The Unwanted Wife (Unwanted D...

Aimeesshh25 tarafından

1M 14.7K 1.4K

Siya ay isang babaeng simple, kalog at mapang asar. Lahat nang may kinalaman sa pagkabaliw. Siya na 'yon. Lah... Daha Fazla

THE UNWANTED WIFE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 18

12.6K 227 19
Aimeesshh25 tarafından

ERIN'S POV

Nang makasakay na ako sa kotse ni Abby ay pinaandar niya naman agad ito.

"Nakapagpaalam ka ba kay Drake?" napalingon ako dahil sa tanong niya.

"Oo naman 'no. Ang bilis nga pumayag eh." Napapailing kong saad.

Natawa siya bago nagsalita. Bahagya pa siyang lumingon sa akin.

"Hmm? Talaga? Pumayag agad?" Tumango ako. Bahagya siyang nag-isip. "Hindi kaya nagkakagusto na sayo 'yang asawa mo?" Lumingon ulit siya sa'kin.

Hindi naman agad ako nakapagsalita. Nagulat ako sa sinabi niya.

Si Red? Magkakagusto sa akin? Puwedeng ayaw niya lang talaga akong makita or medyo gusto niya na ako. Ewan, mukhang malabo.

But-- what if diba?

Pero sabi naman niya ay wala. Sinabihan niya pa nga ako ng mga masasakit na salita eh.

Napailing ako.

"Malabong mangyari 'yang iniisip mo." sagot ko. May halong dismaya 'yon.

Napahinga siya ng malalim.

"Bakit hindi mo siya.." lumingon siya sa'kin habang nakangiti. Gusto ko naman siyang sapakin dahil sa pambibitin niya.

"I mean, tanungin mo kaya siya diba? Para malaman mo."

Punyemas! Tatanungin ko na naman siya? Eh muntik na kong mapatay noong nakaraan eh.

Mapait akong natawa.

"Ayoko na. Hindi na mangyayari 'yon. Tinanong ko na siya noong nakaraan. Nagalit pa nga eh." Napanguso ako habang inaalala. "Hinukay na naman niya 'yong nakaraan. Kesyo si Clarisse pa rin. Hindi niya ako kayang mahalin kahit kaunti. Hindi niya ipagpapalit sa kagaya ko isang katulad ni Clarisse. "

Mapait akong natawa. Lumingon ako sa kaniya.

"Sa palagay mo, magugustuhan niya pa ako? Punyemas! Dalawang taon na kami e-eh." Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang mabasag ang boses ko.

Napasulyap siya sa'kin at bumuntong hininga. Itinigil niya muna ang kotse sa isang tabi at nag-aalalang tumingin sa'kin.

She sighed. Mabilis akong yumuko.

"Erin, sinabi ko na noon sa'yo eh. Huwag mo siyang mamahalin ng sobra." hinaplos-haplos niya ang likod ko.

Buti hindi 'to nagtataka kung nasaan ang likod ko. Huhu.

Ngumuso ako. "Matagal ko na siyang gusto eh. Simula noong nagbreak kami ng ulupong na 'yon." Tukoy ko sa ex ko.

Ngumiwi siya. "Alam mo naman kung bakit kayo ipinakasal diba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Punyemas! Ipamukha mo pa sa'kin, Abby?

"Alam ko naman 'yon. Matalas ang memorya ko! Hindi ko 'yon makakalimutan." Napahikbi ako. Ngumuso agad ako upang mapigilan 'yon. "Siguro pag natapos na ako sa tungkulin ko bilang asawa niya. Makakalaya na rin siya sa'kin." Sambit ko at agad na nagsituluan ang mga piste kong luha.

"Aww, Erin." Niyakap niya ako at hinaplos na naman ang likod ko. Lalo akong humikbi.

Kumalas siya ng yakap.

"Sshh, tama na. Nandito lang ako." Panay haplos pa rin siya.

Inis ko siyang tinulak nang may matanto. "Ano ba, Abby! Dibdib ko 'yan eh. Por que, wala akong dibdib ah! Akala mo likod ko? Punyemas ka!" Asik ko sa kaniya. Baliktad na kasi ang hinahaplos niya.

Humagalpak siya ng tawa at bumitaw sa'kin.

"Gaga! Parehas kasing flat eh!" Pang aasar pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kaibigan ko ba talaga 'to?

Ginulo niya ang buhok ko. "Tara na. Napaiyak na rin tuloy ako sa'yo. Magsasaya tayo sa mall para mawala 'yang lungkot mo." sambit niya saka pinaandar ang sasakyan.

Nang makarating kami ay ipinark niya na muna ang kotse niya.

"Let's go! Yeeey!" Sigaw agad ng gagang 'to pagkababa.

Napailing na lang ako at sumunod na rin sa kaniya.

"Teka nga. Ano bang bibilhin mo ha? At bakit kasama pa 'ko?" Mataray kong saad.

Kasi naman, inabala niya pa talaga ako. Patay 'to sa'kin pag hindi naman importante ang bibilhin niya.

"Ano ka ba. Bibili ako ng bag." Abala siya sa pagtingin-tingin sa mga stores.

Napanganga ako. "Talaga? 'Yon lang?" Napatingin sa'kin 'yong nakasalubong kong magbabarkada.

"Hey! Huwag ka ngang sumigaw!"

Inirapan ko siya. Paanong hindi ako sisigaw? Punyeta!

"Psh. Okay! Wala lang kasi talaga akong kasama! And besides libre naman kita, anong problema mo? At ayaw mo ba? Makakahinga ka muna kahit saglit sa asawa mo?" Inirapan niya ako nang ngumisi ako. "Tanga mo talaga."

Nanlaki ang mga mata ko ngunit may point naman siya. Oo nga 'no? Sulit din naman 'to.

"Okay! Tara na! Nasaan na ba 'yang bag na 'yan!" hinila ko na agad siya.

Napasimangot siya ngunit nagpatianod na rin.

"Psh. Napakagaling talaga ni Erina!"

Naglakad na lang ulit kami. Kanina pa kami naglalakad pero hindi pa rin namin makita 'yong gusto niya.

"Ano na? Nakahanap ka na ba?" Naiinip kong saad.

"Psh! Maghintay ka puwede!" Inis na rin ang gagang 'to.

Natahimik ako bigla. Sorry naman.

"Psh! Hindi 'yan!" Kausap niya 'yonng babae rito.

"Eh, Ma'am, alin po ba?" Sagot naman noong girl.

"Kulay pink 'yon eh. I swear, dito ko siya nakita noon." Si Abby.

"Ma'am, ito lang po 'yong available eh." Ipinakita noong girl 'yong kulay pink na bag.

Hmm? Maganda naman ah. Ang arte talaga ng bruha na 'to!

"Sa tingin mo gusto ko 'yan?" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya.

Napayuko 'yong babae. Gosh! Ang baliw talaga ng gagang 'to.

Lumapit ako at hinawakan sa balikat si Abby.

"Ikalma mo 'yan." Natatawang ani ko. "Tinatakot mo si Ate eh." Nilingon ko 'yong babae at nakayuko pa rin siya.

Nalungkot ako bigla. Tinapik ko siya sa balikat kaya napaangat siya ng tingin. "Sige  po, Ate. Salamat na lang po. Pasensya na rin." mahinahon kong sambit.

Napatango siya at ngumiti sa'kin.

"S-Sige po, Ma'am. Pasensya na po talaga." tumango na lang din ako.

Natatakot siya umalis sa harap namin. Sinundan ko pa siya ng tingin saka bumaling sa bruhang 'to.

Binatukan ko siya. "Baliw ka talaga!"

"Psh! Ang kulit niya eh." Ngumuso siya.

Hinila ko na siya saka inakbayan. "Dapat kalma lang lagi. Nagtatrabaho siya rito 'no, hindi natin siya pasahod. Tara na nga, kain na muna tayo!" Aya ko.

Napairap naman siya sa'kin bago tumango.

"Basta talaga pagkain eh." nakangiwing aniya.

Eh? Sa gutom na ako. Kanina pa kaya kami naglilibot.

Pumunta na kami sa nadaanan naming restaurant. Um-order agad siya ng pagkain nang makahanap kami ng table.

Kasalukuyan kaming naghihintay ng order nang magsalita siya.

"Mahanap ko lang talaga 'yon, uuwi na tayo." Tamad na aniya.

Tumango na lamang ako. Wala na akong gana talaga. Gutom na gutom na kasi ako.

Tiningnan ko ang counter. Punyemas naman, bakit ba ang tagal? Huhuness.

Ilang sandali pa'y dumating na rin naman ang pagkain. Naglakad sila! Charot.

Tahimik lang kami sa pagkain nang bumukas 'yong pintuan. Rinig na rinig kasi mula sa puwesto namin.

Sinilip ko kung sinong pumasok at muntik na kong mabulunan nang makita ko si Luhan?!

Punyemas! Anong ginagawa nito rito?

Tanga lang, Erin? Malamang kakain siya.

Hindi pala siya nag-iisa. May isang lalaki sa likuran niya. Nang tumalikod si Luhan at lumingon doon ay tuluyan na akong nabulunan nang makilala ko kung sino ang kasama niya!

Punyemas! Kasama niya si Pula!

Omg! I'm doomed!

Huhuness! Paano na 'to? Makikita niya si Abby. Bakit naman kasi nagkasabay-sabay?

Napayuko ako at nilantakan ang pagkain para hindi nila ako mapansin.

Yeah? Kung yuyuko lang ako ng ganito ay hindi nila ako makikita!

Oh right! Ang talino ko!

Sinilip ko sila. Naghahanap na sila ng mauupuan. Yumuko ulit ako nang madako ang mata ni Luhan sa table na nasa likuran namin.

Punyemas!

Takang napatingin sa akin si Abby. "Anong nangyayari sa'yo?"

Nakatalikod kasi siya sa may entrance. Kung nasaan sina Red samantalang nakaharap naman ako.

Lilingon na sana si Abby nang hawakan ko ang ulo niya.

Pinandilatan ko siya ng mga mata at tiningnan ng makahulugan 'yong para bang
 'Sige lumingon ka! Bali ang ulo mo' ganoon!

"Nariyan sina Red." Pabulong kong sabi.

Mabilis na nanlaki ang mga mata niya. Umiling-iling pa siya na pawang hindi makapaniwala.

Tumango-tango naman ako sa kaniya. Mukha na kaming mga tanga!

Gosh! Humigpit ang hawak ko sa mukha niya nang makitang papalapit na sila sa puwesto namin. Punyemas! Bakit? Huhuness.

"Abby! Papunta na sila rito. Huwag kang magpapahalata." bulong ko.

Tumango-tango naman siya.
Naglalakad na sila Red patungo kung nasaan kami. Nauuna si Red at nasa likod niya naman si Luhan.

Yumuko ako at lumamon ng madami para hindi nila kami mapansin. Pag dumaan kasi sila sa tabi namin, ako agad ang mapapansin sa aming table.

Kaya ang kailangan ko lang gawin ay ang yumuko ng bongga!

Padaan na sila. At lintik naman sa kaba ang puso ko!

Naunang dumaan si Red. Umupo agad siya sa may bandang likod ko. Sa likuran namin kasi sila pumwesto.

Heto na. Palapit na si Luhan. Matalas kasi ang paningin ng buwisit na 'to eh. Ayos lang si Red, wala naman 'yang pakialam sa paligid niya.

Padaan na si Luhan..

Ayan na!

Napapikit ako nang matiwasay siyang lumampas sa amin!

Yes! Sa wak--

"Ano, Erin? Nakadaan na ba?" Tanong ni Abby.

Nanlaki ang mga mata ko. Ramdam kong tumigil si Luhan sa paglalakad nang marinig ang sinabi ni Abby.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang hilaw na ngumisi sa akin si Abby.

Patay na! Punyemas talaga! Ang galing talaga ni Abby! Tangina. Idol.

Lumingon si Luhan at sinilip ako. Punyemas!

Kakalbuhin talaga kita, Abby.

"Ha? Erin?" Sinilip niya pa lalo ako. "Oh? Erin! Ikaw nga!" Umupo agad siya sa tabi ko.

Asiwa naman akong ngumiti. Napasulyap ako kay Red. Nakatingin na siya sa gawi namin. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at pumunta siya sa table namin saka walang imik na umupo sa tabi ni Abby. Nagulat ako roon. Bakit naman biglang umupo rin ito rito?

Pinagkatitigan niya ako.

Nakagat ko ang ulit ang labi. Tinarayan ko pa muna si Abby na tahimik na ngumunguya.

Nilipat ko ulit ang tingin kay Red na titig na titig sa akin.

Nagpaalam naman ako ah? Diba, pumayag ka pa nga? Huhuness.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
151K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
1.8M 36.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.