Trapped (Completed)

De Mikays14

37.6K 1K 82

"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life wo... Mai multe

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
A/N

Chapter 20

854 21 0
De Mikays14

Chapter 20 : Settled
Dennise.

Bigla na lang akong nagising from a heavy dream. Pagdilat ko... nakita ko ang family ko, including the Eagles, Greta, and Sir James. They look so happy dahil gising na ako. Nagwo-work na rin nang maayos ang senses ko. Wala akong maramdamang sakit ngayon compared kanina. Para bang walang nangyari, parang hindi ako napasama sa isang gulo. Sobrang gaan ng pakiramdam ko.

"Glad you're awake!" Sambit ni Mom habang niyayakap ako. I hugged her back. Naiiyak ako.

Napatingin ako kay Dad, he smiled at me. Hindi siya galit? Kasi ine-expect kong sisigawan niya ako eh. Sino ba naman kasing isang ordinaryong babae ang gagawa ng deadly stunt sa mga mafia. Ewan ko ba kung saan ako kumuha ng lakas ng loob.

"Thank your Dad, Dennise... he was the one who cured you." Madiing sabi ni Sir James at nginitian ako tapos ay lumabas na sila ni Greta ng kwarto... sumunod ang ibang Agila na binigyan ako ng mga matatamis na ngiti.

Napatingin ako kay Dad.

"Gumawa ka ng drug to cure me?" I asked. I know my Dad is a chemist. Pero hindi ko alam na may care pala siya sa akin para gumawa ng isang drug na kayang labanan ang deadly theriac na nasa katawan ko nitong mga nakalipas na oras.

"Oo dahil ako rin naman ang gumawa ng unang drug na napunta sa katawan mo."

Naguguluhan ko siyang tinignan.

"It's a long story, my dear... wag mo na isipin. Ang mahalaga, okay ka na."

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. "I'm sorry Dad if naging pasaway ako... If umabot ako sa ganitong punto ng gulo..."

"I just hope it made you stronger." Sabi niya.

I hugged him tight.

Maya-maya pa, humiwalay na ako sa yakap.

"Dad... salamat."

He kissed my forehead at hindi na muling nagsalita.

Whatever the story behind everything, I will always keep in mind that I am the luckiest and toughest Lazaro ever.

Nagpaalam ako sa family ko para puntahan ang babaeng naging source ko ng lakas these days. Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang room ni Alyssa. Nagkalat pa rin ang mga tauhan nila sa mansion. Geez. So many guns....

Nang makita ko ang kwarto ni Alyssa. Agad akong pumasok doon at nakita ko agad siya...

"Alyssa...."

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Ganoon rin siya sa akin.

"You're awake..." bulong niya.

"Thanks to my Dad." Nakangiting sabi ko. She smiled too and kissed my lips. It was a short passionate kiss.

Humiwalay kasi siya agad. "Sorry." Nahihiyang sabi niya. "Nabigla lang."

Natawa ako at ginulo ang buhok niya. "I missed you." Sabi ko and pecked on her lips.

"I missed you more."

"Safe na ba tayo ngayon?" I asked. What happened to us is really traumatizing. Ayoko nang maulit pa. Nakakatakot...

"Hindi na ko papayag na maulit muli ang lahat. Huwag mo nang isipin, nandito lang ako." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Napangiti ako. I really love the feeling. Kapag ganito kalapit si Alyssa sa akin. Pakiramdam ko sobrang protektado ako.

"Did you thank your Dad?" Tanong niya.

"Yeah. Of course. I didn't know that he will cure a reckless girl like me. Knowing na puro sakit sa ulo ang dinulot ko sa kanya."

"He loves you Den. Really. Nakita ko kung gaano siya kapursigido na magawa agad ang drug na magpapagaling sayo. Hindi niya kayang makita kang nagsa-suffer. Ilang hours siya sa laboratory namin. Tuloy-tuloy, walang pahinga."

I just stared at her.

"Hindi niya siguro na-kwento sayo. Pero he was the one who made the failed theriac drug na naunang sumakop sa katawan mo. Kaya siya lang din ang may kayang gumawa ng pangontra sa drug na iyon."

"B-But that deadly theriac was from the Fajardos right?"

Ito ata yung sinasabi ni Dad na long story... kinakabahan ako.

"Oo. Your Dad is a well-known chemist right? Kaya siya ang napili ng mga Fajardo na gumawa ng drugs para sa business nila."

"So he was a part of the Fajardo Mafia?"

"Not really. He signed a five-year contract only. Malaki kasi ang offer sa mga ganoong klase ng trabaho. Isipin mo, Den... ano bang may'ron five years ago sa family niyo? Bakit kaya naisipan ng Dad mong mag-trabaho illegally for the sake of money?"

Napaisip naman ako bigla. Basta ang alam ko lang, noon, bumabagsak na ang Lazaro Empire. Kaya nga Dad pushed Laura na aralin ang pasikot-sikot ng business namin.

"Nalulugi na ang Lazaro Empire. Pero bigla na lang nagawan ni Dad ng paraan."

Grabe. Hindi ko inaakalang ganoon ang gagawin ni Dad. Alam ko kasi, hindi niya gustong maging chemist but iyon ang gusto ni lolo at lola for him. Kaya after niya mag-aral noon, pinursue niya naman ang corporate world dahil mas mabilis daw ang ikot ng pera roon. Sure na mabibigyan niya kaming pamilya niya ng maayos na buhay. Dad is a genius, he really worked hard for us.

"Pero di ba Alyssa pwedeng madamay ang pamilya namin sa ginawa ni Dad? Katulad nung nangyari sa pamilya mo."

"Walang ginawa na deadly stunt ang Dad mo sa mga Fajardo. Malinis niyang tinapos ang kontrata hindi katulad ng sa Ama ko. Kasi for sure, alam ng Dad mo na posible kayong madamay."

Naiiyak ako. Sobrang touched ako sa ginawa ni Dad for our family. Hindi ko dapat siya binigyan ng sakit ng ulo. I should have behaved like Laura. I should have helped him manage our company. Hindi dapat ako naging pasaway... kaya siguro Laura is his favorite daughter.

Niyakap ako ni Alyssa. Mas lalo tuloy akong naiyak.

"Sobrang patapon ko sa pamilya namin.... nakakahiya ako Alyssa... I should have acted like a lady... n-not an immature b*tch... I-I hate myself..."

Humiwalay si Alyssa sa pagkakayakap sa akin.

"Don't say that, my love... pretty sure your Dad is indeed proud of you. You're the strongest one in the family. Alam mo ba? Sobrang hanga si Laura sayo. Nakausap ko kasi siya kanina. She opened up to me."

"Wow. Close agad kayo?" I asked habang pinupunasan luha ko.

Natawa naman siya. "You're my only one. Don't be jealous."

Kinilig naman daw ako. "Hmm.. o sige nga, anong pinag-usapan niyo?"

"Yun nga, she said na mas swerte ka dahil nakakapag-explore ka pa unlike her na kinulong ng Dad mo sa negosyo. She thinks that you are the favorite daughter dahil hinayaan ka ng Dad mo na mag-enjoy lang sa life."

Napangiti naman ako when I realized that.

"Pati your Dad graduated from Laneo noong for boys and girls pa ang school natin. Kaya he knows na masaya roon at tuturuan ka ng Laneo maging matatag. Look at you now Den. You're way stronger than before. Kaya I know, your Dad is so proud of you."

Sobrang gaan na ng pakiramdam ko. So many realizations. Gusto ko lang bumawi sa family ko pero I don't know how... like hello? Hindi naman ako sweet and expressive sa kanila. Ah basta, siguro bawasan ko yung katigasan ng ulo ko? Pwede na siguro yun.

May reason din pala si Dad para pag-aralin ako sa Laneo. Hehe. For sure, sa tatay ko ako nagmana. May tinatago rin na katigasan ng ulo si Dad.

"Natahimik ka?" Tanong ni Ly.

Niyakap ko lang siya. "Masaya ako."

Lumayo naman ako agad and checked her. May mga galos pa rin siya.

"I'm fine... wag mo na tignan." Sabi niya.

"Gusto mo pagawan din kita kay Dad ng drug para all-cured ka na?" Tanong ko sa kanya pero sinamaan niya ako ng tingin.

"Kaya ko naman na. Pero tara, labas na tayo. I want to talk to your parents."

I smiled tapos ay inalalayan siyang tumayo. I held her hand. Lumabas na kami sa kwarto at pinuntahan ang parents ko. Meet the family na! I hope magustuhan nila si Aly for me. And that matanggap nila kami.

**
Jhoana.

Nasaan na kaya yung gangster na 'yun? Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya. Sobrang nag-aalala na ako sa kanya eh. Sana naman kung ligtas siya, i-text niya lang ako. Huhu.

"Huy! Ako nahihilo na sa'yo. Kumalma ka naman muna." Sabi ni Ate Ella. Nitong mga nakaraang araw kasi sa kanila ako nila Ponggay sumasama. Dahil nga medyo close sila sa mga Archers, nakakasagap ako ng balita sa kanila about Agila.

Nakabalik na kasi sa Laneo ang mga Archers. Ang sabi lang naman samin ni Ate Ara, huwag kaming mangialam at wag nang mag-alala dahil ligtas na si Ate Den... at ligtas na raw lahat. Pero bakit wala pa rin ang mga Agila dito sa Laneo?!

"Safe naman daw ang Agila ate Jho." Sabi pa ni Ponggay. Sus. Porket nag-text na sa kanya si Maddie, kalma na siya. Eh ako walang text sa akin ang girlfriend ko. Naiirita na ako at naiinis pero mas lamang yung pagkamiss ko sa kanya.

"Hay nako ang akin lang naman. Bakit si Maddie nagtext sayo? Eh si Beatriz hindi manlang magawang mag-text sa akin." Sabi ko.

"Baka walang load." Sabi ni Ate Ella.

"Ehhhh. Ang yaman nun eh. Nawawalan ba ng load ang mayaman?"

"Tara na nga. Kumain muna tayo sa cafeteria.. baka gutom lang 'yan Jhow. Maayos naman na raw lahat sabi ng mga Archers. Baka need lang nila magpahinga kaya di pa nabalik dito sa Laneo." Sabi ni Ate Ells.

"Oo nga ate. Gutom na ako. Tara na." -Ponggay

At dahil nakikituloy lang naman ako rito sa kwarto nila. Syempre sumama na ako sa kanila lumabas. Hay. Ano nanaman kayang problema ng gangster na yun? Walang paramdam eh.

"Ay Te Ells, Pongs... balik pala muna ako sa dorm ko. Ngayon ko lang na-realize na hindi pa ako naliligo ngayong araw. Hehe." Sabi ko sa kanila.

"Ay sos. Sige na. Sunod ka na lang sa cafeteria ha." Sabi ni Ate Ells.

Nag-nod naman ako tapos ay tumakbo na papunta sa dorm ko. Malayo pa yun dito kanila Ate Ells pero mabilis naman ako tumakbo kaya keri lang. 5PM na kasi. Kaninang umaga pa ako naka-tambay sa dorm nila Ate Ella. Hahaha!

Bakit kasi ang lawak ng Laneo eh. Medyo hingal na ako kaya, nilakad ko na lang nung natatanaw ko na yung dormitory ko.

"Ate Jho!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si Deanna. Waaah!! Nakabalik na ang mga Agila?!

Agad akong tumakbo palapit sa kanya. "Deanns! Kumusta?" Tanong ko.

"Ayos lang naman ate. Nakita mo ba si Ate Bea?" Tanong niya kaya naman nawala ngiti ko.

"Hindi kayo magkakasama?"

"Kanina kasama ko siya sa Mansion nila Ate Ly... pero kasi nauna siyang umalis sa amin eh. Akala ko nandito na." Sabi niya.

"Wala. Ewan di ko pa siya nakikita." Malungkot na sabi ko.

"Hmm.. baka may iba pang dinaanan. Sige Ate, papahinga na muna ako."

"Sige.. bye." Sabi ko na lang at dumiretso na sa building namin.

Kainis... nawala nanaman ako sa mood. Bakit kaya di pa bumabalik si Beatriz dito sa Laneo? Haaay. Galit ba siya sa akin? Eh ano naman ginawa ko?

Nakarating na ako sa fifth floor. Tapos nakita ko naman yung dalawang roommates ko na nasa labas ng kwarto namin.

"Jia, Gi... bakit nandito kayo sa labas?" Tanong ko.

Agad naman lumapit sakin si Jia. "Buti dumating ka na. Ay basta. Ikaw na bahala sa loob mag-stay na lang kami ni Gi sa library." Sabi ni Jia at hinila na paalis si Gi. Ang bilis nila maglakad.

Anong problema nung dalawang yun? Bakit parang takot na takot sila?

Agad akong pumasok sa room namin at... ayun, wala naman tao. Ang linis pa nga ng room namin eh. Problema nung dalawa?

Agad akong kumuha ng damit sa drawer ko. Ang lagkit. Pawis na pawis ako. At ang baho ko na. Need ko na talagang maligo. Hmp!

Dumiretso na ako agad sa CR. Pagbukas ko ng pinto... halos mahimatay na ako sa bumungad sa akin.

"AHHHH! BAKIT KA NALILIGO RITO?!?!" Sigaw ko at agad tumalikod kay Beatriz. Huhu. Wala naman akong nakita diba? Or meron? Shet. Makinis pala talaga yung gangster na yun. Amp! Noooo! Wala ako nakita!

Bakit ba kasi hindi siya naglo-lock ng pinto?! Well, hindi naman siya totally naked. May undies pa siya. Pero wala na yung sa taas. Pero shet. Anuba!

"Tss. Close the freaking door, Jhoana!" Sigaw niya pa sa akin.

"Aba! Sa akin ka pa galit eh ikaw nga tong di nagla-lock ng pinto!" Inis na sabi ko pero nakatalikod pa rin sa kanya. Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko.

"Oh, I forgot. Anyway, lika na. Let's shower together." Casual na pagyaya niya.

"Sira ka ba? Ayoko. Pagtapos mo na lang." Lalakad na dapat ako palayo pero bigla niya akong hinila papasok ng CR. Tapos ni-lock niya yung pinto. Ahhhhh!!!

Nakapikit lang ako. Kasi nafi-feel kong malapit siya sa akin.

"Open your eyes. Wag maarte." Sabi niya.

"Seriously? Ang tagal nating di nagkita tapos ganito ka talaga babalik sa akin?" Naiiling na sabi ko. Minulat ko na ang mga mata ko pero hindi ko sinubukang tumingin down there. Nakatitig lang ako sa kanya.

"I missed you, girlfriend." Sabi niya tapos ay hinalikan ako sa labi. Sweet soft kiss.

Napangiti naman ako. "I missed you more, gangster." Sabi ko at hinawakan ang mukha niya. Ang daming galos.

"Kawawa naman pretty handsome face mo..." Sabi ko.

"Let's shower together please.. so I can rest after. Humahapdi mga sugat ko kapag nababasa." Sabi niya habang naka-pout.

"Aww... kawawa naman girlfriend ko. Sige na nga. Shower na tayo." Sabi ko at inalis yung damit ko. Syempre nagtira akong undies. Swerte niya naman.

Narinig ko naman siyang tumawa. "Uto-uto ka pa rin." Sabi niya tapos tinuloy yung pagsha-shampoo niya. Kainis!

Sinamaan ko siya tingin. "Leche ka talagang gangster ka. Dadagdagan ko pa yang galos mo sa mukha. Bwiset!"

"Whatever. Ako na mag-shampoo sayo." Sabi niya so hinayaan ko lang siya.

Nasa likod ko lang siya.

"Kwento ka naman, Beatriz." Sabi ko.

"About what?"

"Yung sa nangyari. Sobrang nag-alala ako sayo. Alam mo, hindi ko talaga alam gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo."

"Tch. You really think I'm weak noh?"

"Baliw. Hindi naman sa ganun. Syempre, ang dami niyong kalaban. And hindi na yun basta lang gang war. Mafia war na yun. Sobrang delikado."

Humarap ako sa kanya at tinignan siya. "Hindi mo ba talaga iiwan ang pagiging gangster mo? Napapahamak ka eh."

Umiwas naman siya ng tingin sa akin.

"You know I can't Jho."

Tumango naman ako. As if may magagawa pa ako diba?

"Are you mad?" Tanong niya.

"Hindi. Promise hindi. Natatakot lang ako na baka maulit yung nangyari. Sobrang delikado nun Beatriz." Sabi ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "I promise to take good care of myself. So please, don't worry too much. Okay?"

Nag-nod ako. "Promise yan ha."

"Yes. Babe." Sabi niya at binigyan ako ng sobrang sexy na smile. Haaaay!

Hindi ko mapigilan kaya naman I kissed her lips. We're kissing habang tuloy-tuloy yung agos ng tubig sa katawan namin. Bakit kahit malamig yung water ang init pa rin? Geez! Beatriz, ano nanaman bang gagawin natin?

"So much improvement babe. Can't believe you're a good kisser now."

"Nakakahiya naman sayo if di ko gagalingan."

Natawa naman siya. Juice colored! Lahat na lang ba sa gangster na ito ay sexy? Ngiti, tawa, the way she talk... lahat sa kanya sobrang sexy! Ang hot hot ng girlfriend kong gangster. Hihi.

Hinapit niya ako palapit sa kanya. She's now kissing my neck... really can't help it... "Mmm..."

"Nakakaadik ka, Jhoana." Bulong niya pa.

Syempre masama naman ugali ng gangster na to kaya hinayaan ko na siyang gumawa ng bad things sa akin. Go na sa kasamaan! Charot!

After namin maligo... malamang nagbihis na kami at lumabas na ng CR. Buti na lang wala pa rin dito sila Jia at Gi. Baka sabihin nila sobrang landi ko. Mehehe.

"Nice. Wala pa rin roommates mo." Sabi nitong gangster sa likod ko.

"Paano mo ba sila napaalis ha? Kanina takot na takot mga itsura nila eh."

"What? Sabi ko lang get out. Is that even scary?"

Binatukan ko naman siya kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Eh hindi mo naman room to ha! Bakit pinapaalis mo roommates ko?! Sira ka talaga!"

"I can't find you here in Laneo, Jhoana. I was too pissed off. Saan ka ba nanggaling?"

"Uh... sa building nila Ate Den..." Sabi ko at nag peace sign. Hehe. Kanina pa pala siya nakabalik.

"Tss. That's why I decided to go here and wait for you. Kaso sobrang init sa room niyo kaya naligo ako."

"Hay nako! Kawawa roommates ko eh. Sa library tuloy sila ngayon."

"I thought you missed me? Bakit di mo na lang ako yakapin at halikan ha? Dami mo pang sinasabi dyan."

Mahal ko 'tong gangster na 'to pero kasi nakakairita talaga ugali niya. Nakakapikon siya di ba?

"Mag-sorry ka sa mga roommates ko." Seryosong sabi ko.

Kunot-noo niya akong tinignan. "What?!"

"Narinig mo ako Beatriz."

"Tch. Alam na nila yun."

"Hindi ka mag-so-sorry?" Tanong ko. Tumango naman siya.

Lumapit ako sa door ng room namin at binuksan iyon. "Get out, Beatriz."

"But!"

"No buts. Labas." Sabi ko.

Ang kulit kasi ng ugali. Gusto siya palagi nasusunod. Nang-istorbo pa ng ibang tao. Di na nahiya.

Tinignan niya ako ng masama. "Tch." Tapos ay nilagpasan niya ako at padabog na sinara ang pinto.

Bumalik ako sa kama ko at pinatuyo ang buhok ko. After nun ay naupo ako sa kama ko at nagbasa ng libro. Bahala siya. Dapat alam niya pagkakamali niya.

After 2o minutes bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto namin. Pumasok si Jia at Gi na tawa nang tawa.

"Hello Jhoana's friends... I'm sorry! HAHAHA!" Sabi ni Jia...

Natawa na rin ako. "Bakit Jia?"

"Ay nako Jho! Ewan ko sa jowa mo. Kung palabasin kami kanina kala mo kung sino tapos kanina sa library bigla ba naman sorry nang sorry sa amin." Sabi ni Jia habang tawa nang tawa.

"She said pa na di na mauulit and if ever maulit daw we are free to punch her face! Gaahd!" -Gi

Sobrang natawa na rin ako. Hindi ko napigilan eh. Very good talaga si Beatriz! Masunurin kay Jhoana! Waaah!

"Nga pala Jho nasa labas siya ng building natin. Puntahan mo raw siya." Said Jia kaya dali-dali akong lumabas ng room.

Nang makalabas ako sa building namin.. nakita ko siya nakasandal sa car niya. Nakasimangot.

"Beatriz!" Sabi ko at kumaway sa kanya.

"Ge. Tawanan mo na ko." Sabi niya at yumuko.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Very good ka talaga baby!"

Di naman niya ko niyakap pabalik. Tapos tinignan ko siya. Namumula siya. HAHA!

"Nahihiya ka ba?" Natatawang tanong ko.

"Sinong hindi?" Balik tanong niya kaya lalo akong natawa.

"Sa susunod kasi ayos buhay din. Sige na, wag na mahiya. Good gangster ka naman na eh."

"Whatever. Pasalamat ka mahal na mahal kita." Bulong niya.

"Mahal na mahal din kita." Sabi ko and nginitian siya.

Hinawakan naman niya kamay ko. And tuwing ginagawa niya yun. Sobrang ramdam ko yung pagmamahal niya. I'm glad she's back. My baby gangster is finally back!


————
A/N: Eight chapters left.

Continuă lectura

O să-ți placă și

382K 11.2K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
2.7M 103K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
42.6K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
2.2M 38.6K 34
Camille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan ni...