Intoxicated

By MalditangYsa

12.5M 229K 21K

Choices. Decisions. Sacrifices. Betrayal. Consequences. Circumstances. They say first love never dies. Tyrone... More

Teaser
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
EPILOGUE
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Published under Psicom

Chapter Six

219K 3.7K 716
By MalditangYsa

Chapter Six

Kinagat ko ang labi ko habang nagdadalawang isip kung iiwan ko ba ang notebook ko dito sa locker room. Hindi nakapagattend ng math si Tyrone kanina, so I was thinking maybe he needs my notebook. Luminga linga ako at tinignan kung may tao. Mukhang wala naman. Karamihan ay naroon sa gym para tignan ang training ng mga basketball players.

Inilapag ko ang notebook ko sa parehong upuan. Pumunit ako ng papel mula rito at nagsulat:

I thought maybe you need my notes...

Bumuntong hininga ako, tinupi ito, at inipit sa locker niya.

Gusto ko pa sanang manatili, gusto ko pang panuorin ang laro nila. Gusto ko pa siyang makita kaya lang ay baka hinahanap na ko ni Viviene sa bahay. Baka wala na naman siyang makain. Ngayon ko lang din narealize na hindi na naman pala ako kumain kaninang lunch. Mabuti na lang at hindi ako masyadong nangangayayat.

Naabutan ko si mama sa dati niyang pwesto sa balkunahe. Nagsisigarilyo siya at nakatitig sa kawalan. Minsan ay gusto kong magalit sa kan'ya. Nang nawala si papa ay sobrang nasaktan si mama. Pati naman kaming tatlong magkakapatid, pero si mama, halos gusto na rin niyang patayin ang sarili.

Simula rin noon ay nawalan na siya ng pakialam sa amin. Si ate ang nagtaguyod sa amin ngunit hindi pa rin sapat ang kanyang pinapadala. Karamihan nito ay pinapangsugal ni mama, at ang natitira ay pambili ng pagkain na pinagkakasya namin sa isang buwan.

Kahit gusto kong magalit at magtanim ng sama ng loob ay hindi ko magawa. Tuwing nakikita ko si mama, alam ko ang hirap nang kanyang dala. Isa pa, nanay pa rin namin siya. Binuhay niya pa rin kami, inalagaan, at minahal. Nanay ko siya at kahit ganito siya, mahal ko pa rin siya.

"Ate, paturo naman po dito sa Science." Ngumuso si Yvette sa akin nang humiga na ako sa kama para makapagpahinga. Tapos na ako sa lahat ng gawaing bahay at ang gusto ko na lang sana ay matulog.

Pumikit ako saglit at muling binuksan ang mga mata ko. Umupo ako sa tabi niya "May quiz kayo?"

"Opo, ate."

Tumango ako at sinimulang ireview ang kapatid ko. Nang matapos ay naramdaman ko ang matinding pagod sa katawan ko. Mabilis akong nakatulog at hindi nawala sa katawan ko ang excitement na bukas ay muli ko nang makikita si Tyrone.

---

Muli kong hinawakan ang dalawang notebook na nakapatong sa armchair ko. Ang isang notebook ay ang math notebook ko, ang isa nama'y hindi ko kilala. Kumunot ang noo ko at tinitigan ang lalaki sa tabi ko. Hindi siya nakalingon. Nakapilig ang ulo niya at may earphones lang na nakaplug sa tenga niya.

Binuklat ko ang spiral notebook na kulay green para alamin kung kanino ito, at halos tumalon ang puso ko nang muling makita ang sulat-kamay ni Tyrone.

You slept in Economics. Here's my notes.

Ngumuso ako para pigilan ang pagngisi. Pinagmamasdan niya ako? Paano niya nalaman?

Uminit ang buong mukha ko. Kinailangan kong humilig sa upuan para walang makakita ng pamumula ng buong mukha ko. Baliw na ba ako? Baliw na nga siguro ako. Hindi ko pa nararanasan ang ganitong pakiramdam. 

"BALIW ka na talaga!" Kumakain ng chips si Princess habang sinusuri ako. Ganon pa rin ang ayos ng buhok niya. Umiling iling pa siya. "Baliw!"

"Bakit ba?" Umirap ako sa kanya at kumuha ng chips mula sa hawak niya.

"'Wag ka nga kasi mag-feeling! Duh. Pinahiraman ka lang naman ng notebook na-in love ka na agad? Aneng aneng!" Kinuha niya ang pamaypay niya at pinalo ito sa ulo ko. Pero hindi ko na pinansin pa. Tumagos ang titig ko sa table nina Tyrone dito sa cafeteria. Posible bang bumalik ang pagcrush sa isang tao? Wala talaga akong alam!

"Oh tignan mo 'to. Lovestruck te?" muling umiling si Princess at tinitigan din si Tyrone. Pabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa. "Bakit ba kasi si Tyrone? Mas hot naman yung iba niyang mga pinsan. Ayan si Adam. Yummy yan eh."

Nalipat ang titig ko kay Adam na panay ang halakhak. Kumunot ang noo ko at binalik ang titig kay Tyrone.

"Huy, okay lang na crush mo si Tyrone. Kaso, diba kasi pinahamak ka na niyan? Snob pa. Okay lang na crush mo basta wag ka na lang umasa." Pinuno ni Princess ang kanyang bibig ng chips. Mabuti yon para hindi na siya magsalita.

Nagangat ng tingin si Tyrone at nagtama ang aming mga titig. Muli kong naramdaman ang paginit ng buong mukha ko. Mabilis akong nagiwas ng tingin bago pa siya makahalata na gusto ko siya.

Oo. Gusto ko siya. Shet, gusto ko na naman siya.

Nagsulat ako ng notes sa notebook ko sa Economics. Pamaya-maya ay inaamoy ko ang notebook ni Tyrone kahit na wala naman itong amoy kundi papel. Hindi ko alam pero kahit ganon ay ang bango bango pa rin.

Muli kong inilapat ang notebook niya sa ilong ko at inamoy ito. Pagbukas ko ng mga mata ay nahagip ng mata ko si Tyrone, nakangisi. Nakangisi sa akin. He looks amused. His eyes are locked on mine at may naramdaman ako sa tyan ko. It's not just butterflies. It's the whole garden in my stomach.

Marunong siyang ngumisi?

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung ano ang ginagawa ko. Mabilis kong binaba ang notebook niya at hindi ko na siya tinitigan pa.

Hindi pa naman nagbebell pero maaga akong nagtungo sa classroom. Ibabalik ko na kasi ang notebook ni Tyrone pero ayoko siyang kausapin. Kaya't ginawa ko ang lagi niyang ginagawa. Pumunit ako ng papel mula sa sariling notebook at nagsulat ng aking pasasalamat.

Ipinatong ko ang notebook niya sa upuan niya at naghintay na magbell.

Pero hindi pa nagbebell nang pumasok na siya. The usual him. One strap on his shoulder, his earphones plugged on his ears. Lumunok ako at yumuko. Nakakahiya na talaga ako.

Tumibok ng malakas ang puso ko nang makita ang black shoes niya habang dumadaan siya sa harap ko, patungo sa kanyang upuan. Gusto kong yumuko na lang forever, pero hindi ko napigilan ang sarili kong magnakaw ng tingin sa kanya. Shit. Andon na naman ang ngisi niya habang binabasa ang one-word letter ko. Bakit ba napakagwapo niya kapag ngumingisi?

At ang nakaw na tingin ay nagtagal ng ilang minuto. Muli kong naappreciate ang kakisigan niya. May halong Spanish ang kanyang mukha at ang kanyang mga mata... Light brown. Nakaka-loose thread ng panty. Ang kanyang buhok na parang laging bagong gising.

Nabalik lang ako sa ulirat nang lumingon siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Nakangisi pa rin siya at hawak pa rin ang papel na binigay ko. Kumindat siya sa akin at muling lumipad ang mga paru-paro sa greenhouse garden nila. Nanginig ang kamay ko at nanghina ang tuhod ko. Gusto kong humiga sa sahig at bilangin na lang ang mga puso na paikot-ikot sa ulo ko.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko, trying so hard na wag tumili. Ayokong tumili. Shit. Ang hirap.

Tumayo ako at mabilis kong naramdaman ang titig niya sa akin. Tinakbo ko na ang pinto. I need space, away from him. Dahil kapag nariyan siya ay nawawalan ako ng focus. Pinaypay ko ang palad ko sa mukha ko at huminga ng malalim. Ngingiti ngiti ako habang naglalakad. Papunta saan? Ewan.

Nakasalubong ko si Princess at hindi ko na napigilan. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at tumalon talon. Kailangan ko lang talaga itong ilabas.

"Oh? Anyare?"

"Oh my God!" tawa ako ng tawa na parang baliw. Hindi ko masabi sa kan'ya dahil puro halakhak ang lumalabas sa bibig ko. "Oh my God."

Umirap siya sa akin "Kung wala kang balak sabihin sa akin, Yvette, babush na. May ginagawa pa kong assignment."

Tumigil ako sa kakatalon. "Teka lang. My God, Cess. My Goooodddddd!"

Umirap muli siya at tinaasan ako ng isang kilay.

"Kumindat siya sa akin!" I finally blurt out. Muling nagflashback sa utak ko ang pagkindat niya sa akin at humalakhak muli ako. Why can't I stop?

"Tapos? Nabaliw ka na?" tinitigan niya ako at kumindat siya sa akin in an unlady-like manner "Oh? Kumindat ako sa'yo ah! Bakit hindi ka rin magtatatalon dyan?"

Lalo akong napahalakhak ng malakas. "Hay Cess. Best friend in the world."

Umirap siya at biglang tumunog ang bell. "Shit, Cess. Anong itsura ko? Mukha ba akong baliw? Okay lang ba ang buhok ko?"

Humalakhak si Cess and gestured an okay sign with her thumb. I heaved a sigh of relief. Nagpaalam na kami sa isa't isa at bumalik na ako sa classroom namin. Hindi ko tinitigan si Tyrone the whole time. Nahihiya ako. Isa pa, baka alam niyang lumabas ako dahil hindi ko napigilan ang kilig.

"Ms. Arteta, you still don't have your book?" Ani Sir nang magliterature.

Yumuko ako dahil muli ay nakuha ko ang atensyon ng lahat. Para bang sinisigaw ni sir sa lahat na hindi ko kaya magafford ng libro. "No, sir." mahina kong sambit.

"If next time, you still don't have it, I'll send you out. Do you understand?"

Inangat ko ang tingin ko. Halos maluha na ako sa kahihiyan. "Yes, sir."

Bumuntong hininga siya "For the meantime, Mr. Feledrico, please share your book to your seatmate."

Gusto kong kainin na lang ako ng upuan ko ngayon. Hindi ko yata kayang makipagshare ng libro kay Tyrone matapos ng pagpapahiya sa akin ni Sir. Hindi ko na yata kaya pa ang kahihiyan na natatamasa ko rito sa first section.

Nanatili ako sa upuan ko, nakayuko. Hindi ko tinitigan si Tyrone pero ramdam kong nakatingin siya. Pinikit ko ang mga mata ko at tumulo ang isang luha na mabilis kong pinunasan.

Hindi ako mayaman. Oo, I can't afford to buy your books. You didn't have to broadcast it to the whole class.


Napamulat lang ako ng mga mata nang naramdaman ko ang pagpatong ni Tyrone ng kan'yang libro sa armchair ko. Tinitigan ko ang libro. It's very neat. Hindi ko pa rin nagawang titigan si Tyrone. Bakit niya ba nilagay ang libro niya rito? Hindi pa ba klaro na ayokong makipagshare?

Narinig ko ang kaluskos ng kanyang upuan sa sahig. He's moving his chair towards me. Pero hindi pa rin ako lumingon sa kanya. Nakatakip ang aking buhok sa aking mukha. I kept still hanggang sa maamoy ko muli ang kanyang perfume.

Napakalapit na naman niya sa akin. Nawala na naman lahat ng sinabi ko kanina. Kinain ko na naman iyong sinabi kong ayokong makipagshare ng libro sa kanya. Nawala lahat ng galit ko kay Sir.

Lahat ng natitirang lakas ng loob ko ay ginamit ko para pigilan ang sarili ko sa pagtitig sa kan'ya.

Nagsimulang ipabasa ni Sir sa amin ang isang storya mula sa libro. Hindi ako nagbasa. Nanatili ako sa posisyon ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Tyrone. Bigla na lang siyang naglagay ng isang intermediate paper sa taas ng kanyang libro, in front of me, on my desk. Kahit kamay niya lang ang nakikita ko ay sobra sobra na ang paghuhuramentado ng sistema ko.

I remained silent.

Pinanuod ko kung paano magsulat ang kamay niya sa papel. His handwriting became familiar.

You okay?

Ibinaba niya ang ballpen sa desk ko at nawala sa paningin ko ang kamay niya. Is he talking--I mean writing--to me? Pinagmasdan ko ang ballpen niyang nanatili sa desk ko. Wala sa sarili ko itong kinuha. I'm holding his pen. It's like holding his hands indirectly. I almost giggled sa naiisip ko. Nawala lahat ng galit at pagkapahiya sa katawan ko.

Yes. I wrote back. Binaba ko rin ang ballpen at kinuha niya naman ito.

Sure?

Yes. Bakit?

Wala lang. Hayaan mo na yung kalbong yun.

Halos humagalpak ako sa tawa sa nabasa ko. Kailan pa nagkaroon ng ganitong side si Tyrone? Bakit sa ilang taon ng pagsstalk ko sa kanya ay ngayon ko lang nakita itong side niya?

Baliw! Haha. Magbasa ka na nga! I wrote back na nakanguso, nagpipigil ng ngiti. Binaba ko ang ballpen niya at hinintay siyang kunin ito.

That's it, Yvette. Smile. You're beautiful that way.


Nalaglag ang panga ko sa nabasa. I'm... I'm beautiful? Bago pa man ako makapagreact ay tinanggal na niya ang papel, tinupi ito, at ibinulsa. He started reading the poem, his voice almost a whisper. Only us can hear. He's like telling me a story.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

103K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1.9M 50.7K 46
Barkada Babies Series #2 Paano niya masusuklian ang pagmamahal na binibigay sakanya kung hindi naman niya alam kung paano magmahal? He grew up with l...