bobo 7(eldest)

10 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa terminal ng bus, papuntang manila, kanina pa ako nakatayo dito. Iniisip ko na kung saan ba ako sasakay dito.

Sila Nanay kasi hinatid lang ako dito, di man lang sinabi kung anong sasakyan ko, paano nako ngayon? Kanina pa ako dito nga madaling araw tapos anong oras na ngayon? Mag aalas sais na ng umaga.

Ano bang gagawin ko? Magtatanong o sasakay ako agad ng bus? May nakita akong bus na may nakalagay na pa manila yung rota niya. Paano ko nalaman?may nakalagay sa harap na MANILA. Mabuti nalang at medyo matalino ako di nako mahihirapan nito.

Nang huminto ito ay dali dali akong sumakay at umupo sa hulihan ng upuan. Ang dami kung dala na mga bag kasi parang lahat na yata ng gamit ko pinadala na ni nanay parang ayaw na niya akong papauwiin.

Naghintay lang ako ng 30 minutos at muli itong umandar siguro aalis na kami.

Inaaliw ko yung sarili ko sa pagtitingin ng mga viewses dito na kahit di naman maganda kasi puro puno naman yung nakikita ng may kumalabit sakin.

Di ko na sana papansin kaso ang kulit ei. Kaya tinampal ko yung kamay at padamog na humarap sakanya at naka kunot noong tinignan ko sya.

Kaya tumingin din naman sya sakin shocks may gusto ba to sakin?hihi ang ganda ko talaga kahit saan ako mapadpad may maiinlab talaga sakin.

Kaya ningitian ko sya.

"Bakit po kuya?" Sabi ko na may ngiti pa din sa labi para di naman sya ma offended you know.

"Miss kanina pa kita tinatawag pero mukhang may sarili kang mundo. Asan na yung ticket mo?" Sabi niya sabay lahad ng kamay upang kunin sa akin yung ticket na sinasabi niya.

Pero ha?anong ticket?may ganon ba?di ako na inform. San ba yun kukunin? Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng alanganin.

"Kuya, pinagsasabi mo po? Anong ticket ticket yan? Ba't di ako na informness na may ticket?" Nakakunot noo kunyari na sabi ko para kunyari masungit. Para masindak siya pero nagkakamali ata ako. Kasi mas lalong kumunot noo niya nang sabihin ko yun.

Huhu patay ako nito. Di ko naman kasi alam na may ticket ticket palang ganito pag sumasakay ka ng bus. Eh samin nga pwede kang sumakay ng walang bayad, kaya lang nakasabit lang. Pero oks na yun.

"Miss, ako ba ay pinagloloko mo? Nasaan na nga yung ticket mo para ma issuehan na kita"

"Hala manong anong issue yan? Hoy ikaw ha ma issue ka, wala naman akong ginagawa para gawan no ko ng issue. Alam mo pareho kayo ni epokrita ma issue."

"At sino namang epokrita pinagsasabi mo Miss? Ang hinihingi ko lang ay ang ticket mo." Sabi nito sakin habang nangigil na kumanot sa ulo niya.

"Ay kuya may kuto po kayo? Pero pano kayo nagka kuto eh kalbo ka po?"

Para naman itong nagulat sa sinabi ko. Nanlalaki ang mata at parang lalabas na ito. Pinipigalan ko lang na matawa baka di ako matiis ihahagis pa ko nito.

"Miss, sabihin mo lang kung wala kang ticket, pwede ka namang mag bayad, di yung nanlalait kapa."

"Awts gege, sorry naman men! You knowness it's my f-first-"

Ano nga ulit yun? Ay ang ganda mo dzae ng dahil sa kagandahan mo, nakalimutan mo na yung word.

"Ewan ko sayo, baliw"

"H-hoy kuyang kalbo di ako baliw ah. Ikaw nga jan kumakamot kahit kalbo wala ka namang kuto kasi kalbo ka"




     Saan na naman ako nito? Hayss di ko matandaan kung saan yun dito sa manila. Sabi kasi may susundo sakin. Ay bongga baka meron? O wala din? Ewan. Maglalakad nalang ako para may makita na rin siguro akong kainan nagugutom nako. Ang mga diyosa nagugutom din yarn you know.

 Inday ang LEGENDARY na Bobo(On-Going)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz