10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 39 : RESULT

91.4K 1.9K 54
By Khira1112

RHEA POV

Iyak ako ng iyak kagabi. Basang-basa ang unan ko . Walang kwenta ang pag-aayos ko dahil humulas ang make-up ko. Buti na lang at walang nagtangkang pumasok sa kwarto ko maliban kay Anne. Itinaboy ko siya dahil ayokong makita niya akong umiiyak. Sobrang nanghina ako sa nangyari . Siguro naging abala sila Papa at Kuya sa pag-aasikaso ng mga bisita kaya hindi na nila ako napag-abalahang hanapin at pinagpasalamat ko 'yon . Ayokong makita nila akong umiiyak na parang tanga at wala akong masasabing dahilan kung bakit ako umiiyak . 

Shit ka kasi , Rhea! Sobrang labo mo!

Hindi ko talaga alam kung anong nangyari pagtapos kong sagutin ang huling tanong ni Ren. Shit! Hindi ko alam kung iyon ba talaga dapat na isagot. Alam kong mali pero , pakshet, ano bang tama?

Walang tayo. . .

Huminga ako ng malalim. Pakshet ka , Rhea! Kailan ka pa ulit naging iyakin? Ang blaka mo!

Pinilit kong tumayo kahit nanlalata pa rin ako. Literal akong nanghina sa sinabi ni Delgado kagabi. Alam mo yung feeling na para kang mahihimatay? Shit talaga.

Napaiyak ulit ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Ang pangit pangit ko.  Nakadress nga ako pero pangit pa rin ako. Sayang lang yung pagapapa-home service ko. Nag-effort na naman ako pero walang napuntahan.

Inayos ko ang aking sarili. Hindi ko alam kung paano ko mapapaimpis ang pamamaga ng mga mata ko. Tama bang idahilan ko na kinagat ng ipis ang mata ko? Maniniwala kaya sila? Malamang , hindi! Wala namang ipis dito sa amin.

Ano na ? Paano na 'to ngayon? Ano bang dahilan ng pag-iyak ko? Bakit ako nasaktan kagabi? Masyado ba akong dense? In denial sa sarili kong nararamdaman? Eh , pakshet, ano ba kasing meron sa damdamin ko ? Ba't ako nasasaktan? Shit!

Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako. Iniiisip ko kung lalabas pa ba ako ng kwarto. Kahit gusto kong magmukmok dito buong araw , hindi pwede. Mapapansin iyon agad nila Papa at Kuya . Sigurado akong magtataka yung mga iyon. 

Rhea, fix yourself! Kasalanan mo 'yan! Tiisin mo yung sakit. Paskshet ka , eh! 

Okay. Hingang malalim ulit. Normal pa kaya kami ni Delgado? Alam kong sobrang weird namin , ang tanong ko ay magiging gano'n pa ba kami? Pagtapos ng nangyari kagabi , pwede pa ba kaming maging gano'n? Paranga malabo na rin . Ewan . Bahala na mamaya.

Ano kayang magandang gawin ngayon ? Tawagan ko kaya si Anne. May kasalanan nga pala ako sa bestfriend ko. Tinaboy ko siya kagabi . Baka nagalit iyon sa akin . O baka naman inisip niya na galit ako sa kanya.  Ang tanga naman kasi. Masyado akong naging madrama kagabi. Kailan pa ako naging drama queen? Tss. 

Napatingin ako sa orasan . Masyado pang maaga para pumasok pero nagbihis ako agad. Kailangan kong pumasok kahit tinatamad na naman ako. Kailangan kong mag-sorry sa bestfriend ko. 

Nagtagal ako sa banyo. Halata pa rin ang pamamaga ng mga mata ko pero at least, hindi na kasing maga ng kanina. Ang pangit ko talaga! Nakakainis. Naiinis ako sa sarili kong mukha. Pa-retoke kaya ako? Joke. Wala akong pera. Kailan kaya babalik si Shai? Baka maremedyuhan niya ang nakakainis kong mukha.

Tulog pa ang mga tao sa bahay ng pumasok ako. Buti na lang . Mabuti na rin yung hindi nila nakita na ganito ako dahil baka mag-ala-imbestigador ang Kuya at Papa ko. Sobrang protective pa naman ng mga 'yon. Lalo na si Kuya. Kaya bago pa ako maging hot topic , umalis na ako ng bahay. Kahit kumakalam ang sikmura ko , hindi na ako nag-breakfast. Sa cafeteria na lang ako akain.

Tulad ng inaasahan ko , isa ako sa early students. Wala pang masyadong tao. Tinext ko si Anne at sinabi kong magkita kami sa cafeteria.  Sinamantala ko na kumain habang naghihintay sa kanya. After 20 minutes dumating siya, Halata sa mukha niya ang pag-aalala at kaba. 

"Rhea. . ."

Nginitian ko siya . "Hi, best. Sorry kagabi ,ah? Hindi ko sinasadya. Wrong timing ka naman kasi dumating. Nag-e-emote ako no'n , eh." pinilit kong tumawa . Pilit na pilit. 

"Sure ka? May problema ba?" tanong niya at niyakap niya ako. Naka-pout siya. Halatang nag-aalala. Such a sweet gesture of her. 

"Oo. Okay lang." mahina kong sagot. Okay, Rhea. Pangatawanan mo 'yang sagot mo , ha. Ipakita mo na okay ka lang. Tss. Liar. Sabi ng isang parte ng utak ko.  Napabuntong hininga ako. "Stress lang ako kagabi. Sorry talaga. Napagbuntunan pa tuloy kita ng inis."

Ngumiti siya at pinat ang ulo ko. "Okay lang. Naiintindihan ko. Basta pag may problema , just tell me ,okay? I'm always here." 

Ito ang gusto ko sa bestfriend ko. Kahit pa nga ba magkaibang-magkaiba kami , pinagpapasalamat ko na may kagaya ni Anne na umiintindi sa akin kahit hindi ako madaling intindihin. Naisip ko si Delgado. . .

Hay, takte naman ! Bwsit na buhay 'to. Nakakainis!

Pinilit kong maging okay sa araw na 'to. Para hindi na magtaka pa si Anne. Nagsimula ang klase at hindi ko nakita ang presensya ni Delgado. Hindi siya pumasok. Lalo akong naligalig. Panay ang tingin ko sa bakanteng upuan niya. Paano na 'to ? Paano ko malalaman kung okay pa ba kami?

Well , never naman ata kaming naging okay ni Delgado. We're too weird to the point na pati sarili namin ay hindi na rin namin maintindihan. Buong araw, pakiramdam ko ay nakalutang ako. Ang daming tanong na nabubuo sa isip ko. Paano na yung work-out session ? Meron kaya mamaya ? Saka yung resulta ng daily maturity test? Magtatapos na ang month na 'to. Ibig sabihin magsisimula na ang third step . Babalik na rin si Shai. Paano ko masasagot ang sangkatutak na tanong sa isip ko kung wala naman dito so Delgado? Magpakita pa kaya 'yon sa akin?

Pakshet  kasi yung tanong niya , eh. Alam niyo yung sobrang na-pressures? Parang surprise quiz na kapag naibagsak mo ay bagsak ka na habang buhay? Ganoon yung feeling! Daig pa yung periodical test namin . Nagimbal ang brain cells ko.

"Rhea. . .'

"Oh! What?" Sa gulat ko ay napabaling ako kay Anne. 

Nakatingin siya sa akin ng matiim . "Okay ka lang ba talaga? Kanina pa kita kinakausap , eh. Mukhang may problema ka pero ayaw mo sabihin sa akin." malumanay niyang tanong.

Napalunok ako at umiwas ng tingin . "I'm okay , Anne . Don't mind me. Medyo kulang langa ko ng tulog kagabi kasi late na natapos yung welcome-slash-birthday party ni Kuya Rex." ngumiti ako para pagtakpan ang pagpapalusot ko. Mukhang nakumbinsi ko naman siya. "Yung regalo nga pala natin kay Kuya Rex, nilagay ko sa side table sa kwarto mo. Nakita mo ba? "

"N-nakalimutan ko ,eh. Saka hindi ko napansin. Nagmamadali ako kanina paalis."

"Ohh. Bigay mo na agad kay Kuya mamaya. Bakasabihin pa no'n nakalimutan natin ang birthday niya."

Tumango ako. Buti na lang hindi masyadong nag-usisa si Anne sa nangyari kagabi. Sa kanya kasi ako nagpaisip ng regalo na ibibigay kay Kuya Rex. Malamang , magtataka siya kung bakit parang nawala iyon sa isip ko.

Occupied pa rin ang utak ko pag-uwi ko sa bahay. Walang Delgado na naghihintay sa akin ngayon. I hate to say this but this day , I felt so incomplete. Shit! Sinasabi ko na nga ba , nasanay ako sa presenya ni Delgado! Argh!

Naabutan ko si Kuya na papalabas ng gym. Sinalubong niya ako ng ngiti. I smiled back.

"Hey, sis. Hindi kita nakita sa party kagabi , ah? Hindi ka ba lumabas ng kwarto mo?'

"Sorry , Kuya. Medyo , uhmmm. stress lang. Enjoy ba ang party mo?" pag-iiba ko ng topic.

"Yeah. Masaya naman. Pero nagtatampo ako sayo." ngumuso siya. "Hindi mo pa ako binabati , ah?'

Tumawa ako. Sinugod ko siya ng yakap . "Belated happy birthday , Kuya!" napangiwi ako nang maramdaman ang pawis niya. "Yuck!"

Humagalpak siya ng tawa. "Ang arte mo." hinilamos niya sa mukha ko ang kanyang palad. Akmang papaluin ko siya sa braso pero tumakbo siya palayo sa akin.

Pansamantala kong nakalimutan Si Delgado. Nakipagbonding ako sa Kuya ko. Matagal tagal na rin kaming hindi nagiging ganito. Namimiss jko na rin ang mga Kuya naming nasa ibang bansa. Sana mabuo kami next time. 

"Ang daya!" sigaw ko ng matalo ako ni Kuya sa nilalaro namin sa xbox. 

"Whoo! Weak ka pa rin!" sabi niya sabay tawa ng malakas. "Rematch , oh. Pustahan , talo ka pa rin.' mayabang na sabi niya. Nginisihan ko siya.

Nag-rematch kami at pahirapan ang laban pero sa huli , ako na ang nanalo. Napatalon ako sa tuwa. "Sinong weak ngayon? Lol, Kuya!"

Napakamot si Kuya sa kanyang kilay ngunit nakangisi pa rin . "Okay fine. Anong gusto mong treat?'

Sinabi kong gusto ko ng pizza. Agad siyang nagpadeliver.  Nilantakan ko kaagad yung pizza pagkadating na pagdating ng delivery boy. 

"Ang takaw! indi pa 'yan bayad!" natatawang sabi ni Kuya. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang paglantak sa pizza. Depress ako ngayon kaya kailangan ko ng maraming pagkain! Kialangan kong kumain ng kumain para naman mabawasan 'tong depression na nararamdaman ko. Ang pipigil sa akin , masasakal ko !

Naisip ko si Delgado , muntik ko na mailuwa ang pizza. Nabilaukan ako nang may nalala ulit ako. Yung diet ko! Shit! Wala sa loob na nailapag ko yung pizza. 

"Oh? Don't tell me, ayaw mo na ? Kung kailan bayad na , saka aayaw?" natatawang sabi ni kuya. Kumuha rin siya ng pizza at kinagatan iyon.

"Wala . May naalala lang ako." namula ako. Shit! Bakit ko pa sinabi iyon ? Ang bunganga talalaga , Rhea! Hindi mo man lang ba 'yan mapigil? Tss. 

"Ano 'yon?"

"Wala!"

"O tapos ngayon , biglang magsusungit. Amazing." komento niya na sabay kagat ulit sa pizza. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Heh! Shut up , Kuya."

Napailaing siya habang nakangisi. "Time of the month ba ito?" pasaring niya.

Binato ko siya ng throw pillow. Naabutan kami ni Papa na nagbabarahan. "Rex, I need to talk to you.' Napatingin sa akin si Papa at ngumiti. Bumati ako saka lumapit kay Papa.

"Wala ka ba sa party ka ba sa part kagabi , hija? Hindi ka bumaba?"

"Eh, medyo pagod ako , Pa. Sorry."

"Sure? Masama ba ang pakiramdam mo kagabi?"

"O-opo. Medyo." pagsisinungaling ko. Umiwas ako ng tingin at napatitig ako kay Kuya Rex na matiim na nakatingin sa akin.

"I hope you're okay now.'

"Yes, Pa. Okay na okay na ako." sumuntok ako sa ere at ikinatawa iyon ni Papa.

"Good. Mag-uusap lang kami ng Kuya mo. May sasabihin lang ako tungkol sa business. And oh , may bisita ka sa salas. Nando'n si Lawren. Naghihintay sayo. May usapan ba kayo ngayong araw?'

"Po? Nasa labas si Delgado?" napasigaw ako sa gulat. Nandito si Delgado? Oh , my God! Magtatago na ba ako sa kwarto ? Ano na gagawin ko? Aaaaargghh! 

Baliw ka na talagang babae ka! Kanina hinahanap hanap mo tapos ngayong nandito na , magtatago ka? Baliw!

Luh? Hinahanap kp ba siya kanina? Hindi naman , ah!

Sige. Pagpatuloy mo 'yan . Deny mo pa. Pagkalamat mo hanggang pluto. 

Nagdidigma ata ang dalawang parte ng utak ko. Iniwan na ako nila Papa at Kuya para makapag-usap sila tungkol sa business . Naiwan akong nakatunganga sa entertainment room . 

"Lalabas ba ako o hindi? Lalabas ba ako o hindi  ? Lalabas ba ako o hindi?" nagpalakad-lakad ako sa buong silid. Sasabog na ang utak ko!

Muntik na akong mapatalon nang bumukas ang pinto. Agad akong napaupo sa sofa. Nakita kong sumilip si Delgado. Naka-black sando siya at jerset shorts. Wow. Feeling at home ? Pumunta siya rito na nakapambahay lang. 

Walang nagsalita sa aming dalawa. Umiwas ako ng tingin at umusog sa pinakadulong at kanang bahagi ng sofa. Umupo siya sa kabilang dulo habang nakatingin sa flatscreen tv na hindi pa rin napapatay hanggang ngayon. Tumikhim ako. Tumikhim rin siya. Pakiramdam ko tuloy ginagaya niya pati paghinga ko.

Ang paranoid mo , Rhea. Inaatake ka na naman !

Okay . . . Ano na next nito? Aish!

Kinuha ko yung joystick. Nagulat ako nung nakita ko siyang kumilos at kinuha yung joystick na ginagamit ni Kuya Rex kanina. Napalunok ako. Hindi siya nakatingin sa akin . Nasa tv pa rin nakatutok ang mga mata niya.

Pumili ako ng laro. Nagkukunwari ako na walang pakialam sa kanya kahit na aware na aware ako sa bawat galaw niya.

"Laban tayo." sabi niya.

Muntik na akong mapanganga nung nagsalita siya. Kinausaop niya ako! Teka , ako nga ba yung sinabihan niya no'n?

Malamang , Rhea! Kayong dalawa lang ang tao rito. Alangan namang kinakausap niya yung joystick ?

Naglaro kami ng COD. Naalala ko yung huli kong nilaro itong COD. Si Coby ang kalaban ko. Shit. Bakit ang dami kong flashback ngayon ? Kung nababasa kaya ni Delgado ang utak ko ngayon , anong mararamdaman niya? Magselos kaya siya kay Coby?

Huwag ka munang mag-assume dyan! Ayusin mo muna ang gusot niyong dalawa!  

Ang epal ng utak ko , no? 

Natalo niya ako sa unang laro. Pati sa pangalawa at pangatlo. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Wala sa laro ang focus ko. Focus ako sa pakikiramdam sa kanya. Sa ibang pagkakataon , siguro mag-f-freak out ako dahil hindi na naman ako manalo-manalo sa kanya. Pero iba ngayon . May gusot kami at hindi ata ako makakatulog mamayang gabi pag hindi naayos 'to.

Binitawan niya ang joystick at medyo kinabahan ako . Lumingon ako sa kanya. Lumingon erin siya sa akin . Nasa magkabilang dulo pa rin kami ng sofa. Ilang segundo kaming nasa ganoong ayos. Nakatitig sa isa't-isa. Ang awkward. Yung puso ko , nagwawala na naman.

Mag-sorry ka na , Rhea! Ay , shit! Itapon mo muna ang pride mo!

Lumunok ako . Naghahanap ng bwelo , ng magandang timing para makapag-sorry. Mahigpit kong pinagsalikop ang mga kamay ko. 

Ready na ako!

Ibubuka ko na sana ang bibig ko pero nauna na siyag nagsalita.

"You failed."

Huh?

"Maturity daily test result , failed."

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

220K 5.3K 40
What if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audr...
2.3M 40.8K 59
(Informally written and not yet edited) This is a Playboy's Baby Spin-off. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟮 - 𝟮𝟬𝟭𝟯 • • 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗦...
9.3M 166K 88
Language: Taglish Started in Nov 2011 | Revamped in July 2018 | Finished in March 2019 Published in Paperback (Popfiction) in October 2018 Blurb: Mia...
16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...