CHAPTER 36- Go Away!

638K 6K 2K
                                    

CHAPTER 36- Go Away!

LOLO BERNARD's POV

"Bwisit! Bwisit! Bakit hindi niyo na lang kasi ako hayaan?! Mga bwisit kayo! Bwisit! Bwisit!" awang awa na ako sa apo kong si Bryle hindi na sya makatayo pero pinipilit parin nya

Kung hindi pa siguro dumating yung mga tauhan ko, malamang sa hospital na ang diretso nya. Sobrang dami nyang pasa, putok yung gilid ng may labi nya.

"Bryle magpahinga ka muna. Hayaan mo munang gamutin ka ng mga--"

"Magpahinga?! Magpahinga tanda?! Kinuha sakin yung girlfriend ko! Kinuha sakin! Nahawakan ko na sya kanina tapos malalaman kong fiance na sya ng iba? Sa tingin mo makakapagpahinga ako nito? Umalis na nga kayo dito!" tinabig nya yung private nurse na nasa tabi nya na gagamutin sana yung sugat nya

Pinaalis ko na yung nurse at yung iba pang bodyguards at katulong na nasa kwarto. Maya maya dumating na si Cynthia kasama ang apo kong si Hell.

"You! Where's Nami? Where did you hide her?! Stupid Bwayli I hate you! I hate yo--" sinugod agad ni Hell si Bryle na kasalukuyang nasa kama pero natigil sya nung kwelyuhan sya nito

"Sa tingin mo ba ikaw lang ang nagagalit na wala sya dito? Sa tingin mo ba ikaw lang ang disappointed na hindi mo sya kasama?! Wala akong oras makipaglaro sayo ngayon, kaya umalis ka sa harap ko!"-Bryle sabay tulak kay Hell, halata mong pinipigilan na nyang mapaiyak, awang awa talaga ako sa apo ko, sa mga apo ko

"Hell, go outside, wait for me there.." -Cynthia

"But old lad--I mean mom--"

"Please.. Please Hell." hindi na lang umimik si Hell pagtapos nun at lumabas na sya

Ngayon kami na lang tatlo nila Bryle dito sa kwarto, ako, si Cynthia at si Bryle.

"My dear nephew, don't be like this. Look at the state you're in! Halos hindi ka na makalakad! Kaya please, ngayon lang ako makikiusap sayo, please, kahit para sa amin na lang ng lolo mo, please stay here." -Cynthia

Nagmamakaawa na si Cynthia kay Bryle pero parang walang naririnig si Bryle. Pilit parin syang lumalakad papunta sa pinto kahit hirap na hirap na sya. 

"Bryle apo please, please wag ka ng umalis. I don't wanna use force on you anymore. Sige na Bryle, dito ka na lang please." sigaw ko pero tulad ng kay Cynthia, parang hindi rin nya ako naririnig

Tuloy tuloy sya paglalakad papunta sa may pinto, I was about to call the guards pero nung mahawakan nya ang doorknob, bigla na lang syang nag collapse. Hindi na nya kinaya. So we immediately brought him to the hospital.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BRYLE's POV

"Nami!!!!!" sigaw ko sabay napamulat ako, panaginip lang pala

Hindi, kahit naman hindi sa panaginip wala parin si Nami sa tabi ko ngayon. Nakuha sya, at kung hindi nagloloko yung alagad ni Go, may balak ang lolo ni Nami na ipakasal silang dalawa! Hindi yun pwede! Hindi ako papayag!

"Bryle! Bryle ayos ka lang?" nakita ko si Steve sa harap ko, nasa hospital pala ako?

"Ba-bakit ako nandito?"

"Pre nagcollapse ka daw sabi ni lolo Bernard. Magpahinga ka muna." -Third

"Anung oras na? Gaano na ako katagal dito?"

"Mag aalas kwatro na ng hapon. Simula kagabi ka pa nandito."-Tommy

"Ganun ako katagal nakatulog? Tss. Aalis na ako." tinanggal ko na yung dextrose na naka kabit sa akin at bumangon na ako pero humarang yung tatlo sa daraanan ko

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon