The Paradise of Eternal Sorrow

By La_Empress

93.6K 851 52

Grey Ziggler, a trapped soul who's given a mission to untangle the deaths of him and his family in order to r... More

Playlist & Synopsis
P R O L O G U E
I. Into The Paradise
II. Stranger
III. Broken Promises
IV. The Birth of Agony
V. Midnight Tears
VI. Sunshine
VII. Princess of Distress
VIII. The Start of Curiosity
IX. The one in Trouble
X. School Fight
XI. Friends?
XII. Mission: Get closer
XIII. The Angel's Identity
XIV. Night Sky
XV. A Goodbye to Paradise
XVI. New Beginning in Manila
XVII. Emillia's Diary
XVIII. Anthophile
XIX. Isabella meets Emillia
XX. Mysterious Disappearance
XXI. Her Purpose
XXII. Truth against the Flame
xxiii. Diana Knows Everything
xxv. Foul Play
xxvi. She came back

xxiv. The guy from the past

1K 15 3
By La_Empress

S O L L A C E

- MOMENTS BEFORE DIANA'S CAR CRASH-


Pagkatapos umalis ni Vivien ay pinagpatuloy ko ang pag campus tour para hanapin ang diary ni lola. Lahat ng library ay inisa-isa ko, nagbabasakali na mahanap ito. Ngunit sumapit ang hapon, wala pa rin. Plus, Marco kept asking me to go out with him. Nagtaka nga ako nang mag text siya sakin. Kanino naman kaya niya nakuha ang number ko? Si ate ba nagbigay? Ah basta, I was trying so hard to avoid him. It's not that there's something wrong with that guy, I just don't want to get close to anyone.

Nang aksidente kaming nagkita sa isang coffee shop malapit sa school, kumaripas talaga ako ng takbo papalabas. Hindi inalintana ang mga nagtatakang mukha ng mga costumer. Marco was so persistent, hinabol pa ako. Buti nalang may nadaanan akong Record shop kung saan walang masyadong tao sa loob, kaya naisipan kong doon magtago. I even tried to hide my face with a random vinyl record while peeking out the window, where I noticed Marco looking around, trying to find me.

When he gave up, napahinga ako ng maluwag.

On the other hand, glad I stumbled upon this place. Miss ko na bumili ng mga vinyl. Naglibot-libot muna ako saglit sa store, naghahanap ng bibilhin kahit naiwan sa Green Will ang phonograph ko. Naalala ko tuloy ang walkman na iniwan ko rin kay Grey.

Kamusta na kaya ang multong 'yon?

I saw The Beatle's Abby road album kaya walang pag da-dalawang isip na binili ito. My favorite from this album is 'Here comes the sun'. It makes me think of sunset and the gentle breeze of summer. Malaki ang ngiti ko nang lumapit sa cashier area at kinuha ang card sa wallet.

When I hand my card to the cashier, my entire body froze in an instant.

As he recognized my face, he couldn't speak either.  Parang may bumara sa lalamunan niya na kahit pag ngiti ay nahihirapan siya.

"S-sollace. . . " He finally found his voice.

I gave him a solemn stare. "Zade." His name is like a thorn to my tongue, it's hard to say it.

Dalawang taon ang nakalipas. Dalawang taon niyang iniwan sakin ang bangungot ng nakaraan kasabay ng kanyang biglang paglaho. Up until now, the debris from his destruction was still there. Now that we're finally facing each other, I think it's time to return the debris to him.

Sa loob ng dalawang taon, maraming nagbago sa mukha niya.His features are still soft and gentle, but his eyes no longer contain the sparks they used to. May balbas din siya at may mga piercings sa tenga. Kahit ano pang nagbago sa mukha niya, mamumukhaan ko pa rin siya.

"Can we talk outside?" He asked.

Hindi ako sumagot bagkus ay lumabas ng store bitbit ang biniling vinyl at hinintay siya.

Gabi na pala. 

Ilang saglit pa, naramdaman ko siya sa tabi ko. I remained silent while he's trying to compose himself. "You still look the same." unang lumabas sa bibig niya.

"Ang dami kong gustong sabihin sa'yo." napayuko siya. Nanatili sa madilim na kalangitan ang tingin ko.

"Ang dami ring tanong na bumabagabag sa isipan ko ever since you left." My tone was colder than the night, I bet it gives him the chills.

Zade was first person I allowed to enter my space. He painted it with colorful shades and decorated it. Ngunit kaagad din naman niya ito sinira. Sa sobrang pagkawasak, tuluyang gumuho ang space na nilikha ko para sa sarili at walang natira.

"I'm so sorry, Sollace." He sounds genuine, but I couldn't let myself be taken away by it.

"I'm sorry for causing all of your pain and misery."

Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil sa luhang nagbabadyang tumulo. Huminga ako ng malalim habang bumabalik sa isipan ang nangyari dalawang taon na ang nakalipas.

I used to be a star when it came to speech competitions. Any contest that required me to speak in front of a crowd was my specialty. Dahil na rin sinanay ako ni daddy mula noong bata, because he wants me to follow his footstep. The path of politics.

Nawalan ako ng kompyansa sa sarili noong natalo ako, dad was so disappointed. Then that's when Zade came, he helped me get back on track. Tatlong buwan din ang hinintay niya upang maging kaibigan lamang ako. Tatlong buwan niya akong kinukulit at sinusubukang kumbinsihin na sumali ulit sa contest. I thought it was the perfect time to finally open myself up there once again.

"Hey princess, ba't palagi kang nakasimangot? Bagay naman pala sa'yo ang nakangiti." 

"Alam mo Sollace, huwag mong hayaan na pagsalitaan ka ng ganyan ng mga taong 'yun. You're literally the daughter of the most powerful man in this province! Ano, gusto mong upakan ko 'yang si Maryce? Kahit isama pa niya buong angkan, hindi ko siya uurungan."

"Starting from now, ako na ang coach mo. Call me coach Zade, undefeated champion in speech contest."

Minsan 'pag tinotopak ako at nawawalan ng ganang mag practice, palagi niya akong hinahanap kahit saang lupalok ng bansa pa ako magtago. He was more determined and passionate than I am. Umaabot sa punto na halos minu-minuto kaming magkasama. I didn't forget the ecstatic feeling every time we hung out on our school building's rooftop. Zade was the only person I treasured besides my family. Kuntento na ako sa presensya niya. Nasanay na ako.

I learned how not to put too much pressure on myself. I learned that I have to set myself free. I started seeing the bliss of life again.

Ngunit dumating ang araw na hinihintay ng lahat. The speech contest was held inside the largest coliseum in Green Will, almost all of my relatives were there since Tiffany also represented their department in a beauty contest. They were rooting for us. Everyone was looking forward to my comeback.

Then, it happened.

"Two contestants left at ako na ang susunod, where on Earth is Zade?" parang lalabas sa rib cage ko ang puso dala ng matinding kaba. Nasa backstage ako kasama ang ibang contestant na tulad ko rin ay abala sa pag re-rehearse.

Hindi ko mapigilang mag panic dahil hanggang ngayon 'di ko pa rin nahahagilap si Zade. He told me that he'll be here, he won't miss this event kahit pa raw ma-aksidente siya. I kept calling and texting him ngunit hindi ko siya ma-contact. Nag-aalala ako na baka kung anong nangyari sa lalaking iyon.

I take a glimpse at the curtain and immediately saw my family sitting in front of the stage. Malapit na akong mawalan ng ulirat. Halata sa mukha nila na excited nila akong makita muli sa entablado. My speech was about the importance of anti-corrupt government and how farmers should be prioritized in our country. Related sa politics kaya gustong-gusto ng tatay ko.

"Sollace! Princess! Ano ba Edward, tumabi ka nga."

Sa wakas ay dumating na si Zade, he's trying to squeeze himself through the crowd of contestants. Kaagad lumuwag ang pakiramdam ko at tumakbo rin patungo sa kanya.

Niyakap namin ng mahigpit ang isa't-isa sa kalagitnaan ng mga tao. I was so relieved that he made it here.

"Sa umpisa lang 'yaaaan." pang-aasar ni Edward sa'min.

"Ulol! Bitter ka lang, maghanap ka rin ng kayakap!" ganti ni Zade at binatukan pa ang kaibigan. Natawa ako sa dalawa. Asaran talaga bonding nila.

Tinignan niya ang mukha ko, mapupunit ang labi sa laki ng ngiti. "You look really beautiful. I can see my future attorney in front of me." 

"Zade, kinakabahan ako." halata ang nginig sa boses ko. Mas dinagdagan ng init sa backstage ang kaba. I kept fanning myself using my script.

"Normal lang 'yan. Isipin mong tayo lang dalawa sa coliseum at ako lamang ang audience mo. Alam kong sisiw lang ito sa'yo. Ako kaya coach mo? Undefeated world champion 'to. Syempre mamanahin ng estudyante ang karangalan ng coach."

"Anong karangalan, kayabangan kamo." I jokingly rolled my eyes at him.

Biglang tumunog ang cellphone niya kaya sinagot muna niya ito. "Wait for me here princess, sasagutin ko lang ito sa labas. Super duper saglit lang 'to." aniya at nagmamadaling umalis sa backstage. Sa tingin ko'y matagal pa namang matatapos ang dalawang contestants kaya makakapag practice pa ako for the last time.

Ngunit malapit nang matapos ang pangalawang contestant, hindi pa rin bumabalik si Zade. Buti nalang meron pang short break pagkatapos niya kaya makakapag prepare pa ako. I don't want Zade to miss my performance so I decided to look for him.

"Edward, have you seen your best friend?" tanong ko sa kanya nang madaanan ko siya.

"H-ha? Wala! Andito lang kaya ako simula kanina ah! Hindi ko siya nakita sa parking lot—" kaagad niyang naitakip ang bibig nang mapagtanto ang sinabi.

Kumurba ang kilay ko. Bakit parang iba ang nararamdaman ko? "What is he doing at the parking lot? Are you trying to hide something from me?" seryosong tanong ko.

Halata sa pagmumukha niya na meron talaga. "Huh? May sinabi pa akong parking lot? Wala nga! Napaka-overthinker mo talaga Sollace. Dati ka bang philosopher?" He tried to laugh it off but I'm already convinced that something is definitely off.

Kumaripas ako ng takbo patungo sa exit kung saan diretso ito sa parking lot. Edward tried to blocked me but I immediately got away. Mabibigat ang hakbang ko, for a moment I forgot about the competition.

When I reached the parking lot, kaagad kong narinig ang boses niya at sinundan ito.

Habang papalapit ako ay napagtanto ko na hindi siya nag-iisa. I also heard a familiar feminine voice.

Nagtago ako sa likod ng isang itim na sasakyan. Nanginginig ang aking mga kamay, palihim na sinilip si Zade at ang kasama niya.

"I had already transferred the money on your bank account. Pretty sure you won't believe the amount of cash I gave. Good work Zade." napatakip ako sa bibig nang makita si ate Tiffany at Zade na magkasama.

A-anong ibig sabihin ng lahat ng ito?

They knew each other? All this time?

"Good job on earning her trust. Now you have to take it back. For your last job . . . " she leaned closer to his face. "I want you to ruin her performance." she smiles maliciously.

Hindi ko napigilan ang aking pag hikbi. Kapwa sila napalingon sakin at natigilan nang makita akong nanigas sa kinatatayuan. "Sollace . . . " Zade's eyes went wide and tried to step closer to me.

I immediately turned around to go back inside, holding my throat as if I'm being deprived of air. I couldn't speak nor think. My mind was all over the place and it was flooded by questions.

Kinaibigan lang ba niya ako dahil babayaran siya ni Tiffany? Hindi ba talaga kami aksidenteng nagkakilala? That my hunch was right in the first place? He just wanted something from me? Just the thought of it makes me want to vomit. 

Wala pang sampung hakbang ay hinigit niya ang braso ko. "Sollace let me expla—"

"I wonder if any of it was even true. I fucking trusted you Zade! Nag mukha akong tanga. Nag mukha akong katawa-tawa. Pinaniwala mo akong hayop ka . . . " Gusto ko siyang sapakin. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong magmura ngunit nawalan na ako ng lakas. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Sinubukan niyang kunin ang kamay ko ngunit tinutulak ko siya papalayo. "P-please Sollace, magpapaliwanag ako. It's not like what you think!"

"And what did you think it was?!" I screamed at him. "It's so clear Zade. Sobrang linaw. Malinaw na kinaibigan mo lang ako dahil may benepisyo kang makukuha. Malinaw na kukunin mo ang loob ko upang sirain ito. Walang dapat ipaliwanag."

I hope he could feel the pain I was feeling, ngunit alam kong hindi dahil wala naman siyang pakialam. "Sabi ko na nga ba. May binabalak ka talaga. My gut kept warning me but I refused to listen because I fully trusted you. K-kasi for the first time, masarap pala magkaroon ng kaibigan. Na palaging andyan sa tabi mo, na palagi kang pinapatawa, at palagi kang dinadamayan sa lahat ng problema."

Parang umurong ang dila niya, hindi makapagsalita. 

"Quit whining like a kid. Nakakarindi sa tenga." biglang sumulpot si Tiffany kaya napalingon kami sa kanya. She had her arms crossed on her chest, and there wasn't any hint of guilt in her face.I can't believe she did this to her own sister. She went too far.

"Ano ba 'yang iniiyak-iyak mo? You should be glad I made you a friend. Aren't I a good older sister?" mukhang proud pa siya sa ginawa. I clench my jaw as hard as I want to smash their faces.

"Tiffany enough!" It was Zade who yelled at her.

"Oh, now you're acting like that? Hindi ba't ikaw na rin ang nagsabi, you don't care about her feelings. Money is what matters to you the most."

Mas lalong nanikip ang dibdib ko. I don't get why she's doing all of this. Bakit kailangan niya pang umabot sa puntong 'to.

"Why are you doing this?" that's all I need to hear. An answer to that question.

She looks at me in a nonchalant way, kumurba ang gilid ng labi niya. "I just want to."

Iniwan ko silang dalawa sa kinatatayuan dahil pumasok ako sa loob, hindi na muli pang nilingon. Kailangan ko pang mag perform sa harapan. Basang-basa ng luha ang script kaya inis kong tinapon ito sa sahig. Napapatingin ang mga tao sakin sa backstage, nagtataka kung anong nangyari sakin. Ngunit diretso lang ang tingin ko sa harapan kahit rinig na rinig ko ang bulungan nila.

"Sollace! Pakinggan mo si Zade, you misunderstood—"

"Fuck off Edward!" I pushed him and continue to walk.

Insaktong tapos na ang break. It's my turn to perform. 

Can I really do this? Masyado nang magulo ang isipan ko. I rubbed off the tears on my face and I end up removing all of my make-up. Medyo magulo ang aking buhok at para akong naliligo sa pawis. Kahit anong focus ko sa contest, bumabalik sa aking ala-ala ang nangayri kanina.

Breathe in, breathe out.

"Give a round of applause to Sollace Argaze!"

As I walk towards the center, the sound of applause added the anxiety that has been building up from the pit of my stomach. My body feels extremely heavy, I feel like I want to passed out. As soon as my eyes locked at my family who are sitting in front, I know I won't make it.

Ilang segundo silang naghihintay ng sasabihin ko. Kay tahimik ng buong lugar, para akong nabibingi sa dagundong ng aking puso. I inhaled deeply once again, but when I finally looked up, my eyes darted at the only vacant seat in front that was supposed to be filled by the person who looked forward to see the most.

There it goes, naalala ko na naman ang kanina.

Hindi ko mapigilang mapahagulhol sa harapan ng mga nanunuod. 

Napayuko ako at tinakpan ang bibig ngunit mas lalo lamang lumakas ang buhos ng luha. Kinakabahan ako, nahihiya, naiinitan, nasasaktan, natatakot. 

And the thing is . . . nobody can feel what I feel.

 Alam kong nagtataka silang lahat. Lalong-lalo na aking mga magulang. If this is only a practice, dad would've went on stage and slap me back to reality. I know they're all disappointed at me. I finally made a comeback but I totally ruined it.

Naramdaman kong may humawak sa aking braso at nakita ko ang nag-aalalang mukha ng mga teachers. "Are you okay sweetie? It's okay." paulit-ulit nila akong pinapahatahan habang inaalalayan ako sa backstage.

It was the most embarrassing that ever happened to me. Dad was so mad, hindi niya kinausap o pinansin ng ilang buwan. Pinahiya ko raw siya, ang buong angkan namin. Laman ako ng tawanan at tsismis pagbalik sa school. Since nobody knows the reason why I had a mental breakdown on stage, they think I cried just because I was simply nervous, like a fucking kid when you force them to talk to strangers.

"Ayan na siya. Pumasok na 'yung iyakin."

"Huwag niyo 'yan ipa-report sa harapan, baka umiyak na naman."

"Buti pa 'yong ate niya noh? She really represented their department well. Pambato sana natin siya kaso . . . "

Isinalpak ko sa tenga ang earphones at pinalakasan ang volume. 'Yung tipong mabibingi ako, just to avoid their gossips. Sa mga panahong pinag-uusapan ako ng masama, andito palagi si Zade upang patahanin ako. He's absent today. 'Di ko na rin tinanong si Edward kung bakit dahil wala na akong pakialam sa kanya.

"Give him a chance to explain his side Sollace, you need to hear it." payo ni Edward sakin nung minsan niya akong nilapitan. Ilang araw nang absent ang kaibigan niya, 'di ko alam kung dahil sakin o may iba siyang rason.

He kept texting me for a couple of weeks, begging for me to talk to him. I didn't respond. But at the back of my mind, I'm yearning to hear his voice. To hear his reason. 

Ngunit tatlong linggo ang lumipas, hindi na siya muling nagparamdam. Nag drop out sa school. Ayon kay Edward, lumipat daw sa Maynila. Deleted lahat ng social media account. I couldn't reach him anywhere. Kaya't nabaon sa hukay ang memorya ko sa kanya. I convinced myself that he was just a fragment of my nightmare. I never hear his explanation, but I wish I did. Para na rin sa ikakatahimik ng kaluluwa ko.

Huminga ako ng malalim matapos bumalik sa aking ala-ala ang nangyari dalawang taon ang nakalipas. I'd never thought I would accidentally meet him here in Manila.

"I guess there's always a reason behind everything." mutawi ko at sinulyapan siya.

"Sa maniwala ka Sollace, matagal ko nang pinag-iisipang mabuti kung uuwi ba ako sa Green Will. Wala lang talaga akong lakas ng loob. Duwag pa rin ako." nakatuon lang sakin ang pares ng mga mata niyang may namumuong luha.

I did not say anything so he continue. "Bago tayo naging mag kaibigan, naghahanap ako ng part time job. My parent's business went downhill kaya't kailangan kong gumawa ng paraan upang mabayaran ang tuition ko noon. Ilang buwan ko na kasing hindi nababayaran. Kung anong klaseng trabaho ang pinasukan ko, tag ta-tatlo o dalawa sa isang araw. Isang araw, biglang lumapit ang ate mo sakin."

"Nagulat pa nga ako nun. Hindi naman kami close. I don't think she even knew who I was. Anong sadya sakin ng anak ng mayor? Tiffany knew I was desperate. Alam niyang gagawin ko ang lahat para sa pera. Inalok niya sakin ang isang trabaho kapalit ang napakalaking halaga. That is . . . to earn your trust and break it." mahirap sa kanya bitawan ang salitang iyon. Napaiwas ako ng tingin dahil masakit pa rin talaga eh.

"Dahil hindi naman kita masyadong kilala aside sa pagiging mag ka-klase natin, hindi ako nag dalawang isip na tanggapin ang alok niya. Wala akong choice Sollace eh, desperada na talaga ako. Kinasuhan pa kasi si tatay ng ibang companies at si mama naman ay biglang nagkasakit. Noong panahong iyon, wala na akong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. I just need to survive." tuluyang bumagsak luha na kanina niya pa pinipigilan.

Gusto ko sanang sasabihin na marami pa namang trabaho dyan kung saan hindi siya makakasakit ng kapwa. However, it's easy for me to say that since pinanganak ako sa mayaman na pamilya. Hindi ko naranasan ang hirap sa buhay, maging desperada sa pera.

"At first, I thought it would be too easy. Ngunit nagdaan ang ilang araw, unti-unti kong napagtanto na mali itong ginagawa ko. Ikaw ang pinakamabait na taong nakilala ko. How could I hurt someone like you? Wala pang isang buwan, nag back out ako. Ngunit kakaiba si Tiffany, nagawa niya pa rin akong kumbinsihin. Pakikiusapan niya raw kasi ang tatay mo na tulungan ang papa ko sa kaso. Again, kahit labag sa aking kalooban ay pinagpatuloy ko na lamang."

Wala man lang akong alam na tinulungan pala ni dad ang pamilya niya. Ni hindi ko alam na naghihirap pala siya. Zade was just too good at hiding his problems. Akala ko masayahing tao lang siya.

"Hawak ako ni Tiffany sa leeg. Kung mag ba-back out ako, pakikiusapan niya ulit ang tatay mo na ihinto ang pagtulong sa kaso. Ayaw kong makulong ang papa ko, kailangan ko siya. I don't know how to take care of mom alone. But you know what, Sollace? I feel like I'm stepping on sharp rocks each time I act so kind towards you, knowing I'll break the trust that you've been protecting. Gusto ko nalang sabihin sa'yo kaso alam ko kung anong kayang gawin ni Tiffany sakin."

Tumingala muna siya upang huminga ng malalim. He's been keeping all of these tears for too long.

"Zade, pwede mo sanang sabihin ang lahat sakin." sa wakas ay nagawa kong magsalita. "Magagalit ako sa'yo ngunit naging malalim na rin ang pinagsamahan natin noon. I don't and never abandon a friend."

"D-duwag lang talaga ako Sollace. Masyado akong natakot sa ate mo. I don't even know why is she doing all of those evil things to you. Kung nagawa ka niyang saktan kahit magkapatid kayo, ano pa kaya sakin? Tsaka baka saktan ka niya lalo 'pag nalaman mo ang binabalak niya."

The feud between my sister and I started ever since I gained consciousness. No one knows why she loathes me so much. Perhaps she envied me? But it doesn't make sense. Nasa kanya naman ang lahat, paborito siya ng lahat. Parang naiintindihan ko na rin ang takot ni Zade kay ate, kahit ako ay takot din naman sa kanya. She has the same aura as my lola Isabella.

"Balak ko sanang magpaliwanag sa'yo pagkatapos ng lahat. That's why I kept calling you. Ngunit nawalan ako ng pag-asa. Alam kong sa sobrang sakit ng idinulot ko sa'yo, hindi mo na ako kailanman gustong makita. Dumating ang araw na kinailangang dalhin sa Maynila si mama upang magpagamot, malala na kasi ang cancer niya. My dad and I had no choice but to flee immediately, ni hindi man lang kita nakausap o nakapagpaalam."

"I didn't want to use the money that your sister gave me, kaya binenta ko lahat ng kung anong meron kami including my gadgets. That's the reason why no one could contact me anymore. Gusto kong ipaalam sa'yo ang buong pangyayari through text but I don't want to disturb you. Masyado na akong nahihiya sa ginawa ko."

For two years I thought he was a heartless jerk who dumped me after what he did. Hindi ko alam na kay bigat pala ng pinagdadaanan niya.

"What happened to your m-mom? Is she okay?" nag-aalala kong tanong. I've never met his mom but he constantly talked about her back then. He's a great son, that's what I'm sure of.

Hindi siya nakasagot kaagad. Parang may bumara sa lalamunan niya. He took another deep breath before he respond. "She died. Just a year ago."

Ako naman ngayon ang hindi nakapagsalita. My heart completely breaks upon hearing the news. "I—I'm really sorry." sumikip ang dibdib ko, nararamdaman ko kasi ang sakit na pasan-pasan niya.

"Gusto ko pa naman sana siyang ipakilala sa'yo in person." ngumiti siya ng mapakla. "She would've like you very much." sabay tingin niya sakin.

Hindi ko lubos maisip kung gaano kasakit mawalan ng ina. Iniisip ko pa nga lang na mawala si mama sakin, parang mababaliw na yata ako.

"You are so brave, Zade." I sincerely uttered to him.

"I'm not. I was never brave, Sollace." panay ang pag-iling niya. "Hindi ko tinama ang pagkakamali ko. I never apologized in person. Kaya sabi ko sa sarili na kapag nagkita tayo ay hindi ako mag da-dalawang isip na humingi ng patawad."

"What I really need is an explanation."

Even though kinamumuhian ko siya noon, alam kong hindi iyon habang buhay. 

"Hindi man lang natin nalinaw kung ano ba talaga tayo noon." dagdag ko na ikinatahimik niya.

Both of us knew there was something beyond our friendship. We never pointed it out, but we felt it.

"It's always you Sollace. Nabago mo ako." nilingon niya ang record store sa likuran namin. "That's why I decided to establish that after I focused on business. Dahil alam kong mahilig ka sa music."

Gusto kong maiyak ngunit pinipigilan ko. Masyado lang naging mabilis ang pangyayari.

"What about school?" iniba ko ang usapan.

"Huminto ako sa pag-aaral upang pasukin ang mundo ng business. Wala rin naman akong pambayad ng tuition noon. Now that I'm a bit comfortable, parang hindi ko na kailangang mag-aral. What I mean is that, school may not be for everyone. That place always suffocates me." He slightly chuckled which made me smile a bit. Kaya magkasundo kami dati.

Kung hindi kumalab ang sikmura ko, hindi ko siguro mapapansin na kailangan ko na palang umuwi. 

"I need to go home now, maaga pa pasok ko bukas." giit ko at inayos ang sarili. "Tulad ng sinabi ko kanina, I just really need an explanation. Enough na sakin iyon."

Marahan kong tinapik ang balikat niya. "You are a good person Zade, let go of those feelings from the past. Kalimutan na natin iyon at ituon ang atensyon sa present, kung saan ka ngayon. Also, good luck on your business. I love it very much." hindi pumasok sa isipan ko na sasabihan ko siya ng ganito ngunit heto ako ngayon.

Naging malapad at totoo ang ngiti niya. "Ang bait mo pa rin talaga. Mag-aral ka rin ng mabuti Sollace, I'll always cheer for you."

It was the closure that we both need. We had finally wrote the ending of our chapter together. It's bitter but memorable. At least tapos na.

Nang makauwi sa condo, dumiretso ako sa unit ni Vivien upang i-tsika sa kanya ang nangyari kanina. Hindi nga lang nag re-reply sakin ang babaeng 'yun. Alam ko naman passcode kaya nakapasok ako.

And I thought madadatnan ko siyang abala sa project, ibang tao ang bumungad sakin.

Malapit na akong atakihin sa puso nang aksidenteng makita ang boyfriend ni Vivien sa loob ng kwarto niya. Wala pang pang i-taas na damit. He was tall, has fair skin, and angelic looking face. Kapwa kami nagulat nang makita ang isa't-isa kaya't kumaripas ako ng takbo papalabas. It was extremely embarrassing lalo na't kaming dalawa lang.

Nagtatampo rin ako ng slight kay Vivien. Eh hindi sinabi sakin na may boyfriend pala siya. Nagulat nalang ako may lalaki sa kwarto.

Bukas ko na lamang siya kakausapin at nagpahinga sa kwarto ko. This day somehow feels heavy and long. Dahil siguro kay Zade.

Kahit may balbas at piercings na siya, he's still as good looking as the last time. Tama nga si Edward noon, Zade is indeed a good person at kailangan ko lang marinig ang paliwanag niya. 

Of course mahirap mag patawad ng ganon lang. But in our lives, we had to let go of what keeps hunting and hurting us.

Dala ng pagod, hindi ko napansin na kanina pa pala tawag ng tawag si mama sakin. I was just too sleepy to check my phone. Hindi nga ako nakapag skin care.

I woke up to the sound of my phone ringing on the bed side table. Parang five minutes ko lang pinikit ang mata at kaagad akong nagising. Wala sana akong balak sagutin ang kung sinong tumatawag, but I couldn't get back to sleep kaya pikit-matang sinagot ko ito.

"Ate Yana?" Why is she calling at literally four in the morning?

Rinig na rinig ko ang mabigat na hininga sa kabilang linya. Tila ba kinakabahan.

"S-sollace . . . " nanginginig ang bosoes niya bagay na ipinagtaka ko lalo.

"Bakit? May problema ba?"

It seems like she's hesitating to tell me what's going on, so I asked her once again. "Ate Yana, may problema?"

"I'm sorry for calling at this hour. Sollace, si Ms.Diana kasi. . . " 

When she mentioned my mom, dumilat ako. "What about my mom?"

"Ang mama mo Sollace, nasangkot sa isang malagim na aksidente. Nagkagulo kaming lahat dito sa hospital. Hindi namin alam kung anong gagawin. I think kailangan mong umuwi kaagad."

Napatitig na lamang ako sa kawalan matapos marinig ang balita tungkol kay mama. Nawala ang antok ko at napalitan ito ng malubhang pag-aalala. Sa bilis ng pangyayari ngayon parang hindi ako makapaniwalang totoo ang lahat. I refused to believe that mom got into an accident. It can't be. 

"Magpapadala ang tatay mo ng private plane dyan. Mag-impake ka na."

* * * * *

- To be continued -

Another update before I get busy in college. I promise to update more frequently if I have time. Also, you can read my most recent psychological thriller story entitled 'The Devil Beside You'. 

There are still a lot of chapters left and more mysteries to unravel. Wala pa tayo sa kalahati. 

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
6.7M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
2.5M 162K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.8M 37K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.