[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HI...

By Yam-Yam28

62.9M 593K 160K

COMPLETED I NO SOFT COPY I Book two ng Girlfriend for Hire ^__^ More

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIEND PROLOGUE
CHAPTER 1- Two Years Later...
CHAPTER 2- Celebrating our SECOND ANNIVERSARY
CHAPTER 3- Meet BRYAN CLYDE GO.
CHAPTER 4- One EPIC DAY
CHAPTER 5- When WORSE comes to WORST
*SPECIAL CHAPTER: The SY BROTHERS
CHAPTER 6- COMMUNITY SERVICE for IDIOTS
*SPECIAL CHAPTER: POTATO CHIPS and PSP
CHAPTER 7- HATE that I LOVE YOU
*SPECIAL CHAPTER: ALICE in Bryan's Land
CHAPTER 8- New ArRIVALS
CHAPTER 9- CONFLICTS THERE, CONFLICTS EVERYWHERE
*SPECIAL CHAPTER: Just the way I'M NOT
CHAPTER 10 - LOST
*VenTo CHAPTER: HANG OVER
CHAPTER 11- Won't GO HOME without YOU
*SPECIAL CHAPTER: RAIN + CLOUD = ?
CHAPTER 12- Just another chapter..
*SPECIAL CHAPTER: Another Day w/ the SY BROTHERS
CHAPTER 13- THE BARTENDING INCIDENT
CHAPTER 14- How ABNORMAL Couples Date.
CHAPTER 15- Boy Problems
CHAPTER 16- FLASHBACKS FROM THE PAST
CHAPTER 17- Something is COMING.
*VenTo CHAPTER: " IF YOU EXIST "
CHAPTER 18- I HATE THIS!
CHAPTER 19- DANCES and TEARS and..What?!
CHAPTER 20- Kenneth Sawada (Ken)
CHAPTER 21- Pre-Ballroom Sh*t
CHAPTER 22- Slipping Away
CHAPTER 22.5- Slipping Away (Part 2)
CHAPTER 23- Breaking Down
CHAPTER 24- Merciless Hearts
CHAPTER 25- Deja Vu
*VenTo CHAPTER: BAD Enough For You
CHAPTER 26- Foundation Week Blues
*SPECIAL CHAPTER: How I Met Our Driver
CHAPTER 27- Revelations
*VenTo CHAPTER: The Mysterious Case of Tommy Michael Lopez
CHAPTER 28- 2nd Semester
*MerCy CHAPTER: Beautiful Goodbye
CHAPTER 29- It's a Messy Chapter
CHAPTER 29.5- It's a Messy Chapter (Part 2)
CHAPTER 30- It's just a NORMAL DATE--or NOT.
*ThirTie CHAPTER: You LOST Me...
CHAPTER 31- Weird.
CHAPTER 32- OPERATION: Let's Get You Back Together!
CHAPTER 33- Attack of the RIVALS!
*MerCy CHAPTER: BACK FOR GOOD
CHAPTER 34- The Beginning of the End
CHAPTER 35- LAYARTEB
CHAPTER 36- Go Away!
CHAPTER 37- I won't give up.
CHAPTER 37.5- I won't give up. (part 2)
CHAPTER 38- How to SEDUCE a girl.
*ThirTie CHAPTER: Six Degrees of Separation
CHAPTER 39- Chasing Cars
CHAPTER 40- Switch
CHAPTER 41- Black Knight
CHAPTER 42- Black Knight #2?
CHAPTER 43- M E M O R I E S . . .
CHAPTER 44- Fall for me again!
CHAPTER 45- One Sided Love
*ThirTie Chapter: It's Over--- or so I thought.
CHAPTER 46- Battle of the Black Knights
CHAPTER 46.5- Battle of the Black Knights (part 2)
CHAPTER 47- What Should I do?
CHAPTER 48- GET BACK
CHAPTER 49- FOR THE FIRST TIME
CHAPTER 50- And this LOVE hurts..
CHAPTER 50.5- And this LOVE hurts.. (PART 2)
EPILOGUE <3 or </3 ?
BONUS SPECIAL CHAPTER #1: I will make f*cking LIGAW?!
BONUS SPECIAL CHAPTER #2: Making Love
BONUS SPECIAL CHAPTER #2.5: Making Love (Part 2)
BONUS SPECIAL CHAPTER #3: Officially A Dad
BONUS SPECIAL CHAPTER #4: Officially His Wife
BONUS CHRISTMAS CHAPTER: Merry F*cking Christmas Night
BONUS SPECIAL CHAPTER #6: Nightmare on Steve's Unit

BONUS SPECIAL CHAPTER #5: Boys & Babies

525K 7.9K 2.9K
By Yam-Yam28

BONUS SPECIAL CHAPTER #5: Boys & Babies

(Note: Ang time line po nito is just 10 months after ipanganak ni Nash si Law, meaning 10 months old palang si Law and wala pa si Robin. Note rin na hindi parin nauusuhan ng pamalit sa "No comment" n'ya si Tommy dito, lols. Basically this chapter happened in the middle of Bonus Special Chapter #3 and #4)

BRYLE's POV

"So bakit nga ulit tayo nandito? At bakit dala-dala n'yo yang mga baby n'yo? Nasaan si Nash at Katie?" tanong ni Tommy sa aming dalawa ni Third. Nandito kami sa Weekend House namin ni Nami. (Weekend House ang pangalan kasi tuwing weekend lang kami nandito, pag week days dun kami nagsstay sa mansyon ni Tanda).

Ako yung unang sumagot sa tanong ni Tommy, "Ganito kasi yung nangyari kagabi..."

FLASHBACK: 

Kakatapos ko lang magshower, ang sarap sa pakiramdam lalo na't pagod ang katawan ko dahil sa trabaho. 

Nadatnan ko si Nami na nakahiga na sa kama, agad ko s'yang tinabihan.

"Nami..." tawag ko, pero hindi sumagot ang gago. Tulog na ata. Nakatalikod kasi s'ya ng higa sakin kaya di ko kita ang mukha n'ya.

Niyakap ko na lang s'ya mula sa likod. Hindi ko alam kung bakit kahit pareho kami ng shampoo, mas gusto ko yung amoy n'ya kaysa sa akin. Gabi-gabi na kaming magkatabi pero hindi parin ako nagsasawa sa amoy n'ya, sa tuwing yayakapin ko s'ya bumibilis parin yung tibok ng puso ko, ang baduy. Mukhang gustong-gusto parin ng buong sistema ko ang lahat-lahat ng tungkol sa bobong babaeng to.

"Mmmm... Bryle..." bulong n'ya, nagising ata dahil sa paghalik ko sa tenga at leeg n'ya. Agad naman s'yang humiga paharap sa akin.

Kinukusot n'ya ang mata n'ya, hindi pa s'ya makamulat ng ayos.

"Oi bobong babae!" sigaw ko kaya agad s'yang napatingin sa akin.

"Bakit?" tanong n'ya, halatang inaantok pa.

"Mahal kita." pagkasabi ko n'yan, agad nawala ang antok sa mukha n'ya. 

"Bakit ang sweet mo ata?" tanong n'ya, pero kinikilig naman yan sus.

"Pag sinabihan kita ng mahal kita, dalawa lang ang dapat mong gawin: sumagot ng 'mahal rin kita' o kaya naman..."

"O kaya ano?"

"O kaya naman... " Agad ko s'yang hinigit palapit sa akin at hinalikan.

"Ganito," sabi ko, sabay ngiti. Hinalikan n'ya ako pabalik. Ang init ng bibig n'ya. Ang lambot parin ng labi n'ya hanggang ngayon.

"Nami..." sabi ko pagkatapos maglapat ng mga labi namin.

"Hmm?"

Nilapit ko yung bibig ko sa may tenga n'ya tapos, "Sundan na natin si Law," binulong ko yan sa kanya.

Ilang beses na naming nagawa yung alam n'yo na kung ano, pero sa tuwing aayain ko s'yang gawin yun, nahihiya parin s'ya at namumula parin yung mukha n'ya.

Umiwas s'ya ng tingin sa akin tapos pinag cross pa n'ya yung braso n'ya habang tinatakpan yung bandang dibdib n'ya. Di ko inasahan yun.

"Ayaw mo?" tanong ko.

"Hindi sa ganun," Umiiling s'ya.

"Eh ano?"

Dahan-dahan s'yang tumingin sa akin, nagseryoso ng tingin tapos, "Ngayon ko lang naalala, hindi nga pala ako nakapag ahit ng kili-kili kanina," sabi n'ya.

"Pfft... hahahaha!" agad naman akong natawa dahil akala ko may problema na kaming dalawa, yun pala... ahaha! Si Nami nga talaga s'ya, lageng panira ng moment... pero dahil ganyan s'ya kaya siguro mas minamahal ko s'ya kada araw.

"Kahit mabuhok pa yang kili-kili mo, basta kili-kili mo yan, gusto ko parin yan," sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako mandidiri sa sinasabi mo." 

"Hahaha!" natawa na naman ako.

"Nahihiya na nga ako nagtatawa ka pa, ayoko na nga." Hihiga na sana s'ya patalikod sa akin pero hinigit ko s'ya muli paharap.

Isiningit ko sa tenga n'ya yung buhok n'yang kumalat sa mukha n'ya tapos hinalikan ko s'ya sa noo, "Diba sabi ko sayo mahal kita? Ibig sabihin nun, hindi lang ikaw ang mahal ko kung hindi ang lahat-lahat tungkol sa'yo. Lahat-lahat... bawat isang parte." Matapos kong sabihin yan, agad nang nag relax yung katawan n'ya.

"Oi gagong lalaki!" maangas na sigaw n'ya.

"Bakit?" mas maangas na tugon ko.

"Mahal din kita. Mahal na mahal," sabi n'ya, may kasama pang ngiti.

At matapos n'yang sabihin yun, imposibleng hindi ko s'ya halikan.

*HANGGANG DITO NA MUNA ANG FLASHBACK KASI...

"Kailangan talaga detalyado? Itutuloy mo talaga hanggang bed scene?" tanong ni Tommy na may di maipintang reaksyon sa mukha. Tss, virgin pa nga pala to, bata kasi ang pinatulan eh, di pa tuloy nakaka score, tsk.

"Mukhang di na uso sayo ang piracy," hirit ni Third.

"Haha, piracy, pag naaalala ko yun, natatawa parin ako. Dvd! Dvd!" sabat naman ni Steve kaya nagtawa na dun sila Tommy.

"Wag nga kayong maingay! Nagyayabang ako dito eh! Panira kayo!" sigaw ko, natigil ang mga gago.

Huminga ako ng malalim at pinakalma na muli ang sarili ko tapos, "Para sa kapakanan ng nag-iisang virgin dito..." tiningnan ko si Tommy, sinamaan n'ya ako ng tingin habang si Third at Steve naman medyo natawa.

"Hindi ko na idedetalye yung bed scene... sasabihin ko na lang yung tunay na rason kung bakit ako ang may alaga kay Law ngayon..."

*ITUTULOY KO NA ULIT YUNG FLASHBACK (KASO ISISKIP KO NA YUNG DETALYE NG BED SCENE NAMIN NI NAMI SORRY NA LANG, SISIHIN N'YO ANG PAGIGING VIRGIN NI TOMMY =__=)

So andun na ako... ang init na nung eksena sa kama... ipapasok ko na lang yung dapat ipasok... kaso...

*Uha *Uha *Uha~ ~

Natigil kami pareho ni Nami nang tumunog yung mini walkie talkie na nasa may bed side table. Mukhang nag-iiyak si Law ngayon sa kabilang kwarto. 

Kaya ayun, biglang nagbihis na muli si Nami at nagtatakbo papunta sa kwarto ni Law. Naiwan tuloy akong bitin bwisit. Pero pinakalma ko na lang ang sarili ko at matyaga na lang naghintay sa pagbalik ni Nami. Ang gwapong lalaki kasi, marunong maghintay :P

Ang laki ng ngiti ko pagbalik ni Nami sa kwarto, kaso agad na nawala yun noong...

"Bryle bukas na lang, pagod na ako," sinabi yan ni Nami paghiga n'ya sa tabi ko. S'yempre naasar ako kasi naghintay ako ng matagal para sa wala!

"Pagod ka? Pagod rin naman ako ah! Kung tutuusin nga mas pagod ako kaysa sayo! Maghapon akong nasa opisina, eh ikaw, nandito ka lang sa bahay kasama si Law!"

Agad s'yang napabangon at napatingin sa akin dahil sa isinigaw ko, "Nandito lang ako sa bahay? Lang? Nilalang mo ang pag-aalaga ko kay Law? Eh kung tutuusin mas mahirap pa yung ginagawa ko kaysa sayo! Nakaupo ka lang maghapon sa opisina, nagrereklamo ka pa!"

"Mahirap kayang maupo maghapon no! Mas mahirap nang di hamak yung ginagawa ko!" sigaw ko. Tss, bakit ba nauwi kami sa sigawan bigla?

"Itry mo munang lumagay sa sitwasyon ko bago mo sabihan ng "lang" yung ginagawa ko! For sure di ka makakatagal ng isang araw sa pag-aalaga kay Law!"

"Sigurado ka? Eh paano kung makaya kong tumagal?"

"Magawa mo na lang." mapanghamon n'yang sabi.

"O sige! Pumasok ka sa restaurant bukas, ako ang aabsent sa opisina. Ako ang mag-aalaga kay Law buong araw!"

"Sure ka? Baka maghire ka lang ng katulong?"

"Mag set up ka pa ng cctv dito sa weekend house natin kung gusto mo."

"Okay! Sinabi mo yan ah? Wala ng bawian Bryle." 

"Ako si Bryle Caleb Stanford, hindi ko binabawi ang salita ko." Matapang kong sabi tapos nahiga na ako. Nahiga narin s'ya. Natulog kami ng magkatalikod. 

Tss, bobong babaeng to, ako pa ang hinamon n'ya?

*TAPOS NA TALAGA YUNG FLASHBACK

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

AUTHOR's POV

Matapos mag explain ni Bryle...

"Oh, ganun pala ang nangyari. Pero pwede namang dun ka na magsimula sa away n'yo, talagang kinwento mo pa yung--" Natigil si Tommy kasi...

"Kung hindi ko ikikwento yung naunang parte, hindi ako makakapagyabang, yun lang yung magandang parte ng flashback eh!" umepal na si Bryle as expected.

"Pero bakit kailangang pumunta pa kami dito? Pwede namang ikaw na lang ang mag-alaga kay Law mag-isa ah?"

"Sabi ko kay Nami hindi ako maghahire ng katulong, wala akong sinabing hindi ako hihingi ng tulong sa inyo. Malay kong mag-alaga ng baby ng mag-isa. Isa pa hindi ko talaga matanggap na maghihirap ako ngayong araw habang kayo magpapakasarap, kaya damay-damay na to."

Hindi na nakipagsagutan pa si Tommy kay Bryle, sanay na s'ya sa kanya eh.

Bumaling na lang s'ya kay Third na may hawak rin na baby, ang anak nila ni Katie na si Kate. 9 months na ito, mas matanda ng isang buwan si Law.

"Eh ikaw Third? Ganun din? Nag away din kayo ni Katie kaya dala mo si Kate ngayon?" nang itanong yan ni Tommy, agad natigil si Third sa paghaplos kay Kate tapos...

"Hindi kami nag-away ni Wifey, sa totoo lang ayos kami ni Katie kagabi. Pero kaninang umaga... kaninang umaga..." Agad na tumunhay si Third tapos sinamaan ng tingin si Bryle...

"Kaninang umaga tinawagan s'ya ng gagong yan tapos sinabi n'ya kay wifey na nagrereklamo daw ako dahil trabaho ako ng trabaho pero si Wifey nagpapasarap lang sa bahay kasama si Kate! Sinabi n'yang sinabi ko yun, kahit na hindi ko naman talaga sinabi! Ayun, iniwan din ni Wifey sa akin si Kate! Magssleep over daw sila ni Nash total pareho silang nagrerebelde! Walangyang Bryle na yan, dinamay pa ako sa problema n'ya!" sigaw ni Third, nakatayo na habang sumisigaw.

"Steve hawakan mo muna si Kate, kanina ko pa gustong saktan yang gagong yan eh! Bibigwasan ko lang ng isa!" sigaw pa ni Third na balak sanang sugurin pa si Bryle.

"Magawa mo na lang!" maangas na sagot naman ni Bryle, pero inawat na sila ni Tommy bago pa sila magpangapit.

Kahit mainit ang ulo ni Third at tinutunaw n'ya si Bryle ng matalim n'yang tingin, patay malisya lang si Bryle sa isang tabi.

"Tss... kasalanan ko ba kung mabilis maniwala yung babae mo," nagawa pa ngang sabihin yan ni Bryle. Gago talaga. Buti na lang sanay na sa kanya ang mga kasama n'ya.

"Eh ikaw Steve buti pinayagan kang umalis ni Stacy?" tanong naman ni Tommy kay Steve para maalis yung tensyong namamagitan kay Bryle at Third.

"Pinayagan? More like iniwan ako ni Witch!" sigaw ni Steve.

"Break na naman kayo?" tanong pa ni Tommy.

"Hindi! Nasa hotel nila Bryle si Witch ngayon! Pumunta si Bryle sa bahay kanina, tapos binigyan n'ya si Witch ng free one night stay sa pinakamahal na Hotel nila with VVIP treatment pa... pero sa isang kundisyon, hindi ako pwedeng isama ni Witch dun sa Hotel! Kaya ayun, iniwan ako ni Witch, tapos kinaladkad ako dito ng gagong si Bryle!" sigaw ni Steve, ngayon s'ya naman ang nanggagalaiti kay Bryle.

"Tss kasalanan ko ba kung mas gusto nung Witch mo yung hotel namin kaysa sayo," nakakagagong comment as ever ni Bryle -_-

"Aba at--"

"Ano, kakasa ka?" sabi ni Bryle kay Steve, giving him his signature devilish glare.

"H-huh? Sabi ko, aba at ang cute naman ng inaanak kong si Law!"  sagot ng ever duwag kay Bryle na si Steve.

=_________________= >> ganyan ang mukha ni Tommy at Third habang pinagmamasdan si Bryle at Steve. Akala kasi nila kakasa na finally si Steve kay Bryle, pero hanggang ngayon duwag parin s'ya dito... pinupuri pa nga ni Steve si Bryle ngayon eh...

"Haha, manang-mana talaga sayo fafa Bryle no? Ang gwapo!" pang-uuto ni Steve kay Bryle.

"Haha, tamang-tama ka dyan, sa akin talaga s'ya nagmana ng kagwapuhan." Pag sang ayon naman ng ever proud na si Bryle (medyo uto-uto rin s'ya minsan -__-)

Napabuntong hininga na lang si Tommy at Third sa isang tabi habang napapailing.

Wala na talagang pag-asa si Steve =__=. Forever under s'ya mapa kay Bryle man o Stacy.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Nang sumapit ang tanghalian, dahil nga wala namang katulong sa Weekend House nila Nash and Bryle (kasi gusto ni Nash pag nandito sila sa sariling bahay, simple lang yung lifestyle nila ni Bryle di katulad sa mansyon nila lolo Bernard), so ito, si Tommy ang nagluluto ng lunch nilang apat, since si Bryle at Third parehong epic fail sa pagluluto atsaka may mga alaga silang baby. Si Steve naman busy sa pagtawag kay Stacy na mukhang walang balak sumagot.

Habang nagluluto si Tommy, tumawag sa kanya si Nash at Katie checking up on them, nag-aalala sila sa babies nila knowing na parehong di marunong sa bahay yung mga asawa nila, pero dahil sa assurance ni Tommy na okay lang naman ang lahat, eh nakampante na yung dalawa. So far naman kasi mukhang tutok naman sa pag-aalaga sa mga baby nila si Third at Bryle, so kampante rin si Tommy...

Kaso...

Kaso paglabas n'ya ng kitchen...

"Luto na yung pagkaen tara nang--- ano sa tingin n'yo ang ginagawa n'yo?" napasigaw na lang ni Tommy.

Kasi si Kate at si Law, gumagapang ng sila lang sa carpet, habang si Bryle at Third busy sa pagrerace sa XBOX ni Bryle, tapos si Steve taga cheer pa kay Third. Naiwan tuloy walang bantay yung dalawang bata!

Masyadong nadala ng labanan si Third at Bryle na nakalimutan na nilang binitawan nga pala nila si Law at Kate, masyadong naabsorbed din sa labanan si Steve and all three of them forgot about the babies! Kung di pa lumabas si Tommy, who knows what could have happened! 

Agad na napagalitan ni Tommy yung tatlo for leaving the babies unattended. Buti na lang talaga at wala namang nangyari doon sa dalawang baby, dahil hindi alam ni Tommy ang sasabihin n'ya kay Nash at Katie kung sakali.

Agad namang nagsorry si Bryle at Third hindi lang kay Tommy kundi pati narin sa mga baby nila. Seeing na mukhang nagrerepent naman yung dalawa sa kapabayaan nila, pumayag si Tommy na hindi na isumbong yung dalawa sa mga asawa nila.

.

.

.

Pagkatapos nilang kumain, kampanteng iniwan ni Tommy sila Bryle sa living room. Nilalaro at pinapatawa ni Steve yung dalawang baby habang hawak-hawak sila ni Bryle at Third. Masayang naghugas si Tommy ng mga plato kasi sa wakas marunong ng humingi ng sorry at tumanggap ng pagkakamali ang mga kabarkada n'ya, mas madali na silang pasunurin at pagsabihan, lalo na si Bryle. He was happily washing the dishes thinking na sa wakas nagmature narin kahit papaano ang mga kabarkada n'ya...

Kaso pagkatapos n'yang maghugas ng mga plato... paglabas n'yang muli sa kitchen...

"Law bilisan mo Law! Wag kang papatalo sa anak ni Third! Weak yan, babae yan, lalaki ka!" -Bryle.

"Kate bilisan mo pa! Matatalo mo na si Law!" -Third.

Wagas na nagchicheer si Bryle at Third habang gumagapang palapit sa kanila ang mga anak nila. May finish line pa nga silang sinet up, kaya mistulang nasa isang race yung dalawang bata... tapos...

"At nangunguna, nangunguna nga po si Law, ngunit malapit na s'yang maabutan ni Kate. Aw! Tumigil si Law, ngayon ay unti-unti na s'yang nauunahan ni Kate! Saan kayo ngayon, sa meron o sa wala? Sa puti o sa pula?" si Steve, akala mo announcer sa isang karera o kristo sa isang sabungan -_-

"Oh Tommy, saan ka pupusta? Kay Law o kay Kate? Pag nanalo yung pinustahan mo, doble ang balik!" tanong ni Steve kay Tommy pero pumunta lang si Tommy sa gitna ni Third at Bryle tapos inakbayan n'ya yung dalawa...

"Ititigil n'yo to o makakarating to sa mga asawa n'yo?" sabi ni Tommy sa kanila na may nakakapanibagong bad boy sort of devilish aura, na pati si Bryle kinilabutan.

Kaya agad nang napatakbo papunta sa mga anak nila si Bryle at Third at binuhat na ang mga iyon. Agad din silang humingi ng sorry kay Tommy, saying nacarried away lang sila at pinakiusapan na naman si Tommy na wag silang isumbong sa mga asawa nila.

Nagsimula pala yung race ng babies dahil sa pagtatalo ni Third at Bryle kung sinong mas cute sa mga anak nila -___- Tapos si Steve imbis na umawat, nakisama pa -___-

Napa face palm na lang si Tommy. Narealize n'yang nagkamali s'ya ng akala, mukhang di parin nagmamature ang mga kabarkada n'ya.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

THIRD's POV

Magkatabing natutulog si Kate at Law ngayon dun sa baby room ng bahay nila Bryle, may baby monitor naman yung kwarto na connected sa minie walkie talkie kaya maririnig namin kung umiiyak ba sila. Naglalaro kami ngayon ng xbox pampalipas oras...

Habang naglalaban si Steve at Bryle doon at nakikinood kami ni Tommy, kasi change the loser kami, biglang nagtanong si Steve...

"Third, san n'yo ginawa si Kate?" Agad akong nasamid nang itanong n'ya yan.

"Ano bang klaseng tanong yan?" sigaw ko.

"Wala lang, naisip ko lang, wala kasing mapag-usapan eh."

"Si Law sa kusina namin ginawa," pag epal ni Bryle. Si Tommy naman ang nasamid.

"Sa kusina?" sigaw ni Tommy.

"Alam mo kasi Tommy, manood ka minsan ng porn para makarelate ka. Hindi lang sa kama ginagawa yun. Ano na ba kasing balita sa inyo nung high school girl?" -Steve.

"Ahm... No comment." -Tommy.

"No comment parin?" sigaw namin ni Steve.

Nag shrug lang si Tommy, lage na lang s'yang playing safe -_-

"May anak na si Third at Bryle, no comment ka parin?" -Steve.

"Ang cute kasi talaga nung phrase na yun eh." -Tommy.

"Hindi yun ang issue dito! Ang issue dito kung kailan mo balak--" Kukulitin pa sana namin ni Steve si Tommy nang biglang umepal si Bryle...

 "Wag n'yo na ngang kulitin si Tommy, normal lang naman na wala pa rin s'yang asawa ngayon."

"At bakit naman naging normal yun?" tanong namin ni Steve.

Pinause ni Bryle yung game nila, nagcross arms at taas noong sinabi na wari'y nagtatalumpati, "Because good voice finish last."

Natigilan naman kami nila Steve.

"Pakiulit nga nung sinabi mo Bryle," sabi ko.

"Because good voice finish last." Inulit naman n'ya ng walang pagdadalwang isip.

"Paki spell nga yung good voice," sabi naman ni Steve.

"Yun lang ba?" nag smirk si Bryle tapos, "g-o-o-d v-o-i-c-e. Ibig sabihin, maganda ang boses. Pinaka maganda ang boses ni Tommy sa ating apat kaya normal na s'ya ang huling magkaka asawa." confident na sabi ni Bryle.

Agad kaming natawang tatlo nila Steve! Sinasabi ko na nga ba eh!

"Hahahaha! SInasabi ko na nga ba eh! Akala ko mali lang yung pronounciation, pero talagang mali pala talaga yung nasa isip n'ya! ahaha!" halos mamatay ako kakatawa.

"Hanga na ako eh, kaso ahahaha! Voice daw! " -Steve.

"Hahaha. No comment. Hahaha!" -Tommy

"Hoy bakit ba kayo tumatawa d'yan?!" sigaw ni Bryle na mukhang di parin gets ang mali n'ya.

"Kasi Bryle, good boys  finish last yun, b-o-y-s. Lalaki, hindi boses." paliwanag ni Tommy.

"So pag maganda ang boses mo huli kang magkakaasawa? Ahaha! Eh yung mga lead vocalist nga ang talagang lapitin ng chicks! Ahaha!" -Steve.

"Okay na eh, hindi na s'ya kinukulangan ng letters, kaso mali naman yung spelling at meaning! Katunog lang pala! Ahahaha!" -ako.

"Bryle pag lumaki si Law tapos may assignment sa English, kay Nash mo patuturuan huh? Wag sayo." -Tommy.

Agad na naman tuloy kaming humagalpak ng tawa.

"Eh malay ko ba! Narinig ko lang yun sa isang movie na pinanood namin ni Nami eh!" sigaw ni Bryle na halatang napipikon na.

"Haha, woo! Good voice finish last! Pag maganda boses mo huli ka makakapag asawa!" -ako.

"Tumigil na nga kayo!" sigaw ni Bryle.

"Books before voice, because voice bring babies. Hahaha!" -Steve.

"Tumigil na sabi kayo!"-Bryle.

"Anong english sa ayoko sa mga lalaki?" tanong ni Tommy kaya natigil kami.

"Ano?"-tanong naming tatlo.

"I hate voice." -Tommy (ginagaya n'ya pa yung pose ni Bryle pag nagyayabang, naka cross arms at nakataas ang noo)

"Hahahaha tangna di ko na kaya! ahahaha!!" ayun hagalpak na naman tuloy kami ng tawa. Imba si Tommy, minsan lang makiride yan sa usapan pero pag humirit benta.

 "Ugh sabi ng tumigil na kayo eh!" sigaw ni Bryle na namumula na sa galit.

"Hahahaha!" pero di parin kami tumitigil sa kakatawa.

Damn, I missed this.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

BRYLE's POV

Bwisit na mga gagong yun pinagtripan na naman ako kanina. Malay ko bang boys yun at hindi voice. Pesteng buhay to, akala ko pa naman makakapagyabang na ako. Ang tagal ko ring hinintay na magamit ko yung saying na yun kila Tommy tapos ugh! Tangna nakakainis talaga!

So far nadadalian pa naman ako sa pag-aalaga kay Law kasi natutulog palang naman s'ya, kaso habang binabawian ko si Steve sa pamamagitan ng pagbubugbog ng mabuti at pagcocombo dun sa character n'ya na kapag na k.o. ko ang kapalit magpupush ups s'ya ng 50... bigla na lang narinig namin ang pag-iyak ng babies namin ni Third. Nung una isa lang ang nag iiyak tas naging dalawa. 

Kaya agad naming pinuntahang apat yung mga baby. Binuhat namin ni Third yung mga anak namin at napansing parehong basa na yung mga lampin nila. Sabi ni Tommy dapat na daw naming palitan ng diaper yung dalawa. First time ko tong magpapalit ng diaper kaya nagpaturo ako kay Tommy. Ganun din pala si Third, first timer din. Sabi ni Tommy, punasan daw muna namin ng bulak na nilublob sa tubig yung private parts nung mga baby, so sumunod naman kami ni Third.

Hinubaran namin yung mga baby namin, ready na yung bulak ko kaso... kaso nung pupunasan at hahawakan ko na yung ano ni Law... napatigil ako...

"Bryle bakit ka tumigil?" tanong ni Tommy.

"Tommy, hindi ko kaya! Ayokong humawak ng ano ng ibang lalaki! Pakiramdam ko nababakla ako!" sigaw ko. Hindi ko talaga kaya. Ang cute ni Law, at ang cute din nung ano n'ya. Yung fact na nacucutan ako sa ano n'ya, parang nababading ako! Oh hindi! Shet!

Napa face palm na lang si Tommy at s'ya na yung naglinis kay Law. Hindi ba s'ya naiilang humawak ng ano ng ibang lalaki? Yaoi yun, eew. Pero seryoso ang cute ng ano ni L-- ugh! Ano ba tong iniisip ko? Hindi ako fan ng yaoi busit!

Pagkatapos palitan ni Tommy ng diaper si Law, napansin naman naming maging si Third ay nakatigil din habang nakatingin naman sa baby n'ya.

"Bakit ka naman napatigil Third?" tanong ni Tommy.

"Hindi ko kayang humawak ng ano ng ibang babae, pakiramdam ko nagkakasala ako kay Wifey. Kahit kay Kate pa to, pakiramdam ko parin magkakasala ako kay Wifey pag hinawakan ko yung ano n'ya." sagot ni Third, pulang-pula yung mukha n'ya. Natawa si Steve pero ako, nagets ko s'ya. Kung babae si Law, di ko rin mahahawakan yung ano n'ya, pakiramdam ko rin magkakasala ako kay Nami nun.

Napa face palm muli si Tommy, at in the end s'ya na rin yung nag diaper sa baby ni Third.

Hindi ko inasahan na ganito pala kahirap magpalit ng diaper. Delikadong magpalit ng diaper ng isang cute na lalaking baby, may posibilidad na mabakla ka! Ngayon naiintindihan ko na si Nami kung bakit nainsulto s'ya nung ni "lang" ko lang yung ginagawa n'yang pag-aalaga kay Law. Pero teka, sa tuwing pinapalitan at nililinisan ni Nami si Law... nacucutan din ba s'ya sa ano ni Law? Ugh! Sa susunod pala sasabihin ko katulong na lang ang taga palit ni Law ng diaper! Pagbabawalan ko na si Nami namagpalit ng diaper ni Law!

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

AUTHOR's POV

Napalitan na ni Tommy ng diaper yung mga baby nila Bryle at Third pero ayaw parin tumigil ng pag-iyak nung dalawa. Ginawa na nung apat ang lahat para mapatawa ang mga ito at mapatigil sa pag-iyak... tulad ng: Pagpapapush ups ni Steve sa harap ng mga baby habang inuupuan ni Bryle (idea suggested by Bryle). Pagpapakita ng abs ni Third dun sa mga baby (Idea suggested by Steve dahil maging sila natitigilan sa ganda ng abs ni Third). Pagkanta ng nursery rhymes (eepekto na sana kaso sumama yung blending nung apat dahil kay Steve -_- Lalo tuloy nag iyak yung mga baby. Napag push ups si Steve ng 100 pagkatapos nun.) at marami pa silang ibang tinry... Kaso yun nga, halos mapahiga na yung apat sa pagod eh hindi parin tumitigil yung mga baby sa pag-iyak. Rinding-rindi na yung apat...

So tinawagan na ni Tommy sila Nash para humingi ng tulong...

Tommy: Ayaw tumigil nung mga baby sa pag-iyak, ginawa na namin lahat.

Nash: Pinakain n'yo na ba sila?

Natigilan si Tommy pagkarinig n'ya nan. Nagawa na nila lahat pwera lang doon -_-

Napa face palm na lang si Nash sa kabilang linya.

So ayun nga, napag desisyunan nilang pakainin na yung mga baby. Inutusan ni Tommy si Bryle at Third na ipag gawa ng cerelac meal ang mga anak habang binabantayan naman n'ya sa crib yung nag-iiyak na babies. Kahit lalagyan lang naman ng warm water yung cerelac, pinasamahan parin ni Tommy sila Bryle kay Steve, alam ni Tommy kung gaano katanga sa kusina yung dalawa eh, lalo na si Bryle.

Nagtaka si Tommy kasi 30 minutes na ang nakakaraan hindi parin bumabalik yung tatlo, so binuhat n'ya sa magkabilang braso si Law at Kate tapos pinuntahan sila Bryle...

At hindi makapaniwala si Tommy sa nakita n'ya...

Nakita n'ya yung tatlo na nag-aagawan at nag uunahan sa pagsubo ng cerelac!

"Hoy Bryle, wag mong solohin pahingi pa!" -Steve.

"Oo nga Bryle, isang subo pa!"-Third.

"Tama na! Wala na eh, last pack na to! Akin na to!" -Bryle.

"Sabi ko, gumawa kayo ng pagkain ng mga baby! Hindi kainin yung pagkain ng mga baby!" sigaw ni Tommy! Natigil sa pag aagawan yung tatlo.

So dahil ubos na yung cerelac, yung Gerber na lang yung pinakain nila dun sa mga baby. Buti may ganun pang stock sa ref nila Bryle. May natira sila Law at Kate na Gerber, tinikman yun  ni Bryle, banana strawberry kasi yung flavor, tinikman din ni Third at Steve, at  nag agawan pa yung tatlo dun sa tirang gerber nung mga baby! Napa face palm na naman si Tommy. Pakiramdam n'ya, isa s'yang single dad ngayon na iniwan ng asawa at kinailangang mag alaga ng limang anak -_-

XXXXXXXXXXXXXXXXXXX

BRYLE's POV

Pagkatapos naming mag-agawan sa Gerber (na ang sarap pala) tahimik na kaming nanonood ng tv. Kaso ang sakit na ng binti at braso ko kasi Law, umiiyak pag nilalagay ko sa crib. Kailangan ko tuloy s'yang buhatin habang nanonood. Buti pa yung anak ni Third, tulog na ulit.

Nagsawa yung tatlo sa panonood ng tv kaya nag switch na ulit sila sa paglalaro ng xbox. Inggit na inggit ako kasi di ako makasali sa kanila dahil sa pagbabantay kay Law, gusto kasi n'ya gumapang sa carpet, di ko naman maiwan.

Habang ako ay nakatayo lang na nagbabantay kay Law, nagsisigawan at sobrang nag eenjoy na yung tatlo sa paglalaro...

Pakiramdam ko ang unfair na nag eenjoy si Third kahit pareho lang kaming may baby kaya...

"Third, umiiyak yung anak mo!" sigaw ko, umiyak kasi bigla yung anak ni Third... (dahil dinali ko yung crib ng konti para magising s'ya).

So ayun, medyo nabawasan yung paghihirap ko sa pagbabantay kay Law, dahil may kasama na akong naghihirap din :P

Pero mukhang kinarma agad ako dahil sa ginawa kong panggigising sa anak ni Third tss...

Biglang may umamoy na masama... sobrang sama... at galing yun kay Law! Nagjebs s'ya! At ngayon kailangan ko s'yang linisan! 

Sa tuwing nililinisan ni Nami si Law pag najejebs s'ya, lumalabas ako kasi mahina sikmura ko sa ganun... di ko akalaing kakailanganin kong gawin yun! Ugh, bakit di ko to agad naisip! 

Dahan-dahan kong tinanggal yung diaper ni Law... at boom! Lalong bumaho! Atsaka sobrang kadiri nung itsura, sobrang lapot na... ugh nakakasuka! Kaya sinarado ko na lang ulit yung diaper.

Tumingin ako kila Steve para humingi ng tulong, pero umiwas sila, si Steve biglang humahagok na, ayaw gumising! Si Third biglang naging sobrang busy sa pagbabantay sa anak n'ya, hindi maabala! Kaya lumapit ako kay Tommy at nagpaawa...

"Tommy... best friend..." sabi ko... pero hinawakan n'ya ako sa magkabilang balikat tapos...

"Bryle sa buhay natin, minsan darating yung punto na wala kang maaasahan kung hindi ang sarili mo lang. May mga problema at pagsubok dito sa mundo na, kailangan mong lutasin at harapin ng mag-isa. Ganun talaga ang buhay Bryle," sabi n'ya, tapos pinat na lang ako sa balikat. At nang mga oras na yun, alam kong mag-isa na nga lang ako... (Teka tangna nadala na ako sa pagka dramatic ni Tommy!)

Kaya napalunok na lang ako at wala na ngang nagawa kung hindi harapin ang kalunos-lunos na trahedyang nasa harapan ko...

Inihiga ko na muli si Law at binuksan yung diaper n'ya... Ang baho! Ang baho! Ang baho!

Tinakpan ko yung ilong ko... kaso kailangan kong itaas yung binti ni Law para mapunasan ko. Dalawa lang kamay ko tangna, isang pampunas at isang pangtaas ng binti ni Law, kaya ibig sabihin di ko s'ya pwedeng punasan habang nakatakip ang ilong!

Nagpaawa ako kay Tommy, hinagisan n'ya ako ng panyo, ipangtakip ko daw yun sa ilong ko. Ginawa ko nga. Bakit di ko agad naisip yun?

So okay, solve na yung problema ko sa mabahong amoy... unti-unti ko ng nilapit yung bulak na hawak ko palapit dun sa pwet ni Law kaso...

Kadiri... kadiri... kadiri talaga!

Kahit na cute si Law, hindi cute yung ano n'ya na natatabunan ng maraming madilaw, malagkit na-- ugh! Nasusuka ako kahit tinitingnan lang! 

"Tommy..." tawag ko, kaso pati sya ginaya na yung strategy ni Steve! Humahagok na rin sya kunwari! Si Third ganun na rin! Mga bwisit!

Hindi ko maisip kung paano nakakaya ni Nami na linisin tong ano ni Law araw-araw! 

Gusto ko ng tumawag ng katulong mula sa mansyon pero di kaya ng pride ko. Sinabi ko kay Nami na di ako magpapatulong sa katulong...

Kaya ang ginawa ko... pumikit na lang ako... tapos dahan-dahan ko ng nilapit yung kamay ko dun sa ano ni Law, imagining icing lang ng cake yung inaalis ko... 

"Icing lang yan Bryle... Icing lang--" naramdaman ko na yung malagkit na ano na dumampi sa daliri ko...

Agad akong nanigas at pinagpawisan tapos...

"Ugh, di ko talaga kaya t*ng *na!" napatakbo na lang ako sa cr para hugasan yung kamay ko at saka doon ako nagsuka. T*ng *na ang baho ng kamay ko! 

Pagbalik ko dun kila Law...

"Please, please tulungan n'yo kong hugasan si Law... kahit ano gagawin ko bilang kapalit!" sigaw ko.

Agad na napaalis sa pagtutulog-tulugan yung tatlo.

"Kahit ano?" sabay-sabay nilang sabi.

"Kahit ano," sagot ko.

Tapos nagtinginan yung tatlong gago, nagbulungan, tapos nginitian ako ng ngiting may binabalak.

Parang bigla ko ng gustong bawiin yung sinabi ko.

Ugh! Bakit ba kasi hinamon at inaway ko pa si Nami eh! Akala ko madali lang mag alaga ng baby, hindi pala.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

STEVE's POV

"Please, please tulungan n'yo kong hugasan si Law... kahit ano gagawin ko bilang kapalit!" sigaw ni Bryle.

Agad na napaalis kami nila Third sa pagtutulog-tulugan.

"Kahit ano?" sabay-sabay naming sabi nila Third.

"Kahit ano," sagot ni Bryle.

Agad kaming nagkatinginan nila Third.

Inakbayan ako ni Third at Tommy.

"Best friend, ito na yung chance mo." -Third.

"Huh?"

"Chance mo ng makaganti kay Bryle." -Tommy.

"Huh? Paano?"

"Hugasan mo si Law, tapos bilang kapalit ganto ang ipagawa mo sa kanya..." Binulong sa akin ni Third yung ideyang naisip n'ya. At mukhang napakagandang pang ganti nga yun kay Bryle! Kaya naman agad akong napapayag.

Ngumiti kami kay Bryle tapos...

"Okay, huhugasan daw ni Steve si Law..." sabi ni Third.

"Pero kapaliit nun..." -Tommy.

Ngumiti ako ng malaki kay Bryle at sinabi yung kundisyon ko...

Agad na nanlaki yung mata n'ya at agad s'yang napamura, pero wala na s'yang magagawa, sinabi na n'yang kahit ano gagawin n'ya. Si Bryle yan, hindi kaya ng pride n'yan na di tumupad sa usapan, kaya kahit magmura pa s'ya, wala s'yang magagawa kung hindi sumunod. Bwahaha. It's payback time.

XXXXXXXXXXXXXXXXXX

BRYLE's POV

"P*tang *na mo Steve. P*tang *na mo Steve. P*tang *na mo Steve." Chinachant ko yan sa sarili ko habang nagtutulak ng push cart. Nasa mall kaming apat ngayon, naggogrocery ng pang hapunan at merienda namin, pati narin ng gatas at diaper ni Law.

Hindi ako nagmumura dahil sa tinatamad akong mag grocery...

Nagmumura ako kasi...

"Hon pakibilisan..." sabi ni Steve sa akin habang buhat n'ya si Law. Tawang-tawa  naman silang tatlo pagkatapos.

"Mommy Rylie, gusto ko nun!" Turo ni Third sa isang gallon ng ice cream. Tawang-tawa na naman sila.

Bakit sila nagtatawa?

Aba, eh ang mga p*tang *na pinagbihis ako na parang isang nanay! Nakawig ako ngayon at suot ko yung isang dress ni Nami! Minake upan pa ako nung ex ni Steve na make up artist! Naggrocery ako ngayon na nakadamit babae! Tapos kailangan ko pang umastang babae at asawa ni Steve, tapos nanay ni Third at Tommy! Yan ang hininging kapalit ni Steve kapalit ng paghuhugas n'ya kay Law!

Ugh! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana humingi na lang ako ng tulong sa katulong! Sana nilunok ko na lang yung pride ko! Eh mas nakakababa ng pride tong ginagawa ko ngayon eh!

"Hon, family picture tayo halika!" Hinigit ako ni Steve tapos nagpicture kami gamit yung monopod n'ya. Ngiting-ngiti yung mga gago pwera lang sa akin! 

"Ang gagwapo nila, kaso bakit ganun yung babaeng kasama? I mean may itsura, kaso panglalaki talaga yung features eh. Mukha tuloy contestant sa suffer sireyna!" Narinig kong sabi nung isang studyanteng naka uniform habang nagpipicture kami. 

Susugurin ko na sana pero pinigilan ako nila Tommy. Tawang-tawa yung mga gago.

Gusto ko ng mag walk out at pagmumurahin sila kaso ang usapan namin ni Steve di ako pwedeng magpalit hanggat di kami nakakauwi. Bwisit. Kaya wala na lang akong nagawa buong oras kung hindi...

"P*tang *na mo Steve. P*tang *na mo Steve. P*tang *na mo Steve." magchant ng ganyan habang iniisip kung paano ako gaganti ng malupet kay Steve pagkatapos.

Lintik lang ang walang ganti.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

STEVE's POV

Worth it yung halos masuka-suka kong experience sa paghuhugas ng jebs ni Law. Sobrang laughtrip yung pagpunta namin sa grocery store kanina! Sobrang nakaisa ako kay Bryle! Bwahaha!

Kaso pag uwi namin, super demon monster form s'ya bigla! Parang naging si Hulk s'ya, pinunit na yung suot n'yang damit sa sobrang galit, at kung wagas na s'ya magmura, mas malulutong ng di hamak yung mura n'ya kanina. Akala ko nga mabubugbog n'ya kaming tatlo, buti na lang natigil s'ya at kumalma nung mag iyak si Law. Natakot ata sa pagsigaw n'ya. So ayun, dahil malakas naman si Law kay Bryle...

"Sorry baby Law. Sorry, di na ulit sisigaw si Daddy. Sorry." ganyan s'ya ngayon habang pinapatahan si Law sa bisig n'ya. Hinahaplos n'ya ito at hinahalikan.

Natigilan nga kami nila Tommy kasi dun lang talaga namin nakita kung gaano kamahal ni Bryle yung anak n'ya. Noon lang namin nakita si Bryle na ganun... mukha na talaga s'yang ama. Dahil sa pagiging childish ni Bryle, hindi pa agad nag sink in sa amin na tatay na s'ya... pero habang pinagmamasdan namin s'ya, kung paano n'ya patahanin si Law... kung paano s'ya magsorry dito... 

"Daddy na talaga s'ya no?" nasabi ko na lang. Napatango naman si Third at Tommy. Nilubayan na namin si Bryle pagkatapos noon.

Si Third, nadala ata ni Bryle sa momentum n'ya kaya sinimulan narin n'yang haplusin, laruin at halikan si Kate sa isang tabi. Habang pinagmamasdan ko yung dalawa, sa di inaasahang pagkakataon, nakaramdam ako ng inggit.

Akala ko, mahirap magkaanak. Ayoko pang magkaanak kami ni Witch kasi pareho naming gusto pang magawa ang gusto namin. Maraming bagay ang hindi mo na magagawa pag nagkaanak ka na eh. Hindi pa ako ready na bitawan yung mga nakasanayan kong gawin. Pakiramdam ko sobrang troublesome ng pagkakaron ng anak. Pakiramdam ko liliit yung mundo ko... Pero habang pinagmamasdan ko sila Bryle at Third... yung ngiti nila habang pinagmamasdan yung mga anak nila... Yung saya sa mata ni Third pag tinatawag s'ya ni Kate ng "Dada"... Yung halos maiyak na expression ni Bryle pag napapatawa n'ya ng malakas si Law... I think I'm starting to change my mind. Yung mundo kasi nila Bryle, imbis na lumiit parang mas lumawak. I often saw how happy they are kasama sila Nash at Katie... pero I have never seen them this happy. Parang mas masaya sila ngayon.

Masarap ba talagang tawagin ng "dada"? Masarap ba talagang magkaron ng anak? Mas sasaya ba ako pag nagkaron narin kami ng anak ni Witch? Yan ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko habang pinagmamasdan namin ni Tommy sila Bryle.

At hindi ko na namalayan, nakita ko na lang ang sarili ko na tinetext si Witch ng ganito...

"Witch... parang gusto na kitang anakan."

That was a thought with lots of seriousness in it. I meant it in the purest of form... Like I really wanted to be a dad... pero Witch kind of took it the wrong way...

"Pervert! Puro yun na lang nasa isip mo!" yan ang reply n'ya. Akala n'ya sex lang ang habol ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Slow rin talaga si Witch minsan.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

NASH's POV

Niloloko lang naman namin ni Katie sila Bryle na magssleep over kaming dalawa. Of course di namin kaya na iwan yung babies namin for a whole day sa kanilang apat. Di kami makakatulog ng ayos ni Katie. So about 6pm, pumunta na kami ni Katie sa Weekend House namin.

Nadatnan namin yung apat na nakahigang natutulog sa nakalatag na blanket sa saheg ng living room. Nakahiga sa dibdib ni Bryle si Law, habang yakap-yakap ni Bryle. Ganun din si Third at ang anak n'yang si Kate.

Sobrang himbing ng tulog nilang lahat. Mukhang napagod sila. Ang cute nilang tingnan kaya pinicturan namin sila ni Katie bago namin sila gisingin.

Nakahiga na kami ngayon ni Bryle sa kwarto...

"Nami..."

"Hmm?"

"Sorry."

"Para san?"

"Sorry sa pagtawag ng "lang" sa pag-aalaga mo kay Law. Mas mahirap nga yung ginagawa mo kaysa sa akin," sabi n'ya.

Napangiti naman ako. Nagmature na talaga s'ya kahit di halata. Marunong na s'yang mag admit ng pagkakamali n'ya. Kaya na n'yang ibaba ang pride n'ya para magkaayos kaming dalawa.

Hinalikan ko s'ya sa labi.

"Pareho lang tayong nahihirapan. Mahirap maging magulang, pero worth it naman diba?"

S'ya naman yung humalik sa akin.

"Worth it na worth it," sabi n'ya tapos niyakap n'ya ako ng mahigpit. "At mas magiging worth it pa ang lahat... kung..."

"Kung?"

Bumulong s'ya sa tenga ko, "Kung susundan na natin si Law."

Agad tuloy akong namula.

Wala eh Bryle Stanford yan eh. Yung mga da moves laging pamatay.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

AUTHOR's POV

All is well that ends well naman ng araw na iyon.

Nagkaayos si Nash at Bryle, at nakascore pa si Bryle kay Nash.

Sweet na sweet na natulog ang mag hubby and wifey na si Third at Katie, namiss nila agad ang isa't-isa.

Natuwa at natouch naman ang mommy ni Tommy dahil pag uwi ni Tommy bigla na lang niyakap ni Tommy ang mommy n'ya saying "I love you" pa to her.

Natuwa rin ang mommy ni Steve that day kasi binisita s'ya ni Steve tapos bigla na lang ding niyakap saying, "Thank you" and "I love you Ma" to her, tapos inaya pa s'yang magshopping  out of the blue.

Mukhang dahil sa experience ni Tommy at Steve with the babies, nakita nila kung gaano ang hirap na ginawa ng mga mommy nila para mapalaki sila. Mas naapreciate nila ang mga nanay nila after that day. Mas naappreciate din ni Bryle at Third yung hirap ng mga asawa nila sa pag aalaga sa mga baby nila, because of that, mas minahal pa nila ng araw na yun ang mga asawa nila.

The day ended well for everyone...

Well... not really for everyone...

May isang... medyo sumabit lang ng konti... Konti lang naman...

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

STEVE's POV

Masaya at contented akong umuwi sa condo na pinagsstayan namin ni Witch pagkatapos kong idate si mama. It was really nice spending some time with her. Namiss ko s'ya.

This day is really great. Marami akong natutunan na lessons. Tapos nakaganti pa ako kay Bryle at nakaligtas pa sa parusa n'ya dapat dahil kay Law. Hindi pa ako pinagtripan ni Third at Tommy... kulang na lang talaga si Witch...

Kaya tinext ko si Witch since ayaw sumagot ng babaeng yun sa tawag ko... sa text lang nagrereply...

"Witch, anong oras ka ba uuwi bukas? Sunduin na kita d'yan sa Hotel."

Reply n'ya: "Di ako uuwi bukas."

Reply ko: "Bakit?"

Reply n'ya: "Inextend ni Bryle yung free VVIP stay ko dito sa hotel nila. Ginawa n'yang 1 week, kapalit ng hindi ko pakikipagkita sayo for that week. Sorry lamok, minsan lang to, uuwi naman ako d'yan after a week. So bye muna. Pupunta pa ako sa spa."

Nailaglag ko na lang yung cellphone ko. 

Unti-unti kong narealize ang lahat...

Akala ko nakalimutan na ni Bryle ang pag ganti sa akin dahil sa pagbibihis n'ya ng pambabae kanina... pero mukhang hindi pala! Si Bryle nga pala s'ya at lintik lang ang walang ganti ang motto n'ya!

At mukhang alam nila Third at Tommy na ganito yung mangyayari, kaya inuto nila ako para ipagawa kay Bryle yung pinagawa ko! Pinlano nilang dalawa ang lahat ng to! Sinasabi ko na nga ba't hindi pwedeng di nila ako pagtitripan!

Pero huli na ako nang marealize ko ang lahat kaya naman wala na lang akong nagawa kung hindi...

"Curse you Third and Tommy!" sumigaw ng ganyan. 

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

AUTHOR's POV

Oh and mean while, that same night... something you wouldn't expect happened... 

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

TOMMY's POV

Out of curiousity dahan-dahan kong sinubo yung kutsara...

"Ang sarap nga no?" nasabi ko na lang.

Tapos biglang bumukas yung pinto sa kwarto, si mama yung pumasok.

Agad kong nabitawan yung hawak ko.

"Is that... baby food you're eating? That's Gerber right?" tanong ni mama.

Agad na lang akong humiga sa kama at nagtaklob ng kumot dahil sa kahihiyan.

Ano bang nangyari sa akin?

Pumatol na nga ako sa mas bata sa akin... ngayon pati pagkaing pambata, pinatulan ko narin. Nacurious lang kasi ako sa lasa nun kasi mukhang sarap na sarap sila Bryle kanina kaya palihim akong bumili nun sa grocery store...

"Tommy, anak, anong meron? Bakit ka kumakaen nun? Sumagot ka naman!" -mama, pilit inaalis yung comforter ko.

"No comment  ma! No comment!" sigaw ko na lang habang nagtatakip parin ng comforter.

MOST EMBARASSING DAY OF MY LIFE.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

A/N:

First of all, I bet maraming typo errors to 'cause I typed this with my self half asleep. I finished typing at 4:47 am so yeah, di ko na machecheck kung anong kinalabasan ng tinype ko. Tulog muna ako.

Anyway, namiss ko yung apat na loko kaya sa kanilang chapter muna yung ginawa ko kasi di pa talaga ako makaisip ng ThirTie Chapter nung mga nakaraang araw. Pero may naisip na akong ThirTie chapter kagabi, so bonus special chapter #6 would be about ThirTie na talaga. Then bonus special chapter #7 is about MerCy.

VenTo's mini book, di ko pa masimulan, busy pa. Basta gagawan ko rin yun balang araw haha.

This is just a random chapter na naisip ko out of boredom. Medyo sabaw and lacking ito compared to my previous special chaps, but sana naenjoy n'yo parin. Pinaghirapan ko rin naman yan! Ang tagal ko tinype yan kasi ewan ko ba, patigil-tigil ako. Siguro mga 4 days ko tong tinatype. Bwahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

61.6K 1.3K 19
MERRIN SIBLINGS SERIES 1
169K 5.8K 45
(Written in taglish) Sapphic medical romance story. 心を盗まれた (Stole My Heart) Start: November 13, 2022 End: January 11, 2023- COMPLETED. This story is...
2.2M 73.5K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
425K 9.5K 31
Perfect Haters (prequel) the missing piece. What really happened after the proposal and before the wedding? Did they really marry one another or was...