The Gangster and the Undercov...

By blessanimated

31.4K 748 79

To give an eternal end to one of the most notorious syndicates in the country whose infamous for running coun... More

Prologue
1
1 : 1
1 : 2
2
2 : 1
2 : 3
2 : 4
2 : 5
2 : 6
Chapter 3
3:1
3:2
3:3
Chapter 4
4:1
4:2
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 16

962 26 0
By blessanimated

____CHAPTER 16____

     【 CODY 】

Pagkatapos pakalagan si Geek ni Vlad ay pinasan na ito nung lalaking nagpakawala rito.

"A-anong gagawin n'yo?" Kahit nakukutuban na ako sa anong gagawin nila, tinanong ko parin si Vlad.

Nilingon naman niya ako. "Kung hindi siya magsasalita, patatahimikin nalang namin siya....ng habambuhay."

Nandilat ako sa sinabi niyang yun. Samantalang nakangiti naman siya.

Patungo na yung lalaking pumapasan kay Geek sa malaking aquarium.

"NO!!! STOP WHAT YOU'RE DOING ASSH*@ES!!" Sinubukan ko ulit na makatakas mula sa pagkakahawak sa'kin. Pero tila mas lumakas pa yung pagkakahawak nila sa katawan ko kaya hindi ko sila kinaya.

Tiningnan ko ulit si Geek habang pasan siya nung lalaki.

"HOOOY!!! HUWAG KA NA NGANG MAG-INARTE DIYAN?? LUMABAN KA NA!! ALAM KONG NAGPAPANGGAP KA LANG!! ANO BA GEEK??"

Pero hindi siya gumagalaw. Kinuyom ko ang mga kamao ko't nagtiim ng mga bagang.

"ANO BA?? GET YOUR FILTHY HANDS OFF ME YOU SH?THEADS!!! UNHAND ME OR I'LL--"

"You'll what, Cody?" natigilan ulit ako nang tutukan ako ni Vlad gamit ang sarili niyang baril. Mas nanigas ako sa takot dahil isa yung nine-millimeter gun. Katulad nung baril na ginamit ng taong yun noon sa pagpatay kay mama.

Lumambot nalang bigla ang mga tuhod ko't nanghina lahat sa'kin.

Tinawanan naman ako ni Vlad dahil dun.

"Ano bata?? Ba't nanghihina ka na diyan? Sisigaw-sigaw ka sa'min, hindi mo naman pala kayang panindigan?"

Hindi hinayaan ng mga nakahawak sa'kin na lumuhod ako dahil nilalabanan nila yun at pinapatayo nila ako. Sa kabutihang palad ay nakaya ko naman ulit na makatayo. Nagsisimula na ring manlabo ang paningin ko.

"Oh my...look who's crying?" mas nanggalaiti ako sa panunukso ni Vlad. Maging yung pagtawa nilang lahat sa'kin.

Napayuko ako. Ang lalim ng mga pinakawalan kong paghinga. Nanginginig ang mga kalamnan ko sa galit. Halos bumaon na ang dulo ng mga daliri ko sa dalawang palad ko sa sobrang pagkaka-kuyom ko sa mga kamao ko.

Nang dumako ang paningin ko kina Geek at nung lalaking pumapasan sa kanya ay naka-akyat na pala sila dun sa malaking aquarium at handa na itong ihulog siya.

"HUWAAAAAAAGG!!" 

"IHULOG NA YAN!!"

Pero hindi sila nakinig.

Tuluyan na siyang hinulog sa malaking aquarium na yun.

Tumatawa pa si Vlad habang minamasdan ang papalubog na katawan ni Geek. Hinihintay ko siyang kumilos pero mukhang hinang-hina na talaga siya. Ni hindi na niya magawa pang lumangoy ulit paitaas. Hindi...

"Good for her. She deserves i--"

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!" kasabay ng pagkurap ko't pag-agos ng kung ano mula doon ay ang tila pagdilim ng lahat sa paningin ko. Tanging bulto nalang ni Vlad na tumatawa habang pinapanood ang unti-unting paglubog ni Geek sa tubig ang nakikita ko.

Pakiramdam ko'y nagkakagulo na ang buong sistema ko't umaakyat ang lahat ng yun sa ulo ko.

At ang bilis na ng mga sumunod na nangyari. Nakawala ako mula dun sa apat na mga bakulaw na pumipigil sa'kin at nagawa kong suntukin ng malakas si Vlad sanhi upang mabitawan niya ang hawak niyang baril at bumagsak siya sa sahig. Sinugod rin ako nung mga lalaking kasama niya pero nagawa kong patumbahin silang lahat gamit ang purong kamao ko lang. Puno na nga ito ng dugo mula sa mga mukha nila matapos ko silang bugbugin lahat.

Agad akong lumapit dun sa malaking aquarium kung saan siya naroroon.

Biglang nanlambot ang lahat sa'kin nang makita kong Buhay pa siya!

Nasa pinaka-sahig na ang mga paa niya sa aquarium at nakaharap siya sa'kin.

Nang titigan niya ako, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Lumapit ako sa salamin at nilapat ang isang kamay ko doon.

At nagulat ako nang itapat niya rin ang isa niyang kamay dun sa kamay ko na nasa salamin.

Nagkatitigan kami, tapos ay ngumiti siya sa'kin.

Napakaganda ng ngiti niyang yun.

Pero kinabahan  ako bigla nang ibaba na niya ang kamay niya at unti-unti nang nagsasara ang mga mata niya. Lumalabas na rin ang natitirang hangin sa bibig niya.

"HINDI!!!"

Sinusubukan kong suntukin ang salamin ng aquarium pero dahil may kakapalan ang salamin na yun, ni gasgas ay hindi ko magawa. Pero hindi ko parin tinigilan ang pagsuntok.

"SH?T!!! BUMIGAY KA NA!!! AAAAHH!!" Humahapdi na ang dalawa kong kamao pero wala paring epekto.

Nakahandusay na siya sa sahig ng aquarium at hindi na gumagalaw.

"HINDI!!"

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Vlad at nakita ko yung baril niya malapit sa kanya. Kumaripas agad ako ng takbo patungo do'n nang magsitayuan na silang lahat. Tila nawala lahat ang takot ko nang damputin ko ang baril na yun at itutok dun sa gitnang parte ng aquarium.

"HUWAG!!!"

Nagsitakbuhan na sina Vlad palabas ng silid nang matanto nilang itutuloy ko ang binabalak ko. Inipon ko na lahat ng tapang ko sa mga tirang gagawin ko.

"AAAAAAAAAAAAAA--"

*BANG!!*

"AAAAAAAAAAAAAA--"

*BANG!!*

"AAAAAAAAAAAAAA--"

*BANG!!*

Sa tatlong sunod-sunod na tirang yun ay mabilis na bumiyak ang salamin at tuluyang nabasag. Saka bumuhos sa buong paligid ang maraming tubig at bubog mula doon.

Natangay ako ng malakas na ragasa ng tubig at ramdam ko rin ang mga hiwa sa buong katawan ko mula sa mga bubog ng salamin habang sinusubukan kong sanggain ang sarili ko mula sa pagsabog ng aquarium.  Nakita ko nalang ang sarili ko na nakahandusay sa sahig. Basa, at puno ng sugat.

Ramdam ko na ang mabilis na pag-agos ng dugo mula sa iba't-ibang parte ng katawan ko pero ininda ko yun. Sa halip ay hinanap ko agad ang kinaroroonan niya.

Nang makita ko siya'y kumaripas agad ako ng takbo papunta sa kanya.

Nang hawakan ko ang katawan niya'y malamig siya.

Mukhang hindi na siya humihinga, at hindi ko narin madama ang pulso niya.

Agad ko siyang binigyan ng CPR. Buti at napag-aralan ko yun.

Pagkatapos kong gawin yun ng isang beses ay dinama ko ulit ang puso niya.

Mukhang malabo parin.

Inulit ko ang procedure.

Pero wala parin.

At inulit ko ulit.

"ANO BA!??" habang ginagawa ko ang procedure ay hindi ko mapigilang sigawan siya.

"GUMISING..KA NA!!"

Pinagpatuloy ko parin ang CPR sa kanya pero mukhang wala na talagang nangyayari.

Natigilan ako. "Hindi..."

biglang nanlabo ang mga mata ko't mahigpit kong hinawakan ang ulo ko.

"AAAAAAAAAAHH!!" halos mahila ko na ang buhok ko sa gigil at galit.

At hindi ko na napigilang humagulhol.

WALA MAN LANG AKONG NAGAWA!! Naturingan pa naman akong leader ng isang matinik na gangster sa Alps pero wala man lang akong nagawa para sa kanya...

Napahilig ako sa dibdib niya habang tahimik na humihikbi.

Ang lamig na ng katawan niya. At putlang-putla na rin siya. Sigurado akong marami naring dugo ang nawala sa kanya dahil sa tama ng bala sa isang binti niya.

There's no doubt that she's now.....

*dub-dub....*

Huh?

Natigilan ako bigla sa pag-iyak nang may naramdaman ako.

*dub-dub....*

*dub-dub....*

Mahinang-mahina ito pero sigurado ako sa naririnig ko't nararamdaman.

Agad akong bumangon at mabilis na binigyan ulit siya ng CPR.

Nakita kong gumalaw ng bahagya ang isang kamay niya.

At pinagpatuloy ko pa ang CPR.

Dinama ko ang dibdib niya.

Unti-unti nang lumalakas ang tibok ng puso niya!

Kanina pa ba siya nagre-respond sa ginagawa kong CPR at hindi ko lang yun napansin?

"Diyos ko..buhayin n'yo siya!!"

Umiiyak na ako habang pina-pump ko ang dibdib niya't binibigyan siya ng hangin.

Ilang sandali pa'y naglabasan na mula sa bibig niya ang mga tubig na nainom niya at umuubo na siya ng mahina.

Hindi ko talaga alam kung ano ang naramdaman ko nang mga sandaling yun.

I just stared at her. Then I wrapped my left arm around her neck and slowly lifted her upper body. Pinasandal ko siya sa isa kong balikat at pinulupot ko naman ang kanang kamay ko sa likod niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

At mabilis naring umaagos mula sa mga mata ko ang mainit na mga luhang kanina pa gustong lumaya.

"Now this is what they call..."

*sniff*

"...a 'miracle.."

Niluwagan ko ng konti ang yapos ko sa kanya't tinitigan ko siya.

Ang putla niya, at malamig ang katawan niya. Basa rin ako pero hinubad ko parin ang jacket ko't pinulupot ko yun sa kanya.

Sa kabila ng mga pasa at sugat niya sa mukha at katawan, nakita ko parin ang natatanging ganda sa likod nun.

Unti-unti niyang binuksan ang mga mata niya't tumitig sa'kin...

Ang.....ang bilis ng tibok ng puso ko! Uminit din ang sulok ng mga mata ko saka nanlabo ulit ang paningin ko habang tinititigan ko siya.

All my life, I never felt anything like this.

How I wish it was me in her place. Sh?t! It sucks to see her so weak, in much pain, and almost lifeless!

Biglang gumalaw ang isang kamay niya't hinawakan niya ang pisngi ko.

Hinawakan ko rin ang kamay niyang yun, at nanlambot ako dahil sa lamig nito. Naramdaman ko nalang na pinahid niya ang daliri niya sa mga mata ko.

"You're......crying....Co....."

PLEASE SAY IT!!

"Corby.." sabi niya sabay pilit na ngumiti.

Natigilan ako sandali, pero napangiti rin ako kalaunan. Ngayon lang ako natawa nang tawagin niya ako ng ganun. "Cody nga sabi eh.."

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha niya. "How are you?" ngayon lang naging ganito ka-hinahon ang boses ko.

Ngumiti lang siya saka tumango ng isang beses.

Nginitian ko rin siya. "Ang tibay mo talaga.....geek."

Tumingin-tingin ako sa paligid.

"We have to get outta here as soon as possible." dahan-dahan ko siyang binuhat saka ako tumayo.

Palabas na sana kami ng silid na yun nang biglang may mga narinig kaming putok ng baril mula sa labas. Agad akong umatras at lumayo sa pinto. Tapos ay dinala ko siya patungo sa isang sulok.

Anong gagawin ko? Kapag hindi ko pa siya nailabas dito sa lalong madaling panahon ay baka matuluyan na talaga siya!

"Get...the...gun.." may tinuro na direksyon si Geek sa'kin. Tama, yung baril ni Vlad!

Agad akong tumakbo papunta doon at dinampot ang baril.

Tinitigan ko yun ng ilang sandali saka hinigpitan ko ang hawak.

Mukhang tuluyan nang nawala ang takot ko.

Tumakbo ulit ako pabalik sa kanya nang biglang bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang mga alipores ni Vlad. At bago pa nila ako tutukan ng baril ay pinaputukan ko na sila. Dalawang beses yun. At natumba na ang dalawa sa sahig.

Napalunok ako pagkatapos nun.

Yun ang una kong..pamamaril.

Agad kong nilapitan si Geek at tiningnan siya.

"What's happening?" tanong ko.

"They're....here.." ngiti niyang sagot. Naghihingalo na siya. Crap, this is getting worse.

Nagpuputukan parin sa labas. At may mga naririnig rin akong tunog ng mga sasakyan na umaandar papalayo. Marami paring mga putok ng baril ang naririnig ko. Na unti-unti na ring nawawala pagkaraan ng ilang sandali.

Nakiramdam ako.

"Mukhang wala na sila, geek. Aalis na ta--" natigilan ako sa pagsasalita nang bumaling ako sa kanya.

Wala na siyang malay. Humihina narin ang pahinga niya. Nag aagaw-buhay na talaga siya!!

"HINDI!!!" tinapon ko yung baril at binuhat na ulit siya. Malapit na kami sa pinto nang bigla yung bumukas at bumungad ang isang matangkad na lalaki na naka-uniporme at tinutukan kami ng baril.

Nanigas ako, ngunit nang makita niya ang buhat-buhat kong si Geek ay natigilan siya't nabitawan ang hawak niyang armas.

"Anak.."

Agad itong lumapit at kinuha sa'kin si Geek.

*~*~*~*~*~*~*

Paglabas namin sa tunnel ay agad na pinahiga siya nung lalaki (yung bumuhat kay geek mula doon sa baba) sa isang de-gulong na stretcher.  Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito kahit na wala itong anumang sinasabi. Pinasok na ng mga medics si Geek sa ambulansya. Sumama rin yung lalaki, at mabilis nang umalis yung ambulansya palayo.

May mga medics din na lumapit sa'kin pero tumanggi akong magpatulong. Ayos lang naman ako eh. Kaya ko pa.

Papunta na sana ako doon sa bahay nang may biglang tumawag sa'kin.

"CODY!!!"

Nabigla ako nang makita kong isang hazzard pala ang tumatawag sa'kin. And based on his helmet, it's Nash. At kasama rin niya yung anak-mayaman na si Kylie Bernardino.

"What're you...How did you get here?" tanong ko sa kanila.

"Sinundan namin sila." sagot ni Nash sabay turo sa mga itim na kotse malapit sa'min. Tinaas niya ang salamin ng helmet niya saka tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kumusta? Ayos ka lang ba Cody?" aniya.

Inangasan ko siya. "Ano ba sa tingin mo? Ayos lang ako. Wala lang 'tong mga 'to."

Napangiti siya. "Ayos!"

Hinawakan naman ni Kylie ang kwelyo ng jacket kong suot. "Kumusta si Penelope?" naiiyak niyang tanong.

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay hinawi ko ang mga kamay niya sa damit ko't naglakad na ulit. "Go home."

"NO!!" hinabol niya ako't hinarangan. "Tell me..how is she?"

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. "Baka hindi mo lang kayanin sa oras na sabihin ko sa'yo. Kaya kung pwede lang, huwag mo nang alamin." tapos ay iniwan ko na sila.

Narinig ko pa ang paghagulhol niya sa likuran ko.

"Cody Esguerra?" natigilan ako nang biglang may tumawag sa'kin.

Nilingon ko.

Isang lalaking naka-coat, may suot na sumbrero at may balbas. May kasama itong isang binatang lalaki na may bandana sa noo. Nakita ko na siya. Siya yung kasama ni Geek minsan sa labas ng cafeteria ng school. Kasamahan pala niya ang mala-labanos na lalaking 'to.

"Ako nga."

"Sumama ka sa'min. Tatanungin ka lang namin ng ilang bagay kaya huwag kang mag-alala, hindi ka namin ikukulong o ano paman."

"Tss. Hindi naman ako nag-aalala sa anumang bagay eh." sinilid ko sa bulsa ng jacket ko ang isa kong kamay. "Magbibihis lang ako." tapos ay tinalikuran ko na sila.

Pag-akyat ko sa silid kung saan kami natulog kagabi, pumunta agad ako sa aparador na naroon at nagpalit ng damit.

Nang matapos ako sa pagbibihis ay humilata ako sandali sa kama.

Napapikit ako at huminga ng malalim. Memories are coming to me..

*~*~*~*~*~*~*

[[Last night..

"Geek?"

No response.

"Oy geek?" mula sa pagtitig ko sa kisame ay nilingon ko siya.

Pero nakapikit na siya't parang wala nang naririnig.

Tulog na yata.

Kumunot ang noo ko nang tingnan ko siya. Grabe siya matulog, ang ayos ng porma..parang patay. Pati paghinga, mukhang bilang lahat. Komportable ba siya sa posisyong yan? Parang ang hirap gawin ah..

Pero..

Bumangon ako't umupo sa tabi niya.

*Sigh*

While she's sleeping, I was silently watching her, I can't help it. Hindi na rin ako nakaramdam ng antok.

I was staring at her, then my heart starts pumping so wildly.

Parang gusto kong hawakan ang mukha niya. Kaya sinubukan kong gawin.  Malapit na yung kamay ko sa pisngi niya. Pero ang kamay ko...

Shoot, it's shaking!

And my heart's pumping more and even more like hell!

Kaya mabilis na binawi ko nalang ang kamay ko.

Tinitigan ko nalang ulit siya habang tahimik na natutulog.

Why on earth is this happening to me? Bakit masyado na akong apektado sa kanya?]]

***

All this time, I thought of girls as a total disturbance, distraction..sagabal, sabit!

But I never thought that one day, one girl would stole me. And it happened so fast I didn't noticed it. I mean..I hate her! Nakaka-bw?sit siyang tumitig, nakaka-asar siyang magsalita, nakaka-inis ang mga ginagawa niya at higit sa lahat, tinalo niya ako. At hindi ko matanggap yun. Halos patayin ko siya sa isipan ko dahil sa walang-kapantay kong galit sa kanya. Siya lang ang nakapagpa-init ng husto sa ulo ko't nagpakulo ng dugo ko.

Ngunit pagkatapos ng mga nangyari sa'min....hindi ko alam. Parang ipo-ipo na tinangay lahat ng mga...galit ko sa kanya. Isang gabi't halos kalahating-araw lang, pero nagbago agad ang nararamdaman ko sa kanya.

At dahil doon mas nainis ako sa kanya, at galit ako sa sarili ko. Hindi ba dapat lalaki ang nagliligtas at hindi babae?

***

[[Aaaaagh, bw?s¿t.

Nakuyom ko ang kamao ko sa inis.

Pero nang masdan ko ulit siyang mabuti habang natutulog siya ng mahimbing, naging kalmado na ulit ako at napangiti..ganun kabilis.

At habang minamasdan ko siya, hindi ko mapigilang humanga sa kanya.

She's... .

Damn, she's beautiful.]]

***

I do not have any interests in girls and never had any kind of relationships yet. But because of her, wala na.

I am not a jerk not to realize what i'm feeling right now.

Gusto ko siya, and I mean it.

Uuuugh, sh?t.

Why the sudden change of emotions, Cody?

Then...

I also remembered a thing about yesterday. Ang totoo, tama talaga siya sa sinabi niya sa'kin kagabi na hindi siya dapat isasama ni Vlad dito. Kaya nga hindi ko sinagot ang tanong niya tungkol dun.

Kasi...

***

[["Hindi ako sasama kung hindi rin siya kasama Vlad. Girlfriend ko siya at inlove ako sa kanya kaya kung gusto talaga ng taong yun na sumama ako, isasama mo rin siya!!"]]

***

I don't know what kind of jerk spirit possesed me that moment. But it happened. I managed to convince Vlad then the rest was history.

Saka naman dumilat ulit ang mga mata ko't bumalik sa realidad.

Ugh, okay...engot na nga ako. And enough of this nonesense reminiscing, it just sucks. I better get up now and face those..wierd friends of the geek.

Pagbaba ko sa bahay ay hindi ko na nakita sina Nash. Malamang ay pinauwi na sila.

Nang makita ako nung dalawang lalaking kumausap sa'kin kanina ay agad nila akong tinawag at pinasunod sa'kin.

Nang sumama ako sa kanila ay dinala nila ako sa isang hotel. Nakapagtataka dahil in-expect kong sa isang presinto o isang kwarto na may ilaw sa ibabaw ng lamesa katapat ko ang pagdadalhan nila sa'kin.

Tinanong nila ako tungkol sa akin, sa ama ko, at sa lahat ng nalalaman ko tungkol sa sindikatong kinasasangkutan ng pamilya ko.  At hindi ko naman pinagkait sa kanila ang nalalaman ko.

They offered medical services after the interview session but I refused. Tapos ay iniwan ko na sila't lumabas na ng hotel at umuwi.

*~*~*~*~*~*~*

Akala ko babalik na sa dati ang lahat pagkatapos ng pangyayaring yun...

Pero nagkamali ako.

Dahil pagkatapos ng mga nangyari ay tila nagbago ang lahat sa buhay ko..err, halos lahat lang pala.

Maliban kay Nash, walang alam ang buong hazzards tungkol sa totoong nangyari sa'kin nang mawala ako. I just told them, through text, na dumayo ako sa ibang bayan at naghanap ng away kaya magpapahinga muna ako. Nagalit nga sila sa'kin dahil naging selfish daw ako, hindi ko raw sila sinama.

Mas naging madalas narin ako sa bahay kaysa sa ibang lugar. Parang lagi nalang akong tinatamad na pumunta sa tambayan, makipag-away, o pumasok sa school. Parehong sarado na ang Beagle at ang Pink Leopard kaya wala na kaming natatambayan tuwing gabi. Pero sabi ni Milo, may bagong-tayo na malaking bar daw sa Doodle street. Nag-aya na subukan rin naming tumambay doon.

Pero tumanggi ako sa lahat ng mga alok nilang gimik sa'kin. Nagtataka na nga raw sila eh. Buti nalang at tinatakpan ako ni Nash. Alam niya ang totoong nangyari at nagpapasalamat ako dahil tinutulungan niya ako.

Nabalitaan ko rin mula sa kanya na hindi na raw pumapasok sa school ang geek mula nung araw na yun. Kaya parang mas tinamad ako na lumabas. Ni cellphone o laptop ko'y hindi ko na magawang hawakan. Sobrang tinatamad ako, pagulong-gulong nalang ako sa kama ko buong araw.

At pagkatapos ng ilang araw na pag-iisip at pagninilay-nilay...isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Isang desisyong sigurado akong ikagugulat ng buong hazzards. At sana'y tanggapin nila.

-=-=-=-=-=-=-=-=-

Continue Reading

You'll Also Like

40.7K 1.7K 37
[The Wattys 2021 Winner] Handa ka na ba sa isang paglalakbay na yumayakap sa hangin? Si Liwayway ay isang ordinaryong mamamayan mula sa pamilya ng m...
10.2K 1.4K 65
Sheina Malvarez is a very introverted person. She doesn't really care about her surroundings and prefers not to express her feelings to other people...
1.3K 91 7
A story tribute to the Bagobo Society located in the philippines. Mahomanay is a fairy-like mythical creature that changes into their ugly form befor...
593K 13.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...