The Unwanted Wife (Unwanted D...

By Aimeesshh25

1M 14.7K 1.4K

Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lah... More

THE UNWANTED WIFE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 20

15.4K 223 16
By Aimeesshh25

ERIN'S POV

Nasa likuran ko pa rin si Red. Punyemas! Ayokong lumingon. Sabi nila

'Pag lumingon ka, akin ka' 

Gosh! Pero para sa'kin

'Pag lumingon ako, katapusan ko na!' Huhuhu.

Narinig ko siyang tumikhim. Napapikit ako at dahan-dahang lumingon.

Matiim siyang nakatitig sa'kin. Sumimangot naman ako. Eh! Kasalanan ko bang ganoon si Luhan?

"Tara na? Hehe." alinlangan akong ngumiti.

Wala pa ring emosyon na mababakas sa mukha niya kaya kinakabahan talaga ako ng husto.

"Layuan mo siya. "He said.

"Ha? Sino?" Kunyaring tanong ko. Hehe. Gusto ko lang, bakit ba?

Umikot ang mga mata niya. "Tss. Si Luhan, who else?" Iritableng sagot nito.

Ngumuso ako. "Eh paano? Makikipagkita pa naman siya sa akin bukas."

Tumalim tingin niya sa'kin. Hala siya.

"At talagang makikipagkita ka? Seriously, Erin?"

Napaisip ako sandali. Hmm? Siguro pag wala akong gagawin?

Suminghap siya nang makitang nag-iisip talaga ako ng isasagot

"Siguro. Pag wala akong gagawin!" nakangiting sambit ko.

May binulong siya pero hindi ko narinig. Bulong nga diba? Hehe.

"Hmm. Alright." He smirked.

Nangunot ang noo ko. So pinapayagan niya ako? Waaah!

"So payag ka?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.

Ngumisi siya lalo. "No. Hindi ka makakalabas ng bahay."

"Ano?! At bakit naman?!" Asik ko.

Nanliit ang mga mata niya. "Sinisigawan mo ba ako?"

I blinked twice. "N-No. I mean, bakit?"

Nilagay niya ang kamay sa magkabilang bulsa. "Hmm. Marami akong ipagagawa sa'yo. And besides, sunday bukas. Kaya hindi ka puwedeng lumabas." tumaas-baba pa ang dalawang kilay niya.

Matalim ko siyang tiningnan nang tumalikod siya at naglakad na.

Ano naman ngayon kung linggo bukas?! Bakit may gala ba kami? Wala naman ah! Ayaw lang talaga ako pasamahin!

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Layuan mo si Luhan." sambit niya saka tumalikod.

Sininghalan ko siya. Bobo ba siya? Paano ko
'yon lalayuan? Ang hirap nga eh!

"Hoy! Ikaw! Paano ko siya malalayuan ah? Eh.." kinagat ko ang labi sa sunod na sasabihin. "Alam mo naman na may g-gusto 'yon sa akin."

Sandali siyang natigilan ngunit nagdiretso pa rin.

Tama ba ako? Or assuming na naman ako?

Sumunod ako sa kaniya. Pinaiikot niya pa ang susi ng kotse sa kaniyang daliri.

"Hoy! Red!" Tawag ko ulit. Hindi niya ako pinansin. "Hoy! Kung ganito lang din naman! Bakit kasi ayaw mo pang sabihin na mag-asawa tayo! In that way, titigil na siya!" sigaw ko.

Napatigil siya kaya napatigil din ako.
Lumingon siya sa'kin.

"Diba? Para malayuan ko siya." nakangiwing sambit ko.

He stared at me for awhile and then he sighed.

"Fine."

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga? Kailan?!"

"Basta. Sasabihin ko rin."

Ngumuso ako. "Talaga? Sayang. Guwapo pa naman siya." Bumuntong hininga siya. "Ang bait pa niya ah." nakangiting sambit ko.

"What the fuck, Erin?" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw nito.

"Inaano kita?" Nagtatakang tanong ko.

Inirapan niya muna ako at saka baliktad na nameywang sa harap ko.

"Are you doing this on purpose?" Seryosong aniya.

"Ano?"

He glared at me. "Sinong mas guwapo sa aming dalawa?"

Hala! Galit na galit ah?
Umakto naman akong nag-iisip.

"Nag-isip ka pa talaga ah." Tila naiinsulto niyang ani.

Tumawa ako. "Okay, let's say mas guwapo ka." Natigilan siya. Kitang-kita ko ang bahagya niyang pagngiti.

Ngumisi ako.

"But.."

Mabilis siyang sumimangot. May kung anong malamig na bagay ang humaplos sa puso ko. Ang cute niyang asarin.

"Mas mabait siya. Maalaga, mapagmahal. Kahit sa kaunting panahon ko siya nakilala . Ramdam kong mabuting tao siya." nangingiti pa ako habang binibigkas 'yon.

Nilingon ko siya. Akala ko may iba pa siyang sasabihin pero natigilan ako nang makitang seryoso siyang nakatingin sa akin.

"O-Oh bakit?"

Bumuntong hininga siya.

"Do you like him?" Mahinang tanong niya sa akin.

Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagkabigla. Tinitigan niya ako. He bit his lower lip before nodding his head.

"He's my friend, woman." Namungay ang mga mata niya.  "Stay away from him." Aniya saka tumalikod.

Hindi agad ako nakakilos. Bakit ganoon siya umakto? Pinanood ko lamang siyang maglakad palapit sa kotse niya.

Nang makitang tumigil siya at lumingon sa akin ay tumakbo na ako palapit. Binuksan niya ang front seat at iminuwestra 'yon sa akin.

Nagulat ako. Himala?

"Pasok na."

Ngumuso ako. Ang bait niya yata.

"Okay." Lumingon ako sa kaniya. Nangunot ang noo niya. "Lalayuan ko siya, Hubby. Sabi mo eh." Ngumisi ako bilang pang-aasar.

Nailing siya sa akin at sumilip ang ngiti roon.

Oh? Ngumiti siya?

Papasok na sana ako nang may maisip na kung ano.

"Pero, ang guwapo niya talaga eh. Sayang naman." nakasimangot kong saad.

"Gusto mong iwanan na kita rito?" Inis na aniya.

Humalakhak ako at nag peace sign sa kaniya bago pumasok na sa loob. Hinawakan niya pa ang bandang uluhan ko upang hindi mauntog.

"Tss. Dami pang sinasabi." Aniya saka sinara at umikot sa kabila.

Nangiti na lamang ako. Ang cute!

Pinaandar niya na rin ang sasakyan pagkasakay niya. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Kasi siyempre wala naman akong ibang sasabihin.

Grabe ang tagal pala namin sa mall. Mag aala una na eh.

Napatingin ako kay Red nang may maalala.

"Oy." tawag ko.

"What?" Tanong niya nang hindi tumitingin sa'kin.

"Bakit nga pala naroon kayo ni Luhan?" Tanong ko.

Sumimangot siya bago sumagot. "Nagpasama siya. May binili."

Tumango ako. Ano naman kayang binili noon? At sakto pa talaga ah?

Ilang sandali pa ay nasa bahay na rin kami.

As usual, taga bukas na naman ako ng gate. Ayaw pa kasing ibalik 'yong mga kasambahay rito eh. Hmp! Gustong-gusto talagang nahihirapan ako.

Sinarado ko agad ang gate pagkapasok ng sasakyan niya. Sinilip ko pa siya at nasa loob na siguro.

Pumasok na rin naman ako. Naabutan ko siyang paakyat na sa kaniyang kuwarto.

Napaisip ako saglit.

Ano kayang feeling nang makatabi siya sa pagtulog 'no? Siguro hindi na mangyayari 'yon! Ako? Itatabi niya sa patulog? Duh! Baka mahimatay pa 'yan. Gosh! Ang arte niyan pagdating sa'kin e! Akala mo naman may sakit ako.

Umakyat na rin ako. Pagkapasok ko sa kuwarto ko ay nagbihis muna ako ng pambahay.

Sinuklay ko muna ang buhok ko saka ito itinali. Sunod kong tiningnan ang mukha sa salamin.

"Maganda naman ako ah? Pero bakit ganoon? Bakit kahit anong gawin ko hindi ko siya makuha?" ngumiti ako sa salamin. "Siguro dahil may nagmamay-ari na sa kaniya." Tumango-tango pa ako. "Oo, tama. 'Yon nga siguro."

Dahan-dahan akong napaupo sa kama. At siyempre nagmuni-muni na naman.

Kinuha ko ang picture namin sa wallet ko at pinagkatitigan ito.

Nakaupo kami rito at nakangiti.
Sa park 'to. Tandang-tanda ko pa.

"Namimiss na kita. Sana nasa mabuti kang kalagayan. Sana makita ka na namin." malungkot akong ngumiti.

Tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Mabilis ko 'yong pinunasan at ngumuso.

Nakakainis. Bakit ba ganito kababaw ang luha ko?

Tinago ko na ulit ang picture naming dalawa. Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba.

Naabutan ko si Red na ano pa ba?

Kaharap na naman 'yong laptop niya. Duh!

"Hoy. Layo naman ng kaunti. Baka makain ka na niyan." Lumingon siya sa'kin at tinarayan ako. Aba? "Sige. Bahala ka."

Hindi na naman niya ako pinansin kaya pumunta na lang ako sa kusina. Magluluto na lang ako hmp.

Napaisip ako. Bakit kanina sa parking lot parang may iba akong naramdaman sa sinabi niya? Tapos ngayon, ganiyan siya umasta?

Hay. Ang weird niya.

Ipinilig ko ang ulo at nagfocus na lang sa niluluto.

Paluto na ngayon 'yong turon. Yey! Wala lang! Namiss ko lang talaga 'to.

Naghuhugas na ako ng kamay nang may mag doorbell. Sino naman 'yon? May inaasahan ba kaming bisita?

Lumabas ako ng kusina at papunta na roon.
Nadaanan ko pa si Red na patayo na sana pero sinenyasan ko na ako na lang.

Kahiya-hiya naman sa kaniya.

Tumango lang siya at umupo na. Bumalik na ulit sa mahal niyang laptop.

Patuloy pa rin ito sa pagdodoorbell kahit na nakalabas na ako ng bahay at palapit na sa gate.

Napairap ako. Excited?!

"Sandali lang!" Sigaw ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabuksan ko ang gate. Bumungad sa'kin ang ngiting ngiti na si Macy.

Omg!

Ansabe? Anong ginagawa niyan dito? Hindi kaya pinapunta siya ni Red?

Nainis agad ako sa isiping pinapunta siya ng unggoy na 'yon.

Pinasadahan ko siya ng tingin at nanliit agad ako.

Ang ganda-ganda niya. Naka maikling short lang siya at naka sleeveless. Whoa. Ansabe sa suot ng lola niyo?

Mahirap siguro 'to eh? Kinulang sa tela ang damit.

"Hi?" Nangunot ang noo niya. "Hindi mo ba ako papasukin?" Nakangiting tanong niya.

Napangiti rin ako. "Galing mo naman. Paano mo nahulaan?"

Nagtaka siya sa sinabi ko. Umirap ako.

Slow.

"What?" maarteng aniya.

Isa pa. Slow.

"Ano ka ba. Wala 'yon. Mahirap talagang magkaintindi kapag loading hehe." Tatawa-tawang sambit ko.

Lalo namang kumunot 'yong noo niya. Gosh! Tama na nga! Baka sumabog utak nito.

"Anyway. Pasok ka, Ate Macy."

Napatango siya at pumasok na rin.

Habang naglalakad siya. Napangiwi na lamang ako. Kita na kasi e. Ganito yata talaga ang mga tipo ni Red.

Buti baga kung maputi. Parang binagyo naman.

Napabuntong hininga na lamang ako at sumunod na rin sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

135K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
345K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...