Si Amethyst Ang Purple Witch

By purplemist_DheEnz21

678 157 4

I know I'm a bit different . . . I know I'm a bit . . . off sometimes. I Maybe Weird . . . And a loner . . . ... More

Prologue:
Chapter 1- 'Paligsahan'
Chapter 2 - Malikmata
Chapter 3 - Rebelasyon
Chapter 4 - Pagpupulong
Chapter 5 - Engkwentro
Chapter 6 - Pagkalito
Chapter 7 - Gabay
Chapter 8 - Bahaghari
Chapter 9 - Kakaiba
Chapter 10 - Musikalya Bahaghari Academy
Chapter 11 - Dhean
Chapter 12 - Panaginip
Chapter 14 - Nakaraan
Chapter 15 - Elemento
Chapter 16 - Lawa
Chapter 17 - Top 1
Chapter 18 - Misyon
Chapter 19 - Lila
Chapter 20 - Nakalipas
Chapter 21 - Vocalist
Chapter 22 - Suspects
Chapter 23 - Show
Chapter 24 - May Kakaiba
Chapter 25 - Biktima
Chapter 26 - Hinala
Chapter 27 - Reyna
Chapter 28 - Bihag
Chapter 29 - Dibersyon
Chapter 30 - Pagsasanay
Chapter 31 - Frat

Chapter 13 - Kaarawan

6 1 0
By purplemist_DheEnz21

6:00 p.m.
Lahat nagmamadali at nag kukumahog sa mga costumes at make up. 6:30 ang start ng semi - elimination round o unang tanggalan sa Paligsahan.

Katatapos lang maligo ng lahat at naka bihis na sila dahil pang 5 sila sa mag peperform base sa nabunot nila ng mag palabunutan lahat ng grupong kasali. Pwera si Amethyst. Matagal nga itong kumilos at sha nalang ang di pa nag bibihis.

"Hey anong plano mo?" Si Mitzy na naka pamewang suot ang stateside nyang blue dress, na punong puno ng sequins at tinernuhan din ng blue gloves. Bawal ang lantad na lantad ang legs o dibdib kaya kahit short dress ang suot ay nilagyan padin nila ng manipis na stockings.

Girly ang theme nila ngaun kaya posturang postura at naka make up ang lahat.

Hindi nanaman makapili ng susuotin si Amethyst kaya tinulungan na sha ng mga kasama para mapabilis. Stand out na stand out nanaman ang beauty nya matapos makapili si Mitzy ng susuotin niya ay agad na nilang inayusan ito.

Palabas na sana sila at nag dadasal nalang para sa kanilang magiging performance ng may biglang kumatok at pumasok na mga señior. Kasunod nito ay si Fatima na umiirap sa mga nasa harapan at ang mga ka grupong lalaki kasama na sina Nhoell na nag uunahan at nag susumiksik sa may pintuan matanaw lang ang mga babae.

Nagtinginan sila Mitzy at palihim na nagtawanan.

"Kayo nalang ang wala sa hanay ng mga magpapaligsahan. Kung pwede ay magsi babaan na kayo," yun lang ang sinabi ng isang tila ba naiinis na babae at umalis na din sila.

Magkakasabay silang nag mamadaling bumaba habang akay ng mga lalaki ang mga babae.

Ang first 5 groups ay nasa likod ng backstage kabilang sila dito habang ninenerbyos na pinapanood ang performance ng unang grupo.

"Ang gagaling nila," si Crysthal napapailing habang sumusulyap sa pangatlong nag peperform. May mga dancers din kasi sila na para bang nag iinterpret ng kanta ng grupo kaya lalong naging interesting.

"Ano kaba! Magaling din naman tayo hindi ba? kaya natin 'to!" Si Lhouiggy as usual ay laging positive at pinapalakas ang loob ng pinsan.

Uli ay nagdasal sila ng maikli ng patapos na ang pang apat na contestant, at kasabay nga nito ay tinawag na sila mula sa back stage.

Nasa gitna si Amethyst at Mitzy ng muling magbukas ang stage curtain. Isang love song na kasalukuyang sikat sa mga kabataan ang napili nilang kantahin kaya't naka yuko sila at nag aantay ng tamang time para unti unti sanang i-angat ang ulo nila kasabay nadin sa tono ng kanta nila.

Ngunit si Amethyst.

Si Amethyst unti unting nahirapan huminga.

Habang nakayuko ay sinisilip ang mga tao.

May mga ala alang muling nagbabalik.

Ang ala ala mula sa pinang galingang skwelahan.

Ang naging kaguluhan.

Ang pagtatakbuhan ng mga tao.

Sa paningin nya ay nakikita nya ang mga studyante at mangilan ngilang teachers na galit na galit sakanya. Mga matang nanlilisik at maya maya pa'y binabato na sha ng kung ano anong mga maliliit na bagay.

Tinititigan na sha at sinisiko ni Mitzy.

Pero tuloy padin ang pag babato sakanya ng mga ito ng mga nilukot na papel at kung ano ano.

"Yze!" Si Mitzy nag aalala pagkat si Amethyst ang unang kakanta sa first lines ng kanta nila.

Sha naman ay patuloy sa pag ilag at pag yuko.

"Yze! Ano bang nangyayari sayo?" Bulong siko na ni Mitzy, "ikaw na huy!"

Inulit nalang nila Charlemagne ang intro ng kanta ng senyasan ni Mitzy.

"YZE!" may pag aalala na at pag mamadali sa boses ni Mitzy, sinusubukan nyang makapasok sa utak nito, "c'mon! Stop it!"

Pero si Amethyst parang walang naririnig. Nanlalaki ang mga matang umiilag sa di nakikita ng karamihan.
Ng biglang. . .

"Amethyst Lavendre Castro, pull yourself together! Malalaglag ang grupo mo pag di kapa gumising!," isang pamilyar na boses nanaman ang biglang puma ibabaw sa lahat ng nakikita at naririnig ni Amethyst. Pumikit sha ng mariin at hinayaang kumalma ang utak.

"Amethyst ano ba!" Si Mitzy na nagmamadali sapagkat pa tapos na ang intro ng kanta.

Huminga ng malalim si Amethyst at idinilat ang mga mata. Sinubukang pakalmahin ang utak at katawan.

🎶🎶"You asked me if I loved you, and I choked on my reply,"🎶🎶 at nag umpisa shang kumanta habang ang mga mata'y lumilibot. Hinahanap ang boses na nagpabalik sakanya sa kasalukuyan.












.

💜💜💜💜💜

"Tulala ka nanaman," nagulat nalang sha ng may biglang sumulpot sa likuran nya. Kagagaling lang nya sa restroom at pansamantalang huminto sa isang malawak na bintana over looking sa bandang likod ng academy.

"Charlz, ginulat mo naman ako," umayos sha sa pag kakatayo at hinimas himas ang magkabilang braso.

"Panong di ka magugulat," hinubad nya ang sariling coat at paakbay na nilagay sa mga balikat ni Amethyst ng mapansing nilalamig ito, "mashado nanaman yatang malalim ang iniisip mo,"

"Thanks," pag aayos nya sa coat, "I keep seeing things, you know. And what's strange is? Kahit gising ako nakaka kita na ako ng mga bagay bagay or siguro, parang flashback? Ewan, haaays . . ." malalim ang buntong hininga nya. Umihip ang malakas na hangin at gininaw sha. Napakapit sa braso ni Charlemaigne ng mahigpit.

Ilang saglit pa may mga nakasalubong sila at binati si Amethyst sa ganda daw ng performance nito.

May tatlo pa at ganoon din ang sinabi sakanila. Sha naman ay puro Yuko, ngiti at pasasalamat ang sinasabi sa mga ito.

Patuloy silang nag uusap habang naglalakad sa mahaba at malawak na pasilyo ng sa pagliko nila ay may natanaw si Amethyst.

Isang lalaking naka mahabang robe. Inayos niya ang salamin nya at pilit tinanaw ang pamilyar na lalaking papalapit.

Pamilyar ito at lalong tumatama ang kutob nya habang palinaw ng palinaw ang mukha nito.

Nag iisa lang naman ang kilala nyang ganito.

Walang ekspresyon ang mukha.
Madilim ang mga mata. Parang laging galit at nagsasalubong ang kilay.

Pero di nya alam kung namalikmata lang sha or ano pero nakita nyang naningkit ang mga mata nito ng mapansin ang mga kamay nyang naka kapit sa braso ni Charlemaigne.

"Anong ginagawa nyo dito?" Huminto sha sa harapan nila.
"A-ahm ---"
"Di nyo ba alam na malapit na ang oras ng pag tulog?"
"Pero ka-kasi ----"
"Magtungo na kayo sa kanya kanya nyong dormitoryo at magsi bihis na," parang walang ano ano bigla nalang itong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Ni hindi manlang hinayaang pakinggan ang mga sasabihin ng dalawa.

"Ang yabang talaga ng isang 'yon" si Charlemagne napipikon.

"Easy lang. Baka marinig ka. Ganyan naman talaga yata sha," nangingiti si Amethyst.

"Alam mo yang Dhean na yan may kakaiba sakanya eh. Sa dinami dami ng mga laging naka titig sayo, alam mo yan sha? Kakaiba," naka ngiwi si Charlemagne. Tila ba hindi pag seselos ang naramdaman kundi pagka inis.

"Tumigil ka nga jan. Siguro trabaho lang talaga nya ang bantayan ang mga bago. Alam mo namang sha ang head ng mga seniors diba?"

At hanggang nga sa makarating sila sa mga kwarto nila at maka tulog ang iba as usual, si Amethyst gising padin.

'Sha nga kaya? Sha nanaman kaya?" At nakatulog nga shang may mga tanong na walang sagot at lalo lang nadadagdagan.

























💜💜💜💜💜

Lumipas ang tatlong linggo at labing dalawang grupo nalang ang naiiwan para mag laban laban sa huling pagkakataon.. Limang grupo lang ang kukunin at ito na ang mga masuswerteng mag aaral sa Musikalya.

Sa ngayon malaya ng nakasuot ng mga mahahaba, makakapal at makikinang na damit o long robes ang mga studyante bilang silang lahat ay mga magic folks naman. Di katulad ng magsi datingan sila ay mga casual na pang alis ang makikitang suot ng mga estudyante duon. Wala na ang mga taong non-magical folks na natanggal na lahat sa second elimination round palang.

Sa tagal nadin nila sa loob ng kastilyo kaya marami nadin silang naging kaibigan. Kasama na dito ang kaliwa't kanang mga humahanga kay Amethyst at Mitzy. At dahil nga naman dito ay maraming babaeng naiinis sakanila lalo na kay Amethyst.

Buwan na ng Hunyo. Ang birthmonth ni Amethyst. Sumapit nga ang birthday nya at pagka gising palang niya sa dorm ay nagulat na sha sa dami ng mga bulaklak at cards at sari saring naka box na gift sa paanan nya at sa side table nya.

"HAPPY BIRTHDAY YZE!" nagulat pa sha ng mula sa pagkakahiga ay bumungad sakanya ang maraming mukha. Sa ngayon kasi sila nalang ang nasa dorm na iyon. Natanggal na ang lahat ng mga kasama nila noon kaya nagagawa na nila ang pag iingay na gusto nila as long as di maririnig sa labas.

"Hey," sabi niya habang kinukuha ang salamin at sinusubukang umupo sa kama, "ang dami nito ah!" Nangingiti nyang tinanaw ang mga regalo ng malinaw ngayong suot na ang salamin.

As usual puro babae lang ang nasa kwarto nya. Si Mitzy na may hawak na small vanilla cake na may fresh fruits sa ibabaw at mukhang ka takam takam, si Crysthal at Ehmerald, naman ay nag bubutingting ng mga maliliit na cards kung kanino galing ang mga 'yon. Si Fatima at Deedith naman ay ini aabot ang kanilang regalo sakanya.

"Wow ate Yze. You really have ALOT of admirers eh?" Si Crysthal na pinag diinan ang salitang 'alot'.

"Naku siguradong naka busangot nanaman si Charlemagne pag nalaman na 3/4's ng mga gifts na 'toh ay galing sa mga lalaki," binaba ni Mitzy ang cake at nag umpisa nadin mangealam sa mga gifts.

Natawa si Amethyst.

"Kung 'di pa marami sayo ang sixty three to be exact ay ewan ko nalang. Pwede ng isali sa Guinness yan!" Sabi naman ni Fransesca na di mo alam kung naiinis o nang iinis.

"Binilang mo?" Lalong natatawa si Amethyst habang hawak ang isang regalo na galing kay Fatima ng may kumatok. Isa ito sa mga taga silbi na nakatoka kay Amethyst Mitzy at Deedith. May dala dala itong napaka laking kumpol ng mga napaka garbo at gagandang bulaklak. Sa sobrang ganda parang sa isang panaginip mo lang ito makikita. Iba ibang uri ito pero ang mga malalaki at marami ay kulay violet sinundan ng kulay pink at blue naman ang pinaka maliliit na naka kalat sa buong bouquet.

Napatda si Amethyst sa ganda nito. Sa sobrang laki at ganda ay katumbas ata ito ng tatlong plato.

"Magandang umaga binibining Amethyst," at yumuko ito, "may nagpapa abot po sainyo ng mga ito," she seems to balance herself malamang sa bigat ng hawak nya. Nag unahan pa si Crysthal at Deedith sa pag kuha dito pero halos di din naman mabuhat ng naka kuhang si Crysthal.

"Wow san ba toh gawa ate, sa bato?" Tanong niya sa tagapag silbi na si Hyacintha. Ngumiti lang ito bilang pag sagot. Natatawa sila kay Crysthal. Habang hawak nga nya ito ay kumikinang pa at parang naiiwan ang mga glitters sa bawat daanan nito.

"Kanino daw galing ito, ate Hyacintha?" Ng mahawakan ni Amethyst ang bouquet ay agad na binutingting pero isang maliit lang na card ang nakalagay at may nakasaad na:

'Happy birthday dear Amethyst. Enjoy your day!'

Wala silang nakuhang sagot kay Hyacintha dahil ang sabi lang naman nya ay nakita nya ito sa harap ng pintuan ng quarters niya at nakita ang pangalan ni Yze sa maliit na card kaya naman dinala nya paakyat sa dorm.

"Bango ah!" Si Fatima.
"Oo nga, I wonder kung kanino talaga yan galing," si Mitzy na binulatlat lalo ang boquet pero walang nakita. Manghang mangha sila sa ganda nito. Habang tinitignan ni Amethyst at inaamoy amoy sa harapan nya ang malaking bulaklak ay may nakita sha sa may likod nito. Sa may paanan nya. Isang blue flower na nakabalot sa plastic at naka box pa nga na para bang gumagalaw.

Para shang hinihila nito. Nagtataka ang mga kasamahan nya ng ibaba nya ang malaking boquet at kinuha ang nag iisang bulaklak sa may paanan. Inabot nya 'yon ng dahan dahan at akma sanang aamuyin ito at naidikit na malapit sa ilong nya ng:

"Wag!" tabig ni Fransesca dito sabay ng pagtilapon ng bulaklak. Pero huli na. Dumampi na ang samyo ng amoy ng bughaw na bulaklak. Bumagsak muli sa kama si Amethyst.

-------- End of Chapter 13 ------

Continue Reading

You'll Also Like

17K 481 192
DISCLAIMER: I do not claim ownership over this story. I only MTLed and polished it. Original novel: https://www.jjwxc.net/onebook.php?novelid=8391517...
943K 5.7K 36
အခန်းတိုင်းလိုလို warning ပါမှာဖြစ်တာကြောင့် ၁၈နှစ်ပြည့်မှသာဖတ်ကြပါရန်.. 🍼🍼မပြတ်သေးတဲ့ကလေးဆိုးကြီးက အပိုင်းတိုင်းလိုလိုကြမ်းပါမည်။
88.7K 3.2K 37
Jeon Jungkook, he completed his graduation in business. he is sweet but for only his family and cold for other's. he doing internship in his father'...