JHO POV
"I love you Jho"
Nagising ako, nagising ako from a dream. I think it's a kind of a bitter sweet dream. Kinikilig ako pero hindi dapat, kasi hindi ko naman kilala yung nagsabi, di ko nakita ang mukha niya at hindi ko siya maalala maski ang boses niya.
I'm in a dark place pero para akong nakakulong and naririnig ko lang yung mga yon sa dream ko. Sobrang sakit ng heart ko pag gising ko. Naiiyak ako pero kinikilig at the same time.
The thought of that I love you makes me kilig. Kilig na feels like familiar and all. Pero di ko na masyadong inisip sumasakit lang ulo ko.
Nauna akong magising sa alarm ko. Magluluto muna ako ng breakfast para sa team. I still have 30 minutes before 6 AM.
Magluluto ako ng Adobo.
It's already 6 AM kaya nagsaing na din ako, patapos na din yung adobo ko.
After that ginising ko naman silang lahat para mag breakfast na.
"Wow Jho, you cook this?" Ate Den
"Di ko rin alam Ate Den, pagkagising ko gusto ko lang talaga magluto ng adobo. Di ko nga alam kung saan ko natutunan yan eh." Jho
They all smiled at me.
Bago pa man magstart lahat kumain. Bumukas ang pinto.
"Good morning guys! Abot ba ako sa breakfast?" Bea
"Right in time babe! Nagluto si Jhooo!" Jia
Nanlaki naman mata niya and I don't know why. At umupo na din siya.
JIA POV
"Nagluto si Jho ng adobo bei! Yieeeee!" Jia
"Ano ka ba! Move on na tayo!" Bea
"Ulol Bea wag ako!" Jia
"Jia it's time to walk away muna. Too much pain hehe" Bea
Kumain na kami and same old, same old.
"Mommy Jhoooo! Wala talagang kupas adobo mo ano?" Deanna
"Still the same old adobo! Grabe nakakamiss to mommy jho!" Sydney
Nakita ko naman na parang confused si Jho sa mga nangyayari kaya pinangdilatan sila ni Bea.
"Sobrang sarap Jho! Namiss namin tong adobo mo. It's been a while and alam kong namiss to ng lahat. Lalo na siya." Ate Den; pero yung dulo na sinabi niya ay pabulong na sapat lamang na marinig ko.
"I just feel like cooking kahit di ko talaga alam kung paano ko nagawa yon. I just woke up from a dream then ayun gusto ko magluto hehehe. Thanks guys for appreciating my adobo. Lutuan ko uli kayo soon!" Jho
"Thank you Jho!" Everyone
"Guys! Ligo na lahat! We still have an hour to prepare!" Ate Ly
"Yes capt!" Everyone
BEA POV
Ang aga ko pumunta dito sa Eliazo, prepared na din ako and nasa sasakyan na gamit ko.
"Liligo na ko babe. Sama ka?" Jia
"Woah ang bilis mo naman Julia Melissa!" Ate Ells
Natawa naman lahat!
"Sira tinatanong ko lang kung sasama siya sa kwarto! Dudumi niyo no?" Jia
"Sus! Mabilis lang akong kausap Jia! Lika na sama ako sayo.....sa kwarto hahahahahahaha" Bea
Magkaroom si Jia at Ate Ells kaya kaming tatlo sa room.
"Si Bea! Kinikilig! Namiss mo ano?" Ate Ella
"It's been a while! Akala ko di ko na matitikman, I mean ako naman nagturo sa kanya non pero mas iba yung luto niya eh." Bea
It really was our recipe for adobo. Kaya nagulat talaga ako na nagluto siya.
"Baka nakaka....!" Jia
I cut her agad bago niya pa ituloy ang sasabihin niya. I don't feel like talking about that "thing"
"Let's just not take our hopes up." Bea
"Ulol wag kami Bea! Sige pagbibigyan ka namin, it's been like what 9 months already? Baka nga may progress na! Yiiieeee" Ella
"Ate Ella stop! Hahahahaha! Baka masaktan lang din ako eh." Bea
"Baby beshhh!!! Omygod binilisan ko pagligo! Hindi ko akalain na magagawa niya uli yon! Ang saya ng puso ko!" Ate Den
"Sa true besh! Ito namang si Bea nagpipigil ayaw daw niya humopia! Hahahahaha! Pero aminin sumaya puso mo!" Ate Ella
"Fine! Pero ayaw ko lang na mahulog puso ko." Bea
"Eh diba matagal nang hulog? Hahaha! Joke time lang nak?" Ate Ly
"Bakit ba ako pinagpipiyestahan niyo dito? Kumilos na kayo 8 am call time pa ah!" Bea
"It was just for you Bei! Ikaw lang naman ang wala sa dorm hahahaha!" Jia
"Ang aga ko pa naman gumising for this! Di pala masusunod." Bea
"Sus if it wasn't for us di mo matitikman yung adobo, Beadel!" Ate Ella
"PG ka talaga besh walang kupas!" Ate Den
Nagtawanan naman lahat, naligo naman na si Jia lumabas naman ang team. At ako natulog muna ako kasi ang aga ko nagising saka ako ang magdadrive mamaya.
DEN POV
Everyone is prepared, and si Bea tulog pa hahaha kawawa naman yung baby namin napagtripan. Pero good thing 8 am prepared na lahat. Start na rin yung ibang girls na ibaba mga dala nila.
Nakita naman naming bumababa na si Jia at Bea na daladala gamit ni Jia.
"Ang gentledog naman nak!" Ly
"Ang hard mo sa anak mo! Hahahaha" Den
"Papaimpress lang yan mga ate! Maniwala ka diyan kay Bea" Jia
"Osige buhatin mo tong bag mo na kala mo isang taon ka maglalakbay!" Bea
"Joke lang bei hihi! Love you!" Jia
Nagstart na lahat na ilagay mga gamit sa sasakyan.
Bea's Car - Jia, Maddie
Ly's Car - Kiwi, Den, Ella
Jamie's Car - Kat, Mich, Gizelle, Ana
Syd's Car - Ponggay, Jules, Deanna, Ria
While Jho is waiting for Nico, nag-on muna ng engine silang lahat para palamigin na din yung sasakyan then nagring phone ni Jho.
*on the phone
"Hey babe!"
"Yes prepared na kami, saan ka na ba?"
"Ohhh okay. Sige I'll text you na lang hehe."
"Okay bye i love you ingat ka."
"Jho what happened?" Den
"Eh kasi Ate Den, susunod na lang daw si Nico baka bukas he needs to run some errands para sa company nila eh." Jho
Bumulong naman si Ella, "akala ko ba sa ayaw at gusto, puro salita haha"
Pinangdilatan ko naman si Ella, puro dada buti di narinig ni Jhoana.
"So Team kanino pwede sumabay si Jho?" Ly
"Ly sama ako kay Jho tas sa sasakyan kami ni Bea! Dami pang seats na available diba Jia?" Ella
Nagsmirk naman kami ni Ly kasi alam ko na tong mga pakulo ni Ella.
"Ay yes mamshi Ells! Kasyang kasya yun nga lang sa gulong ka oks lang?" Ria
"Eh kung ipaiwan kita dito Charice?" Ella
"Charot lang mamsh! Labyu!" Ria
"Yes Ate Ells kasya pa! Sakay na kayo ni Jho." Jia
"I guess I'm the thirdwheel again hays!" Amy
"Ate Kiwi pwede kong palipatin si Ponggay yiiieee!" Deanna
"Nice one Deanna, pero I'm good na hahaha" Amy
Nasa loob ng sasakyan lang pala si Beadel habang naglilikutan pa ang team
BEA POV
Sobrang tagal lang ni Nico, feeling important sa tagal dapat kanina pa makakaalis eh.
Nagulat naman ako ng bumukas na ang mga pinto.
"Yes finally, dumating na ba si Ne" Bea
I was about to say Negro pero nakita ko si Jho kaya di ko na lang tinuloy.
"Jho asan si Nico?" Bea
"Sunod na lang daw bukas beh." Jho
"Uy beh! Hahahahahahaha beh daw oh beh! Ayieee kilig si beadel!" Maddie
"Epal ka maddie bumaba ka, pahatid ka kay zoe." Bea
"Charot lang bebe! Di ka mabiro no? Init ng ulo siz?" Maddie
"Ready na ba kayo guys?" Jia
"Yep, good to go na." Ella
So we start the trip na. Byaheng North pala kami, buti malapit na lang NLEX sa katip and wala masyadong traffic.
We're already on a 3 hour drive then we decided to stop. Fill some gas in and food. Nakakapagod din magdrive, wala man lang gustong palitan ako sa pagdadrive. I pleaded for us to stop.
I'm waiting for my gas tank to be full and the others are buying their foods. I'm with Jia sabi ko mauna na siya pero sabay na lang daw kami. After a few mins tapos na din kami and I parked my car.
We searched for them and they were eating at Max's actually they are waiting for us pala.
"Glad the two of you are already here. Tara order na tayo!" Ate Den
"Sorry Ate Den, tagal kasing magfill up ng gas and full parking din kaya natagal hehe." Jia
"No worries tara order na." Ate Den
I'm scanning the whole menu and it brings back memories...good memories.
The way we always order the same thing, di kami nagsasawa hahaha! Same old, same old.
"I'll have basic chicken meal plate and champorado" Bea and Jho // JhoBea
"Uyyy parehas order parents ko ah!" Deanna
"She remembers" Jia
"Baka nasa unconscious mind niya lang or yun lang talaga gusto niya kainin today. Let's not make it a big deal Jiababe" Bea
"If you say so Beatriz." Jia
"Maghaharutan na lang ba kayo diyan o oorder ka Jia?" Ella
"Bitter mo samin no? Siguro crush mo ako Ate Ells!" Bea
"Tama nang siya yung pinabali mo wag mo na akong baliin pa! Hahahaha siraulo ka Beadel!" Ella
Everyone laugh, waiting game ang peg namin sa restaurant. Cellphone and chika naman yung iba.
After 15 mins dumating na din order namin. Galit galit muna ang lahat sa pagkain.
ELLA POV
Natatakam ako sa champorado. Sarap na sarap kasi si Bea sa kinakain niya ito namang katabi ko di pa ginagalaw yung pagkain niya.
"Beh la ka balak kumain?" Ella
"Beh ka diyan hahaha! Wait lang Ate Ells kakain ako." Jho
"Eh kanina ka pa diyan nakatulala eh. Problema mo? Ayaw mo ng pagkain? Akin na lang champorado mo." Ella
"Ayan diyan ka magaling! Hahahaha no way ate ells paborito namin....." Jho
"Uy Jho okay ka lang?" Ella
"Oo okay lang may nag-appear lang ng memory sa utak ko. Di lang clear, so going back! Paborito ko to so back off." Jho
"Di ka majoke no? Kain ka na! Para makaalis na din tayo. Patapos na sila oh." Ella
"Oo ito na donya! Chill ~" Jho
Kailangan kong sabihin to kana Alyssa.
While everyone is going to their car. Pumunta muna ako kay Jia and hinila siya papunta sa car ng team besh!
"Oh Ella at Jia anong ginagawa niyo dito?" Den
"Besh kelangan kumalma kayo ah. I have to tell you something." Ella
"Ano yun? Spill" Alyssa
"I think she is starting to remember." Ella
"How can you say that?" Amy
"Remember kanina, parehas order nila then natatakam ako sa champorado tapos di naman kumakain tong si Jho, so I asked kung bakit? Kasi kakainin ko na lang champorado niya but sabi niya na "no way ate ells paborito namin..." and tumigil siya from there like nawala siya sa sarili niya. I asked her what's wrong sabi niya may nagflash lang daw na memory." Ella
"Ohh should we tell this to Bea?" Amy
"Wag muna mga ate, let's just wait kung may mangyayari pa." Jia
Lumabas na kami ni Jia and napag-usapan namin na switch places. Si Jho sa shotgun seat.
JIA POV
Wala pa rin sila sa sasakyan. Baka bumibili ng snacks.
"Jia lika na! Sakay ka na dali!!!" Ells
"Ay oo wait! I'll text Madz" Jia
Madz sa backseat ka uupo ah! Unahan mo si Jho. JIA
lol why? Hahaha anong balak niyo MADZ
Si Jho sa shotgun seat. It was Ate Ells plan! JIA
okdoks, may gusto ba kayong snack? MADZ
Cheetos please! I'll pay you and pringles! Thanks ~ JIA
How about Ate Ells? MADZ
She's full and okay na daw hahaha. JIA
okay papunta na kami diyan, i gotta run! MADZ
BEA POV
Pagkabukas ko ng driver seat nagulat akong si Jho ang nasa shotgun. Tiningnan ko si Jia and nakasmile lang siya sakin.
"Inunahan nila ako sa likod, plinano nila to. So you are stuck with me, Miss Bea." Jho
"Di naman po ako nagrereklamo, Miss Jhoana." Bea
Narinig ko naman na nagsigawan sila sa likod and may hawak silang cellphone.
"Well that's a good shot Madz! i-IG story na ba natin yan? Hahahaha" Ella
"Privacy baka may sumugod! HAHAHA" Jia
"Ay oo nga pala. Sige send ko na lang sa gc ng ALE." Madz
"Much better." Jia
"Hoy ano yang kalokohan niyong yan?" Jho
"Wala Jho, magpatugtog ka na lang diyan para di antukin yang driver natin." Jia
"Wow hiyang hiya naman ako sayo Jia. Palit tayo mamaya ah! You drive!" Bea
"Joke lang babe! Ito naman di mabiro." Jia
"Tama na landian. Eyes on the road Beatriz!" Jho
"Woopz! Nagsalita na si Kumander! Jia, know your position! HAHAHA" Ella
"Ay sorry Miss Ella, nadala lang ng emosyon! HAHAHA" Jia
Nagtawanan naman ang lahat sa sasakyan. Never knew na gagaan ang atmosphere ng ganito.
Sobrang sarap sa pakiramdam na kasama ko si Jho sa sasakyan ko, ganun din naman yung tatlong epal sa likod. Nakakatawa lang na parang nagseselos si Jhoana. Idk kung dapat ba akong kabahan o matuwa or pwede naman atang both? Hahahaha!
"Tama na landian, eyes on the road Beatriz"
Eight words made my heart jump and beat so fast. Like after ilang months na patay 'to. Heto na naman siya.
I would really say na, this heart it beats. Beats for only her.