Del Rico Triplets #2: Retraci...

By nefeliday

3.5M 47.9K 11.3K

Rolly woke up without memories. Lying in a not so comfortable hospital bed and facing a person who's clad in... More

Retracing The Steps
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas
Wakas ll
The third
Allen Del Rico
Tarian Del Rico
EXCITING ANNOUNCEMENT!
RTS BOOK COVER REVEAL!
DEL RICO EPISTOLARIES LAUNCHING:
FREEBIES FROM ME FOR POTENTIAL BUYERS
PREORDERING PERIOD STARTS NOW
GETTING CLOSER TO AN END

Kabanata 3

58K 936 92
By nefeliday

Alone

Pinagmasdan ko ang makukulay na bulaklak sa hardin. Naghahalong kulay pula, asul, lila at dilaw ang mga 'yon. Ang pinakamaganda ay ang rosas. Subalit pinakamatinik din.

"Ma'am, meryenda po?" dinig kong sambit ng kasambahay mula sa aking likuran.

Nilingon ko siya at nginitian.

"Sige po. Sabayan ho ninyo ako," pahayag ko.

Tumango ito at saka lumapit sa akin. Ibinaba nito ang tray na pinaglalagyan ng plato ng carbonarra. May juice din doon at tubig.

"Kumuha po kayo ng para sa inyo. Sabay na ho tayo," wika ko.

"Sige ho, Ma'am."

Bumalik siya sa loob at nang lumabas ay bitbit na nga ang para sa kaniya. Naupo siya sa may tapat ko.

"Kain na tayo, Ma'am," anito.

Tahimik kaming kumain doon. Tanging ingay lamang ay ang maliit na speaker ng kasambahay.

"Ate Celia, uuwi ho kaya ang asawa ko ngayon?"

Umangat ang tingin nito sa akin.

"Naku, Ma'am. Hindi ko po masasabi. Kasi alam ko po kapag Doctor ay palaging busy lalo pa at marami siyang pasyente. Doctor po siya ng mga bata, hindi po ba?"

Tumango ako. Binitawan ko ang kubyertos.

"Pediatrician..." tugon ko.

Sumimsim ako sa baso ng juice at ilang sandaling natulala. Magtatatlong buwan na simula nang magising ako na walang naaalala sa kasalukuyan. Ang alaala ko ay nagsimula taon na ang nakararaan. Nakalimutan ko ang aking mga alaala sa nagdaang apat na taon.

I am Rosalie Liliya Cortez o mas kilala bilang Rolly. I can remember my college years. Kilala ko ang asawa ko ngayon. Isa siyang kilalang estudyante noon. Ako ay isang hamak na skolar habang siya ay anak mayaman.

We never had conversations before. There's some simple interaction but not that enough to consider that we'll end up marrying each other. Kaya lang... noong magising ako at walang maalala sa nangyari, ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang asawa ko.

He handed me all the proof that I am married to him. Certificate of marraige, my ID's which are converted to his surname. Ang litrato ng kasal namin. I ended up believing him. Isa pa, nasa daliri ko ang patunay na ako nga ay kasal na.

"Talaga ho bang ganito siya miski noong mga unang taon ng pagsasama namin?" hindi ko mapigilang tanong sa kausap.

Lumipat na ang tingin ko kay Ate Celia. Pinaiikot-ikot noon ang pasta sa tinidor.

"Bago lang ako, Ma'am. Wala akong gaanong alam sa asawa niyo. Kahit po sa inyo."

Nawawalan ako ng pag-asang humugot nang malalim na hininga.

"Sa tatlong buwan na gising ako, miminsan ko lamang siyang nakasama. I don't know if he's intention is to leave me alone here. Kung dito po kami nakatira, hindi ba dapat ay dito rin ang trabaho niya? Kung saan mas malapit sa akin?"

Umiling si Ate Celia.

"Sa narinig ko kasi sa Doctor na babaeng dumadalaw po sa inyo rito, sa Manila po talaga kayo. Nagtataka nga po ako kung paanong dito po kayo naninirahan ngayon, eh."

I pressed my lips. Our situation is worrying me. I remember his explanation when I asked him why are we here in Bulacan. Bakit wala sa Manila.

"Someone tried to kill you. Gusto lang kitang ilayo sa kapahamakan. I don't know what will happen to me if something bad happen to you again," sagot niya habang inaayos ang damit na susuotin.

Aalis na naman siya. Iiwan ako rito sa bahay kasama ang kasambahay. Ilang lingo uling mawawala.

"Hindi pa rin ba nahuhuli ang dahilan ng aksidente? Gustong-gusto ko nang makabalik ng Manila. Baka makaalala ako kapag ganoon..." mahabang pahayag ko.

Binalingan niya ako. Troi, my husband is a type of person who's everyone's cup of tea. Kayang makibagay sa kahit na sino.

Naaalala kong napakarami niyang kaibigan noon at kahit saan siya magpunta ay may bumabati. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na napakaraming babae ang naghahabol at nanliligaw sa kaniya. That is also the reason why there's still doubt in me.

Sa paanong paraan ko siya nakuha? Hindi ako kagandahan. Ang labi ko ay masyadong manipis. Ang mga kilay ay makakapal. Nakasalamin ako palagi noon dahil malabo na ang mga mata sa kababasa ng libro.

Ang buhok ko pa ay tuwid pero buhaghag. Palagi lamang itong nakaladlad dahil masyadong mahaba. Hindi ko gustong itali dahil mahirap. Sa kapal at haba nitong lagpas baywang, nahihirapan na akong ipusod iyon.

My height is also not average. Five three lang ako. Mapayat pa ako at hindi maporma. Kung ikukumpara ko ang sarili sa mga babaeng naghahabol sa kaniya noon, walang-wala akong binatbat.

So, how did I end up marrying someone like him? Mataas ang estado sa buhay at kayang makuha ang kahit sinong babaeng gustuhin nito.  Although, I knew he's not a playboy. Hindi siya na-issue noon sa school na may karelasyon siya.

If there is, malalaman ko iyon dahil miski sa mga kaklase ko at katabing upuan noong college ay kilala siya.

"Hindi pa rin nahuhuli..." aniya, bahagyang nakatulala pa.

Bumuntong-hininga ako at lumakad palapit sa kaniya.

"Naiinip na kasi ako rito, Love. Si Ate Celia lang ang kasama ko." Kinuha ko ang kaniyang kamay. Kumurap-kurap siya.

"Tapos ikaw... palagi kang busy. Hindi ba pwedeng sumama na lang ako sa iyo?" paglalambing ko.

Umiling siya at nag-iwas ng tingin. I pouted when I realized that he won't give in. Katulad sa nakaraang isang buwan, hindi siya pumapayag sa gusto ko.

"Huwag matigas ang ulo, hmmm? Mapapahamak ka lang doon. Don't worry." Kinuha niya ang kamay sa akin at bumalik sa pag-aayos ng susuotin niya. "Gagawa ako ng paraan para mas mapadalas ang pag-uwi ko rito," pagpapatuloy niya.

Pinanood ko siyang nagtungo sa loob ng bathroom. I was left there alone. Pinagmasdan ko ang buong silid. Nasasanay na yata akong mag-isa na lamang rito.

Nababalisa ako. There's a lot of question inside my head.  Lahat iyon ay hindi ko mahanapan ng sagot. The only who can answer me is always busy and is always in Manila.

Troi Amiguel Del Rico. How did end up marrying you? How did you fall for me?

Binasa ko ang labi ko at tinitigan ang wedding picture namin na nakasabit sa wall at naka-frame nang malaki.

To be honest? I kind of doubt this marriage. Kahit pa may wedding pictures and marriage certificates, hindi ko magawang maniwala nang lubusan.

I don't have memories of us sleeping together. Not even a memory of us sharing sweet moments. My heart also feels unknown when he's around. Wala akong maramdamang kahit na ano sa kaniya. Posible bang mabura ang pagmamahal mo sa isang tao kasabay ng pagkawala ng alaala mo? Dahil parang ganoon ang nangyari sa akin.

I cannot come up with good answers.

I know to myself that I wouldn't marry anyone if I don't love them. Hopeless romantic ako at gusto kong maranasan ang mga nababasa sa libro. Hindi na nga ako umaasa noon na magkakaroon ako ng boyfriend dahil masyadong malayo ang imahinasyon ko sa lalaki.

But now?! Can you imagine marrying someone who exactly looks like those men in my imagination.  Actually, it beyonds my dream! He's beyond my dream!

I almost jump when I heard the door creaked. Mabilis na dumapo roon ang tingin ko.

Bumukas muli ang pintuan ng bathroom. Lumabas siya roon. Nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan. Tumutulo ang tubig sa kaniyang buhok pababa sa dibdib.

He has muscle on the right place. His abs is showing, complete in eight. Sa tangkad niya, ang tuwalya ay mas naging maliit. Hanggang kalahati ng hita niya lang ang kayang takpan.  His body tells me that he's a gym person.

He maintains his good body built. Ilang taon na nga siya? Hindi ako sigurado.  How quaint! A wife who doesn't know her husband's age. Well, not even his birthday!

Hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako sa kaniya dahil sa iniisip.

"Like what you're seeing, Love?" he asked. His eyebrows wiggled a bit and there's a familiar smirk in his lips.

Nanulis ang nguso ko at nag-iwas ng tingin. Never did I remember us kissing. Walang kahit na anong intimate act sa pagitan namin. Seeing him almost naked in front of me is one of a hell awkward situation I had been.

Lumapit siya sa gawi ko. Nasa kama ang damit na susuotin. Nanatiling mababa ang tingin ko,

"A-aalis ka na ba pagkaatapos mo magbihis?" tanong ko,

I want to ease the awkwardness I am feeling. Sige, Rolly. Magtanong ka lang para kunwari ay hindi ka apektado!

The bed moves with his movements.

"Yup. Maraming mga pasyente ngayon. Check ups," aniya.

I can see what he's doing on my peripheral vision. He's done putting his trousers. Damit naman ngayon.

Nilingon ko na siya nang makitang nakaayos na.

"Hindi ka ba kakain muna?"

He took a glance at me before he shook his head.

"Naghahabol ako ng oras..."

Bumuntong-hininga ako. Napansin niya ang pagbagsak ng balikat ko.

"You like books. Marami akong bitbit. I put it in your shelves." Lumakad siya palapit sa akin.

"Babawi ako," aniya bago kinuha ang suit case na palagi niyang dala-dala.

Umakto na siyang lalabas kaya tumayo ako at sumunod. Hanggang sa nasa garahe siya ay kasama ako at nakatanaw sa ginagawa niya. He opened the door of the car and looks at me.

"Don't forget your medicine, okay?"

Isang tipid na ngiti ang isinagot ko.

"Mag-iingat ka..." wika ko.

He nodded his head.

"I will."

Sumakay na siya sa sasakyan. It's a Porsche. Too revealing and attention seeking car. Probinsya pa naman ito.

I cannot see anything from outside. Tinted ang sasakyan niya. Not even once I experience riding it. Ni hindi ko nga makita ang loob.

Umandar ang kotse palayo hanggang sa hindi ko na ito matanaw pa. He left without sweet goodbyes, nor hugs and kisses. Parang... nag-iwan lang ng pasyente. Hindi asawa.

Ganoon lamang palagi ang encounter naming dalawa sa tuwinang uuwi siya rito. Isang gabi lang tapos kinabukasan ay aalis na rin. Ni minsan nga, sa opisina niya pa siya nakakaidlip.

Everytime I asked him why, sinasabi niyang may inaaral siyang case ng isang bata. Wala naman akong magawa kundi tumango.

Wala akong maalalang nagkaroon kami ng mas mahabang interaksyon bilang mag-asawa. Tatlong beses lang kaming nagkasabay na kumain at wala na.

Napakisisimpleng bagay lamang ang napag-uusapan at hindi nababanggit sa akin kung paano nga ba kami nauwi sa pagpapakasal. I wanted to hear him tell stories about how we started going out. Kung bakit ako ang pinili niyang pakasalan.

"Ma'am, ayos lang po iyan."

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Ate Celia. Binalingan ko siya gamit ang malulungkot na mga mata.

"Malay niyo naman po biglang mag-file ng leave si Sir at magbakasyon dito?" pagpapatuloy niya.

Matipid akong umiling. Sumugat ang mapait na ngiti sa aking labi. Hindi na ako aasa. Ako rin ang masasaktan sa huli dahil mabibigo.

"I don't think so. Pakiramdam ko ay wala namang pakialam sa akin si Troi..."

"Hindi naman po, Ma'am. Kapag nga po gabi na siyang dumarating ay ikaw agad ang tinatanong..." Uminom ito bago nagpatuloy.

“Kung sumakit daw ba ang ulo niyo. O 'di kaya ay kung kumain na raw ba kayo at nakainom ng gamot."

I bit the side of my cheek.

"But he cannot even answer my messages, Ate. Nangangamusta ako pero hindi ako nakatatanggap ng sagot. My calls are always declined!"

Nagsimulang magtubig ang aking mga mata. Nawalan na ako ng ganang kumain. Kung ano-ano na ang mga bagay na sumasaksak sa isip ko. Mga posibleng rason kung bakit ganito ang sitwasyon ng buhay mag-asawa namin.

"You told me he's using the same number. Kahit kailan hindi niya na-inform o natanong man lang ng direkta kung ayos lang ako," paghihimutok ko.

I don't know if we have a problem before the incident happened. Hindi rin naman ganoon ang ipinakikita niya sa akin kapag narito siya.

Troi wasn't cold whenever he's here. Malambing ang tono ng boses o 'di kaya naman ay masaya. Hindi kailanman naging mabigat o matalim ang mga iyon. Pakiramdam ko ay hindi siya marunong magalit. Kahit minsan ay nagiging makulit na ako. Ni minsan, hindi niya ako nasigawan.

Hindi ko na tuloy alam ang iisipin. Hindi niya ako kailanman trinato ng mali pero... hindi ko rin naman maramdaman na mag-asawa kami dahil hindi rin ganoon ang trato niya sa akin!

Para lang kasi siyang doctor ko na dumadalaw-dalaw para suriin ang kalagayan ko. Kapag nalaman na ayos na ako ay aalis din agad! Lingo muli bago siya bumalik!

"Ayaw ko na po kumain, 'te.” Iniurong ko ang plato palayo sa akin.

"Papasok na po ako. Gusto ko lang pong magpahinga."

Ate Celia watched me as I left my seat. Nag-iwan pa ako ng isang ngiti sa kaniya bago ako tuluyang tumalikod.

Umakyat ako sa may kwarto. Nasa second floor iyon. Doon ay mag-isa muli ako. Naupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Malungkot kong pinagmasdan ang kabuoan ng silid.

Ang silid na 'to ang palaging nakaka-witness ng mga pag-iyak ko sa gabi. Dahil sa lungkot at awa na rin sa sarili.

Kahit pa may asawa ako, hindi ko maramdaman na may karamay ako. Mas madalas nga na maisip kong mag-isa ako at napakalungkot.

I wasn't like this before. Naalala ko na I prefer being alone.  How I loved peace while reading books. Making theories about it or watching movies. Those entertains me before.  Well, not anymore.

Sa dami ng libro sa library at mayroon pa rito sa loob ng silid na 'to, hindi na ako masiyahan. Even swimming isn't a good thing to ease my boredom. Ang malalaking TV rito sa bahay ay hindi gaanong nagagamit.

In short, nothing in this house makes me happy.

I put down the book I've been reading for a week now. Wala akong maintindihan at hindi pa iyon ang gusto ko. It's a thriller. What I love to read are romance books. My husband doesn't know that?

Umiling ako at idinausdos ang katawan pahiga. Nakatulala ako sa ceiling ng silid at mapait na napangiti. Muling tumakas ang luha sa aking mga mata at nag-umpisa na rin akong humikbi.

This loneliness will lead me to my early death. Nangunyapit ako roon at hinayaan ang sariling lamunin ng kalungkutan.


Drop your thoughts, guys 🤍

Continue Reading

You'll Also Like

166K 633 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
2.2M 57.1K 16
OLD SUMMER TRILOGY #3 "Winning is everything. If you don't win, you are a failure." Ice is living by those words. After her mom fails to participate...
55.3K 3.4K 31
Arielle and Isaiah have been best friends since childhood, sharing everything-including a secret arrangement that began when they were young. As the...
506K 6.9K 45
Hope Del Rico had pledged to earn her adoptive parents' pride and avoid any actions that might make them second-guess adopting her. However, when she...