Babysitting the CEO's Son [CO...

By SenyoritaAnji

1.9M 65.8K 8.7K

Jared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawa... More

Babysitting the CEO's Son
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Wakas
BTCS SEQUEL

Kabanata 17

32.8K 1K 152
By SenyoritaAnji

Kabanata 17

"Maraming salamat talaga, Hijo, Hija. Akala ko ay di ko na makikita ang anak ko," anang Ginang habang karga at yakap ang bata.

"Walang anuman po. Nakaka-enjoy naman pong kasama si Julia," nakangiting sagot ni Red.

Napatitig ako sa kanya habang kausap ang Ginang. Ito ang unang beses na makita ko siyang hindi pilosopo, hindi masungit, at nakangiti.

"Aalis na kami," ani ng Ginang. Yumuko ako ng konti habang tumango naman si Red.

"Ang kulit na bata ni Julia no?" wika ko habang bumalik kami malapit sa barandilya kung saan kami nag-agawan ng phone kanina.

"Yeah. I didn't even noticed the time," sagot niya. Dumakwang siya sa railing, ganoon din ako.

"Nga pala, saan mo natutunang umalo ng bata? " tanong ko habang tanaw ang Taal lake.

"My ex." Sumulyap siya sandali sa akin. "She has a niece from her cousin, she thought me how to tame a baby."

Tango lang ang sagot ko. "Grabe 'no? Ilang taon ba kayo?"

"Hmm. I think we've last for almost two years," sagot niya.

Tumango ako sa sinabi niya. "Sayang naman ng pinagsamahan niyo."

Nakita kong nag kibit-balikat lang siya. "I don't guess so."

Inismiran ko siya sa kanyang isinagot. "Che! Kala mo hindi naging heartbroken nung iniwan ka. Sabi-sabi nga nila na halos gabi-gabi kang lulong sa alak 'tsaka di kumakausap ng ibang tao. Neknek mo!"

"Stop being so loud!" balik sigaw nito.

Inirapan ko nalang siya at binalik ang aking atensyon sa Taal lake. "Pasensya na. Ganito ako kung komportable na ako sa isang tao."

"Ow, the demure mask has fallen down," pambubuska nito.

"Neknek mo." 'yan ang sinagot ko.

Tahimik lang kaming nakatanaw sa lawa. Di ako makapaniwala na makakapunta ako sa lugar na ito. Parang nung sa grade six ako, hanggang sa libro lang ang imahinasyon ko.

"Red," tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?"

"Pwede mo bang bawasan 'yang pagiging malamig mo? Isali mo na rin 'yung mga pambubuska mo. Sarap mo kasing tirisin," wika ko nang hindi siya tinataponan ng tingin

"Tsk."

Biglang umihip ang hangin na kinatangay sa buhok ko. Lapis lang ang tanging ginawa kong pampusod dahil naiwala ko ang tali ng aking buhok.

Hinayaan ko nalang na tangayin ng hangin ang nakalugay kong buhok. Mahina ko namang hinaplos ang sariling braso nang maramdaman ko ang lamig ng klima.

Napa-igtad ako nang may nag patong ng coat sa balikat ko. Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Red.

"Let's go. Nilalamig ka na."

Tumango ako at sumunod sakanya. Biglang tumunog ang cellphone niya kaya nagpaalam muna siya na sasagutin muna ang tawag saglit.

Habang naghihintay, nagtaka ako nang may dalawang lalaking lumapit sa pwesto ko.

"Hi," bati ng lalaking naka gray shirt at maroon pants.

"Hello?"

"I'm Anthony, you are?" Inabot nito ang kanyang kamay.

Pasimple kong pinaglaruan ang daliri ko sa likod ko na tinatabunan ng coat ni Red. "I'm—"

"Taken," sabad ng isang boses mula sa likod ko.

Kahit di nako lumingon, alam kong si Red 'yon. Base na rin sa boses nito.

"And who are you?" tanong ni Anthony.

Nakapamulsang tumabi sa akin si Red. Napigtad ako nang maramdaman ko ang kanang braso niya sa beywang ko at ang kaliwang kamay  niya ay nasa bulsa.

"She's taken," aniya.

Tahimik umalis ang dalawang lalaki kaya pumihit ako paharap kay Red. "Anong taken? Single kaya ako."

"Psh. Tara na."

Hanggang nakarating kami sa baba ay di niya pa rin tinatanggal ang kanyang braso na nasa beywang ko.

"Saan tayo ngayon?" tanong ko nang makapasok kami ng kotse niya.

"Ikaw? It's already six thirty. Sarado na ang picnic grove," sambit niya at pinaandar ang sasakyan patungong Carlito Hotel. Ang tinutuluyan namin.

"Kain na lang tayo sa restaurant sa baba ng hotel. Libre mo ah?" I said.

"Psh. Para namang nanglibre ka rin eh no?" Inismiran niya ako at binalik  ang paningin sa kalsada.

"Malamang, ang sahod ko ay binibigay ko lahat sa magulang ko." Umayos ako ng upo. "Paano magparadyo? Baka makasira ako eh."

Walang lingon na in-on ni Red ang radyo. Umalingawngaw naman ang 'Fantastic Baby' ng BingBang. Wala sa sariling nilipat ko ang estasyon ng radyo.

'You can be the prince and I can be your princess
You can be the sweet tooth I can be the dentist
You can be the shoes and I can be the laces
You can be the heart that I spill on the pages'

Napangiti ako nang mag play ang kantang paborito kong kanta.

"You can be the vodka and I can be the chaser
You can be the pencil and I can be the paper
You can be as cold as the winter weather
But I don't care as long as we're together," ngiti-ngiti kong kanta.

Narinig ko namang nanakla ang katabi ko kaya binalingan ko ito.

"May problema?"

"Kay ganda ganda ng panahon, pinapaulan mo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Maganda naman boses ko ah? Inggit ka lang. Sintunado ka kasi."

"Aba!" Sinulyapan ako nito bago bimalik ang atensyon sa kalsada. "You haven't hear me sing. Tsk."

Humarap ako sakanya. "Prove it then."

Umiling lang ito. "Baka ma fall ka."

Napairap naman ako sa sagot nito. "Huwag ka ngang assuming. Di ako mafa-fall sa taong arogante at palaging may menstrual period."

Muntikan na akong mapasubsob sa windshield ng sasakyan nang pumreno siya bigla. "W-what did you just say?"

"Arogante at palaging may menstrual period. Oh? Angal ka?" tanong ko na parang nanghahamon.

Napatitig namang muli si Red sa kalsada na parang hindi makapaniwala at inapakan ang selinyador upang umusad ang sasakyan.

"That's the first time," bulong ni Red na rinig ko.

"First time mo mukha mo." Umirap ako sakanya at dumukdok sa bintana sa tabi ko. "I want to sleep."

"Then sleep. I'll wake you up as soon as we arrive," sabad ni Red.

Pagod akong tumango at sumandal sa likod ng upuan. Hinahayaan ang sariling lamunin ng antok.

Nagising nalang ako sa bango ng pagkain. Agad akong napabangon at kinusot sa mata. Nagtaka ako nang wala akong mahawakang salamin. Asan na 'yun?

Nakaaninag naman ako ng bulto ng isang tao na palapit sa pwesto ko. "Red?"

Naramdaman ko nalang ang paglapat ng isang malamig na bagay sa ilong ko. Ow, my eyeglasses.

"Bakit di mo ako ginising?" takang tanong ko at inayos ang pagkakalagay ng salamin.

Nakibit-balikat lang ito. "Tulog mantika ka, e. Kahit pa siguro paputukan kita ng piccolo, hindi ka magigising."

Tumango lamang ako at tumayo. Ininat ko ang braso ko at humikab. "Asan na 'yung amoy ng pagkain. Dali! Gutom na ako."

Hinila ko siya sa pagkakaupo palabas ng kwarto. Nanuot sa ilong ko ang bango ng ulam na niluto ni Red.

"Sinong nagluto? Ikaw?" I ask as I sat in front of the table.

"Ay hindi. Yung kawali lang nagluto mag-isa. Tss, tanga." Umupo siya sa harap ko dala ang blankong ekspresyon.

Inirapan ko ito at nag sign of the cross. Nagdasal muna ako bago ako sumandok ng pagkain.

Nanlalaki ang mata ko nang malasahan ko ang pagkain.

"I-ikaw talaga ang nagluto?" paninigurado ko.

Tumango lang ito at nagsimula na ring lagyan ng pagkain ang kanyang pinggan.

Sumubo ulit ako ng isang kutsara ng niluto niya. "A-ang... ang—"

"Swallow your food first. Where's your manners?"

Agad na nalukot ang mukha ko. Akala ko ba magkasundo na kami? Psh. Lalaki nga naman. Di marunong magbago. Pabalikin ko kaya 'yung Kelly na 'yun no? Tapos tatanungin ko siya kung pwede niyang gulpihin si Red?

Pero hindi, kulang lang ang gulpi. Dapat suntok, sipa, tapos paulanan ng palaso. Isali mo na rin 'yung mga bala ng baril? Tapos kabitan ng C4 ang damit niya o di kaya yung pantalon niya? O baka pwedeng ilagay sa bag? Para boom! Sabog!

"Stop eye-killing me. Kung nakakamatay ang titig, kanina pa siguro ako pinaglalamayan," sabad ni Red sa pag mo-monologue ko.

Mas tinaliman ko ang titig ko sakanya habang siya at komportableng kumakain. "Pupurihin ko sanang masarap ang luto mo. Ang kaso, napakawalang modo mo."

"Tch."

Pinaikot kong muli ang paningin ko sa ere bago nagsimulang kumain.

Tahimik lang kaming dalawa at tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig sa buong kusina.

Walang ingay kong nilagay ang pinggan na pinagkainan ko sa sink at tahimik na lumabas ng silid.

Umupo ako sa sopa at pinaandar ang TV. Bumulaga naman sa akin ang isang babae at lalaking habang naliligo sa ulan at parang nagtatalo.

Tumuwid ako ng upo at tinuon ang paningin sa telebisyon. Maganda ang daloy ng kwento.

Nang umalis ang babae papuntang abroad ay sinundan siya ng lalaki at kinulit na bumalik sa piling niya. Tapos yung babae na disgrasya dahil nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan na gawa nung isang babaeng patay na patay sa lalaki. Yung babaeng nahulog sa bangin ay buntis ngunit may isang lalaking nakaligtas sakanya, tapos yung lalaking nagligtas sakanya ang kinilalang ama ang kanyang anak habang siya ay walang maalala. Bigla nalang dumating ang totoong mahal ng babaeng nahulog sa bangin.

"I'm taking her with me."

"She's my wife—"

Nanlaki ang mata ko nang biglang namatay ang TV. Napatingin ako sa taong katabi ko habang hawak ang remote.

"Red ano ba?! Kita mong may nanonood eh!" Di ko mapigilang sumigaw. Namimihasa na'to eh.

"That's a boring drama. It's better kung matulog ka," sagot niya habang pinapapak ang isang toblerone.

Naghugis puso naman ang mata ko. "Saan mo nakuha 'yan?"

"Sa cr."

Mabilis na lumipad ang kamay ko at binatukan siya. "Wag kang mamilosopo. Tsk."

Umalis ako sa sopa at pumasok sa kwarto. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at sumagi sa isip ko ang napanood ko kanina.

Ang swerte ng babae. Akalain mo 'yun? Kahit nakalimutan na niya ang lalaki ay hinahanap pa rin siya nito.

Napailing agad ako. Hinding hindi iyan mangyayari sa totoong buhay. Dahil kung makalimot ka at malayo sa kapares mo ay hahanap ito ng bago. 'Yan ang totoo.

"Matulog ka na." Biglang pumasok si Red sa loob ng kwarto at tinapunan ako ng isang comforter, kumot at unan.

"Ano to?" takang tanong ko.

"Bulag ka ba?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Don't tell me pati 'yan wala sa Amerika?"

Umirap ako tinaas ang mga ito. "Para saan to?"

Humiga ito sa kama. "Sa lapag ka matutulog."

Napasinghap ako sa sinabi niya. "Wow! Ang gentleman mo naman," puno ng sarkasmo kong wika.

Dinilat nito ang kanyang kanang mata at ngumisi. "You're welcome."

Di ko napigilan ang sarili ko at binato ko siya ng unan. "Ikaw ang sa lapag matutulog. Magpakatao ka naman. 'Wag puro asal hayop."

Napabangon naman ito at di makapaniwalang napatingin sa akin. "A-ano?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wag mo sabihing 'di ka nakapaglinis ng tenga?"

Tinulak ko siya kaya't nahulog siya sa lapag. "Diyan ka matutulog. Be a gentleman."

Umirap ito sa akin bago tumayo. "Bakit ako magpapakagentleman sa babaeng kilos lalaki?"

Napapantastikuhan ko siyang tinignan. Walang modo.

"Ako? Kilos lalaki?" turo ko sa aking sarili. "Nahihibang ka na ba?"

"Di pa." Nilatag nito ang comforter sa sahig at humiga. "I feel like all my energy was drained."

Binagsak ko naman ang katawan ko sa kama at pinikit ang mata. "Yeah. Same."

"Good night." Rinig kong wika niya bago nagtalukbong ng kumot.

Kinumutan ko rin ang kalahating parte ng aking katawan. Kahit malakas ang aircon ay mainit pa rin.

Asan na kaya sila Adam? Matapos ng tanghalian namin kanina ay umalis ang royals. Sila Aldrin, Eros at Charles naman ay naunang bumalik ng Manila. May aasikasuhin daw. Habang si Adam naman ay pinauna ni Tita Sandra sa Baguio para salubungin si Ella. Excited na akong nalaman ang reaksyon ni Ella. Kikiligin kaya siya? Maglulupasay?

Pinilit ko ang sarili kong matulog. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay wala parin.

Tumihaya ako sa tumitig sa kisame. "Red. Gising ka pa?"

"Hmm.." responde nito.

"Tulog ka na?" tanong ko ulit.

"Tulog ako kaya sinagot kita." Bakas sa boses nito ang sarkasmo. Iba din to eh.

Di ko nalang siya pinansin. "Di rin ako makatulog eh. "

Bumangon ako sa kama at sinuot ang aking salamin. "May itatanong ako. Di ka pa rin naman tulog eh. "

Nakita ko siyang tumihaya. "What is it?"

"Hmm.. Anong gusto mong gawin in the near future?" Tanong ko.

"Pilot," tanging sagot niya.

"Really? Bakit naman?" Dumapa ako at pinatong ang aking baba sa likod ng mga palad ko na nakalapat sa kama.

"I wanted to travel the world." Bumangon rin ito at sumandal sa uluhang bahagi ng pader na hinihigaan niya.

"Ahh. Paano 'yung sinabi ni Ma'am Sandra na ikaw ang mamamalakad ng ibang kompanya niyo?" I asked again.

"Pwede namang pagsabayin." He snorted. "Ikaw? What's your plan in your future.?"

"Hmm.. I want to become a neurosurgeon." Ngumiti ako ng sobrang tamis.

"Why?"

Bumangon ako at umayos ng upo. Tinipon ko lahat ng buhok ko at nilagay sa kanang balikat ko.

"Gusto ko makatulong sa mga may sakit."

Kita ko ang pagtango ni Red. "I can see that you can be the person you wanted someday."

Tumihaya ako sa kama at bumugang muli ng hangin. "Di ako alam. Desperada akong maging surgeon. Kaya patitiisan ko muna ang ugali mo para makapag-aral ako."

"Tsk." Umiling ito at humiga sa kama. "Matulog ka na. Mamamasyal pa tayo bukas."

Ngumiti ako at humiga ng maayos sa kama. "Good night."

"Hmm."

Sana magtuloy-tuloy na ang ugali mo, Red. I whisper before dragging myself to sleep.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
3.8M 65.7K 70
Loving a person who's not yet finished loving someone is really sucks... Should I continue loving him? Even if he doesn't know my worth? or Should I...
479K 7.3K 14
SATURN FORCADO Maayos ang buhay ko. Kuntento ako sa anong meron ako. May trabaho ako sa isang fast foodchain sa loob ng tatlong taon. Naisip ko minsa...
94.7K 3.5K 44
Shaunelle Vaccarelli writes letters; letters to her parents; to her friends; to the people who hurt her. She only writes for people who were and are...