BONUS SPECIAL CHAPTER #1: I will make f*cking LIGAW?!

682K 8.1K 2.8K
                                    

BONUS SPECIAL CHAPTER #1: I will make f*cking LIGAW?!

(Note: Ang timeline po nito ay bago pa ikasal si Bryle at si Nami, hindi parin buntis si Nami dito. Months ago to bago yung kasal nila ^_^ )

NASH's POV

"Congratulations graduates!" pagkasabi niyan ni Lolo Bernard sa closing remarks nya para sa graduation ceremony namin sa Stanford University, napuno ng palakpakan yung buong hall.

Nagyakapan kami ni Katie at tuwang-tuwa syempre kasi nakatapos na talaga kami ng pag-aaral. Habang tuwang tuwa kaming nagcecelebrate ni Katie at nagyayakapan dun...

"Ehem." May narinig kaming ganyan. Nung magbitaw kami ni Katie nakita ko si Bryle at sila Third. Nandito nga pala sila, actually mas nauna yung graduation day ng course nila kaysa sa course namin.

"Congrats wifey." sabi ni Third kay Katie, nilapitan naman siya agad ni Katie at niyakap. Si Steve pumunta kay Stacy (kasabay kasi namin ang tourism students).

"Graduates na tayo. Alam mo ba ang ibig sabihin nito Nami?" bungad sa akin ni Bryle na may napagkalaking ngiti.

"Hmm... kailangan nating mag celebrate kasi nakagraduate ka kahit sobrang tanga mo?"

"Oo-- heh! Hindi yun!"

Natawa ako ng konti bago ulit nakaimik.

"Hmm... dapat magcelebrate na si Steve kasi sa wakas makakaligtas narin siya sa pangbubully nyo at mga push ups mo?"

"Oo nga no? Hindi ko naisip yu-- teka! Hindi yun Nami! Hindi kasi yun yon!"

"Eh ano ba kasing iba pang ibig sabihin ng graduation Bryle?"

Sinimangutan niya ako ng sobrang sama. Kung gaano kalaki yung ngiti niya sa akin kanina, sya namang sinama ng mukha niya ngayon. Inaasar ko lang naman kasi sya eh. Pikon talaga.

"Hoy Bryle, ano ba kasi yun?"

"Ugh! Bobo ka talaga! Diba sabi mo sakin dati magpapakasal ka sakin pag nakagraduate ka na? Eto na oh! Graduate ka na! Ibig sabihin nun pwede ka ng magpakasal sakin!" sigaw niya, pikon na talaga siya.

"Ah... yun pala yun." sabi ko kahit alam ko naman talaga yun.

"Oo yun yon. So ano, pwede na tayong magpakasal?" Nilapitan niya ako bigla at hinawakan sa magkabilang balikat. Minsan ko lang makitang ganito kaexcited si Bryle.

"Card." sabi ko, poker faced.

"Huh?"

"Nasaan yung card mo? Diba usapan natin papayag akong magpakasal sayo pagka graduate ko kung aabot sa 85 yung average grade mo?" sabi ko, kahit ang totoo kahit ano namang grade nya pakakasalan ko parin siya, gusto ko lang talaga syang pagtripan hehe. Pag mag asawa na kasi kami di ko na masyado magagawa to.

Ang ineexpect ko, aayaw si Bryle na ipakita sa akin yung card nya at magpupumilit na lang na pakasalan ko sya pero...

"Ha! Yun lang ba? Ito oh! Tingnan mong mabuti!" May kinuha syang papel mula sa bulsa nya, probably yun yung copy of grades nya.

Noong makita ko yung average...

"E-eighty seven? Eighty seven ang average grade mo?" Nanlalaki yung mata ko atsaka nakasigaw na ako dahil sa gulat.

"Ako pa?" pagyayabang nya.

"Patingin ngang mabuti! Baka namamalikmata lang ako!" Hahablutin ko sana sa kanya yung papel na pinapakita niya para tingnan ko pa yun ng mabuti pero biglang nilayo sakin ni Bryle yung papel.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon