That Cold Nerd is the Sexy Ga...

By COOLDAIME

1.6M 48.6K 4.4K

Cold ako sa mga taong hindi ko kaclose. Hindi naman ako ganito dati eh. Masayahin palangiti. Pero mga hayop s... More

1-The Start
2-Hello Philippines!!
3-Cute Little Girl
4-Bump at First Encounter
5-The Eight Kings
6- 1st Day of Welcome Party
7-2nd Day of Welcome Party
8-3rd Day of Welcome Party
9-4th Day of Welcome Party
10-Last Day of Welcome Party
11- Nerd with his nerd boyfriend??
12- You? Your A Low Class Bitch
13-The New Dean's POV
14- The Trio
15-She's Back!
16- The Transferees and The Trending News
17- Haring Hilaw's Daughter?
18- Is Is Too Late Now To Say Sorry?
19- The Visitors and The Game
20- Bonding with the Squad
21- I Club You!!
22- They are so Weird
23- Did She Just!!????
24- King Zachy
25- He Loves You!? No He locks Me!!
26- She is so Childish!!
27- Mini Date
28- Pinakuluang Sabaw
29- Gawan Mo Din Ako!!!
30- White Fang
31- The Top 15
32- A night with Her
33- King of the Court
34- Kruk Kruk Inamerch!!!
35- Kiss on the Forehead
36- Not Your Typical Bitch
37- First Night Together
38- Ang Daya!!!
39- Hotness Overload!!!
40- Kinikilig Ako Jusme
41- Anong SKL!??
43- Who's the Traitor?
44- Say YES!!!
45- Im Already Taken !!!
46- Project Pala Ha!?
47- You're a Selfish Monster
48- Never Mess with Me!
49- My Favorite Consequence!
50- Natikman Mo Naba?
51- Kuya Ko Yun! Aish!
52- Killing Machine
53- You're Leaving Me?
54- Crown Academy
not an update
55- Beach Party?

42- Pahingi Namang Shampoo!!!

23.4K 639 50
By COOLDAIME


KING JAMES' POV

" Papasok pa ba tayo? Nakakainip " Tetsu na nakapangalumbaba sa handrest ng sofa. Andito kami ngayon sa private room namin dahil lunch break na. Ako rin tinatamad

" Ano JZ? Tutal wala naman yung taong gusto nyong makita ni Daisuke, wag na tayo pumasok hahahahha" sinamaan ko naman ng tingin si Kenichie dahil sa sinabi nya. Siraulo

Pero nasaan nga kaya yung nerd na yun!? Aba! Ano ba meron at hindi manlang pumasok ngayong umaga! Ni anino nya hindi ko nakita! Kahit yung kaibigan nya hindi rin alam kung nasaan sya!? Tssssk.

" Bahala kayo kung papasok kayo o ano. Aalis muna ko " paalam ko sa kanila bago dire diretsong lumabas ng private room papunta sa paborito kong pag tambayan.

Dumaan muna ko sa cafeteria para bumili ng makakain. Aba nagugutom rin ako no. Tsk

Palabas nako ng cafeteria bitbit yung isang plastic ng pinamili ko ng makabunggo ko sila Sydney. Napansin ko naman na hanggang ngayon wala parin sya. Tsssk

Malapit nako sa parking lot at tanaw ko na yung tambayan ko ng mapansin kong may mga bulaklak na nalalaglag mula dito. Huh? Binilisan ko pa ang lakad ko at handa ng sapakin ang kung sino mang tumatambay sa pwesto ko ng hindi ko alam.

" Who told you---" napatigil naman ako sa pagsigaw ng makitang si nerd lang pala to. As usual, nakaupo sya sa pwesto nya noon. Deja vu? Nakasandal sya sa isang sanga at nakatingin sa kawalan. Ano na naman kaya problema neto?

" Hoy apura absent mo" sabi ko sabay pitik sa noo nya. Kita ko naman ang biglang pagkunot nito sabay tingin sakin ng masama na syang ikinangisi ko.

Isinabit ko yung plastic na pinamili ko sa isang maliit na sanga sa pagitan naming dalawa para umayos ng upo. Sarap talaga tumambay dito. Ang presko. Palagyan ko kaya to ng tree house? Hmmm.

Nagiintay ako ng sagot nya pero hindi manlang nyako tinignan ulit at pumikit sabay sandal uli sa sanga.

" May chocolate milk dyan " napangiti naman ako dahil sa naging reaksyon nya pagkasabi ko nun. Biglang dumilat ang dalawa nyang mata at mabilis na kinuha yung chocolate milk. Teka, bakit nga ba ko bumili nun? Aish ewan.

" Bakit hindi ka pumasok" tanong ko ulit sa kanya bago kumagat sa sandwich na hawak ko. Siguro naman, ngayong binigyan ko sya ng maiinom e sasagot na sya diba?

" Napuyat ako. Tinamad ako pumasok" sagot naman nya sabay higop sa iniinom nya. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya dahil ang cute nya. Parang bata. Kinukuyakoy pa yung dalawa nyang binti haha.

" Tsssk. Bat ka napuyat? Dahil kausap mo magdamag yung boyfriend mong nerd? Tsss di naman gwapo " sagot ko naman bago kumuha ng apple juice. Mabibilaukan pa ko bwisit

" Huh? Boyfriend ko? Nerd?" takang tanong nya bago uminom ulit.

" Yup. We saw you. I think last month? Kumain pa nga kayo nun e " nagtaka naman yung itsura nya pero maya maya lang ay umiling na parang natatawa. Weird

" He's not my boyfriend. Wala ako nun. Wala akong balak " she said. Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi nya. Dapat bakong matuwa dahil nalaman kong wala syang boyfriend o mainis dahil wala syang balak magkaron?

" Huh really? Eh pano kung ligawan kita?" fuck. Bakit ko ba sinabi yun? Nabigla yata sya sa tinanong ko dahil bigla syang naubo. Tinapik tapik ko naman ang likod nya at baka kung mapano pa to. Tsssk

" Shut up. I know wala sa bokabularyo mo yan. At alam kong hindi tulad ko ang tipo mo" napaawang naman ang bibig ko dahil sa sagot nya. Hindi nga ba? Aish.

" Bakit nagmamadali kang umalis kahapon? May nangyari ba?" i tried my very best not to sound so worried. Pero kahit ako, hindi maniniwala sa sarili ko. Tsssk

" Wala. Personal problem"  sagot naman nya. Napansin ko naman na kumuha na naman sya ng panibagong chocolate milk sa plastic. Nakakatatlo na to ah!? Abuso

" Hindi kaba papasok?" tanong ko sa kanya. Ewan ko ba. Kahit ano nalang masabi ko para lang hindi matapos usapan namin. Psssh ano ba yan.

" Hindi ko alam. Tinatamad ako pumasok. Ayoko rin naman umuwi " sabi nya sabay kibit balikat. Kumuha naman ako ng choco milk at mukhang hindo manlang ako makakatikim miski isa sa apat na binili ko. Matakaw nga pala tong kasama ko sa chocolate!

" Same. Afternoon classes are so boring. Wanna join me?" ehem. Hindi naman sa dumada moves pero parang ganon narin *winks*

" Ha? Saan? Kung kalokohan yan, nah, im out" sagot naman nya bago palipitan yung choco drink. Literal. Hindi ba sya nagsasawa?

" Nerd, kelan pano nagpasimuno ng kalokohan? Wala. I know a place na makakapag relax tayo " nakatitig sya sakin ngayon or should i say sa iniinom ko. Uh-oh. Delikado

" Relax lang , walang tayo " she said sarcastically bago agawin yung iniinom ko sabay sipsip din sa straw. Napanganga naman ako dahil nagawa pa nya kong belatan bago uminom ulit.

" Hey are you okay? Namumula ka?" kunot noong tanong nya sakin sabay hawak sa pisngi ko. Nakaramdam naman ako ng parang kuryente and i think sya rin dahil sabay pa kaming nagulat.

" P-psh!!! N-namumula ka dyan! Bilisan mo na!" iwas tingin kong sagot bago bumaba ng puno at iwan syang magisa dun. Fuck. Sinong hindi mamumula e nag indirect kiss kami! Dapat pala inintay ko sya makaubos at baka itapon lang nya yung pinaginuman namin. Diko maitatago yung straw! Tssssk

KISMETH'S POV

Simula kanina sa tambayan, hanggang ngayong nasa bayahe na kami papunta sa hindi ko alam kung saan, ay namumula parin ang buong mukha ni Zachary. Pati narin ang tenga nya na syang ipinagtataka ko. Natatae ba to o ano?

" San ba tayo pupunta?" walang ganang tanong ko sa kanya dahil mahigit isang oras na kaming bumabyahe. Yung mga building ay unti unti ng napapalitan ng mga puno at bundok. Balak ba akong patayin nito tapos itapon sa kweba?

" Pupunta lang, walang tayo " sagot naman nya sabay smirk. Siraulo. Gaya gaya.

" Tsssk " mahina kong sagot bago i on yung music. Sakto namang paborito ko yung kanta kayat hindi ko mapigilang sumabay dito.

" Marunong ka palang kumanta huh? Malapit na tayo. 10 minutes left " narinig nya pa pala yun? Sabagay. Malakas nga pala pandinig ng hari.

Maya maya pa ay huminto na kami sa tapat ng isang malaking gate na napapalibutan ng mga pulang bulaklak. Bumaba na si Zachary sa sasakyan at umikot sa pwesto ko para pagbuksan ako. Wow. Gentleman!

" Isa to sa mga paborito kong lugar. Bata pa lang ako, lagi nakong dinadala ng parents ko dito " napatingin naman ako kay Zachary dahil sa sinabi nya. Ang saya ng mga mata nya.
Pumasok kami sa loob at bumungad samin ang isang malawak na garden na puro bulaklak. Ibat ibang klase pero yung kulay itim na rosas ang kumuha ng atensyon ko. Wala sa sariling pumunta ako palapit rito at alam kong sumundo sakin si Zachary. Kumuha sya ng tatlong bulaklak at inamoy ang mga ito bago nagsalita.

" My mom owns this place. Sya ang nagpagawa nito dahil here, she finds peace. Ang ganda diba?" tanong nya sakin ng nakangiti bago iabot yung bulaklak bago ako nilagpasan at lumakad paalis. Sinundan ko lamang sya habang inaamoy itong mga rosas. Ang bango...

Nakarating kami sa isang malaking fountain na may mga pulang rosas sa palibot nito. This one is so big. Pero mas malaki parin yung nasa bahay namin sa Japan.

" Hahaha. Naaalala ko pa, nung bata ako, lagi akong pinapagalitan ni mom dahil sa tuwing dumidikit ako sa fountain nato, lagi nalang akong nababasa. Kaya ayan. Pinalagyan nya ng mga rosas sa paligid para hindi ako makadikit hahaha" hindi ko napansin na napigil ko na pala ang hininga ko dahil sa tawa nya. He looked so happy reminiscing his past.

" Come " inaya nya naman ako papunta sa isang swing sa ilalim ng puno. Tahimik naman akong sumunod sa kanya dahil gusto ko yung nangyayari ngayon. Alam kong hindi ko dapat to ginagawa pero ewan ko ba. Naiinis nga rin ako sa sarili ko pero may kung anong nagtutulak sakin na magpadaloy nalang sa agos. Bahala na.

" Ang ganda ng view diba?" tanong nya sakin. Napansin nya siguro yung naging reaksyon ko. Ang ganda. Seryoso. This place is so perfect for those couple who wish to have a romantic night. Perfect din for families to have their picnic and bonding.

" It's so beautiful. Ang presko rin ng hangin " diko mapigilang mapapikit ng magswing ako. Alam kong matutuwa si mich kung sakaling nakita nya ang lugar na to. Lalo na si mom na mahilig sa mga bulaklak.

Pagdilat ko, mga mata ni Zachary ang bumungad sakin. Nakasandal sya sa railings habang seryosong nakatitig sakin. May dumi bako sa mukha?

" Hahaha wala. Wala kang dumi sa mukha. And Im not a mind reader kung yan ang iniisip mo. Halata kasi sa reaksyon mo" sabi nya sabay ngiti ng matamis sakin. Ano bang nakain nya at parang nahipan ng anghel?

" Bakit ang weird mo? Bakit ngiti ka ng ngiti? Bakit ka tumatawa? Hindi ikaw yung King James na nameet ko a couple of weeks ago" tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na parang nagulat sya sa tanong ko pero maya maya ay ngumiti rin at naupo sa katabi kong swing.

" Bakit masama ba? Im just happy. Oh well, wala namang permanente sa mundo right? Lahat nagbabago. Lahat pwedeng magbago" he's right. Walang permanente sa mundo.

" Wala akong sinabi. Nagtanong lang ako" blanko kong sagot sa kanya bago pumikit ulit at hayaan ang hangin na tumama sa mukha ko.

" Pwede bang mamuhay nalang tayo dito? Yung walang gulo, yung walang problema, yung walang iniisip. How i wish i can live here. Yung malayo sa lahat. Kung saan pwede akong mamuhay ng tahimik" hindi ko magawang kumontra sa sinabi nya dahil kahit ako, yun din ang gusto. Yun din yung pinapangarap ko. Kahit na alam kong malabong mangyari. Malabong malabo

KING BRET'S POV ( kuya ni Kismeth)

" Bro, nabalitaan ko yung nangyari sa mga tauhan nyo. Gumagawa na naman sila ng move" napatingin naman ako kay Adam na nagdadrive papunta sa bahay. Sinundo nya ko galing Cebu dahil may ginawa ako run. May pinaayos si dad sa isa sa mga business namin dun kayat wala ako sa bahay nung mangyari yung pag atake. Kaya lalo akong kinabahan para sa kapatid ko.

" I know. Kaya dapat kong bantayan ng maigi si KM. Hindi ko na hahayaang maulit at maranasan nya ulit yung nangyari noon. I will never let him hurt her again" napatango naman sya sa sinabi ko. Kaso, ang problema, hindi ko alam kung paano ko sya mababantayan gayong hindi na ako studyante. At alam kong magagalit lang sa akin kung sakaling ipipilit ko yung gusto ko.

" I know what you're thinking. Hindi malabong magalit sya sayo kung yun ang gagawin mo. I'll help you. Alam mo naman na parang kapatid narin ang turing ko kay KM" sagot naman nya na syang ikinangiti ko.

" How? Hindi naman pwedeng bantayan mo sya sa school mo" sagot ko naman bago itry ulit tawagan yung kapatid ko. Kanina ko pa sya tinatawagan pero wala yatang signal kung nasaan man sya. Ano kaya ginagawa nito? Alam ko namang hindi sya pumasok sa school dahil nirereport ng secretary ni Adam sa kanya kung pumapasok ba si KM o hindi.

" Hindi ako. Pero I know someone who can do it for the both of us. Actually, baka silang dalawa nga ang magkasama ngayon e" sagot naman nya sabay ngisi na syang ipinagtaka ko.

" Who?"

" My nephew" sagot naman nya bago ipagpatuloy ang pagdadrive. Dapat bakong maging kampante o matakot dahil lalaki ang kasama ng kapatid ko? Alam ko pa namang may allergy yun sa mga lalaki. Tssssk.

KING JAMES' POV

Katatapos ko lang maglatag ng tela para may maupuan kami ni Kismeth. Mula kaninang nagpunta kami rito, wala kaming ginawa kundi magusap ng kung ano ano. Ngayon, mag aalas otso na ng gabi ng mapag pasyahan naming magpadeliver ng pizza, chicken and beer. Para chill lang ganon.

" Hindi kaba hahanapin sa inyo?" tanong ko sa kanya bago kumuha ng isang slice ng pizza. Napatigil naman sya sa pagnguya at tinignan ako bago umiling.

" Walang mag hahanap sakin. Wala na" I can feel how sad she is when she said those words. Ano nga bang alam ko sa kanya?

" Ha? Bakit? Magisa ka nalang ba sa buhay? Ahm sa totoo lang, pinakuha ko ang files mo nung unang week mo palang sa M.A. And alam ko na fake lang yun. Care to explain yourself?" tanong ko sa kanya. I hope sagutin nya. Lalo lang akong maku curious kapag ikinaila pa nya.

" hahaha. Matalino ka talaga Zachary. Yes. That files are fake. Half fake " the way she said my name gives me chills. Sigurado ba syang tawa yun? Eh bukod sa mukhang labag sa loob nya, mukhang artificial lang eh.

" Why? Why do you need to do that? Sino kaba talaga?" tanong ko sa kanya. Inilapag naman nya sa box yung kinakain nya bago ako tignan ng diretso at seryoso.

" Kailangan. I just need to do it. And you need to stay out of it" sagot nya sabay iwas ng tingin. Hindi naman sya magtatago ng mga personal informations nya not unless...

" Are you hiding from someone? Wanted kaba? Part ka ng mafia? Or gangster karin?" she looks taken aback with my questions. Pero parang imposible naman.

" Sa totoo lang, I'am.....not" she said while grinning at me. Napairap nalang ako dahil sa kalokohan nya. Pssssh baliw.

" I know. Tsss walang puwang sa mundo ng mga gangsters and mga nerd na katulad mo. Pero that doesnt mean na hindi na kita pinaghihinalaan. Mysterious Nerd" sabi ko naman sabay ngisi sa kanya.

" Mysterious nerd? Panget naman ng nickname ko! Well sabi mo eh " sabi nya ng nakataas ang kilay sa akin. Tssss

" Nabanggit sakin ni Daisuke, na interesado ka raw sa perfume na binigay sa amin ni Mrs. L.. Why? Do you know her?" napansin ko naman na parang nag stiff ang katawan nya at napakuyom ang kanyang mga kamao. May nasabi bakong mali?

" No. I dont. Nabanguhan lang ako" malamig na sagot nya sakin. Pero sa tulong ng liwanag ng buwan, napansin ko ang pagkislap ng mga mata nya. Senyales sa may namumuong luha sa mga ito.

" Ah ok. Pero just ask me if you want. I'll give you some" alok ko naman sa kanya pero napansin kong naghikab sya sabay kamot ng mga mata. Ang cute.

Naubos na namin lahat ng pagkain pero nanatili parin kaming nakaupo at nakatanaw sa mga ilaw sa baba. Tanaw na tanaw mula rito yung mga bahay at building ng syudad. Naramdaman ko naman ang pagbigat ng balikat ko. Huh? Nakatulog na naman sya?

" No... Please dont touch me... Please i'll do anything you want just please, dont hurt me "

Nagulat naman ako ng biglang nagsalita si nerd na parang takot na takot. Nanginginig din sya kayat napahawak ako sa balikat nya. So bale parang nakayakap ako sa kanya habang sya, nakasandal sa dibdib ko  Nananaginip ata. Shit. Bakit parang basa na yung dibdib ko? Umiiyak ba sya?

" Shhhh... It's ok nerd.. Matulog kana... Shhhh.. Hindi ka nila sasaktan ok? Im here.. I will protect you.. I promise.." hinawi ko nalang yung buhok na tumatakip sa mukha nya bago punasan yung luhang kanina pa tumutulo. Hinayaan kong isiksik nya pa lalo yung mukha nya sa dibdib ko hanggang sa makatulog at kumalma sya.

" Ngayon lang. Ngayon lang ulit ako natakot para sa kaligtasan ng iba. Ano bang meron ka nerd? Sino kaba talaga? Hindi man kita kilalang kilala, pero ano man ang mangyari, buhay ko man ang kapalit, tutuparin ko yung pangako ko sayo"

Mag i 11 na ng gabi ng mapag pasyahan kong pumunta nalang sa condo. Hindi pwede sa bahay at paniguradong nandon yung pito. Baka kung ano pa isipin na ginawa ko.

Maingat kong binuhat si nerd dahil ayokong magising sya. Mahimbing nv natutulog at alam kong ayaw nya ng iniistorbo ang pagtulog nya. Well sino bang may gusto diba?

Ini start ko na ang kotse ng maiayos ko na ang pwesto ni nerd. Syempre. Ayokong magkabukol tong babaeng to kung sakaling mauntog! Safety first tsssk. Napansin ko namang nag shiver sya kayat hinubad ko agad ang suot kong jacket para ilagay sa kanya. Ako naman ang giniginaw ngayon tsssk.

" Nerd nerd nerd.. Kung di ka lang talaga tulog, iisipin kong para paraan mo lang yan para makatabi ako sa pagtulog. Dun kana kaya tumira sa condo ko? Tutal nawiwili kana rin hahaha" ok mukha nakong baliw. Nagsasalita magisa. Eh lintek mahaba habang byahe pa to wala manlang ako makausap. Ayoko naman magpatugtog at baka magising tong nerd nato.

" Tssss. In your dreams. Ang baho mo kasi. Kaya pag naaamoy kita, nahihimatay ako" napatingin naman ako kay nerd ng masama na ngayon ay naka smirk na sakin. Baliw talaga. Ako mabaho!? Hah asa!

" Talaga lang ha. Kaya pala kung makasiksik ka ng mukha mo sa dibdib ko kanina " ako naman ngayon ang ngumisi sa kanya pero inirapan nya lang ako.

" You look cute when you blush" pangaasar ko pa lalo dahil nakita ko ang pamumula ng pisngi nya.

" Shut up. Magdrive ka nalang dyan!" sagot naman nya sabay tingin sa bintana. Guilty!  Ang sarap nyang asarin hahahahaha

•••KINABUKASAN•••

SYDNEY'S POV

" Bakla, ceasefire na? Wala na war? Friends naba!??" bulong sakin ni beks. Kanina pa kami nakatingin kay Kismeth at King James na kanina pa magkatabi at magkausap. Ni hindi na nga sila lumipat sa tamang upuan e!

" Magpapa sopas ako mamaya" Tetsu

" Tinamaan na talaga si JZ " Zymeth

" Hey, wala ba silang balak na maghiwalay dalawa? " nagulat naman ako ng biglang sumulpot sa gilid ko si Rhayn na may subo pang lollipop. Jusko. Isang maling kilos ko lang mahahalikan kona pisngi nya

" A-ah h-hindi ko a-alam " sagot ko naman sabay yuko. Ramdam kong namumula ang pisngi ko dahil bigla itong uminit.

" Umayos ka nga! Tsk " alam kong si Ken-- Kenichie yung humatak kay Rhayn palayo sa mukha ko. Hayss buti naman.

" Eto naman makahatak! Seloso hahahahah" rinig kong kantyaw ni Rhayn kay Kenichie. Lalo naman akong napayuko dahil lalo lang nag init yung mukha ko. Aish.

" So next week, magkakaron tayo ng field trip. Actually, hindi sya yung nakasanayan nating fieldtrip. This time, magna night over tayo in a resort somewhere in Zambales. Personal property sya ng dean natin and he is hoping na lahat ay makakasama" paliwanag ni Mr. Steves na nakakuha ng atensyon naming lahat. Yung iba natuwa pero may ilan rin na nagreklamo.

" Sir, isang gabi lang po ba tayo dun?" tanong ng isa kong kaklase

" Yes. Two days and one night tayo dun so please, packed your things early para wala ng problema. I will be giving you the parent's consent tomorrow so please, make sure to make your parents sign it. Class dismissed" huling sabi ni sir bago lumabas ng room. Naiwan naman ako, si beks, yung grupo nila Crystal, eight kings pati narin si Kismeth at King James na hanggang ngayon ay nakaupo parin.

" A-ah eh K-kismeth tara l-lunch na tayo" aya ko kay Kismeth ng makalapit ako sa kanya pero agad ring napaatras dahil tumingin sakin si King. Nakakatakot mata nya iiiihhh...

" Yeah. Let's go. Sabay sabay na tayo " sumunod naman sakin sila Charles.

" No. Sa akin sasabay kumain si nerd. Kung gusto nyo, sumama nalang kayo" palipat lipat naman ang tingin ko kay King James at Charles dahil nagsusukatan sila ng tingin. Ang haba ng hair ng friend ko!!!

" Tsss " Daisuke na nauna ng lumabas ng room. Tumayo narin si Kismeth at walang lingon likod na lumabas rin ng room. Sumunod naman sa kanya si King James at mga barkada nito. Nakangisi namang sumunod sila Crystal palabas hanggang maiwan kaming dalawa ni beks dito sa room.

" Ay teh. Ano ba shampoo ng gaga? Magamit nga! Windang ako!" sigaw ni bakla na syang ikinatawa ko. Lumabas narin kami sa room para sundan sila Kismeth sa kung saan man kami kakain.

Napansin ko namang pinagtitinginan kami kayat napayuko ako. Alam ko. Hindi dapat ako nakikisama sa mga tulad nila. Masyado silang... Mataas...

" Gaga. Wag kang ano dyan! Alam ko iniisip mo! Isipin mo nalang na, kaya tayo pinagtitinginan, kasi, kasama natin ang 8 kings, ang transferees, dalawang nerd at isang bakla! Kaloka mars! Kakain lang ng lunch pero labinlima tayong sabay sabay na naglalakad! Hahahahaha! " napatawa naman ako sa sinabi ni bakla. Oo nga no hahahahaha. Ang astig

" Bitch faster! Ang bilis nilang lumakad napagiiwanan ang beauty natin! Bilisan mo at naaapakan ang hair ni Kismeth! Malaman ko lang talaga kung ano shampoo ni luka ay nako talaga! " hahahahaha baliw talaga to.

-------------------------------------------------------
Ede ayun. Nakapag ud uli. Inspired e. O expired? Nabulok na ang puso hahahahah chart! Btw guys, may ika klaro lang ako, Mr. Yan dapat yung sa last chapter! Yung sa butler ni Kismeth! Sorry po nagkamali lang hahahaha! Btw, salamat sa inyong lahat! Muahhhhhh

LOVELOTS ❤❤❤
.A.V.C.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 71.8K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
10.1M 95.9K 15
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
23.3M 777K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.