BHO CAMP #2: The Rockstar's P...

By MsButterfly

5.6M 107K 9.7K

Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm... More

BHO CAMP #2: The Rockstar's Personal Assistant
CHAPTER 1 ~ Captain and Lady ~
CHAPTER 2 ~ Personal Assistant ~
CHAPTER 3 ~ Freezale's Rules ~
CHAPTER 4 ~ Clandestine ~
CHAPTER 5 ~ King ~
CHAPTER 6 ~ Addiction ~
CHAPTER 7 ~ Love ~
CHAPTER 8 ~ Flirty King ~
CHAPTER 9 ~ Ang Dalawang Takas ~
CHAPTER 10 ~ Too Late ~
CHAPTER 11 ~ Dilemma ~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
CHAPTER 12 ~ Jealous ~
CHAPTER 13 ~ Grumpy King ~
CHAPTER 14 ~ I Don't Know ~
CHAPTER 15 ~ Falling In Love With A Rockstar ~
CHAPTER 16 ~ Breaking ~
CHAPTER 18 ~ My King ~
CHAPTER 19 ~ Come Back ~
CHAPTER 20 ~ Sorry ~
CHAPTER 21 ~ Done ~
CHAPTER 22 ~ Ashia King ~
CHAPTER 23 ~ On The Run ~
CHAPTER 24 ~ Lady ~
CHAPTER 25 ~ Revealed ~
CHAPTER 26 ~ Friend ~
CHAPTER 27 ~ Mr. and Mrs. King ~
CHAPTER 28 ~ Our Night ~
CHAPTER 29 ~ Affiliate ~
EPILOGUE
Up Next

CHAPTER 17 ~ Nightmare ~

140K 2.9K 519
By MsButterfly

CHAPTER 17

KING'S POV

I raked my hand through my hair when she turned her back and walk away from me. Namataan ko sila Comet na nasa di kalayuan. Mukhang hindi nila narinig ang pag-uusap namin nila Freezale ngunit bulag na lang ang hindi makakakita ng tensyon sa paligid. Umupo ako sa pinakamalapit na silya at napayuko. I need to calm down.

"You're being stupid, King."

Hindi tumitingin na sumagot ako sa nagsalita na si Comet. "Shut up."

"Stupid."

Galit na tumayo ako at hinarap siya ng maramdaman ko ang malakas na pagbatok niya. Isinalya ko siya gamit ng isa kong kamay pero hindi siya natinag at sa halip ay hinatak niya ako sa kwelyo. "Listen to me, idiot. There's no use in denying it. You feel something for that girl and you cannot keep this charade forever. Parang bomba lang iyan na nakatakda na ang oras ng pagsabog. Itigil mo ang katangahan mo."

Pumiksi ako para makakawala sa kaniya. "Wala kang alam."

"Eh ikaw? Alam mo ba talaga ang totoo mong nararamdaman?"

Nakatingin lang sa amin sina Archer at Rushmore. Halata sa mukha nila na alam nila ang sinasabi ni Comet at sang-ayon sila sa lalalaki. I cursed under my breath and I turned my back to leave but I was once again stopped by Comet.

"Just leave it alone, man." sabi ko sa kaniya.

"At para ano? Para hayaan ka namin sa pagkakamaling gagawin mo?"

Sumabog na ang tinitimpi ko na galit. Hinablot ko ang unang bagay na nahawakan ko at ibinato ko iyon. Walang reaksyon na makikita sa mukha ni Archer ng makita niya ang guitara niyang basag-basag na ngayon.

Hinarap ko si Comet. "What do you want me to say?! That I want to fucking stop time when I'm with her? That I want to keep on trying to make her smile even if it cost me all the money that I earned? Do you want me to tell you how those pretty eyes makes me feel like it can see deep through my soul? That it made me realize all the mistakes that I have made? How fucking helpless I feel whenever I'm with her?! Iyan ba ang gusto mong malaman?"

"You love her. You just don't want to accept it."

"Iisang babae lang ang minahal ko sa buong buhay ko at gugustuhin kong makasama ulit. I do feel something for Freezale but being with her will give me just one thing. And that is complication."

Tumawa ng pagak si Comet. "You keep on saying you still love your Clandestine yet you feel something for Freezale?"

"I feel something for her. But I don't love her."

"No. You just don't want to accept that you love her. Dahil alam mong iba ang nararamdaman mo sa kaniya sa tinatawag mong pagmamahal na naramdaman mo kay Lisette. You don't want anything that you cannot control. And love is exactly that thing."

"Walang patutunguhan ang usapan nato-"

"Damn it, King! May babeng nagmamahal sayo! Babaeng nandiyan parin sa tabi mo kahit na puro sakit lang ang ibinibigay mo sa kaniya. Nasaan si Lisette ha, King? Nandito ba siya sa tabi mo?"

"You don't kow anything!"

"Lahat kami alam!" Itinuro niya sina Archer. "Nakita namin lahat ng pinagdaanan mo dahil sa babaeng iyon. Kung paano gumuho ang buhay mo para sa isang babaeng ni piso ay walang halaga-"

Sinaklit ko ang damit niya. "Watch it."

"You watch it. Dahil dadating ang panahon, magigising ka sa katangahan mo at huli na pala ang lahat."

"I love Lisette."

"Wala na siya dito, King!"

"I love her."

"Are you telling that to me or are you convincing yourself?"

Pakiramdam ko ay may kung anong sumuntok sakin dahil sa sinabi niya. Ilang beses ko bang sinabi na sa sarili ko na mahal ko parin ang babae. Ilang kanta ko na ba ang tungkol sa kaniya? Ilang taon na ba na siya lang ang iniisip ko. Ilang taon ba na alam ko...na siya lang ang mahal ko?

Gaano ba kabilis na wala lahat ng 'yon ng dumating si Freezale sa buhay ko?

"Mahal ko si Lisette, Comet. Isa siya sa mga taong naiintindihan ako. Hindi siya humingi ng sobra sa akin. At tanggap niya na hindi ko siya mabibigyan ng normal na pamilya."

Comet looked at me vehemently. "Hindi humingi ng sobra? Sa tinatawag mo na pagmamahal, oo. Pero sa laman ng bank account mo marami. And the only thing that Lisette cares about is her body that won't be damage when you knock her up."

"Hindi mo ba naiintindihan, Comet? Freezale live her whole life surrounded by a big family. That is one thing that I cannot give her. I can't have a child. Do you want me to rob her the chance of having a family of her own?"

Nanatiling nakatingin lang sa akin si Comet. Pagkaraan ay tinanggal nya ang kamay ko na nakahawak parin sa damit niya. Tinapik niya ako sa balikat.

"And you say you didn't love her." he said sarcastically. "I don't know what to say anymore, King. You're too caught up to that idea that you still love your clandestine, denying yourself who you really love. I can't wait for the time that you'll tell me how right I am. Pero payo lang. Kung wala ka din naman balak na itigil ang katangahan na pinapaniwala mo sa sarili mo, 'wag mo ng idamay ang isang mabuting babae. Don't give her false hope, don't go near her, don't touch her. At least try to be a man for her sake."

Sinundan ko siya ng tingin ng tuluyan na niya akong nilagpasan. Nang mawala siya sa paningin ko ay nilingon ko ang dalawa ko pang kabanda. "What?!"angil ko sa kanila.

"You can't keep on venting your frustration to Freezale, King." Archer said.

"I had enough of this shit." tinalikuran ko na sila at kinuha ang gamit ko. Nang maayos ang mga iyon ay naglakad na ako sa pintong nilabasan ni Comet.

"King." tawag sa akin ni Rushmore.

"What?" hindi lumilingong tanong ko.

"Stop hurting her."

Hindi na ako sumagot at tuluyan na akong lumabas. They don't understand. They can't understand. Archer is happy to be single, Comet is married as well as Rushmore. Hindi nila ako maiintindihan kahit na anong gawin ko. Hindi ko mahal si Freezale. May nararamdaman ako sa kaniya, oo. I already solved the problem, right? She's out of my system now.

Iisa lang ang babaeng mahal ko. Iisa lang. At hindi si Freezale iyon. There's no way in hell I would love her. I won't let myself.

I'm gonna prove it to them.



FREEZALE'S POV

"Sigurado ka ba?"

Nilingon ko si Dawn na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Katulad ng dati ay mataray parin ang dating niya sa pagsasalita. Hindi katulad ng iba na parang ingat na ingat sa akin ngayon.

It's not like King violated me. His actions didn't...but his words did.

"Yes. Ginagawa ko na naman ito dati." sabi ko habang pinupunasan ang mga display sa counter ng 'Craige'.

"Are you okay?"

"No."

"You just said-"

"Sigurado ako na gusto kong magtrabaho. But I'm not okay. I'm far from it."

May dumaan na kung ano sa mga mata ni Dawn at pagkatapos ay tahimik na naglakad ng paalis. Siguradong pupuntahan na naman niya ang alaga niyang si Twinkle. Ganiyan iyan kapag umiinit ang ulo.

It almost makes me want to smile...to see how they care for me. Pero halos hindi ko maramdaman ang kasiyahan na iyon. Dahil iba ang nananaig sa nararamdaman ko. Dahil kahit anong pilit ng mundo na maging masaya ka, kung puso mo mismo ang sumusuko sa sakit...wala ka ng magagawa.

Sinong mag-aakala na ganito pala kahirap magmahal? Iba kasi ang inaasahan natin diba? Na magiging masaya lang ang lahat. Pero hindi din pala.

Sabi nila, aral daw ito. Aral daw ang masaktan para malaman natin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Gusto kong gumigaw at sabihin na 'Tama na! Natuto na ako!'. Pero may mababago ba? Mamahalin niya ba ako?

"Hey."

Nilingon ko ang nagsalita. Comet. Nakapalumbaba siya habang nakatingin sa akin. "Ikaw na naman."

"Bakit nagsasawa ka na?"

"Medyo."

He chuckled. "You can reallly make me laugh, Freezale."

"Pareho lang pala tayo."

"Na napapatawa ang isa't-isa?"

Sinalubong ko ang mga malungkot niyang mga mata. "Hindi. Pareho lang tayo na nagpapanggap."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "He's right."

"Who?"

"He said that you can make him feel see right through him. You have a pure soul, Miss IDK. And he's not worth it. Not worth breaking for."

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Freezale-"

"Wala ng saysay kung ano man ang sabihin mo. He already broke me. And he didn't just broke me into pieces. He crushed me until not even one tiny piece exist."

"He loves you."

I smiled bitterly and shake my head. "What a best way to show it."

"Are you giving up on him?"

Gusto kong sumagot na hindi. Dahil malaking bahagi ng puso ko ang gusto paring umasa. Ang gusto paring magpakatanga. I'm not used to having these feelings. Pero gano'n pala 'yon. Kapag kumawala na...parang dam na sa bilis ang pag-agos na hindi ko na magawang pigilan.

"Maybe I am, Comet. Kahit man lang iyon siguro pwede ko ng gawin. Kahit na wala naman akong isasalba. Wala na akong sarili na isasalba. I gave it up all. There's nothing left of me to be broken. I'm just holding on to the fact that I need to stop pinning for him...for my family. Dahil ayoko na silang masaktan. Ayoko na silang masaktan dahil sa pagkakamaling ginawa ko."

"Hindi mo kasalanan."

"Hindi nga ba? I let him trample me. Hindi ako masasaktan kung hindi ko siya pinapasok sa buhay ko. Alam ko na iyon sa simula pa lang. Na hindi ko siya dapat mahalin." bulong ko sa kaniya.

"You can't control love-"

"I know. God knows, I know. Because If I could choose who to love...I won't choose, King. Dahil alam kong hinding-hindi niya ako magagawang mahalin. Hindi niya hahayaan ang sarili niya. Ang sakit, Comet. Hindi ko na alam kung paano ako gumigising sa umaga. Hindi ko alam kung paano ko siya nahaharap. I never felt so helpless in my life."

Napapitlag ako ng pinalis ni Comet ang naglalandas na luha mula sa mga mata ko. Malungkot na hinawakan niya ang kamay ko. "Gumigising ka sa umaga dahil may mga nagmamahal sa iyo. Nakakaya mo siyang harapin...dahil kahit alam mo ang totoo, kahit na sinasaktan ka niya...alam mo sa sarili mo na siya parin ang mahal mo. Nagpapakatanga? Oo. But what do they know? Have they ever love someone so true yet it is wrong at the same time? Freezale, naiintindihan kita. Alam ko dahil iyon din ang nararanasan ko."

"No...y-you're happily married-"

"Married yes. But I'm not happy. I want to be happy, but she made it impossible for me to do so. Freezale, King loves you."

"No."

"Yes he does. But he will never admit it. King never had a weakness. Not even his clandestine. You're that weakness, Freezale. Kaya natatakot siya. Dahil alam niyang kailangan niyang bumitaw sa kontrol na hawak niya pagdating sa'yo. That's how love is and he don't want that. Hindi niya gustong maramdaman kung paano ka walang magawa. Basta nagmamahal ka lang."

Mapait ang ngiting hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawa niya. "I'm sorry if I can't believe that. Nakita ko ang pagmamahal sa mga grandparent ko, sa mga magulang ko. At sigurado ako na hindi pagmamahal ang ginawa ni King. Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa nya? Alam mo ba kung gaano kababa ang tingin ko sa sarili ko ngayon?"

Halata ang pagkalito sa mukha niya. Alam kong alam niya ang tungkol sa namamagitan sa amin ni King. Peros sigurado ako na hindi niya alam ang nangyari ng gabing iyon.

"What do you mean? What did he do to you?"

"Akala ko matapang ako. Hindi pala. Akala ko bato ako. Pero hindi pala. Dahil pakiramdam ko, nawala sa akin ang lahat. And you know what's worst? I let him. Hinayaan ko siyang sirain ang lahat-lahat sa akin. I let him ruined me."

"Freeze-"

"I hate myself for that. I hate myself for being weak. For being this kind of woman. Hindi ako ganito. Pero binago ako ng pesteng pagmamahal na iyan."

Pinalis ko ang luhang namamalibis sa mukha ko ang mabilis na tumakbo ako palabas ng 'Craige'. Napatigil lang ako ng maramdaman ko si Comet na pinigilan ako. Napapatingin na sa amin ang ilang mga guest na napapadaan sa tapat ng restaurant.

"Let me go."

"Anong ginawa niya?"

Sinalubong ko ang mga mata niya. "He fucked me out of his system. And not even a day after that he found a replacement."

"God!"

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. "Tell me, Comet. Tell me how stupid I am. Sabihin mo na gumising na ako sa bangungot na 'to."

"Freeze..."

"How can I still love someone who hurt me so much?"

Imbis na sagutin ako ay hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at pinakawalan lahat ng luhang pilit na itinatago ko sa harap ng pamilya at kaibigan ko...at sa harap ni King.

"I'm sorry, Freezale. Just hang on."

Naguguluhang nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Dahil sa lahat ng taong nakausap ko tungkol sa bagay na 'to ay siya lang ang sumagot sa akin ng gano'n. "F-For what?"

"You don't need to wake up. You just need to wait a little for him to wake up on his own nightmare. You'll have your happiness. I'll make sure of it."

Sandaling hindi ko nagawang makaimik at nanatiling nakatingin lang sa kaniya. "Bakit? Bakit mo ako tinutulungan?"

"Because he's making a big mistake...for letting go of a woman like you. A woman that cannot be compared even to the rarest stone in this world."

Napahiwalay ako sa kaniya ng marinig ko ang isang malakas na busina. Huminto sa harapan namin ang isang sasakyan. Sasakyang pamilyar sa akin.

King's car.

Bumababa siya at nginitian kami. Nakatingin siya kay, Comet. Mulasa kinaroroonan ko ay aninag ko na may tao pa sa loob. I braced myself for the pain that will surely come. Looks like King brought another girl with him.

Pinagbuksan ni King ng pintuan ang babae. Umabrisete sa kaniya ang babae at nakangiti parehong lumapit sila sa amin. Naramdaman kong hinawakan ako ni Comet sa braso at para bang hinila ako papunta sa likod niya...ngunit nanatili ako sa kinatatayuan ko.

Lumapit si King at nakangiting nakatingin lang kay Comet, "Hey, Comet. Hindi ka ba babati man lang?"

"Umalis na kayo, King." may babala sa boses na sabi nin Comet.

Nakangising hinarap ako ni King. "Miss Night, I would like you to meet Lisette Valderama."



__________________________End of Chapter 17.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 95.3K 33
I'm Dawniella Davids. Kilala ako ng lahat sa pagiging mataray ko, kaya ilag sa akin ang lahat. Maliban kay Triton Lawrence, ang nag-iisang tao na may...
2.3M 73.7K 45
Levi is a notorious playboy; women around him would beg for his attention, that's until he finds himself kissing a woman who happens to be a nun. For...
258K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...