Pagkatapos kung ma detention ng 2 oras pinalabas na din ako
Dahil gutom na din ako pupunta nalang ako sa canteen
Papasok na sana ako sa canteen nang may tumawag sakin
"Indaaaaaayyyyyy!" Sigaw ni mik mik short for mikaycee
Sabay hug sakin,,jusmiyo marimar parang isang taon di kami nag kita nito ah
"Oh ba't ngayon kalang pumasok?ba't absent ka kanina?" Tanong ko sa bestfriend ko
"Kasi may monkey business pa akong ginagawa eh" sagot naman ni mikmik sakin
"Huh?monkey business?nagbebenta ka ng mga unggoy?" Inosente kung tanong sakanya
"Hahaha oo parang ganun na nga" natatawang sabi niya sakin
Hayy ano bang nakakatawa dun?ang labo din nito minsan eh
"Tara na nga gutom na ako" sabi ko sakanya sabay hatak papunta sa canteen
"Inday ikaw nalang ang maghanao ng table natin ako nalang ang mag oorder anong gusto mong kainin?" Tanong sakin ni mikmik
"Ahm tortang talong tapos kainin tapos coke" sabi ko sakanya sabay bigay ng 30 pesos sa kanya
"Hoy inday sure ka?yun yung order mo?tapos 30 lang ang ibibigay mo?grabe ka" maktol ni mikmik
"Hehe sige na ikaw nalang ang mag puno plsss" naka puppy eyes kong sabi
"Tsk!ano pa nga ba?" Sabi niya sakin tapos tumalikod na siya para pumila
Kaya naghanap nalang ako ng table namin,,sakto namang mag bakante pa dun sa pinaka dulo
"Oh inday ayan na order mo!pasalamat ka mabait akong kaibigan" madamdaming wika ni mikmik
"Oo nalang mik" sagot ko tapoa kumain na ako agad
Kain lang ako ng kain wala akong paki alam sa iba,,basta gutom akoooo
"Oh inday gutom na gutom lang?"sabi ni mikmik
" eh bakit ba? gutom talaga ako"sagot ko naman sakanya tsaka pinagpatuloy lang ko lang ang pagkain
Kringgggggg
"Pano ba best?bell na so kitakits nalang tayo mamaya" sabi mikmik sakin
"Okay" sagot ko naman
History class naman hayy,,nakakatamad pumasok
Pagkadating ko sa room namin pumasok na ako agad at umupo sa pinaka dulo para di akl makita ng sir namin
"Okay magandang hapon sa inyong lahat" sabi ni sir
"Magandang hapon din po sir alemania" sabay naming bati ni sir alemania
"Okay may tanong ako sa inyo at kailangan niyong sagutin"
"Okay po sir" sabay naming sabi
Nakakatamad namang makinig tsk..
"Sino ang pumatay kay magellan" tanong ni sir
At wala ni isa ang sumagot sa amin kaya nilibot ni sir ang paningin niya
At tumingin sa akin
"You miss???" Tanong ni sir habang nakatingin sakin
"Ako po sir?" Tanong ko na nakaturo pa sa sarili ko
"Oo ikaw anong pangalan mo?" Tanong ni sir sakin
"Ahmm mikayla valencia po sir" sabi ko kay sir
"Okay ms.valencia sinong pumatay ka magellan?" Seryosong tanong ni sir sa akin
Bakit ba ako ang tinanong nito?andun ba ako nung pinatay si magellan?diba wala?nakakainis mukhang ako yata ang pinagbintangan nito
"Ahmm sir di po ako ang pumatay kay magellan ahh,,di po ako" iling kong sabi kay sir
"Ms.valencia tinanong kita sino nga ang pumatay kay magellan?" Balik tanong ni sir sakin
"Wahhhh sir di ko po alam kung sino,bakit po ako ang tinanong niyo?wala naman ako dun nung pinatay yang si magellan"sabi ko kay sir
Kaya napakunot ang noo ni sir,,wahhh ayaw niyang maniwala sakin
Huhuhuhu nanay wahhh isusumbong ko talaga to si sir kay nanay huhuhu
" go to detention office right now!"sigaw ni sir sakin
Wahhh detention na naman???totoo naman eh di ko talaga alam kung sino,,,
Kaya lumabas nalang ako at pumunta sa detention office
YOU ARE READING
Inday ang LEGENDARY na Bobo(On-Going)
RandomBasahin niyooo dali for sure matatawa kayo nito! Mikayla valencia a.k.a inday Caiden zamora You better not me :)