Paper Planes (Sandejas Siblin...

By heartlessnostalgia

2.9M 118K 41.7K

Sandejas First Generation: "I might wanna fly like a paper plane but in the end, I'd still choose falling for... More

Paper Planes (Sandejas Siblings Companion Book)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Special Chapter
Paper Planes (Self-Published)
JerLena: Stairway to Heaven
Paper Planes Book Excess

Kabanata 6

66K 3.3K 392
By heartlessnostalgia

Kabanata 6

OF COURSE, IF there's a ball, hindi mawawala ang sayawan. They have chosen a couple of students to dance in the middle to formally start the program and I was chosen.

Dahil ka-partner ko at date si Winston ay siya ang kasayaw ko ngayon. Isang oras na ang nakakalipas simula no'ng nagpractice kami, all in all, there are ten pairs.

Kanina pa ako lingon ng lingon pero hindi ko makita si Ejercito. Excused kasi kami sa klase para sa ball at umaasa akong narito siya pero wala naman pala.

Isa pa, I know he was chosen to dance here too pero hindi siya sumipot. Ang babaeng ka-partner niya sana ay grabe ang pagkadismaya habang nakikipagsayaw sa ipinalit sa kanya.

At ayos lang 'yon sa akin, bakit hindi? Brittany is the girl who's supposed to be his partner at medyo nagdiwang ako na wala rin siya dito.

Duh, I won't like to give that girl a satisfaction to be happy!

"Ayos ka lang ba, Lena?" Winston asked me. I smiled and nodded, nang bahagya niya akong i-ikot at isandal sa kanyang dibdib ay nagsalita siya.

"Anong susuotin mo, Lena? So, I could customize my suit?"

"I am really not that sure." I answered him. "Maybe a blue gown or so?"

"Oh," he chuckled. Inilagay niya ang kamay ko sa kanyang balikat at muli kaming nagsayaw. "Maybe I'll just choose black as my suit, then? Para bagayan kahit anong kulay ng suot mo?"

"That's great," marahang sabi ko.

"Anyway, Lena, thank you for accepting my invite." aniya. Bahagya akong napalunok doon at naisip na hindi ko talaga sadya iyon pero nang nakita kong masaya siya ay hindi na ginawa.

"Nahihiya kasi talaga akong ayain ka ng personal kaya idinaan ko sa sulat."

"Walang anuman," I smiled. "I would love to be your partner too,"

He smiled and nodded at me.

Kung alam mo lang, Winston.

Nagpalit-palit kami ng partner sa sayaw, nakasayaw ko rin si Floyd at ang iba ko pang mga kaklase.

"I thought, Sandejas' your partner?" ani Floyd na marahang inisasayaw ako.

"Uhm," nakagat ko ang labi. "M-may nangyari kasi kaya 'yon..."

Tumango naman siya at muli akong tinitigan. Medyo nahiya ako kaya medyo napatungo.

I mean, he's my crush alright! Tapos tititigan niya ako ng ganyan!

"Then, can I dance you?" aniya. Nag-angat ng tingin sa kanya at nasalubong ang itim na mga mata.

"Uhm..."

"Please, Lena? I want to dance you." Aniya sa mababang tono. I stared at him and saw how hopeful he is kaya tumango ako.

"S-sure," I said, trying to control myself not to squeal.

Oh my gosh! Floyd will dance with me!

Humawak siya ng mas marahan pa sa baywang ko. He swirled me softly with the music at nang bumaling ako sa may pintuan ay bahagya akong nagulat nang makita si Jer na nakamasid doon mula sa malayo at seryoso ang tingin.

My eyes widened. I saw how his jaw clenched at aalis na sana ako sa pagsasayaw para puntahan siya pero kaagad siyang tumalikod habang nakahawak sa kanyang batok.

My stomach clenched, ilang minuto pa ang nakalipas bago matapos ang ensayo ay mabilis akong nagpaalam na aalis na at sinubukan siyang hanapin.

Sa pagsulyap ko sa orasan ay alas-singko na ng hapon.

Umuwi na kaya siya? Ejercito naman kasi! Hindi um-attend sa practice! Pero kung um-attend siya, si Brittany...

Hinanap ko siya sa library ay wala siya, I also checked the rooms pero wala rin siya.

Magpapahatid sana ako pauwi. Ngumuso ako at pinaglaruan ang kwintas kong bigay niya. Habang naglalakad ako nang walang direksyon ay kaagad akong natigil nang may maaninag sa hindi kalayuan.

My forehead creased, sa may mataas na parte ng soccer field kung nasaan ang isang puno ng Narra ay may naaninag akong lalaking nakahiga.

Hindi na ako nagdalawang-isip na pumaroon.

"Lena!" The players greeted me when they saw me.

"Hi," I smiled.

"Saan ka?" ani ng team captain.

"D'yan lang, sige." Ngiti ko bago sila tahimik na lagpasan at hindi na ako nagulat nang malamang si Ejercito nga ang narito

He was leaning on the Narra tree, nakasalampak siya sa lapag habang nakasandal ang ulo sa puno. I saw a book covering his face at napailing ako nang makitang baligtad ang libro na nakatabon sa mukha niya.

"Ejercito being Ejercito," bulong ko sa hangin at nangiti.

I bet my life he tried studying but ended up sleeping instead. Ang lalaking ito talaga!

Naupo ako sa harapan niya, ipinagkrus ko ang aking hita at marahang tinanggal ang libro sa mukha niya.

"Cute," I chuckled when I saw him sleeping, his lips slightly parted. Inilapag ko ang libro sa gilid at pinakatitigan siya.

Hulog ang iilang buhok niya sa kanyang noo. His pointed nose, tight jaw and slightly parted reddish thin lips is on my view. I lifted my hand and traced his thick brows down to his eyes and smiled.

Mukhang anghel kapag tulog ang Ejercito ko...

"Patay na patay ka na niyan?" biglang pagsasalita niya at sa gitla ay nasampal ko siya.

"Ouch!" nagmulat siya ng mata at napahawak sa kanyang pisngi.

"Oh my God!" my eyes widened. "Sorry!"

Ngumuso siya at pumungay ang mata.

"It hurts, Harriet," he sulked.

"I'm really sorry!" I said and pulled his hand. Nang matanggal ko ay kaagad kong sinulyapan ang kanyang pisngi at napansing namumula iyon.

"Sorry, Jer..." I said softly. Tumunog pa naman ang sampal ko! "Kung hindi ka kasi biglang nagsalita, nagulat tuloy ako!"

"Aba't, sinisi pa ako? Masyado ka kasing nakatitig, Harriet. Sobrang nakisigan ako bigla sa sarili ko kaya—" Winasiwas ko na ang kanyang kamay bago sinamaan siya ng tingin.

Ngumisi naman ang huli at mabilis na hinuli ang kamay ko at inilagay sa kanyang pisngi.

"Joke lang, Lena. Gamutin mo na ulit," aniya.

Umiling ako, marahang chineck ko ang kanyang pisngi habang nangingiti siya doon.

"Nag-try kang mag-aral 'no?" I asked him. He nodded.

"Yep, but I ended up sleeping." He sighed.

Nailing ako't napatawa, tinuro naman niya ang kanyang magulong buhok sa akin kaya iniangat ko ang kamay ko at sinuklay iyon.

He lowered his head and ipinatong niya ang noo sa balikat ko, sinuklay ko naman lalo pa ang magulong buhok niya ng daliri ko.

"How's your day?" he whispered.

"Tired," I said. Umangat naman ang mukha niya at lumamlam ang asul na mga mata habang nakatingin sa akin.

He lifted his hand and caressed my cheek.

"Nangangayat ka na, Leona. Hindi ka ba inalagaan ng crush mo?" aniyang nakabusangot.

I chuckled and smacked his leg.

"You're overreacting, Jer," I commented. Ngumuso siya at nagsalita.

"Kahapon lang tumataba ka na tapos ngayon," napailing siya.

"Oo na, tignan mo ikaw, puro ka tulog, may muta ka pa." Tawa ko. Inialis ko ang muta sa gilid ng mata niya at bahagya pa siyang kumurap doon at napahikab.

"I'm still sleepy, honey," bulong niya at umuungot na sumubsob sa balikat ko.

"Honey your face," I said sharply but I couldn't deny the churning I felt inside my stomach.

"Edi mahal?" aniya at yumakap pa sa baywang ko. Kinurot ko ang tagiliran niya, napaigtad siya doon pero hindi natinag sa kakulitan niya.

"Lena, I think I'm going crazy," bulong niya sa akin.

"Hmm? Bakit, hindi ba?" I asked bluntly.

"Lena naman, eh!" reklamo niya. I laughed, bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin at inayos ang necktie niyang tabingi na naman.

"Ano 'yon?" I asked.

"Nothing... I just, uhm, you know..." lumunok siya at tumitig.

"Hindi ko pa alam," sagot ko at tumitig sa kanya pabalik. Bigla siyang napaiwas ng tingin, napakamot siya ng kilay at humugot ng hininga.

"A-anong isusuot mo?" he asked and it felt like he's changing the topic.

"Hmm, I'm wearing a black gown." I smiled.

"Anong magandang kulay ng suit na babagay do'n?" tanong niya sa akin.

"Hmm, I suggest you wear a white one para maganda ang kulay pag magkatabi tayo." I suggested/

He nodded at that instantly, hindi na nagdalawang-isip pa.

"Anyway, bakit hindi ka kasama sa practice kanina?" I asked, "ang balita ko kasama ka daw dapat."

Humugot siya ng hininga at sumandal sa puno, bahagya niya akong hinila palapit doon kaya sumandal na rin ako katabi niya habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

"Kasi ayoko," he said. I saw him removing his coat and placed it above my skirt to cover my legs.

"Ikaw nga lang kasi gusto kong partner," bulong-bulong niya.

"May...ibang babae pa naman, 'di ba? I am sure there's a lot of women na willing na maka-date ka." I said, feeling bitter with my words.

"Paano mo nasabi?" aniya at lumingon sa akin. "'Yong gusto ko ngang maka-date iba ang sasamahan, sila pa kaya?"

Nanuyo ang lalamunan ko, nakagat ko ang labi at hindi kaagad nakapagsalita.

"I-I'm sure, maraming magandang babae d'yan, Jer, and you're handsome! Mag-uunahan pa 'yan..."

"I know, ako pa ba?" aniya at ngumisi. I smacked his arm. He laughed and caught my fingers.

"Kasi kung tumutupad ka lang sa pangako, 'di ba?" aniya at gumuhit ng kung ano roon sa palad ko. "Remember this place, Lena? Dito tayo nagsumpaan." He suddenly proclaimed like it was a part of history.

"Grabe naman 'yong sumpaan na 'yan," natawa ako. "We're just a kid back then..."

"Kid, huh?" tinaasan niya ako ng kilay. "That was just years ago, Lena. Atsaka 'di ba, tatlo nga crush mo no'n tapos sasabihin mong kid?"

"Oo, ang bata pa ng isip ko no'n!" I countered, "I wasn't that mature back then, ano!"

"Sa bagay, magma-mature ka lang kapag ako na ang gusto mo." Parang bigla akong nabulunan sa sarili kong laway. Nanlalaki ang matang tinignan ko siya.

"Y-you're my f-friend, Jer!" I hissed, trying to sound angry but it didn't sound that way.

"Uh-huh?" ngumuso siya. "You're stuttering, love, aminin mo na kasi..."

"Ejercito nga! Seryoso kasi!" nag-init ang pisngi ko at mas bumilis ang kalabog ng dibdib. I felt like it'd go out of my chest.

"Bakit? Seryoso naman ako sa 'yo, huh?" aniya. Nanlalaki lang ang mata ko, napatulala ako sa kanya at nakita kong napatitig siya sa akin sa naaaliw na mga mata.

"I know you, Lena," he smiled at me. "I know that stare of yours, you never looked at me like that before."

"H-huh? Bakit paano ba kita tignan dati?" kumunot ang noo ko. "Ganito pa rin naman, huh?"

"Hmm," he bit his lip and played with my fingers. I tried to stay sane and focused by batting my eyelash.

"Jer, answer me..."

"What?" he looked at me, amused. "I can't explain, basta iba."

"Everything has an explanation! Hindi naman p'wedeng mag-iiba ang tingin ko sa 'yo ng walang dahilan—"

"Then, can you explain why my heart is suddenly beating like this?" he asked out of nowhere, lifting my hand to his chest to make me feel his heartbeats. Realizing that it was identical to what's happening to me at this moment.

It was imitating mine! My heart is frantic! I can't even explain why is it like this! Natatakot akong baka naririnig niya rin ang malakas nitong tibok!

"J-Jer..." I bit my lip. "W-we're just friends..." I said softly.

He nodded, ibinaba niya ang kamay ko mula sa dibdib niya at parang gusto ko iyong ibalik pero hindi ko nagawa.

"I know..." bigo niyang sabi, may ngiti pa rin pero hindi kagaya kanina. Mas lumamlam iyon sa aking paningin.

"I just want to be vocal about this to you," aniya at binitawan ang kamay ko. "I am comfortable sharing my feelings to you, so..."

"Jer..." I called. Hinanap ko ang mata niya pero ngumiti lang siya sa akin at muling nag-iwas ng tingin.

"Tara na, lumubog na ang araw. Ihahatid na kita." Aniya at pinagpagan ang kanyang pantalon. He helped me get up, nanatili naman siyang umiiwas ng tingin sa akin kaya nanakit ang dibdib ko.

Why are you hurting now, Lena? Ejercito's your friend!

Kumirot ang puso ko nang mauna siyang maglakad sa akin, he was quiet at hindi ko napigilan ang sarili kong tumakbo palapit sa kanya bago abutin ang braso para kumapit.

Napalingon siya, nagulat siya sa bigla kong pagsulpot kaya napakurap siya.

"S-sabay tayong maglakad." I mumbled gently. He nodded, bumaba ang kamay niya sa pulsuhan ko at marahan akong inalalayan habang nag-iiwas ng tingin.

Habang palabas ay wala kaming imikan na dalawa. I know this will be really awkward. My best friend for years indirectly confessed his feelings! Anong dapat kong gawin?!

I couldn't explain directly how I feel right now! I can't even explain why my heart's pounding like this—mixing with happiness and confusion.

Sabay kaming natigilan ni Jer nang makakita ng isang pamilyar na sasakyan. My eyes widened, mabilis kong nakuha ang kamay ko kay Ejercito at kumalabog ang dibdib ko nang makita si Papá na naroon sa sasakyan at mariing nakatingin sa akin.

"Leona..." he called strictly.

"P-Pa..." bulong ko.

I saw how my father's cold eyes shifted from me to Ejercito. Kumunot ang noo niya at kaagad akong kinabahan sa sasabihin niya.

"Tito..." ani Jer sa pagbati.

"Magkasama pala kayo," ani Papá at sumulyap sa akin.

"Opo." Jer nodded, lowering his head a bit to show some respect.

"Kaya pala," tango niya at mariing bumaling sa akin. I saw him stared back at Jer and lifted his brows.

"Ako na ang maghahatid sa anak ko, umuwi ka na." He informed Jer.

Jer then shifted his gaze at me, tumango naman ako sa kanya at nakita kong tumango rin siya ng marahan at bumaling sa Papá ko.

"Sige po, pasensya na. Mauuna na po ako." Magalang niyang sabi bago tipid na ngumiti sa akin at tahimik na umalis.

I watched his back as he disappear, nawala lang ang atensyon ko roon nang magsalita si Papá.

"I am disappointed of that friend of yours, Leona!" He said hardly and mentioned the car. "Pasok!"

"Pa," I called.

"Kaya pala, huh? Sa tingin mo ba hindi ko napapansing nagpapabaya ka na?!" he hissed angrily at pumunta sa harapan.

I lowered my face and sighed.

"I-I'm doing great in school," bulong ko.

"Huh? Great?" sinulyapan niya ako sa salamin at umiling. "That's why you went to the guidance? Dahil sa lalaking 'yon?!"

Namilog ang mata ko. How did he find out?

"P-Pa, it's not that... Hindi 'yon dahil sa kanya." I whispered, defending Jer.

"Oh, really?" his eyes sharpened. "Once you failed this, hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo, Leona! I warned you about this man! Sinabi ko nang patapon iyon at walang magandang maidudulot—"

"It's my fault, Pa!" I said, "I insisted going in there! Hindi niya kasalanan iyon!"

"At ipagtatanggol mo pa ang lalaking 'yan!" he groaned. "Wait until your mother find this out!"

I sighed, napatitig ako sa daan namin pauwi at hindi na umimik habang nasa byahe. My heart's been hurting and evidently aching, not because of my father finding out about us.

It's because of Jer, I saw how sad he is! At ayokong...ayokong ganito ang tingin sa kanya ng mga magulang ko. He isn't a failure! I know he isn't!

I've known him for years and that man is beyond amazing! They can't degrade him like that!

I know how rude I was pero hindi ko pinansin ang galit ng Papá pagkauwi ng bahay. My Mom is staring at me sadly, wala siyang gaanong sinabi pero nabakas ko ang disappointment sa kanya.

Sino ba namang magiging masaya kapag napa-detention ka? Ako oo, kasi nagkabati kami ni Jer pero sila... alam kong hindi.

We have no classes the next day, in preparation for the ball. Iniayos ko ang damit ko at nag-final fitting na para masigurado ang sukat nito.

Kumusta kaya si Jer? Did he find a suit to wear? Sabi ko ay puti para magka-partner kami, gusto kong magkabagay ang suot namin. I lied to Winston for that.

Wala pa rin ako sa sarili habang inaayusan na ako para sa ball mamayang gabi. My Mother's glam team is at my back, fixing my hair in big curls to enhance my facial features.

Naglagay sila ng perlas na hikaw sa tainga ko at iniayos ang mukha ko. They made sure to emphasize my high cheek bones and bow-shaped lips, they painted it red, making me look fierce than a soft one.

"Come on, let's wear your gown, darling." My mother said kaya marahan akong tumayo. Sumama ako sa kanya sa closet at doon ko nakita ang gown na isusuot ako.

"Come on, Lena. Smile," aniya. Sumulyap ako sa kanya at humugot ng hininga.

"Sorry, Mamá." I apologized.

"Oh, darling. It's alright, I know you're just enjoying yourself," aniya at marahang hinaplos ang pisngi ko.

I stared at her softly and pouted.

"I'm sorry if I disappoint you," marahang sinabi ko.

"Oh no, not really," aniya at ngumiti. "You're still young, Lena. Hayaan mo ang Papá mo, kunwari lang iyan pero mas malala pa 'yan noong kabataan pa namin."

Hindi naman ako kaagad na nakaimik sa kanya.

"You're doing great, Lena. I'm proud of you, hindi ko nga lang naipapakita sa iyo pero ang layo na ng narating mo, anak," aniya sa malambing na tono.

A small smile left my lips. Marahan ko siyang niyakap at niyakap niya ako pabalik.

"Salamat," I whispered.

Winston fetched me that night at our house. Nakita ko pang binabasa ni Papá ang mga kilos niya pero walang sinasabi.

Bakit kapag si Jer ang dami niyang sinasabi?

"Be home before twelve," ani Papá at tumango ako bago sumama kay Winston patungo sa kanilang sasakyan.

Ipinagbukas niya ako at kaagad na umikot para tumabi sa akin.

"You look beautiful, Lena," aniya sa mababa at namamanghang tono.

I smiled at him, pleased.

"Thank you, you looked handsome, too." I complimented back, staring at his outfit, nakakulay itim siyang suit at pants.

"Thank you for being my date tonight, Lena." He murmured again gratefully and I gave him a small nod and a sincere smile.

During our ride, I am nervous, hindi lang dahil sa itsura ko kundi dahil na rin sa mga bagay na p'wedeng mangyari ngayong gabi.

Will Ejercito be there?

Pagkarating pa lang namin sa venue ay kaagad na lumabas si Winston para alalayan ako palabas.

"Thanks." I smiled.

"Welcome," pinasadahan niya ako ng tingin at ngumiti. "You looked gorgeous, I don't know what to say."

Bigla akong nahiya, umiling ako sa kanya at nangiti siya at hinawakan ang braso ko para makahawak ako sa kanya. I held his arm softly, inalalayan niya ako papasok sa bulwagan kung nasaan may kulay pulang carpet sa gitna.

They really did their best here, huh?

Wearing a tube all black gown and black gloves covering my hand up to my elbow, I walked softly inside. Kaagad kong nakita ang pagbaling ng mga tao sa amin at medyo nahiya pa ako roon.

I shouldn't be, I know. I'm a model for Pete's sake pero hindi ko maiwasan dahil sa tingin nila.

I fixed my curly hair and smiled at those people who greeted us. I saw Floyd staring at me as I walked kaya ngumiti ako.

He blinked in amazement and smiled back at me, hindi pa rin nawawala ang tingin. Nang naupo kami sa aming assigned seats ay kaagad kong binati ang mga kasamahan ko sa lamesa.

I saw Brittany here with Freed, his partner. Miski ang iba rin naming kasama ay narito sa aming lamesa.

Saglit akong sumulyap sa paligid para hanapin si Ejercito pero hindi siya mahuli ng paningin ko.

"Lena!" my eyes widened when I heard and saw my friend, Cecille.

"Cess!" I smiled and stood to hug her, kaagad siyang tumabi sa akin at pinagmasdan ako.

"You're beautiful, Lena!" She complimented.

"You're beautiful too, Cess! H'wag ka nga!" I chuckled. Wearing her red, off shoulder dress, she looked gorgeous!

"Asus! Dinaan mo kasi sa pagmo-model! Look at you, you looked like a celebrity!" she blurted out shamelessly. Nag-init ang pisngi ko at pinalo siya.

"Cecille!"

"Hindi na," tawa niya. "Oh, nasaan ang buntot mo?"

"Huh? Buntot?" nagtatakang kong turan.

"Si Sandejas!" aniya at tumawa.

"Oh..." ngumuso ako at umikot ang paningin. "Hindi ko pa siya nakikita, I don't know where he is."

"Ladies and Gents, let's formally start the program." Ani ng emcee na nagpatigil sa aming kwentuhan. Kaagad kaming tinawag sa daan kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo at kumaway sa kaibigan ko.

The song started and I placed my hand on Winston's shoulder as we started swaying with the sweet beat of the song.

I go with the flow, sa bawat pagpalit ng partner ay pulos pagbati ang natatanggap ko. I humbly thanked them and I stopped when I saw Floyd extending his hand on me, ngumiti ako at medyo nakaramdam ng kilig.

He's handsome! Nakasuot siya ng kulay itim na tuxedo at tie! His hair is cleanly fixed on his head, making me see his features more.

"Ang ganda mo," pagbati kaagad niya sa akin. I smiled shyly, hinawakan niya ang baywang ko at marahan akong isinayaw.

"Thank you," I whispered. "You're handsome, too."

We swayed, iniikot niya ako at muling idiniin sa kanyang dibdib. I chuckled and danced again, nangingiti ako dahil kasayaw ko ang crush ko!

"Isasayaw muli kita mamaya," mahinang sabi niya bago tumikhim at humugot ng hininga. "Lena, gusto kita."

I jumped in shock I immediately lifted my gaze back to him, my wide and startled eyes on the view.

"H-huh?" I asked, disoriented.

"I...like you." lumunok siya ng marahas at namula, nahihiyang tumawa pagkaraan.

"Floyd," I called.

"Don't stress yourself," aniya. "I am not pressuring you, gusto ko lang na malaman mong gusto kita..."

Nanuyo ang lalamunan ko, bago pa man ako makapagsalitang muli ay nagpalit na kami ng partner.

When the song finished, hindi ako mapalagay.

My crush just confessed! He likes me! Gusto ako no'ng gusto ko!

I should be happy! I should be pero wala akong maging pakiramdam. Tanging ang kaba lang sa isasagot ko sa kanya ang naiisip ko.

I sighed, sumimsim ako ng juice sa baso at tahimik na nagmasid. I saw Floyd looking at me, kapag nahuhuli ko siya ay tatango siya sa akin at tipid lang akong ngumingiti.

"Si Jer? Hindi ba pupunta?" natigil ako at napaangat ng tingin nang magsalita si Brittany.

"H-huh? Hindi ko alam." I said and gulped. Napairap siya sa hangin doon at siniko naman ako ni Cecille kaya humarap ako sa kanya.

"Si Jer? Wala talaga? Maraming naghahanap do'n, ah," she blurted out.

"Oh?" kinagat ko ang labi ko at inilibot ang tingin, nag-aalala at nalulungkot ding 'di ko siya nakikita rito.

Jer, nasaan ka na ba?

I was preoccupied the whole time, halos wala akong ganang kumain at habang nagsasayaw sa gusto akong isayaw ay nananahimik ako.

I was looking around me, praying silently that Ejercito is here.

"Lena—" nawala ang tingin ko kay Jack nang magkaroon ng kumosyon. My forehead creased, kaagad akong sumilip at naiwan ko si Jack na nagtataka rin.

I was startled and my mouth parted in shock when I saw that one man I've been waiting for entering the place, Ejercito.

"Oh my god!" I heard the giggles everywhere. Napakurap ako at napahawak sa dibdib kong parang nakikipagkarera na naman nang makita siya.

He was wearing a white button down dress shirt and white coat. His strong legs covered with a black slacks and he's wearing a brown leather shoes.

Nanuyo ang lalamunan ko.

"Oh my God, ang kisig no'ng buntot mo!" Cecille whispered ang giggled.

Napatango ako at halos hindi na kumurap. His hair is kinda disheveled as he bit his lower lip when he was approached by a few girls in the entrance.

My stomach churned, he was greeted by those people, amazement is visible on their faces. Still an eye catcher, huh?

Nang medyo mawala siya sa paningin ko ay napatungo ako at marahang bumalik sa upuan ko.

"Lena, tara! Puntahan natin si Jer!" ani Ceccile na hindi mapakali sa akin pero umiling lang ako sa kanya at ngumiti.

"Mamaya na..." I breathed. "May mga kausap pa siya."

"Sus, come on, Lena! Aagawan ka do'n!" she even threatened.

"'D-di naman sa akin 'yan..." uminom ako ng juice at nag-iwas ng tingin.

Sumalampak siya ng upo sa harapan ko at ngumuso.

"Talaga ba?" she raised her brows.

"O-Oo," bulong ko. "M-may mga babae 'yan..."

Nang makitang naupo na si Brittany sa harapan ko na parang kinikilig ay napatingin ako. She rolled her eyes when she saw me looking.

"He's gonna dance with me," she said, boasting.

"So? Sinong nagtanong?" entrada ni Cecille. "Pakialam ni Lena? Isasayaw niya rin si Lena, 'no! Last pa!"

"Cess," pigil ko kay Cecille na tumataas pa ang kilay.

"Huh, akala mo ba gusto ka talaga—" bigla siyang natigil at biglang kumaway sa may likuran ko.

Miski si Cess ay natigil kaya napalingon din ako at halos manuyo ang lalamunan nang makita ang naglalakad papunta kaya mas nagwala ang dibdib. Napabalik ako ng tingin at nanginginig pa ang kamay nang kunin ang baso kong iniinuman.

"Jer! Here!" I heard Brittany saying.

Magsasayaw na sila? Parang nanuyo ang lalamunan ko. Humugot ako ng hininga nang maramdaman ang hapdi sa dibdib ko.

It's alright, Lena!

Napainom ako ng tubig.

Nakarinig ako ng tikhim sa likuran at ang tili ni Cecille bago ako hinampas kaya napaubo ako ng bahagya at natakpan ang bibig ko.

"What?" mariing sabi ko at lumingon kay Cess pero para lang siyang bulateng nangingisay at ngumuso sa likuran kaya nilingon ko ito.

The oxygen almost left my lungs when I saw Ejercito standing beside me, looking dashing and utterly manly on his white suit.

Nanlaki ang mata ko sa kanya at ngumuso siya kaya mas napatakip ako sa bibig.

"B-bakit?" nanginig ang boses ko.

The side of his lips lifted for a lopsided grin. Nag-iwas ako ng tingin.

"Come on, harap ka sa akin," aniya. Parang sinuntok ang sikmura ko at marahang humarap.

His curious eyes are checking me out, bahagyang napataas ang kilay niya nang mapadako sa dibdib ko at ngumuso.

"I don't trust your wardrobes, Leona," giit niya. "Paano kung nahulog 'yan?" nakagat ko ang labi ko at pilit magsalita.

"Y-you never trusted any of it," pabulong kong sabi.

He chuckled. Napasinghap naman si Cecille at parang nangisay na naman. Napatuon ang atensyon ng mga tao sa amin.

He offered me his hand, nag-aalangan kong iniangat ang kamay ko palapit. His deep blue eyes stared at me that I got drowned with it and if ever I couldn't swim and die—I'd happily accept it, I'll willing drown, just so I could gaze at those orbs for a long time.

He held my hand softly, bending a little, lowering his face before kissing the back of my hand softly. I didn't even feel it much. It was feathery and gently but the butterflies flew all around my stomach as he stared at me.

Mas nagwala ang puso ko at napatitig lang sa kanya.

"I'm speechless," bulong niya bago ngumiti at halos mapasinghap ako nang mawala ang labi niya sa kamay ko.

I thought he'd let go of my hand pero may iniipit siya doong papel galing sa kamay niya kaya nagtaka ako. He closed my palm, softly placing it on my leg before smiling and turning his back.

"Gosh!" hinampas ako ni Cess pero bumaba ang tingin ko sa palad ko at hindi siya pinansin.

Marahan kong binuksan ang papel at may gumuhit na ngiti sa labi ko habang pinapakiramdaman ang puso ko.

Save your last dance for me, please?

-E

Continue Reading

You'll Also Like

734K 18.2K 30
Minsan talaga nagiging tanga tayo pagdating sa Love. Pero di naman maiiwasan yun. Lagi may kakambal ang salitang Love. LOVE-PAIN
8.5M 264K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.1M 98.8K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.3M 19K 41
Dice and Madisson