10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 37 : SECOND TEST

127K 2.2K 228
By Khira1112

RHEA POV

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Naging abala ako sa pagsunod sa mga isinulat ni Shai sa notes and list. Inuunti-unti ko na ang pagsasanay dahil na rin sa payo niya. Para naman hindi ako maging sakit ng ulo sa kanya pagbalik niya. After dismissal, magkasama kami ni Anne at nag-b-bonding. Bumabawi siguro siya sa mga araw na hindi kami nagkakasama. Saktong pag-uwi ko lagi sa bahay ay naghihintay si Delgado at nag-w-work out kami agad.

So far, so good. Marami siyang naituro sa akin kapag work-out session na. Nakakapag-push up na ako ng mabilis pero hindi ako nakakatagal. Hindi tulad nung kay Delgado. I'm still working sa pag-p-push up na isa lang ang kamay. Hihi.

Bantay sarado ako sa pagkain. Patuloy si Delgado sa paggawa ng diet plan ko. Na-t-try ko na kontrolin ang cravings ko. Amazing, right? I'm so proud of myself. Pero syempre, nandyan pa rin ang endless temptation kaya iniiwasan ko na lang pumunta sa kusina at cafeteria para hindi tuluyang mabulilyaso ang aking diet. Ang hirap kaya no'n!

May nadagdag pa sa daily routine ko. Na-extend ang time namin ni Delgado para sa Step 2. Naging instant preacher ang loko sa pag-e-explain ng maturity process. Nagsimula kami two weeks ago at may everyday lesson siya sa akin. Ang tyaga rin ng isang 'yon. Talagang seryoso siyang maturuan ako. Minsan inaatake ng topak, at minsan inaatake ng pagka-manyak pero nag-b-behave naman din agad. Hello? Lagi kaming nasa kwarto ko at lagi kong iniiwang bukas ang pinto para hindi mag-isip ng kung ano ang mga tao sa bahay. Sa kwarto ko lagi kami nag-uusap tungkol sa maturity.

Pilit kong inaalala ang mga tinuro niya.

Day 1

"Share your thoughts and feelings to others. Lagi ka bang nag-s-share ng mga iniisip mo sa ibang tao? Kay Anne o sa kahit na kanino?" tanong niya sa akin.

Napaisip ako sandali saka ko siya sinagot. "Hmm, nag-s-share ako pero hindi lahat sinasabi ko. Yung iba kini-keep ko lang sa sarili ko." sagot ko. Tumango siya.

"Maliban sa bestfriend mo, sino pa ang confidant mo?"

Napaisip ako ulit. "Uhm, wala na? Teka nga, anong kinalaman ng pag-s-share sa maturity?" nagtataka kong tanong.

"Sabi sa librong nabasa ko, if you share your feelings to others, mas lumalawak ang pananaw mo sa mga bagay-bagay. Syempre, you'll see their reactions and some will give their own advice. Meaning, may nadadagdag sa pananaw mo. Saka require ang isang tao na dapat may confidant siya dahil kung wala, he'll take all the burden by himself. That's a sign of immaturity."

"Aahh. . ." napanganga ako sa paliwanag niya. Akalain ko bang may alam siya sa mga gano'n! At talagang nagbabasa siya ng mga gano'ng klaseng libro.

"You know what, gusto ko ring maging confidant mo. O kaya ikaw ang maging confidant ko kaya lang, alam mo na, minsan inaatake ako ng pagkatorpe." tumawa siya. Ako sobrang namula. Hinampas ko siya ng unan.

"Heh!"

Day 2

Ibang topic naman ang inungkat niya sa pangalawang araw. "Kapag ba nalulungkot ka, alam mo lagi ang rason kung bakit?" tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot. Inisip ko yung mga pagkakataong malungkot ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon alam ko yung rason kung bakit ako malungkot. May times na alam ko, may times na clueless ako at bigla-bigla na lang makakaramdam ng lungkot. Is it weird?

"Hindi lagi. Siguro 7 out of 10 yung lagi kong alam yung dahilan. Yung natitira, hindi ko alam yung reason. Mga gano'n." napakamot ako sa aking kilay. Hindi ko alam kung tama ba ang naisagot ko. Parang malabo masyado ang sinabi ko.

Tumango si Delgado. "Pero dapat lagi kang maging aware sa paligid mo. Kapag daw hindi mo alam ang dahilan kung ba't ka malungkot, sign iyon ng immaturity."

Gano'n? So , kailangan laging may sagot? Laging may clear answer. Mukhang mahirap ata maghanap ng sagot pag sarili lang ang iniisip.

Day 3

About friendship naman ang topic namin sa pangatlong araw. "Kapag ba nag-away kayo ni Anne, tinatry mong i-solve ang issue?"

Napangiwi ako. "Hindi ako yung gumagawa niyan. Laging si Anne ang lumalapit sa akin at nakikipagbati kahit na ako yung may kasalanan." Syempre, anghel ang bestfriend kong 'yon! Si Anne laging nag-i-initiate sa mga gano'ng pagkakataon.

Napailing si Delgado. "That's immaturity. You should know how to initiate , Rhea. Hindi yung lagi na lang si Anne. Dapat binababa mo ang pride mo pag nag-a-away kayo ng bestfriend mo. Be mature enough to make the first move."

Gusto kong sabihin na hindi naman kami nag-aaway ni Anne pero napaisip ako. Sa tuwing nagkaka-misunderstanding kaming mag-bestfriend ay hindi man lang ako gumawa ng first move kailanman.

I hate to admit this at that time but he was right. Damn right. Again.

Day 4

About efforts. Pati pala efforts ay kasama sa maturity. Akala ko mentality at sensitivity lang ang step na 'to. I was wrong.

Ang unang tinanong sa akin ni Delgado nung araw na 'yon ay, "If you try to do your best, you you feel good about your effort? Be honest."

Napangiwi ako. Patay. Sablay na naman ata ako.

"Hindi. Lalo na pag ikaw yung kakumpetensya ko. Alam mo naman , di ba? Hindi ako nakukuntento hangga't hindi ako ang nananalo."

Napabuntong hininga siya. "Yeah. At nasabi ko na dati sayo na kung marunong ka lang makuntento sa kung anong kaya mo, matagal kana sanang panalo." umiling-iling siya. "Your answer is an immature act. Sorry. "

Hell, yeah! Alam kong immature talaga iyon pero kainis. Mukhang mas marami na ang alanganin kong sagot.

Day 5

He discussed about problem solving. Hindi ito tungkol sa anumang major subject namin. Hindi ito tungkol sa math o science na maraming formula. Tungkol ito sa pagsosolve ng mga life problems. Umpisa palang, alam kong lagapak na naman ako sa isasagot ko.

"Na-h-handle mo ba ang mga problema mo?" tanong niya.

"Hindi lahat. 50/50 lagi." tugon ko.

"Tsk. Dapat at least 3/4 ng problema na na-i-encounter mo, kaya mong i-solve." sabi niya.

"Agad-agad?" umirap ako. "Hindi ako si Superman!"

Napabuntong hininga si Delgado. "Unang-una, alam kong hindi ka si Superman dahil hindi ka naman lalaki. Buti sana kung Wonderwoman na lang ang sinagot mo o powerpuff girls. Pangalawa, ang maturity ay nakasalalay rin sa pagdala mo ng problema. Kung lagi kang alanganin sa mga problema mo, hindi ka pa talaga mag-ma-mature ng tuluyan."

Oo na. Oo na. Mali na naman ako. Kainis.

Pero yung totoo, paano napasok ang Powerpuff Girls sa usapin anmin ? Tss.

Day 6

Ang topic namin no'n ay jealousy at envy. Gusto ko na lang magbigti. Alanganin na naman ako. Shit! Hindi pa siya nagtatanong, alam ko na agad na ma-d-disappoint lang din siya sa aking isasagot.

"Madalas ka bang mainggit at magselos sa ibang tao?"

Hindi ako nagsalita pero tumango ako. Tinitigan niya ako ng matagal. Nakaka-frustrate pala yung pang-araw araw na pagtatanong niya at lagi na lang pangit ang maisasagot ko tungkol sa sarili ko. Nakaka-down ng confidence. Parang malabo kong maipasa 'tong second test niya. Yumuko ako at nanatiling tahimik.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Hey, it's okay. It's normal."

Sinapak ko siya sa braso at ngumuso ako. Alam kong sinabi lang niya iyon para gumaan ang loob ko. "It's not! Can't you see? Dami-dami kong flaws pagdating sa step na 'to-"

He silenced me with his light kisses. Napaawang ang bibig ko. Bago pa ako makabanat ay tinaas niya ang kamay niya. Then, he speaks. "Unang-una, sinabi ko na sayo noon pa na mahirap talaga 'tong second step. At kung palpak man ang maging resulta sa buwan na 'to, hindi ibig sabihin no'n, titigil tayo. Why am I explaining these things to you kung wala rin naman palang papatunguhan? It's a slow process. We're young but wanting to be mature is not a bad thing. May mga flaws talaga. Kung ako siguro yung nasa lagay mo, ma-f-frustrate din akong tulad mo. Hindi lang naman ikaw ang may mga ganyang sagot. I'm sure , hind lang ikaw ang papalpak kung gano'n nga." hinalikan niya ang aking noo . "Now, tell me. Alin sa inggit at selos ang madalas mong maramdaman." tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Inggit." mahina kong sagot.

"Bakit?"

"Kasi hindi ako tunay na babae. Hindi ko hilig ang hilig ng mga babae. Naiinggit ako sa mga normal at sa mga laging nanalo. Parang ikaw. Di ba, hindi pa kita natalo kahit isang beses?" huminga ako ng malalim. "Inaamin ko , naiinggit ako sayo. Mas magaling ka kasi."

For the first time, umamin ako. Shit. Achievement ba 'to o dagdag kahihiyan ?

Narinig ko siyang tumawa. Muntik ko na siyang sapakin kung hindi pa siya nagsalita agad. "Baliktad tayo. Madalas akong magselos kaysa mainggit. Nagseselos ako sa mga taong malapit sayo. Nagseselos ako sa mga taong mas palagay ang loob mo. Nagseselos ako sa taong maari mong magustuhan pag wala ako. . ."

Napanganga ako ng sobra sa sinabi niya. Tinignan niya ako at sinserong ngumiti.

"You see? Hindi lang ikaw ang maraming flaws dito. Magkaiba ng dahilan but still, imperfect tayong dalawa. I guess, lahat naman ng tao."

Unti-unting nag-sink sa utak ko ang sinabi niya. Ewan ko pero pakiramdam ko ay naging malaking tulong iyon para mabalik ko ang confidence ko.

Day 7

One week na kaming gano'n at unti-unti akong nasasanay sa ganitong routine. Lagi siyang nandito sa amin at dito na lang rin kami nag-w-work out sa gym ng mga kuya ko.

Rejection ang topic nung araw na 'yon . Mukhang alanganin na naman pero hindi ko na 'yon inisip pa. Sabi nga ni Delgado, kung hindi ko man mapapagtagumpayan ang step two sa buwan na 'to, hindi ibig sabihin wala na akong chance magmature.

"Natatanggap mo ba agad kapag ni-reject ka ng ibang tao?" tanong niya.

"Syempre, hindi. Una, ma-pride ako. Ayoko sa salitang rejection. Pangalawa, hindi ako sanay sa rejection. Pangatlo, hindi ko alam kung paano ang gagawin ko pag ni-reject ako ng mga tao."

Tumango-tango siya at may kasamang ngiti sa labi. Mukhang nagustuhan niya ang sagot ko. "Thanks for being honest, Rhea. Anyway, immaturity raw ang hindi pagtanggap sa opinyon ng iba. Kaya kapag ni-reject ka, ang pinaka magandang solusyon ay tanggapin ang gusto nila at huwag mo ipilit ang sarili mo. Iyon yung nabasa ko sa libro. Pero may sarili akong strategy dyan." he smirked at me.

"Ano?"

"Make them like you. You'll change yourself not to please them but to be a better person. Parang yung ginagawa natin ngayon."

Napangiti ako. Tama na naman ang loko. May point siya. Masakit ang rejection at mas maganda ang paraan niya. Yung tipong magbabago ka hindi para sa ibang tao pero dahil para iyon sa sarili mo. Dahil mas ikakabuti mo 'yon at para na rin maintindihan ka ng ibang tao .

"Maturity is learning how to accept the difference of every creature." dagdag pa niya.

Damn right.

Day 8

Like Yourself. Kailangan rin pala ang confidence dito. Sa wakas! May magkaka-points na ako!

"Gusto mo ba ang sarili mo?"

"Oo naman! Gustong-gusto!" over-confident kong sabi . Natawa si Delgado.

"Ano ba 'yan! Paano na ako ngayon?"

Kumunot ang aking noo at napatingin sa kanya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Eh , gustong-gusto rin kita. Paano na 'yan? Love triangel? Ako-ikaw-ikaw. Ako ba? Hindi mo ba ako gusto - ouch!" kinurot ko siya.

Waaa! Tinanong niya na ako kung gusto ko raw ba siya? Anong isasagot ko? Shit.

Yumuko ako at hindi ko na lang sinagot ang tanong niya. Hindi pa ako ready sagutin ang tanong na 'yon. . .sa ngayon.

Day 9

Solutions or worrying. Tinanong ako ni Delgado kung ano ang una kong nararamdaman pag may problema. Kung ano raw ba ang uunahin kong gawin, mag-alala o maghanap ng solusyon.

"Hmm, syempre, mag-aalala muna ako bago maghanap solusyon." sagot ko.

"Aish! Dapat naghahanap ka muna ng solusyon bago ka mag-alala. Baliktad ka naman." sermon niya sa akin.

"Eh, pake mo ba? Kanya kanyang trip 'yan!" sabi ko sabay irap. Ngumisi siya.

"Trip trip ka dyan. Immaturity 'yon."

Napasimangot ako. I already knew that! Hindi na niya kailangan pang ipaalala.

"Pag mature ka na, uunahin mong ayusin ang problema at never kang mag-aalala. Think positive dapat na magagawa mong solusyunan ang problema mo. According to the book I've read."

Tumango-tango na lamang ako. Bakit kaya hindi niya na lang ibinigay sa akin ang libro para ako na lang nagbasa?

Napangisi ako. Siguro, alam niyang hindi ko naman iyon babasahin at itetengga ko lang sa isang tabi. Mautak rin talaga 'tong unggoy na 'to.

Day 10

Being a conrol freak.

"So, pag mature na kailangan maging control freak akong tulad mo?" ngumuso ako at umirap.

"It's not that bad. Magiging oragnize ka lang. Ayaw mo ba no'n? In order ang buhay mo?"

"Eh! Alam mo namang napaka-impatient kong tao." sabi ko sa kanya.

"Kaya nga. Hindi naman 'to overnight changes , eh. Katulad na lang ng diet plan mo at work out session. Di ba sanay ka na ngayon? You just need to adjust. Yun lang."

Huminga ako ng malalim. "Yeah, right. Alam kong mali na naman ang sagot ko."

Ginulo-gulo niya ang aking buhok. "Oh, come on! Masasanay ka rin. Ngayon lang 'yan."

He kept on telling me magiging organize rin ako pagdating ng araw. Ba't ba kasi ang daming ka-ek-ekan ng pagiging totoong babae? Inaaral rin ba 'to ng mga beauty queens at crowned princesses sa buong mundo? Nakakaurat.

Pero alam ko namang lahat ng tinuturo sa akin ni Delgado ay tama. Yung mga sinasabi niya sa akin ay base sa isang librong nabasa niya na at sinusubukan niyang ipaintindi sa akin.

I'm trying. Still trying.

Day 11

Giving and recieving. Sinabi niya sa akin na itong topic na 'to ang naging basehan niya para dalhin niya ako sa charity event. Gusto niyang malaman kung alin nga ba ang gusto ko, yung ako ang nagbibigay o ako yung binibigyan.

"Pwede both?" alanganin kong sagot.

Napasimangot siya. "Isa lang."

"Sungit." huminga ako ng malalim. "Syempre, gusto ko na ako yung binibigyan. Lalo na ng pagkain, mga pasalubong at kung anu-anong masarap sa sikmura. Pero ayoko ng mga mamahaling bagay. Gusto ko lang yung nakakabusog."

Natawa siya at napailing. Amuse sa sinagot ko. "Mukha ka talagang pagkain." tumikhim siya. "What about giving?"

Napangiwi ako. "Kuripot ako, eh. Kaya nga madalas akong magpalibre , di ba? Pero yung sa charity, ibang kaso yun. Siguro depende rin sa taong pagbibigyan." sagot ko.

Nang tumingala ako sa kanya ay nakita ko siyang ngumiti at nag-thumbs up. "Improving."

Nangyari iyon kagabi. Tuwang-tuwa ako sa sinabi niyang may improvement ako. Syempre. kahit katiting na improvement , gusto kong mangyari. Sino ba namang ayaw umusad sa sitwasyon na 'to?

Inakbayan ako ni Delgado pagdating ko sa bahay. As usual , nandito na siya at naghihintay. Mas nauuna pa siyang pumunta rito kaysa sa pag-uwi ko. Feeling niya ata eh bahay niya na ang bahay ko. Masyadong feeling.

"Tagal mo. Saan ka galing ?"

"Mall." tipid kong sagot. "Start na tayo sa work out. Magbibihis lang ako."

"Wait lang. Sinong kasama mo sa mall?"

"Si Anne. Sino pa ba? Ang paranoid mo ,ah." umirap ako. "Tinalo mo pa si Papa."

Bumuntong hininga siya. "Sorry naman. I'm just worried about you. Saka malay ko ba kung kasama mo si Coby." umirap rin siya. Napanganga ako sa sinabi niya.

Ngayon ko na nga lang naalala ulit si Coby dahil binanggit niya. Nagtetext kami pero dahil sa sobrang busy ko , hindi ko na siya mareplyan minsan . Minsan naman ay sobrang late na ng reply ko . Ang balita ko may pinagkakaabalahan siya ngayon . Hindi nga lang niya nasabi sa akin kung ano 'yon. Si Artemis ay nabalitaan kong bumalik ng Korea kasama si Tito Art. May aasikasuhin sa business nila doon.

Nilingon ko siya at nakita kong seryoso ang kanyang mukha. "Don't tell me , nagseselos ka ?" taas kilay kong sabi sa kanya.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang biglang pamumula ng kanyang pisngi. Nakita ko rin siyang napalunok bago humakbang paatras at nag-iwas ng tingin.

Oh , my God! Totoo ba 'to? Delgado is blushing?

Bigla siyang tumaikod at sumigaw. "Magbihis ka na nga!"

Iniwan niya akong nakanganga sa sala at hindi makapaniwala. So, nagseselos nga siya?

Nagseselos na naman siya kay Coby! Wala naman akong ginawa, ah.

"Hay, Ren. Ang labo mo talaga. Parang ako lang. . ." natatawang sabi ko.

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 80.2K 37
Great parents doesn't always mean great children. Some are lucky to become even greater... but there are those who shed blood just to achieve a piece...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
5.6K 300 23
Growing up as part of the Royal Family makes life harder for Princess Cordelia. Ever since she learned how to speak, she was taught how to behave and...
16.4M 232K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...