Inday ang LEGENDARY na Bobo(...

بواسطة matiecris

440 26 2

Basahin niyooo dali for sure matatawa kayo nito! Mikayla valencia a.k.a inday Caiden zamora You better not me... المزيد

Prologue
bobo 2(example)
bobo 3(magellan)
bobo 4(kalansay ni tatay)
Message ni Maring Otor
bobo 5(principal office)
Bobo 6(Trabaho)
bobo 7(eldest)
bobo 8

bobo 1(cost)

90 5 0
بواسطة matiecris

INDAY POV

Pagkatapos ng sagutan namin kanina ni epokrita sa palengke umuwi na din ako, duh ano pa bang gagawin ko dun? I'm damn with her you know, tong beautifulness kung mukha na pang miss universe ay di dapat ma stress sa kagaya lang ni epokrita at nita.

"Hoy inday! Nakita kita kanina nakipag away kay epokrita grabe ang galing mo, ang galing mo ding mag english talo mo pa yung mga americano."

Nandito pala tong isang chismosa. Kanina pa to eh, kaso diko lang pinapakinggan ang ingay. Ang dyosang kagaya ko di dapat maingayan kaya am gonna chillness my ear you know.

"Tsk, sumusobra na yun. Ang dyosang kagaya ko ay di dapat basta bastang magpapatalo sa kagaya lang ni epokrita." -ako

"Kunsabagay. Ang mga dyosang kagaya natin ay di-"

"Anong dyosang pinagsasabi mo? You know Missy ang dyosang tinutukoy ko ay yung sarili ko lamang. Dika kasali dun." Pagpuputol ko sa sasabihin niya, may masamang hangin kasing bigla biglang lumalabas sa bibig nito na hindi ko gusto. Dito sa baryo namin ako lang ang maganda dito. Ayaw niyong maniwala?

Nung sumali ako sa beauty pageant dito sa baryo namin ako ang champion. Ang galing ko kasi. Nagtatanong kayo kung ila yung kalaban ko? Dalawa lang kami tapos ako ang champion. At kaya bitter din si epokrita sakin kasi natalo ko siya dun sa pageant ang ganda ko kasi you know. Ang bitterness dzae! Di maka move on.

"Grabe ka talagang magsalita inday ang hanash teh! Abot dito oh." Sabay turo doon sa dibdib niyang wala namang laman kung ipagtabi tong kaibigan ko sa pader siguro mapagkamalan din itong pader kasi ang plat.

"Totoo naman, sige una nako sayo pupunta pako sa skwelahan nakalimutan kong lunes pala ngayon at you know late na din ako at ang kagaya kung dyosa kagit dapat late na ako dapat kalma lang. Dyosa ako ei." Pagpapaalam ko sakanya sabay lakad ng mabilis para di na siya makapagsalita. Naiwan siya nakanganga doon sa kalsada. Ewwness baka pasukan yun nang langaw.

Anong oras naba? Omyghadness late nako! 8:30 pasok ko. Kaya dali dali akong pumasok sa bahay namin at tumakbo sa kwarto para makapagbihis na ng uniporme. Pagkatapos kong mag ayos aalis na sana ako ng diko makita si Nanay. Asan naba yung maganda kung nanay? Siguro andun pa yun palengke. Patay ako nito ni nanay pag nalaman niyang nakipag away naman ako. Pero diko naman kasalanan yun epokrita started it first. Ohmy! Nanlalaking mata kung sabi sa sarili ko.

Mali pala yung pagkaka english koooo. No, andwe..waeyo, Char.

Ang bobo ko pero dahil dyosa ako dapat kalma lang. Sige ibahin natin 'epokrita starts at first you know.' Pak Ganern! Ang galing ko talaga. Goodsjobs Inday.

Habang naglalakad ako papunta sa skwelahan namin muntik na akong mabundol nung magarang kotse. Putek! Ang dyosang katulad ko ay di dapat magaang mamatay. Baka wala nang dyosa na kagaya ko ang makikita nila dito sa earth.

"Hoy! Bumalik ka dito!" Sigaw ko habang hinahabol yung muntik nang makabundol sakin. Nang dipa talaga siya huminto hinubad ko yung sapatos ko ato linagyan ng malaking bato na sakto saktong sa sapatos ko at binato ko yung sapatos ko dun sa sasakyan na yun.

PAK!

Ang galing! Ang galing ko! Tinamaan konkasi yung bintana sa may likuran nito. At di naman ako nagkamali huminto  kaagad yung sasakyan na muntik nang makabundol sakin. Walang modo porket mayaman sila gaganyanin na nila kaming mga mahihirap! Kuyom kamao akong lumapit doon sa sasakyan at kinatok ko nang pagkalakas lakas yung binta.

"Fuck woman! Anong problema mo?" Galit itong lumabas sa sasakyan nito at marahas na sinarado ang pinto.

Letse! Siya pang may ganang magalit dito! Samantalang ako yung muntik na niyang masagasaan. Pagalit akong tumingin sakanya. At parang napako ako sa kinatinayuan ko nang makita yung mukha nang lalaking muntik nang makabundol sakin.

Those buguiling eyes that can compared to a clear blue sky, those sexy thin heart-shaped lips na parang nang aakit na halikan ito, And those arms, oh ripped well-toned body. Shemay ang hot ng lalaking muntik nang makasagasa sakanya. At mygghad! Diko matanggap! Mali mali na naman yung english ko.

"Tapos ka na bang pagnanasaan ako? You know what miss kung wala ka naman palang sasabihin sakin pwede na ba akong umalis? Kasi late nako sa pupuntahan ko."

At pati yung boses ang ganda, ang sarap pakinggan parang inaakit siya nito.

Bumalik lang ako sa huwisyo nang makitang humarurot na ang sasakyan na binato niya ng sapatos. Tang na juice! Ang landi mo inday ayun wala na yung lalaking muntik nang makasagasa sayo.

Habang papasok na ako ng gate sa pinasukan kong school. Maraming tumitingin sa akin na parang akon baliw. Problema nang mga to? Ngayon paba sila nakakita ng dyosa na kagaya ko? Hmmp! Bahala sila diyan ang dyosang kagaya ko ay dapat walang pake.

Hanggang sa dumating na ako sa room namin pinagtitinginan pa rin ako ng mga ito.

"Problema niyo?" Pagtataray ko naman dun sa mga kapwa ko studyante, kung maka tingin sakin para akong alien na galing sa mars. Pero alien talaga brain? Ano? Dyosang alien? Wooh ang ganda ko naman pag ganun.

"Miss valencia, your late." Pangbubungad agad ng titser kung parang may galit sa earth.

"Alam ko." Sabi ko naman ng mahina na boses baka marinig ako nito. Baka bugahan na naman ako ng apoy. Peyborit pa naman ako nito.

"What did you say Miss Valencia?" Naka mewang na humarap ito sa kanya at tinaasan naman ako ng kilay.

Naku, naku! Kung di lang talaga ikaw yung english titser namin baka pinatulan na kitang matandang walang asawa.

Chillness lang inday ang kagaya mong dyosa dapat kalma lang. Bawal ma stress! Woh. Sabi ko naman sa sarili.

"Wala po maam. Ang sabi ko po ang ganda mo po ngayon." Naka ngiti kung sabi sakanya at dahang dahang naglakad na parang maria clara papunta sa upuan ko.

"Miss valencia." Tawag naman nito sakin.

Naman ano bang problema nito. Sobra ba akong namiss nito? Aww ang sweet naman ng matandang iyan miss na niya ang dyosang katulad ko.

"Po?" Mahinhin kung turan at dahang dahang humarap sa titser namin.

Yung mga classmate ko naman parang natatae na ewan. Kung makatingin sakin para akong baliw na naligaw dito sa room.

"Ano na naman ba tong kalokohan mo Miss Valencia? Bakit wala kang sapatos sa isa mong paa?" Tanong pa nito sakin.

Ha?ako walang sapatos? Luh si titser napapatawa. Di ako naniniwala. Kaya yumuko ako para malaman kung totoo ba yung sinabi nang matandang titser nayun.

Agad namang namula ang mukha ko nang makitang wala nga akong isang sapatos sa kanan kung paa. At saka ko naman na alala yung lalaking muntik nang makasagasa sakin. Binato ko pala yun kanina sa sasakyan niya, at nakalimutan kong isuot muli yung sapatos ko. Naman inday! Strikenes two kana ngayong araw hindi pa nga gumagabi ang malas mo na.

Nakangiwi akong ngumiti sa titser ko na parang principal kung maka taas ng kilay sakin.

"Ano kasi ma'am, bagong pauso ko po, ang ganda po diba?"

"Sige umupo kana dun." Sumusukong pahayag nito at bumalik na sa pagtuturo.

Habang busy naman yung titser namin sa pagtuturo ako naman busy sa pag iimagine dun sa lalaking muntik ng makasagasa sakin. Ang hot at ang gwapo niya para siyang model doon sa magasine na palagi kung makikita pag pupunta ako sa bayan.

"ARAY! ANO BANG PROBLEMA MO HA?" sigaw ko doon sa katabi ko nang binatukan ako bigla.

"A-ano kanina kapa kasi tinatawag." Sabay tingin doon sa harapan namin. Kaya napatingin din ako doon at nakita ko yung titser naming galit na galit na sa akin.

"Miss Valencia! Ano bang problema mo? Kanina pa kita tinatawag pero parang nasa ibang planeta yang utak mo!" Nangangating bulyaw nito sakin.

"Sorry ma'am, ano po bang kailangan niyo?" Mahinhin kung ani baka naman maging 65 yung grades ko ayaw ko nun. You know ang mga dyosang kagaya ko dapat nasa 74 yung grades duh ang talino ko kaya.

"What is the meaning of COST Miss valencia?"

"Po? Diba po titser kayo? Dapat alam niyo na po kung anong ibig sabihin ng cost cost na yan ma'am. Proproblemahin ko ba po yan?"

Nang dahil sa sinagot ko para namang naging mabangis na hayop si ma'am. Namumula lahat yung mukha at lumalabas lahat yung ugat niya sa may leeg.

"MISS VALENCIA!!!! GET OUT OF MY CLASS NOW!!!" Sigaw niya sakin.

"Pero ma'a-"

GET. OUT. NOW!"

Kaya dali daling lumabas ako sa room baka bugahan naman ako nito ng apoy. Ano bang mali doon? Totoo naman ah? Bakit niya ako tatanungin kung ano yang cost na yan. Siya nga titser dipa alam ako pa kaya na studyante palang niya. Minsang nakabobo din tong mga titser natin eh.

>>>>>>>>>>>>>●●●●●●>>>>>>>>>>>>>

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

67.5K 3.7K 80
When shrivi goes home after a long time. Who doesn't have her parents' love and family's love for some reason. She had support from her grandmother...
38K 2.5K 61
𝐭𝐡𝐞 𝟐𝐧𝐝 𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐨𝐟 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐨𝐥𝐢𝐯𝐢𝐚 𝐫𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐝 𝐲/𝐧'𝐬 𝐦𝐞𝐞𝐭-𝐜𝐮𝐭𝐞𝐬/𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐢�...
408K 5.5K 28
Emmett loves to be a rebel. He skips school to hang out, drink, and smoke with his two friends when suddenly he and his best friend are cornered and...
156K 5.6K 26
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !