter LIV - I'll Be There For You (Part I)
Chapter LV - I'll Be There For You (Part II)
CHAPTER LVI - 1st Lunch Date as a Couple
CHAPTER LVII - Date Under The Moon
Chapter LVIII (Part 1)
CHAPTER LVIII (Part 2)
Chapter LVIX - School Festival Day 1
Chapter LVXX
CHapter LVXXI
Chapter LVXXII

CHAPTER XXXVII - Bipolar

4.8K 56 13
By fizz_chae07

CHAPTER XXXVII

“Uy best friend, asan na si Ren mo? Bakit wala pa siya? 30 minutes na siyang late huh!”- Heina.

“Oo nga Yuri. Nagugutom na ako.”- Daphney

“Ako rin…” pagsang-ayon naman ni Darlene.

Ano ba naman to oh, bat sa akin nila to sinasabi? Eh ano ba naman ang alam ko kung bakit wala pa si Jin Ren ko? -____-

teka nga, bakit nga ba wala pa siya? Hmmnn…

“Maghintay na lang tayo ng saglit pa at darating na yun.” Sagot ko sa kanilang lahat.

“Baka naman alam mo kung san siya nakatira nang sa gayon tayo na lang ang pumunta sa kanya?” nagtatanong na parang nagpapahayag ng katotohanan na sabi ni Jake.

Oo nga pala, andito nga pala kami ngayon sa J Square, dito kasi ang meeting place namin papunta sa bahay nina Jin Ren ko kasi nga dun namin gagawin yung baking-baking churva na yun.. At syempre noh, kahit naman alam ko kung  saan ang bahay nina Jin Ren ko ay di ko pwedeng sabihin sa kanila noh, secret yata namin yun.. at ayoko namang magalit na naman sa akin si Jin Ren ko lalo na’t masayang-masaya na ako sa mga nangyayari sa amin ngayon. Hehe

well hindi pa naman kami… pero sa mga nangyayari sa amin ngayon eh masasabi kong parang KAMI na nga! Hahaha!! JOKE lang!

well, masaya lang naman ako kasi di na siya naiinis sa akin at saka pansin ko lang din, ang bait-bait na niya talaga sa akin although may konting pagkasungit pa rin (tingin ko nasa dugo na talaga niya ang pagiging masungit, hehe). At saka di lang yun. Minsan ang sweet-sweet niya sa akin. Gaya na lang kahapon, hinatid niya ako pauwi matapos naming manood ng sunset, di lang yun… pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng sasakyan niya.

WAAAAAAAHH!!! Ok, ako na naman ang kinikilig.

“Huy Yuri… anong nangyari sayo?” nagtatakang tanong ni Jake sa akin habang kumakaway-kaway pa ang kaliwa niyang kamay sa harap ng mukha ko.

“H-huh? Ano ulit yung sabi mo?” lutaw na tanong ko sa kanya.

“Hay naku! Nagmumuni ka na naman diyan best friend!” singit pa ni Heina.

“Ang sabi ko baka naman alam mo kung saan ang bahay ni Ren, nang mapuntahan na natin siya. Kita mo oh, anong oras na’t wala pa rin siya.” Di makapaniwala niyang sabi.

“Ah- eh… di ko alam kung saan eh.” Pagsisinungaling kong sagot. Alangan namang sabihin ko sa kanya ang totoo!?

“Ano ba naman yan, stalker ka niya tapos bahay niya di mo alam kung saan?”  pabulong niyang sabi pero rinig ko pa rin.

Ano raw?

Stalker?!

AKO!?

Lokong jake to! Upakan ko kaya to nang sa madala siya!.

Langya!

Tumingin ako kay Heina at nakita ko namang napangiti ang loka! At ewan ko kung bakit. -_________-

Natigil ang pag-uusap naming lahat nang may isang sasakyang huminto sa may tapat namin. and yes! Siya na nga yan… ang labidoo ko. hehe

“Kanina pa ba kayo?” tanong ni Jin Ren ko sa amin pagkababa niya sa sasakyan niya.

“Tingin mo? Halos mamuti na ang mga buhok namin dito kakaantay sayo!” sarkastikong sagot ni Heina.

“Tch.” Yun lang ang sagot ni Jin Ren ko kay Heina.

(>_____<)  <------itsura ni Heina. Galit na nakatingin kay Jin Ren ko.

Eh ni hindi man lang din kasi siya nag-sorry sa amin dahil nalate siya at pinaghintay niya kami ng matagal? Loko-loko talaga!

“Tara na! nang sa gayon makapagsimula tayo ng maaga.” Sabi pa ni Jake.

“Maaga? Eh tanghali na nga eh.” Reklamo pa rin ni Heina habang papasakay siya ng sasakyan ni Jin Ren ko.

oo nga pala, wala kaming dalang sasakyan dahil sabi pa ni Jin Ren ko, dun na lang daw kami sa kotse niya sumakay nang sa gayon sabay-sabay kaming pupunta sa bahay nila. Malamang ihahatid din niya kami pauwi. HAHA

**FAST FORWARD**

“Beep…beep..beep..” busina ng sasakyan ni Jin Ren ko. tapos automatic na namang bumukas ang gate.

Tulad ko dati nung una kong makapunta rito sa bahay nila eh ganun din ang expression ng mga kasamahan ko ngayon nang makita nila ang napakalaking bahay nina Jin Ren ko. Napa-WOW din sila ng bonggang-bongga. HAHA

Siniko naman ako ni Heina sabay bulong ng,"Ba't di mo sinabi sa akin na mansion pala ang bahay nila?"

"Malay ko ba na gusto mong malaman!" pabulong ko ring sagot sa kanya.

“Ang ganda naman ng bahay niyo pre!” sabi pa ni Jake.

Di pinansin ni Jin Ren ko yung puri ni Jake sa bahay nila instead ay mas pinagtuunan niya ng pansin ang dalawang sasakyan na nakapark doon sa may parking area nila.

Hmmn, kaninong mga sasakyan ba to? Mukhang nakita ko na ang mga to huh? Di ko lang maalala kung saan…

Tinitigan pa ng saglit ni Jin Ren ko yung dalawang sasakyan na kulay red ata blue tapos tumungo na rin siya sa loob ng bahay nila. Syempre kami naman eh nakasunod lang sa kanya.

Dinala kami ni Jin Ren ko dun sa may sofa nila. Hanggang ngayon gulat pa rin silang apat sa itsura ng bahay nina Jin Ren ko. HAHA

“Ilapag niyo na lang ang mga gamit niyo diyan.” Sabi pa niya tapos iniwan na niya kami.

Loko-loko talaga! Ni hindi man lang kami inalok ng makakain? Hehe. Nagugutom na rin kasi ako eh.

“Ang laki talaga ng bahay nila… parang mansion.” Namamanghang sabi ni Darlene.

“Oo nga eh.” Pagsang-ayon naman ng kambal niya.

teka nga, mukhang ngayon lang sumang-ayon sa isang bagay tong dalawang to huh. HAHAHA

“Yuriiiiii!!!” masayang bati ni tita habang naglalakad papunta sa akin tapos niyakap niya ako.

Teka, patay! Malamang kung ano-anong tanong na naman ang ibabato sa akin ng mga to, kung bakit ako kilala ng mama ni Jin Ren ko.

lagot na! anong sasabihin ko?

WAAAAAAHH!!!!!!

Tumingin ako sa mga itsura nila at ganito lang naman ang mga porma nila oh...

(?__?) - Jake  (O.O)- Darlene  (?,?) - Daphney

Si Heina syempre nakangiti lang.

Lagot na talaga ako neto!

Umiwas na ako ng tingin sa kanila. Di ko na kayang tignan ang mga itsura nila eh.

Mula sa kusina nama’y masayang nagtatawang lumabas si Jin Ren ko kasama ang dalawa niyang best friends na sina Raven at Alexis.

Sabi na nga ba, nakita ko na ang mga sasakyang yun na nakapark dun sa labas. Sa kanila pala yun. Hmmn.. teka, bakit sila andito?

“Oh, look who’s here?” sabi pa ni Alexis.

“Hi Yuri! Hi Heina!” bati sa amin ni Raven.

Binati rin namin siya pabalik. Si Alexis naman eh nakibati rin. Nag-hello siya sa akin at saka kay Heina, kaya lang may kasamang kindat ang pagbati niya sa best friend ko. Tumingin ako sa best friend ko at namula ang loka.

Aba! Anong meron sa dalawang to?

“tara bilis!” yaya ni tita sa amin. Di ko alam kung saan kami pupunta. Basta na lang niya ako hinila at syempre sumunod lang din yung mga kaklase ko.

“Kain muna kayo. Hinanda ko yan para sa inyong lahat!” masayang sabi ni tita sa amin.

Wow! Ang daming pagkain. Tamang-tama at nagugutom ako. Tiyak mapaparami ako ng kain nito.

“Upo na kayo, bilis.. bilis..” atat na sabi ni tita.

Teka lang, pansin ko lang mukhang wala yata rito si bubwit at si Granny? Pati na rin si Fizz… ilang araw ko nang napapansin na wala siya dito sa bahay nila tuwing pumupunta ako para sa tutorial session namin nina Jin Ren ko huh. San na kaya siya? Namimiss ko na siya eh.

Nahihiya naman akong itanong kay tita kung nasaan na ba si Fizz. Alam ko na… kay Jin Ren ko, ko na lang itatanong maya.

Umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan. Syempre katabi ko ang labidoo ko noh!

Nagdasal kami at saka nagsimulang kumain.

“Yan lang ang kakainin mo Heina? Puro namang karne yan, kumain ka ng gulay nang sa gayon di ka maging sakitin.” Mala-concern na sabi ni Jake sa kanya.

Ayeeh, ang sweet niya. HAHA ^__________^

“Grabe ka! ang dami mo namang kumain.” Pangungutya sa akin ni Jin Ren ko.

hmmf! Ang bad niya! buti pa si Jake nag-aalala talaga siya kay Heina, etong isang to… di na nga siya naging concern sa akin eh kinutya pa ako!>________<

Binelatan ko lang siya at saka tumingin ulit ako kina Heina at Jake.

Ang sweet talaga ni Jake. Etong si best friend naman oh, bat kasi ayaw niya kay Jake? Eh gwapo naman siya, mabait, sweet, at saka astig pa manamit. HAHA

Di sinasadya akong napatingin kay Alexis na nakaupo sa tapat ni Heina.

At bakit naman daw nakakunot ang noo ng lalaking to? Kulang na lang itusok niya sa mukha ng tao yung tinidor na hawak niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya rito.

“Kumain ka na nga lang diyan! Wag mo nang pansinin ang business ng iba! tsismosa!” muli’y napatingin ako sa gawing kaliwa ko, kay Jin ren ko.

ARRGH!!!

Kaasar!

Ano bang problema niya at mukhang bitter na bitter siya sa akin ngayon?! Issh!!! Nakakainis! Ang bipolar niya!><

“Che!” sagot ko naman. nung inirapan ko na siya eh bigla ko namang naisiko ang baso ng juice ko kaya naman bumuhos sa damit ko ang mga laman nito.

“OMO!” yun lang ang nasabi ko.

Nataranta naman si Jin Ren ko na punasan yung juice na bumuhos sa akin. Kaya lang ang mukhang namantsahan na ang damit ko.

“Ren, bring her upstairs to change her clothes.” Sabi pa ni tita. Agad naman sinunod ni Jin Ren ko yung sinabi ng mama niya.

“Pssh.. tatanga-tanga kasi!” bulong pa niya.

“Anong sabi mo?” pagmamang-maangan ko kahit dinig ko yung sinabi niya.

“Wala! Ang bagal mo maglakad! Bilisan mo nga!” sabi pa niya. nakarating na kami sa isang kwarto. Kwarto yata to ng mama niya, tapos kumuha siya ng damit dun sa loob ng closet at saka ito ibinigay sa akin.

“Nandun ang banyo!” sabi niya sabay turo dun sa isang pinto at akmang maglalakad n asana paalis ng kwarto.

“T-teka! Iiwan mo na ako rito?” tanong ko sa kanya.

“Oo bakit?” diretso niyang sagot.

“Wag muna. Hintayin mo na lang akong matapos na magbihis.” Sabi ko naman sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay! Ang suplado talaga!><

“sige na… please!” pagmamakaawa ko naman sa kanya. Tapos bumuntong hininga siya at saka humiga sa kama.

“Yes!” Masaya kong wika!

“Saglit lang ako.” Pahabol ko pa, tapos tuluyan na akong pumasok sa loob ng banyo.

Isang loose na t-shirt lang naman ang binigay niya sa akin. Sakto lang din naman sa outfit ko. bumagay pa rin.

Lumabas na ako ng banyo at nadatnan kong nakapikit na si Jin Ren ko.

teka, natutulog ba siya? Ganun ba talaga ako katagal kanina dun sa banyo at nagawa niyang matulog?

Nilapitan ko ang mahal kong si Jin Ren na mahimbing na natutulog. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya nang sa gayon ay masilayan ko ng maayos ang mukha niya.

waaah… napaka-perfect talaga ng mukha netong mahal k----

“Anong ginagawa mo?”- Jin Ren

PATAY!!!!  O.o

------

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
69.7K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.7M 74.8K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...